You are on page 1of 7

PANANALIKSIK

ay ang pag-alam o pagtuklas at pagsubok sa isang teorya.


Ginagawa ito upang malutas ang mga problema at
suliranin na kailangan gawan ng solusyon. Bukod rito, ito
rin ay isa ng sistematikong paghahanap ng mga
importanteng impormasyon tungkol sa isang tiyak na
paksa o problema
Ang mga hakbang sa paggawa ng
pananaliksik

1. Pagbabasa at Pananaliksik- Mabisa itong ginagamit sa


pagpapalawak ng isang paksang isusulat at pangangalap ng mga
kaugnay na karagdagang kaalaman.Magagawa ito sa
pamamagitan ng pagkonsulta sa mga libro at iba pang materyales
na karaniwang matatagpuan sa mga aklatan o internet.
2. Obserbasyon- Ito ay isang paraan ng pangangalap ng
impormasyon sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-
bagay , tao o pangkat, at pangyayari. Inaalam dito ang mga gawi at
katangian at iba pang datos kaugnay ng inoobserbahang paksa.

3. Pakikipanayam o Interbyu -makapagtitipon din ng mga


kaalaman at impormasyon sa pamamagitan ng pakikipanayam o
interbyu sa mga taong malaki ang karanasan at awtoridad sa
paksang inihahanap ng mga impormasyon
4. Pagtatanong o Questioning-

Sinasagot sa pamamagitan ng paglalatag ng mga tanong ang


isang tiyak na paksang gustong isulat. Kadalasang ginagamit sa
prosesong ito ang pagtatanong na kinapapalooban ng 5W’s at
1H (What,When,Where,Who,Why, at How). Makatutulong ito
upang maidetalye ang paksang gustong palawakin sa pagsulat.
5. Pagsulat sa Journal-
Ang journal ay isang talaan ng mga pansariling gawain, mga repleksyon, mga
naiisip o nadarama, at kung ano-ano pa. Para sa mga manunulat, napakahalaga
ng pagsusulat ng journal. Madalas, sa journal nila kanilang akda ay kadalasang
isinusulat sa journal.Ang mga ideya o inspirasyon ay agad din nilang itinatala
rito upang hindi makalimutan at muling binabalikan sa sandaling may panahon
na silang magsulat.Ang iba naman ay naglalarawan sa journal ng mga taong
kanilang nakilala,nakita o likhang-isip lamang na kalauna’y maaaring magamit
upang mging tauhan ng kanilang kuwento ,dula ,o nobela.May nagtatala rin sa
journal ng mga bagong salita, idyoma,tayutay, at mga pahayag na nagpapalawak
sa bokabularyo ng manunulat.
6. Brainstorming - Mabisa itong magagamit sa pangangalap ng opinyon at
katwiran ng ibang tao.Naisasagawa ito sa pamamagitan ng malayang
pakikipagtalakayan sa isang maliit na pangkat hinggil sa isang paksa.
7. Pagsasarbey- Ito ay isang paraan ng pangangalap ng impormasyon hinggil sa
isang tiyak na paksa sa pamamagitan mga respondente.
8. Sounding-out Friends – Ito ay isinasagawa sa pamamagitan ng isa-isang
paglapit sa mga kasambahay , kaibigan, kapitbahay o kasama sa trabaho upang
maisagawa ng pakikipagtalakayan sa kanila hinggil sa isang paksa. Kalimitang
ang usapan ay maikli lamang at impormal
9. Imersyon – Ito ay isang sadyang paglalagay ng isang sarili sa isang
karanasan o gawain upang makasulat hinggil sa karanasan o gawaing
kinapalooban. Sa halip na simpleng pagmamasid,ang manunulat
aynakikisalamuha sa isang grupo ng mga tao sa pamamagitan ng
pakikisangkot sa kanilang mga gawain bilang paghahanda sa pagsulat ng
isang akda o ulat hinggil sa kanila.

10.Pag-eeksperimento – Sa paraang ito, sinusubukan ang isang bagay bago


sumulat ng akda tungkol dito sa pamamagitan ng isang
eksperimento.Madalas itong ginagamit sa pagsulat ng mga sulating
siyentipiko

You might also like