You are on page 1of 12

Aralin 1: Balangkas Ng Wika

Maaaring alam nyo na ang kahulugan ng wika, sapagkat ito ay natalakay na sa


mga unang aralin. Ngunit tayo muna ay magbalik-tanaw. Ang wika ay
masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang
arbitraryo upang magamit ng mga taong may iisang kultura. (Henry Gleason
1961).

Ayon din kay Archibald Hill, ang wika ang pangunahin at


pinakaelaboreyt ng simbolikong gawaing pantao.  Ang mga simbolong ito
ay binubuo ng mga tunog na nalilikha ng aparato sa pagsasalita at
isinasasaayos sa mga klase at patern na lumilikha sa isang kumlikado at
simetrikal na istraktura. Ang mga simbolong ito ay mayroon ding kahulugang
arbitraryo at kontrolado ng lipunan. Ilan lamang iyan sa mga sikat na
pagpapakahulugan ng mga manunulat kung ano ba ang ibig sabihin ng wika. Sa
aralin na ito, ay inyong malalaman ang balangkas ng wika. Kung papaano
nabubuo ang isang salita, at kung papaano nakabubuo ng isang pangungusap.

Ang wika ay masistemang balangkas dahil ito ay binubuo ng mga


makabuluhang tunog (ponema) na kapag pinagsama-sama sa iisang
sikwens ay makalilikha ng mga salita (morpema) na bumabagay sa iba
pang mga salita (semantiks) upang makabuo ng pangungusap. Ang
pangungusap ay may istraktyur (sintaks) na nagiging basehan sa
pagpapakahulugan sa paggamit ng wika.

Ponolohiya  – Tumutukoy sa maka-agham na pag-aaral


ng makabuluhang tunog na kinikilalang ponema.
Ponema – Pinakamaliit na yunit ng tunog na may kahulugan. Tandaan,
hindi lahat ng tunog na naririnig sa paligid ay matatawag na wika. Sadyang
kinakailangan na ito ay nauunawaan at sadyang nagagamit sa pagpapaunlad ng
wika.

Morpolohiya – Ito ay tumutukoy sa maka-agham na pag-aaral


ng makabuluhang salita. Nakapokus ito sa salitang-ugat at maging sa
tinatawag na panlapi. Sinusukat ng indibidwal ang kakayahan sa bahaging ito
ang kakayahan na magamit ang kaalaman sa pagtukoy sa mga pinagmulan ng
salita at paano ito napauunlad sa pamamagitan ng pagdaragdag ng iba't ibang
panlapi (unlapi, gitlapi, hulapi, laguhan at kabilaan).

Morpema – pinakamaliit na yunit ng salita na may kahulugan. 

Sintaksis  – Sistema ng pag-uugnay-ugnay at pagsasama-sama ng mga


salita upang makabuo ng pangungusap. Nakapokus rin ito sa tinatawag
na sambitla. Ang sambitla ay ang mga salitang biglaang nabibigkas o nasasabi
ng tao na mayroong iisang salita lamang ngunit, may buo na mensahe at
mayroong emosyon na naipamamalas.

Semantiks – ang pag-aaral ng relasyon ng salita sa bawat isa sa iisang


pangungusap; ang mga salita sa pagbuo ng pangungusap ay bumabagay sa sa
iba pang salita sa pangungusap upang maging malinaw ang nais ipahayag.
Nakapokus ito sa pagbibigay ng mga kahulugan o mensahe na nais maibigay ng
tao. Nakapaloob rito ang konsepto na paano binibigyang interpretasyon ng tao
ang narinig, nabasa, nasambit at nakita nito. Tandaan, nagkakaroon ng ibang
interpretasyon ang wika batay sa tumatanggap nito.

Mayroon din na tinatawag na diskurso. Ang diskurso  ay nagmula sa


salitang Latin na "discursus"  na nangangahulugang "running to and
from". Naglalaman ito ng mahahalagang argumento at kinakailangan na ang
paglalahad ng mga impormasyon ay maayos at mayroong organisasyon
sapagkat, ito ay lubusang pinag-iisipan mabuti bago bigkasin o bitiwan.
Nagiging interaktibo rin ang paglalahad ng mga datos sa
pamamaraang berbal o pasulat.

Aralin 2: Ponemang Segmental At Suprasegmental

Alam ba ninyo na ang ponema ay isa sa mga yunit ng tunog na nagpapakita ng


kaibahan ng salita mula sa isa pang salita ng partikular na wika? Ang
pagkakaiba ng kahulugan ng mga salitang Filipino na “baha” at “bahay” ay
bunga ng pagkakaroon ng dagdag na ponemang /y/ sa salitang “bahay”. Kung
gayon ang ponema ay ang pundamental at teoretikong yunit ng tunog na
nagbubuklod sa salita. Nakakabuo ng ibang kahulugan kapag pinapalitan ang
isang ponema nito.

Nabanggit na sa unang aralin ang kahulugan ng ponema – ito ay ang


pinakamaliit nay unit ng tunog na mayroong kahulugan. Ngayon naman ay
tatalakayin natin ang dalawang uri ng ponema. ito ay ang Ponemang Segmental
at Ponemang Suprasegmental.

Ponemang Segmental  – ito ang mga tunog na ginagamitan ng mga katumbas


na letra upang mabasa at mabigkas.

 Katinig – ipinakikita ang mga ponemang ito batay sa paraan at punto ng


artikulasyon at kung ang mga ito ay may tinig (m.t) o walang tinig (w.t).
Ito ay binubuo ng b, d, g, h, k, l, m, n, p, r, s, t, w, x, y at ng.

 Punto ng Artikulasyon  – bahagi ng bibig kung saan nagaganap ang


pagbuo ng katinig

 Paraan ng Artikulasyon – paraan kung paano nalilikha ang mga


katinig.

Ang Tsart ng mga Ponemang Katinig ng mga Filipino


  PUNTO NG ARTIKULASYON
  Pang- Pang- Pangngalangala  
PARAAN NG ngipin gilagid Palatal Velar
ARTIKULASYON Panlabi Glottal
Pasara            

?
w.t P t k

m.t b d g
Pailong            

m.t m n ŋ
Pasutsot            

w.t s h
Pagilid            

m.t l
Pakatal            

m.t r
Malapatinig            

m.t w
 

 Patinig  – ito ang itinuturing na pinakatampok na bahagi ng pantig. Ang


limang pantig ng Wikang Filipino ay ang a, e, i, o, u.

TSART NG PONEMANG PATINIG


  HARAP SENTRAL PINAL

(INISYAL) (MIDYAL) (LIKOD)


MATAAS /i/   /u/
GITNA /e/   /o/
MABABA   /a/  
 

 Diptonggo – magkasamang patinig at katinig sa isang pantig. May


pitong diptonggo sa Filipino: ay, ey, oy, uy, ow, aw, iw.

Halimbawa: bahay, kahoy, kalabaw, saliw

 Klaster o Kambal Katinig – ito ang magkasunod na katinig sa isang


pantig.

Halimbawa: pluma, pluma, krimen, gripo

Ponemang Suprasegmental  – karaniwang hindi tinutumbasan ng mga letra


sa pagsulat, kundi mga simbolo lamang upang matukoy ang paraan ng
pagbigkas.

  Diin – paglakas o paghina ng pagbigkas ng isang salita.

1. Uri ng Diin

         a. Malumay – háyop, babáe, úlo

        -tumataas ang tinig sa ikalawang pantig buhat sa hulihan.


        -nagtatapos sa patinig at katinig.

        -walang tuldik.

         b. Malumi – batà, sipì, punò

         -may tuldik na paiwa ( ` )

         -nagtatapos sa patinig lamang

         -may impit sa huling pantig ng salita

        c. Mabilis – matá, buhók, pisngi

        -may tuldik na pahilis ( ‘ )

        -mabilis ang pagbigkas at walang impit

        -nagtatapos sa patinig at katinig

        d. Maragsa – dugô, mukhâ, dukhâ

        -nagtatapos sa patinig lamang

        -mabilis ang pagbigkas at may impit sa huling pantig.

        -ginagamit ang tuldik na pakupya ( ^ )

  Tono, Intonasyon, Punto  – tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng tinig


sa pagsasalita.

 Hinto, Antala – saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging


malinaw ang ibig na sabihin.

Halimbawa:

Hindi, ako ang nagsabi.

Hindi ako ang nagsabi.

Haba – tumutukoy sa haba o ikli ng bigkas sa patinig ng salita.

Halimbawa:

a.       /magnana•kaw/ - stealer

/magna•na•kaw/ - will steal

b.      /mag•aaral/ - student

/mag•a•aral/ - will study


Aralin 3: Bahagi Ng Pananalita

Sa balarila, ang mga bahagi ng pananalita ay isang linggwistikong


kaurian ng mga salita (o mas tumpak na sabihing bahaging panleksiko)
na pangkalahatang binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng
sentaktiko at morpolohikong asal ng bahaging panleksikong tinutukoy.

Ang bahagi ng pananalita ay nahahati sa dalawang uri: pangnilalaman at ang


pangkayarian. 

Pangnilalaman  - nakapaloob o nakapokus ito sa nais maipakahulugan na


mga pangungusap. Ipinakikita sa bahaging ito ang kakayahan ng indibidwal na
maibigay at maipaunawa sa pamamagitan ng pasulat at pasalita na pahayag.

Narito ang mga bahagi ng pananalita na nakapaloob sa pangnilalaman:

Pangngalan – Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,


hayop, lugar o pangyayari. Mayroong dalawang uri ng pangngalan, ito ay ang
pangngalang pantangi at pangngalang pambalana.

Pantangi  – mga pangngalang nagsisimula sa malaking titik na tumutukoy sa


tangi o tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari. Ispesipikong
ngalan na ibinibigay ng tao, hayop, bagay, lugar o pangyayari.

Halimbawa: Gng. Cruz, Tagaytay, Sto. Domingo Church

Pambalana  – mga pangngalang nagsisimula sa maliit na titik na tumutukoy sa


pangkalahatang ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar, pangyayari at iba pa.
kasama rin ang kabuuan ng mga basal na salita.

Halimbawa: guro, probinsya, simbahan

Panghalip – ang tawag sa bahagi ng pananalita na ginagamit sa


panghalili sa isang pangngalan sa pangungusap upang hindi paulit-ulit ang
salitang ginamit.

Halimbawa: Ang ina ay dakilang nilalang. Siya ang ilaw ng tahanan.

May apat na uri ng panghalip: panghalip panao, panghalip pamatlig,


panghalip na pananong at panghalip na panaklaw.
Panghalip Panao  – ipinapalit sa ngalan ng taong nagsasalita, sa taong kausap
at sa taong pinag-uusapan. May kailanan ang panghalip panao. Ito ay maaaring
isahan, dalawahan at maramihan.

Halimbawa: tayo, ikaw, kami, sila, ako

Panghalip Pamatlig  – inihahalili sa pangngalang nagtuturo ng lugar ng


kinalalagyan ng pangngalan. Na malapit o malayo sa nagsasalita, kinakausap o
nag uusap.

Halimbawa: ito, heto, dito, iyan, doon

Panghalip na Pananong  – ito ay ginagamit sa pagtatanong.


Halimbawa: sino, saan, kailan

Panghalip na Panaklaw  – sumasaklaw sa tao, bagay, pook, o pangyayari.

Halimbawa: anuman, sinuman, saanman

Pang-uri – salitang ginagamit na naglalarawan sa tao, bagay, pook, o


pangyayari.

Halimbawa: Maganda ang mga tanawin sa Puerto Galera.

Pandiwa – ay bahagi  ng pananalita na nagsasaad ng kilos o galaw. Ang


pandiwa sa Filipino ay binubuo ng salitang-ugat at isa o higit pang panlapi. Ang
salitang-ugat ang nagbibigay ng kahulugan sa pandiwa samantalang ang
panlapi nanan ay nagpapahayag ng ugnayangpansemantika ng pandiwa sa
paksa ng pangungusap.
Halimbawa: Naglalaro ng habulan ang mga bata.

Pang-abay – ang pang-abay ay bahagi ng pananalita na nagbibigay turing


sa pang-uri, pandiwa, o kapwa niya pang-abay.

Halimbawa: Mabilis niyang kinuha

Pangkayarian - nakapokus naman ito sa pamamaraan na paano


ginagawa o paano nabubuo ang mga pangungusap at paano ito lubos na
makatutulong sa mga tao.

Pangatnig – ang pangatnig ay ginagamit pang-ugnay sa isang salita o


lipon ng mga salita sa isang pangungusap. Ginagamit ito na upang
mapadugtong ang mga salita.

Halimbawa: ngunit, at, subalit, kaya, dahil


Pang-angkop – ang pang-angkop ay ang mga katagang nag-uugnay sa
magkakasunod na mga salita ipang mas maging madulas o mas madali ang
pagbigkas nito.

Halimbawa: na, nang, ng

Pang-ukol – ang pang ukol ay mga salitang ginagamit upang dugtungin


ang pangngalan, panghalip, pandiwa, o pang-abay sa pinag uukulan nito.

Halimbawa: ukol, ng, para

Pantukoy - mga salitang ginagamit sa pagtukoy sa tao, bagay, lugar.

Halimbawa:  ang, ang mga, mga, si, sina, ni, nina, kay

Pangawing - nagpapakilala ng ayos ng mga bahagi ng pangungusap.

Halimbawa: ay

Aralin 4: Wastong Paggamit Ng Salita

Mayroong mga salita sa wikang Filipino na madalas natin gamitin na akala natin
ay kapareho o kasingkahulugan ang nararapat na salita, gaya ng paggamit ng
din at rin. Marami sa atin na akala natin ay magkatulad lang ang kahulugan
nito. Oo magkatulad lamang sila, ngunit nagkakaiba sila sa paggamit. At yan
ang tatalakayin natin ngayon sa aralin na ito.

Ang bawat salita ay may tiyak na kahulugan. Maaaring magbago ang kahulugan
ng isang pahayag kung mali ang gamit na salita. Maramings alita sa Filipino ang
nagkakapalitan ng gamit. Ito ay bunga ng kakulangan ng pag-unawa sa
kahulugan ng salita at gamit nito sa pangungusap. At dahil dito, nagkakaroon
tuloy ng kamalian at hindi malinaw na pagpapakahulugan sa mensahe o
pahayag.

Ilan sa mga salitang ito ay ang mga sumusunod:

May at Mayroon – ginagamit ang may kung ito’y sinusundan ng mga


sumusunod na bahagi ng pananalita: pangngalan, pandiwa, pang-uri,
panghalip na paari, pantukoy na "mga", pang-ukol na "sa". Samantalang
ginagamit naman ang mayroon kapag ito ay sinusundan ng isang  kataga o
inklitik o maaari rin ito kung sinusundan ng panghalip na palagyo.

Kina at Kila – walang salitang kila. Ang kina ay maramihan ng kay. Ito ang
wastong pamamaraan ng pagpapalit ng salitang kay kung grupo o maraming
ngalan ng tao ang papalitan o tutukuyin.
ito ang panimula ng katulong na sugnay.  Nagmula sa ‘na’ at inangkupan ng
‘ng’ at inilagay sa pagitan ng pandiwa at panuring nito. Ginagamit din ito sa
gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit at dalawang pawatas o neutral na
inuulit at dalawang pandiwang inuulit. Samantalang, ang ng ay ginagamit na
pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.

Subukin at Subukan - ang subukin ay nagangahulugan ng pagsusuri o


pagsisiyasat sa uri, lakas, o kakayahan ng isang bagay o
tao.  Ang  subukan ay nangangahulugan ng pagmamanman upang
malaman ang giangawa ng tao o mga tao.

Daw/din at raw/rin - Ginagamit ang daw/din kapag ang salitang


sinusundan ay nagtatapos sa katinig. Ang raw/rin naman ay nagtatapos
sa  patinig.

Aralin 1: Kahulugan ng Pananaliksik

Ayon kina Calderon at Gonzales noong 1993, ang pananaliksik ay isang


sistematiko at maprosesong hakbang ng pangangalap, pag-aanalisa,
pagsasaayos ng mga datos para sa mga pagdiskubre ng makatotohanang
impormasyon. Ipinapalagay rito na ang isang pananaliksik ay mayroong
sinusunod na iba't ibang hakbang nang sa gayon ay maipamalas at maipakita
ang epekto sa hinahanarap batay sa mga nakalap na datos na magagamit hindi
lamang sa maiklinng panahon.

Ayon naman kay Magpile, ang pananaliksik ay isa ring pangangalap ng


makatotohanang impormasyon na humahantong sa kaalaman.  Kung
pagbabatayan ang salitang-ugat ng salitang pananaliksik na “saliksik”,
ito ay nangangahulugang “paghahanap”.  Sa Ingles, ito ay tinatawag
na research.  Ang isang pananaliksik ay kinakailangan na nakabatay lamang sa
pawang mga katotohanan. Ang isang nailathalang pananaliksik ay isa ring
produkto ng isa pang pananaliksik. Kinakailangan na magsaliksik ang tao
sapagkat, tumutulong ito upang mapaunlad hindi lamang ag indibidwal kung
hindi maging ang lipunan na ginagalawan nito. Hindi angkop sa isang
pananaliksik ang pagtatala ng pansariling opinyon o kurokuro sapagkat, maaari
itong magpakita ng pagpanig ng mananaliksik sa sarili nito. 

Ang pagsasagawa ng pananaliksik ay naaayon sa iba’t ibang kadahilanan. 

Una, ito ay ang nagbibigay ng pagkakataong makatuklas ng bago at


napapanahong mga impormasyon o datos.  Dahil patuloy na nagtatanong
ang tao, patuloy rin ang paghahanap nito ng mga kasagutan at mabibigyan ito
ng solusyon sa pamamagitan ng pananaliksik. Sa bawat paghahanap ng
indibidwal ng datos, patuloy itong nakakadiskubre ng bago na makatutulong
upang lumago at lumawak ang nalalaman na magagamit sa pagpapalawak ng
kasanayan.

Ikalawa,  layunin  din nitong maghamon sa makatuwirang pagpapalagay


o pagtanggap ng katotohanan.  Sinusukat ng pananaliksik ang kakayahan ng
indibidwal na matukoy at malaman ang katotohanan sa hindi. Ipinagpapalagay
rin sa bahaging ito ang kakayahan ng indibidwal na tumuklas ng mga
makatotohanang datos na malayang susuporta sa nais nitong mapatunayan na
pag-aaral. Isa pa ay ang pananaliksik ay binubuo lamang ng mga
makatotohanang datos. Ang hindi lubusang mga napatunayang datos at kulang
ay hindi gaanong nagagamit at tinatangkilik sa paglikha ng isang pananaliksik.

Ikatlo, nagdaragdag din ito ng panibagong interpretasyon sa mga


dating ideya o kasipan.  Dahil sa patuloy na lumalawak ang kaalaman ng
mananaliksik sa proseso ng pananaliksik, nagkakaroon ng pag-usbong ng mga
bagong kaalaman at proseso na tinatangkilik ng bawat isa. Tandaan, habang
nagkakaroon ng pagbabago sa tao, pag-aaral, panahon, lipunan o mundo,
kinakailangan na makabago rin ang pagtanggap ng paglalahad ng solusyon. Ika
nga ng iba, "modern problems requires modern solutions." Kailangan
magkaroon ng pagbabago sapagkat, hindi sa lahat ng pagkakataon ay magiging
katanggap-tanggap ang tradisyonal na pamamaraan ng pangangalap ng datos.

Ikaapat, naglilinaw o sumasagot sa pinagtatalunang isyu. Ang


pananaliksik ay sadyang isinasagawa upang mabigyang kasagutan ang mga
problema ng tao o ng isang mundo. Hindi gumagawa ng isang pananaliksik
upang madagdagan lamang ang kinakaharap na krisis. Nagsasagawa ng
pananaliksik sapagkat, kinakailangan ng indibidwal na mabawasan ito at
makaisip pa ng iba't ibang pamamaraan upang maiwasan na rin ang paulit-ulit
na pagtamo nito.

Aralin 2: Katangian ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay sadyang nagmula sa mga makabuluhang datos na naging


bunga na rin ng pag-aaral ng mga eksperto. Hindi maikakaila na sadyang
kailangan ang pananaliksik upang mapaunlad ang tao at maging ang isang
bansa. Ngunit, ano-ano nga ba ang mga katangian ng isang pananaliksik?
Paano nga ba natin lubhang matutukoy ang kahusayan ng isang pananaliksik?

Ang mga sumusunod ay ang mahahalaga at kailangan na taglayin ng isang


pananaliksik.

Una, dapat na maging sistematiko.  Dapat na may sinusunod itong


proseso o magkakasunod-sunod na hakbang tungo sa pagtuklas ng
katotohanan, solusyon ng suliranin o ano pa mang nilalayon sa pananaliksik.

Ikalawa, ang pananaliksik ay kontrolado. Lahat ng mga baryabol na


sinusuri ay kailangang konstant. Sa madaling salita, hindi dapat baguhin, nang
sa gayon, ano mang pagbabagong magaganap ay maiuugnay sa eksperimental
na baryabol. Ito ay kailangan lalong-lalo na sa mga eksperimental na
pananaliksik.  

Ikatlo, ang pananaliksik ay empirikal, kailangang maging


katanggap-tanggap ang mga pamamaraang ginamit sa pananaliksik,
maging ang mga datos na nakalap.  Kailangang mayroong sapat na batayan
na pinaghanguan ang mga datos na nakalap at mayroon itong mga
sumusuportang mga detalye upang maipamalas na wasto at maayos ang
pananaliksik at paksa.

Ika-apat, mapanuri. Ang mga datos na na nakalap ay kailangan suriin


nang kritikal upang hindi magkamali ang mananaliksik sa paglalapat ng
iterpretasyon sa mga datos na kanyang nakalap. Kadalasan pa, gumagamit ang
mga mananaliksik ng mga nabalideyt nang pamamaraang pang-estadistika sa
pagsusuri ng mga datos upang masabing analitikal ang pananaliksik.

Ikalima, orihinal na akda.  Maliban sa historical na pananaliksik, ang mga


datos na nakalap ng mananaliksik ay sarili niyang tuklas at hindi mula sa
panulat, tuklas o lathala ng ibang pananaliksik. Idagdag pa na ang mga datos
ay kailangang nagmula sa mga primary sources o mga hanguang first-hand.

Ika-anim, matiyaga at hindi dapat minamadali. Upang matiyak ang


katumpakan o accuracy ng pananaliksik, kailangan pagtiyagaan ang bawat
hakbang nito. Ang pananaliksik na minadali at ginawa nang walang pag-iingat
ay kadalasang humahantong sa mga hindi matitibay na kongklusyon at
paglalahat.

Ikapito,  maingat sa pagtatala at pag-uulat ay isa ring katangian ng


pananaliksik.  Lahat ng datos na nakalap ay kailangang maingat  na maitala.
Ang maliit na pagkakamali ay maaaring makaapekto sa mga tuklas ng
pananaliksik.

Ikawalo, maiulat sa pasulat na paraan sa anyo ng isang papel-


pampananaliksik.  Para sa angkop na dokumentasyon at kadalasan, sa
pasalitang paraan o tinatawag na oral presentation  o defense.  Kailangan na
maipamalas ng mananaliksik ang maipaliwanag at mabigyag hustisya ang
pananaliksik na isinagawa upang ito ay maging makatotohanan at katanggap-
tanggap.

Aralin 3: Iba't ibang Uri ng Pananaliksik

Ang pananaliksik ay ang masistemang pamamaraan ng paghahanap ng mga


makabuluhang datos patungkol sa ispesipikong paksa na makatutulong upang
mapaunlad ang kaalaman ng mga tao at makatulong nang lubos sa pagbibigay
solusyon sa isang tiyak na isyu o problema. Ang pananaliksik ay mayroong iba't
ibang katangian at lalo na uri kung kaya't mahalaga na maging tiyak at wasto
ang gagamiting pamamaraan rito. Mahalagang mayroong kaalaman ang
mananaliksik sa gagamiting pananaliksik upang maging wasto ang
pamamaraan at ang mga datos na kakailanganin para sa paksa. 

Nahahati sa iba't ibang uri ang pananaliksik at mayroong mga tiyak at angkop
na pananaliksik ang maaaring gamitin ng mananaliksik sa pag-aaral ng tiyak na
paksa.
A. Ayon sa  Layunin

1. Puro o Pangunahing Pananaliksik - ang puro o pangunahing pananaliksik


o pure or fundamental research sa Ingles ay may layuning alamin kung ang
isang teorya ay makatotohanan at katanggap-tanggap. Ipinagpapalagay sa
pananaliksik na ito kung ang mga nakalap na teorya ay angkop upang
masuportahan ang isinasagawang pananaliksik. Isang mahalagang bahagi ng
pananaliksik ang paglalahad ng teorya sapagkat, nagsisilbi itong matibay na
batayan at pagpapatunay sa pananaliksik.

2. Praktikal o Aplikadong Pananaliksik  -  ang aplikadong pananaliksik


o applied research naman sa Ingles ay gumagamit ang mananaliksik ng mga
teorya o kinikilalang prinsipyo bilang paraan ng pagtugon. Ibig sabihin, ang
mga nakalap na datos o mga teorya ay opisyal na gagamitin upang matiyak
kung mayroong maayos na patutunguhan ang pananaliksik. Sadyang
isinasagawa ito upang makita ang epekto nito kung mabisa o hindi.

B. Ayon sa Nilalamang Estadistikal

1. Kuwantatibong Pananaliksik - ang kuwantatibong pananaliksik


o quantitative research ay nakabatay ang pagkakaroon ng mabisang epekto nito
batay sa numero o sa mga datos na nakalap. Tinitingnan ang epekto nito batay
sa gaano kataas o kababa ang probabilidad.

2. Kuwalitatibong Pananaliksik - ang kuwalitatibong pananaliksik


o qualitative research ay nakapokus naman hindi sa numero kung hindi sa
pamamaraan sa pamamagitan ng paglalarawan ng mga ugnayan ng mga
nakalap na datos. Paano nakaaapekto ang isang baryabol sa isa pang baryabol.

C. Ayon sa Pagsusuri

1. Mapanuring Pananaliksik  - ang mapanuring pananaliksik o analytical


research ay kinakailangan na ginagamitan ng malalim at kritikal na uri ng pag-
iisip upang makita at mapatunayan nang husto kung wasto at katanggap-
tanggap ang mga nakalap na datos.

2. Holistikong Pananaliksik - ang holistikong pananaliksik o holistic


research ay sadyang nakapokus sa mas malawak na pamamaraan ng pag-aaral.
Sinisiyasat nito ang kabuoang pamamaraan ng pananaliksik simula sa pamagat
hanggang sa kahuli-hulihang proseso ng pananaliksik. Tinitingnan ang mas
malawak na pag-alam ng paksa.

D. Ayon sa Paraan ng Pagtugon sa Suliranin

1. Ebalwatibong Pananaliksik - ang ebalwatibong pananaliksik o evaluation


research, dito sinusuri ng mananaliksik ang kahalagahan ng isang programa
batay sa impormasyong nakalap. Tinataya rito kung mahalaga o epektibo ang
pananaliksik sa nakararami. 

2. Maunlad na Pananaliksik - ang maunlad na pananaliksik o developmental


research,  layuning gamitin ang impormasyong nakalap upang
makapagbalangkas, makabuo, makapagsuri ng programa, proseso, produkto. 

E. Ayon sa Antas ng Pagsisiyasat


1. Pagalugad na Pananaliksik  - ang pagalugad na pananaliksik o exploratory
research, kailangang makahanap ng bagong ideya, palawakin ang kaalaman sa
isang pag-aaral. 

2. Deskriptibong Pananaliksik - ang deskriptibong pananaliksik o  descriptive


research naman ay tiyak na paglalarawan ng mga katangian ng isang tao,
pangkat, o sitwasyon o sitwasyon.

3. Eksperimental na Pananaliksik  - ang eksperimental na pananaliksik


o experimental research ay mayroong layuning alamin ang ang epekto ng isang
pagsubok, eksperimento at ihambing ang resulta sa isa pang pangkat.

You might also like