You are on page 1of 5

HUDYAT SA PAGKAKASUNOD-SUNOD NG

MGA PANGYAYARI AT IBA PANG


PANANDANG PANTALAKAYAN
- May mga panandang ginagamit na naghuhudyat ng pag-uugnayan sa iba’t ibang
bahagi ng pagpapahayag. Sa Filipino, ang mga panandang ito ay kadalasang
kinakatawan ng mga pang-ugnay. Ipinakikilala nito ang mga pag-uugnayang
namamagitan sa mga pangungusap o bahagi ng teksto. May mga tungkuling
ginagampanan ang mga pananda. Ilan sa mga ito ang sumusunod:
1. Mga panandang naghuhudyat ng pagkakasunod-sunod ng mga kilos/pangyayari o gawain.

⚫ sa pagsisimula: una, sa umpisa, noong una, unang-una

⚫ sa gitna: ikalawa, ikatlo, sumunod, pagkatapos, saka

⚫ sa wakas: sa dakong huli, sa huli, wakas


2. Pagbabagong lahad - sa ibang salita, sa kabilang dako, sa madaling salita
Halimbawa:
Hindi naman siya nahirapan sa paghahanap ang lalaki, sa madaling salita agad
niyang natunton ang kagubatan na tinitirahan ng diwata.

3. Pagbibigay-pokus - bigyang-pansin ang, pansinin na, tungkol sa


Halimbawa:
Ang pagdiriwang ng pista sa bawat baryo ay tungkol sa pagpapasalamat sa mga
santo.
4. Pagdaragdag - muli, kasunod, din/rin
Halimabwa: Bukod sa kagubatan naninirahan ang mga diwata, sila rin ay mahiwaga.
5. Paglalahat - bilang paglalahat, sa kabuoan, samakatuwid
Halimabwa:
Walang magandang naidudulot ang pagiging sakim, samakatuwid ito pa ay
nagbubunga ng kapahamakan.
6. Pagtitiyak o pagpapasidhi - siyang tunay, walang duda
Halimbawa:
Sa ipinakitang katapatan ng unang magtotroso, walang duda na siya ay mabuting tao.
Panuto: Piliin ang tamang panandang kokompleto sa diwa ng pangungusap sa
bawat bilang. Piliin ang sagot sa loob ng kahon.
 bigyang-pansin kasunod sa umpisa
 samakatuwid siyang tunay

1. __________ ay mahirap talaga ang magsagawa ng pagbabago sa mga ahensya ng gobyerno.

2. Kailangan nating __________ ang mga bagay na makatutulong para sa kababayan nating minorya.

3. __________ ng pagbibigay-pansin ang pagpapaayos sa mga kalsadang nagdurugtong ng kanilang


pamayanan sa pamilihan.

4. __________ ang pagtulong ay hindi dapat matapos sa pagbibigay lang sa kanila ng pagkain kundi suporta
upang makapaghanapbuhay sila nang maayos.

5. Ang pag-alam sa kanilang pangangailangan ay __________ na simula ng magandang pagbabago sa


kanilang buhay.

You might also like