You are on page 1of 41

YUNIT II


Kakayahang
Lingguwistika ng
mga Pilipino
#SuringTitulo

Suriin ang bawat pangungusap at alamin ang
mga di-wastong gamit ng salita o istruktura
ng bawat pangungusap.
Mayroon namang
Dalawang bangkay,
maglalaro ng
pinatay daw sa
basketball sa plasa
Cavite.
 namin.

Tumakbo ng mabilis Sunod-sunod sa


ang magsasaka daw Pilipinas na tagulan
dahil sa magandang ang mangyayari
balita sa kanya. ngayong Mayo.

Isanlibong piso pa
din ang natanggap
nang magsasaka sa
kanilang produkto.
Kakayahang Gramatikal o
lingguwistik

Tumutukoy sa kaalamang leksikal at
pagkaalam sa tuntunin ng ponolohiya,
morpolohiya, sintaks at semantiks (Canale at
Swains)
Tumatalakay sa ugnayan ng mga
lingguwistikang koda (linguistic codes) sa
isang wika.
Kakayahang Gramatikal o
lingguwistik

Sa kakayahang ito, binibigyang-pokus lamang
ang antas ng pagsusuri sa salita hanggang sa
antas ng pangungusap lamang.
Mahalagang salik sa pag-aaral ng kakayahang
ito ang gramatika.
Kakayahang Gramatikal o
lingguwistik

Ang gramatika ay tungkol sa tuntunin ng
wastong paggamit ng mga bantas, salita, bahagi
ng panalita, pagbuo ng mga parirala, sugnay, at
pangungusap.
Pinag-aaralan sa gramatika ang ponolohiya,
morpolohiya, sintaks, semantika, at ng
etimolohiya o palaugatan ng mga salita.
PONOLOHIYA

Ito ay makaagham na pag-aaral sa mga tunog.
Pinag-aaralan din dito ang wastong pagbigkas
ng mga tunog na tinatawag na ponema.
Isinasaalang-alang ang mga salik tulad ng (1)
ang pinanggagalingan ng enerhiya o lakas; (2)
ang artikulador o kumakatal na bagay; (3)
resonador o palatunugan.
PONOLOHIYA

Ang ponemang segmental ay tumutukoy sa
makabuluhang tunog na maaaring
makapagpabago sa kahulugan ng isang salita.
21 ponema
5 patinig (a, e, i, o, u)
16 na katinig ( p, b, t, d, k, g, m, n, ng, h, s, l, r, y,
w, ’)
Mga Ponemang Katinig
Punto ng Artikulasyon
Paraan ng
Artikulasyon
Labi Ngipin

Gilagid
Ngalangala
Glottal
Palatal Velar

Pasara
w.t. p t k
m.t. b d g
Pailong
m n ng
m.t.
Pasutsot
s h
m.t.
Pakatal
m.t. l r

Malapatinig
y w
m.t.
Mga Ponemang Patinig


HARAP SENTRAL LIKOD

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a
Diptonggo

 Ito ay mga salitang nagtatapos sa malapatinig na /w/ at /y/
na magkasama sa isang pantig.

 Halimbawa:
 ay bahay
 ey reyna
 oy kahoy
 uy aruy
 aw bahaw
 iw agiw
 ow wow
Klaster

 Tinatawag na kambal-katinig dahil binubuo ito ng
dalawang magkaibang katinig sa isang pantig.

 Halimbawa:
grasa klase tsimpoy
braso prinsesa tsinelas
traysikel nars glosaryo
kard dyanitor plato
grupo Kristo transportasyon
Pares-minimal

 Ito ay mga salitang halos magkatunog subalit magkaiba ng
kahulugan.
 Pares-minimal din ang isang salita kung may iisang
kaligiran maliban sa iisang ponema.

 Halimbawa:
pala—bala misa—mesa kawa—gawa
sabi—labi pantay—panday tila—tela
sama—sanairog—ilog alok—alog
Digrapo

Ito ay may tunog na /ng/

Halimbawa:
ngayon ngipinbanga ngiti
bango langit nguso
MORPOLOHIYA

Makaagham na pag-aaral sa pagbuo ng
mga salita sa pamamagitan ng pinakamaliit
na yunit ng isang salita o morpema.
Binubuo ang morpolohiya ng dalawang
bahagi; ang morpemang leksikal at
morpemang pangkayarian.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Asimilasyon
Pagpapalit ng Ponema
Metatesis
Pagkakaltas ng Ponema
Paglilipat -diin
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Asimilasyon
Ang mga pagbabagong nagaganap sa /ng/ sa
pusisyong pinal dahil sa impluwensya ng
ponemang kasunod nito.
May dalawang uri ng asimilasyon:
Asimilasyong parsyal o di-ganap
Asimilasyong ganap
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Pagpapalit ng Ponema
May mga ponemang nababago o
napapalitan sa pagbuo ng mga salita
Halimbawa ng ponemang nagpapalitan
/d/ at /r/
/h/ at /n/
/o/ at /u/
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Metatesis
Kapag ang salitang-ugat na nagsisimula
sa /l/ o /y/ ay ginigitlapian ng { -in}, ang /l/
o /y/ ng salitang-ugat at ang /n/ ng gitlapi ay
nagkakapalit ng posisyon.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Paalala:
May mga salitang nagkakaroon ng pagkakaltas
ng ponema bukod sa pagkakapalit ng posisyon
ng dalawang ponema.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Pagkakaltas ng Ponema
Nagaganap ang pagbabagong ito kung ang
huling ponemang patinig ng salitang-ugat
ay nawawala sa paghuhulapi nito.
Mga Pagbabagong Morpoponemiko

Paglilipat –diin
May mga salitang nagbabago ng diin kapag
nilapian.
Maaaring malipat ng isa o dalawang pantig
ang diin patungong huling pantig o
maaaring malipat ng isang pantig patungong
unahan ng salita.
Kayarian ng Salita

Payak
Maylapi
Inuulit
Tambalan
Kayarian ng Salita

Payak
Salitang-ugat lamang
Walang panlapi
Hindi inuulit
Walang katambal na slaita
Kayarian ng Salita

Maylapi
Salitang binubuo ng salitang-ugat at isa o higit
pang panlapi
May iba’t ibang anyo ng paglalapi
Unlapi
Gitlapi
Hulapi
Kabilaan
laguhan
Kayarian ng Salita

Inuulit
Inuulit ang salita kung ang kabuuan nito o
ang isa o higit pang pantig nito sa dakong
unahan ay inuulit
May dalawang uri ng pag-uulit:
Ganap
Di ganap
Kayarian ng Salita

Tambalan
Ito ay mga salitang pinagsama para
makabuo ng isang salita.
May dalawang uri ng tambalan:
Di-ganap
Ganap
SINTAKS

Tumutukoy sa estruktura ng mga
pangungusap at ng mga tuntuning
nagsisilbing patunay sa pagsasabi ng
kawastuhan ng isang pangungusap.
Ang pangungusap ay binubuo ng mga
morpema, ngunit ang pakahulugan sa
pangungusap ay higit pa sa kabuoan ng mga
morpema.
SINTAKS

Halimbawa:
Pinatawag ng nanay ang bata.
Pinatawag ang nanay ng bata.

Pareho ba ang kahulugan ng dalawang


pangungusap?
SINTAKS

Bahagi ng Pangungusap
Paksa—tumutukoy sa pinag-uusapan sa loob
ng pangungusap
Panaguri—nagsasabi tungkol sa paksa
SINTAKS

Ayos ng Pangungusap
Karaniwan
 Panaguri + paksa
 Umalis ako papuntang SM.
Di-karaniwan
 Paksa + panaguri
 Gumagamit ng pangawing na “ay”
 Ako ay umalis papuntang SM.
SINTAKS

Pangungusap na walang tiyak na paksa
Sambitla
 May patapos na himig sa dulo
 Aray!
Eksistensyal
 Nagpapahayag ng pagkamaroon ng isa o higit pang
tao, bagay, at iba pa.
 May koryente sa bahay.
SINTAKS

Pangungusap na walang tiyak na paksa
Pahanga
 Nagpapahayag ng damdamin ng pagkamangha o
paghanga sa isang tao, bagay, o lugar
 Kayganda pala talaga ng dalampasigan ng Puerto
Galera.
Pamanahon
 Nagsasaad ng uri ng panahon o oras
 Napakalamig! Alas tres na!
SINTAKS

Pangungusap na walang tiyak na paksa
Pormulasyong panlipunan
 Nagsasaad ng pagbati at paggalang na bahagi ng
kulturang Pilipino.
 Mano po. Salamat po.
 Magandang umaga po.
Modal
 Nagsasaad ng pagkagusto, pagkanais o pagkaibig.
 Gusto kong mamasyal.
SINTAKS

Pangungusap na walang tiyak na paksa
Penomenal
 Pandiwang banghay na binubuo ng –um- na
nagsasaad ng pangyayari sa kalikasan, walang
simuno o panaguri ang mga pangungusap na ito.
 Umulan kagabi. Lumindol kahapon.
SINTAKS

Pagpapalawak ng Pangungusap
1. Paggamit ng Ingklitik
2. Paggamit ng mga panuring
3. Paggamit ng pang-abay
4. Paggamit ng Kaganapang pandiwa
SINTAKS

Paggamit ng Ingklitik
Mga katagang pang-abay na isinasama sa
pangungusap upang higit na makapagpalinaw,
magkaroon ng panibagong kahulugan, o
magbigay-diin sa pahayag na nais iparating sa
kausap o mambabasa.
SINTAKS

Mga Halimbawa ng Ingklitik o Paningit

ba na din/rin sana
kasi naman ho tuloy
kaya nga lamang/lang yata
pa man daw/raw
Po pala muna
SEMANTIKA

Ito ay pag-aaral ng lingguwistikang
kahulugan ng mga morpema, parirala, at
pangungusap.
Tumatalakay sa kahulugan ng mga salita sa
iba pang salita, sa parirala, at sa
pangungusap.
SEMANTIKA

Denotasyon
Tumutukoy sa tuwiran o direktang pagtukoy
sa tinatapatang bagay o mas kilalang
diksiyunaryong pagpapakahulugan.
SEMANTIKA

Konotasyon
Tumutukoy sa di-tuwiran o di-direktang
pagtukoy sa tinatapatang bagay
Ang kahulugan ay nakabatay sa kung paano
ginagamit ang salita sa pangungusap

You might also like