You are on page 1of 11

IBA’T IBANG ESTRATEHIYA NG

PANGANGALAP NG MGA DATOS O


IMPORMASYON SA PAGSULAT
1. PAGBABASA AT PANANALIKSIK

• Mabisa itong ginagamit sa pagpapalawak ng isang


paksang isusulat at pangangalap ng mga kaugnay
na karagdagang kaalaman. Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libor at iba
pang materyales na karaniwang matatagpuan sa
mga aklatan o Internet.
2. OBSERBASYON

• Ito ay isang paraan ng pangangalap ng


impormasyon sa pamamagitan ng
pagmamasid sa mga bagay bagay, tao ,
pangkat , at pangyayari. Inaalam dito ang mga
gawi katangian, at iba pang datos kaugnay ng
inoobserbahang paksa.
3. PAKIKIPANAYAM O INTERBYU

• Makapagtitipong din ng mga kaalamn at


impormasyon sa pamamgitan ng pakikipanayam o
interbyu sa mga taong Malaki ang karanasan at
awtoridad sa paksang inihahanap ng mga
impormasyon.
4. PAGTATANONG O QUESTIONING

• Sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga


tanong ang isang tiyak na paksang gustong isulat.
Kadalasang ginagamit sa prosesong ito ang
pagtatanong na kinapapalooban ng 5Ws at 1H
(What, When, Where, Who, Why at How).
Makatutulong ito upang maidetalye ang paksang
gustong palawakin sa pagsulat.
PAGSULAT NG JOURNAL

• Ang journal ay isang talaan ng mga pangsariling gawain, mga repleksiyon,


mga naiisip o nadrama, at kung ano-ano pa. Para sa mga manunulat,
napakahalaga ng pagsusulat ng journal. Madlas, sa journal nila hinahango o
ibinabatay ang mga akdang kanilang sinusulat. Ang mga draft ng kanilang
akda ay kadalasang isinusulat sa journal. Ang mga ideya o inspirasyon ay
agad din nilang itinatala rio upang hindi makalimutan at muling binabalikan
sa sandaling may panahon na silang magsulat. Ang iba naman ay
naglalarawan sa journal ng mga taong kanilang nakilala, nakikita, o likhang-
isip lamang na kalauna’y maaring magamit upang maging tauhan ng
kanilang kuwento, dula, o nobela. May nagtatala rin sa journal ng mga
bagong salita, idyoma, tayutay, at mga pahayag a nagpapalawak sa
bokabularyo ng manunulat.
6. BRAINSTORMING

• Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng


opinion at katwiran ng ibang tao. Naisasagawa ito
sa pamamagitan ng malayang pakikipagtalakayan
sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
7. PAGSASARBEY

• ito ay isang paraan ng pangangalap ng


impormsayon hinggil sa isang tiyak na paksa sa
pamamagitan ng pagsasagot ng questionnaire sa
isang grupo ng mga respondent.
8. SOUNDING- OUT FRIENDS

• Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang


paglapit ng mga kasambahay, kaibigan, kapitbahay, o
kasama sa trabaho upang magsagawa ng
pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa.
Kalimitang ang usapan ay maikli lamang at impormal.
9. IMERSYON

• – Ito ay isng sadyang paglalagay sa sarili sa isang


karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan
o gawaing kinapalooban. Sa halip na simpleng
pagmamasid, ang manunulat ay nakiisalamuha sa isang
grupo ng mga tao sa pamamgitan ng pakikisangkot sa
kanilang mga gawain bilang paghahanda sa pagsulat ng
isang akda o ulat hinggil sa kanila.
10. PAG-EEKSPERIMENT

• Sa paraang ito, sinusubukan ang isang bagay


bago sumulat ng akda tungkol dito sa
pamamagitan ng isang eksperiment. Madalas
itong ginagamit sa pagsulat ng mga sulating
siyentipiko

You might also like