You are on page 1of 15

KOHESYONG GRAMATIKAL

FILIPINO 7
LAYUNIN:
 Natutukoy ang kahulugan ng kohesyong gramatikal
 Naiisa-isa ang mgg uri ng kohesyong gramatikal
 Nakapagbibigay ng halimbawa ng mga ito
 Nasasagutan ang mga pagsasanay
BASAHIN AT SURIIN
ANG TALATA
 Isinilang sa Tokyo ang tagasalin sa Ingles ng
dulang iyong nabasa. Siya ay nagtapos sa
Japan Women’s College bago nagtungo ng
Amerika noong 1992. Naging kawani siya sa
Library of Congress at nagpalimbag din ng
kanyang mga salin ng iba pang akda ng mga
kilalang manunulat na Hapones. Sa
kasalukuyan, siya ay nasa bansang Hapon at
isa na siyang bantog na kritikong
pampanitikan, lektyurer at komentarista.
Siya si Shio Sakanishi.
Ano nga ba ito?
• ITO AY MGA SALITANG TULAD
NG PANGHALIP NA
NAGKAKAWING SA MGA
SALITA, PARIRALA AT SUGNAY.
MAIIWASAN ANG NABANGGIT
NA PAG-UULIT KUNG GAGAMIT
TAYO NG MGA PANGHALIP
TULAD NG SIYA, NIYA, KANILA
AT IBA PA.
APAT NA URI NG
PANANDANG KOHESYONG
GRAMATIKAL
1. Pagpapatungkol (Reference)
2. Elipsis
3. Pagpapalit
4. Pag-uugnay
PAGPAPATUNGKOL
 Ito
ang paggamit ng
panghalip na tumutukoy
sa mga nauuna o
nahuling pangngalan.
ANAPORA/ SULYAP SA
PABALIK

 ang panghalip ay
ginagamit sa hulihan
bilang pananda sa
pinalitang pangngalan sa
unahan ng pangungusap o
talata.
HALIMBAWA
 Ang matatanda sa pamilya ay
dapat nating pahalagahan. Utang
natin sa ating magulang, lolo, o
lola ang ating buhay at
kinabukasan. Sila ang kumakalinga
sa atin noong mga bata pa tayo.
Suklian natin ang kabutihan nila sa
atin.
KATAPORA/ SULYAP NA
PASULONG
 ang
panghalip na ginamit
sa unahan bilang pananda
sa pinalitang pangngalan
sa hulihan ng
pangungusap.
HALIMBAWA
 Sila ay aking iginagalang. Sila ay
nararapat na parangalan. Sila ang
tunay na matatalino lalo na pagdating
sa karanasan. Sa matatanda sa pamilya
ko natutuhan ang maramig bagay. Sila
ang mga lolo at lola na aking iniidolo.
ELIPSIS
 itoang pagtitipid sa
pagpapahayag. May mga
salitang hindi na inilalagay o
nawawala na sa pahayag sa
kadahilanang naiintindihan na
ito sa pahayag at magiging
paulit- ulit lamang.
.
PAGPAPALIT
 ito aypaggamit ng
iba’t ibang pang
reperensya sa
pagtukoy ng isang
bagay o kaisipan.
PAG-UUGNAY
 itoay paggamit ng iba’t
ibang pangatnig upang
pag-ugnayin ang
dalawang pahayag.

You might also like