You are on page 1of 60

ISTRUKTURA

NG WIKANG
FILIPINO
Dapat sanayin sa Filipino sa larangan ng
edukasyon o akademiko ang pagkakaroon ng
kakayahang komunikatibo o communicative
competence. Ito ay pagkatuto ng wika sa loob
ng klasrum kung saan iniuugnay sa mga
agwaing pangwika sa labas ng silid-aralan
(Nunan, 1991).
2
Elemento ng Communicative
Competence (Canale at Swain, 1980)
1. Linguistic/ Grammatical
Competence
2. Sociolinguistic Competence
3. Discourse Competence
4. Strategic Competence

3
Mahalagang magpokus muna sa
aspektong kakayahang
panlinggwistika at pandiskurso na
magbibigay-tuon sa ponolohiya,
morpolohiya, sintaksis at semantiks
bago ang aktwal na aplikasyon.
4
1
PONOLOHIYA O
PALATUNUGAN
6
PONOLOHIYA
PONEMA
Ponolohiya o Makaagham na
Makahulugang
Palatunugan pag-aaral ng mga
yunit ng tunog
tunog

7
Mga Salik sa Pagsasalita
1. Ang Pinanggagalingan ng lakas o
enerhiya – Ito ang gumagawa ng puwersa
o presyon na nagpapalabas ng hangin
galing sa baga.
2. Artikulador – bagay na nagpapagalaw
sa hangin na lumilikha ng tunog, kung saan
naroon ang vokal-kord.
3. Resonador – sumasala at
nagmomodipika ng mga tunog patungong
bibig.
8
Bahagi ng Bibig na Mahalaga sa Pagbigkas ng
mga Tunog
1. Dila at panga (sa ibaba)

2. Ngipin at labi (sa unahan)

3. Matigas na ngalangala (sa itaas)

4. Malambot na ngalangala (sa


likod)
10
URI NG PONEMA
Ponemang Segmental – kabilang ang mga
katinig, patinig, diptonggo, kambal-katinig o
klaster at pares minimal.

Ponemang Suprasegmental – kabilang


naman dito ang diin, intonasyon at hinto.

11
Ponemang Segmental
Ito ang tawag sa mga makahulugang
tunog na nirerepresenta ng simbolo at mga
titik na maaaring katinig o patinig at
nagsisilbing gabay sa pagbigkas.

Ponemang patinig - /a/, /e/, /i/, /o/, /u/


Ponemang katinig - /b/, /d/, /g/, /h/, /k/, /l/,
/m/, /n/, /p/, /r/, /s/, /t/, /w/, /y/, //, //
12
Ponemang Segmental
Maituturing na ring mga ponema/ fonema
sa Filipino ang mga titik na /f/, /j/, /v/, /z/, /c/, /ñ/
(Arrogante, 2007).

Sumisimbolo sa digrapo o dalawang titik na ng


ang ponemang //. Samantalang, ang
ponemang // naman ay kumakatawan sa gitling
at sa diing may impit (malumi at maragsa.)
13
14
PUNTO NG PAGBIGKAS O ARTIKULASYON
PARAAN
Pang-
(Ponemang Panlabi-
Pang- Pang- ngala-
Pang-ngala-
Panla- Impit/
Katinig) Panlabi Pang- ngala
ngipin gilagid ngala lalamunan Glottal
ngipin malambot
matigas

Pasara w.t p t k 
Pasara m.t b d g
Pasutsot w.t s h
Pasutsot m.t z
Frikativ w.t f c
Frikativ m.t v j
Pailong m n ñ 
Pagilid l
Pangatal r
Malapatinig y w
15

Mga Ponemang Patinig ng Filipino


Harap na Gitnang Likod na
Bahagi ng Bahagi ng Bahagi ng
Dila Dila Dila

Mataas i u

Gitna e o

Mababa a
16

Mga Diptonggo
Ang diptonggo ng Filipino ay aw, iw, iy,
ey, ay, oy, at uy. Ito’y tumutukoy sa alinmang
patinig na sinusundan ng malapatinig na /w/ o
/y/ sa loob ng isang pantig.

Halimbawa: sayaw, giliw, kami’y (dinaglat na


kami at ay), reyna, bahay, taghoy,
aruy
17

Mga Diptonggo ng Filipino


Harap Gitna Likod

Mataas iw, iy uy

Gitna ey oy

Mababa aw, ay
18

Mga Klaster
Klaster ang tawag sa kambal-katinig na
magkasama sa isang pantig ng salita.

Halimbawa: prito, suplado, trabaho, plantsa,


krus, kaklase, braso, blangko, drama,
grupo,
19

Mga Pares Minimal


Pares-minimal ang tawag sa mga pares
ng salita na magkaiba ng kahulugan ngunit
magkatulad sa bigkas maliban sa isang ponema
sa magkatulad na posisyon.

Halimbawa: /pala/ - /bala/, /ampon/ - /ambon/,


/pito/ - /pato/, /mesa/ - /misa/, /oso/ - /uso/,
/taga/- /daga/, /baka/ - /baga/
20

Ponemang Malayang Nagpapalitan


May mga pares ng mga salita na kahit may
magkaibang ponema ay nananatili ang
kahulugan. Ito ang tinatawag na mga
ponemang malayang nagpapalitan.

Halimbawa: /lalake/-/lalaki/, /dami/-/rami/,


/opo/-/oho/
Ponemang Suprasegmental
Ang tawag sa tunog na may
pagsasaalang-alang sa katiyakan ng paraan
ng pagbigkas tulad ng tono (pitch), haba
(length), diin (stress) at antala/hinto
(juncture) ay ponemang suprasegmental. Ito
ay pantulong sa mga ponemang segmental
para sa maayos na pagbigkas.
21
22

Tono (Pitch)
Tumutukoy sa taas-baba ng bigkas sa
pantig ng isang salita. Ayon kay Otanes at
Shachter (1972), ang bawat pitch points ay may
tatlong natatanging pitch levels: ang mataas (3),
katamtaman (2) at mababa (1).

Halimbawa: kahápon (araw na nagdaan)


kahapón? (nagtatanong o nagdududa)
23

Haba (Length)
Tumutukoy sa haba ng bigkas sa patinig (a,
e, i, o, u) ng pantig habang ang diin (stress) ay
tumutukoy sa lakas ng bigkas ng pantig.

Halimbawa: bu.kas (susunod na araw), bukas


(hindi sarado), magnana.kaw (thief),
magna.na.kaw (will steal),
24

Antala (Juncture)
Tumutukoy sa saglit na pagtigil sa
pagsasalita upang higit na malinaw ang
mensaheng ipinapabatid ng kausap.

Halimbawa: Hindi masarap. (It’s not delicious.)


Hindi, masarap (No, it’s delicious.)
2
MORPOLOHIYA
O PALABUUAN
MORPEMA MORPOLOHIYA

Ang bawat yunit Tawag sa pag-


Morpolohiya o ng mabubuong aaral ng
Palabuuan salita mula sa morpema.
makahulugang
tunog.

26
MGA ANYO NG
MORPEMA
Morpemang Kataga
Ang kataga ay isang morpema na iisahing
pantig lamang at walang kahulugan kapag nag-
iisa lamang ngunit nakadaragdag ng diwa kapag
sinasangkap sa pangungusap. Ang mga ingklitik
ay isang halimbawa nito: ba, po, pa, ho, na,
nga, din, rin, man, daw, raw.

28
Morpemang Panlapi
Morpema rin ang mga panlapi sapagkat ang mga ito’y
may taglay na kahulugan.
Halimbawa:
ka – nangangahulugang kasama (kausap, kapatid)
tag – nagsasaad ng panahon at pagkakataon
(tag-ulan, tag-araw, tagtuyot, taglagas)
ma – mayroon o marami (mahaba, mabigat)
pala – palaging ginagawa (palabasa, palaiyak)
mala – pagtutulad (malarosas, malapagong)
29
Morpemang Ponema
Ang morpemang ponema partikular ang /a/
na may kahulugang patungkol sa kasariang
pambabae at ang /o/ na panlalaki.

Halimbawa: labandera, propesora, abogado,


Mario, Maria

30
Morpemang Salitang-ugat
Ito ay karaniwang dadalawahing pantig at
pinakaina ng mga salita. Ito ay mga salitang
payak at walang panlapi.

Halimbawa: tao, sulat, silya, tuwa, kanta,


sayaw, kita, tingin, hulog, ngiti,
laro, aral, basa, pagod
31
MGA
PAGBABAGONG
MORPOPONEMIKO
Asimilasyon
Halimbawa:
pang- magiging pam- kapag napapasama sa /p/
at /b/
pang- + bayan = pambayan
pang- + parke = pamparke

pang- magiging pan- kapag napapasama sa /d/,


/l/, /r/, /s/, at /t/
pang- + tao = pantao pang- + daigdig = pandaigdig
33
Pagpapalit ng Ponema
Halimbawa:
Ang /d/ ay nagiging /r/
lakad + -an = lakaran
Ang /e/ ay nagiging /i/
ka-+lalake+-han = kalalakihan
Ang /o/ ay nagiging /u/
payo + -an = payuhan 34
Pagkakaltas ng Ponema
Halimbawa:

takip + -an = takipan = takpan


tikim + -an = tikiman = tikman
sara + -an = sarahan = sarhan
bukas + -an = bukasan = buksan

35
Metatesis
Halimbawa:
-in- + lukso = linukso = nilukso
-in- + yapos = yinapos = niyapos
-in- + lakbay = linakbay = nilakbay
-in- + yuko = yinuko = niyuko
** atip + -an = atipan = aptan
asin + -an = asinan = asnan 36
Paglilipat-diin
Halimbawa:

basa + -hin = basahin


inom + -an = inuman
laro + -an = laruan
wika + -in = wikain

37
Pagsusudlong
Halimbawa:

alala + han + in = alalahanin


antabay + an + an = antabayanan
totoo + han + in = totohanin

38
May pungos
Halimbawa:

ipatayo = patayo

magpabunot = pabunot

39
Pag-aangkop
Halimbawa:

wika + mo = kamo
sabi + nila = anila
tingnan + mo = tamo
tayo + na = tena

40
3
SINTAKSIS O
PALAUGNAYAN
SINTAKSIS – pag-aaral o pag-
uugnay-ugnay ng mga salita para
makabuo ng parirala, sugnay at
mga pangungusap.

PARIRALA – lipon ng mga salita


na walang buong diwa, walang
panag-uri at paksa.

SUGNAY – sugnay na makapag-


iisa at sugnay na di makapag-iisa. 42
Ang Pangungusap
Ito ay tumutukoy sa kalipunan ng mga
salitang nagsasaad ng isang buong diwa. Ito
ay isang sambitlang may patapos na himig
sa dulo na nagsasaad ng diwa o kaisipang
nais niyang ipaabot. Ito ay tinatawag na
sentence sa Ingles.

43
44
MGA SAMBITLA MGA HALIMBAWA
Pamanahon Bukas pa. / Umaga na. / Umaaraw na.
Pautos Sulong! / Akyat! / Sayaw!
Panawag Ate! / Nanay! / Miss!
Pagtawag Halika! / Hoy! / Tayo na!
Pormularyong Panlipunan Salamat! / Adios! / Magandang umaga po.
Panagot sa Tanong Hindi. / Oo. / Maaari. / Puwede. / Siguro.
Eksistensyal May tao. / Wala. / Mayroon nga.
Modal Nais ko. / Gusto namin. / Ibig niya.
Panlunan Sa amin. / Nasa San Juan. / Nasa kuwarto.
Pahanga Ang ganda! / Wow!
Sambitla Aray! / Naku po!
2 Sangkap ng Pangungusap
1. Paksa (Simuno) – ang pinag-uusapan sa loob
ng pangungusap. Ito ay maaaring tao, bagay,
hayop, lugar o pangyayari na gumaganap ng
kilos o pinagtutuunan ng diwang isinasaad sa
pandiwa at ganapan ng kilos ng pandiwa.

2. Panaguri (Predikatibo) – nagbibigay ng


kaalaman o impormasyon tungkol sa paksa.
45
2 Ayos ng Pangungusap
1. Karaniwang Ayos – panaguri + paksa; hindi
ginagamitan ng “ay.”
2. Di-karaniwang Ayos – paksa + ay +
panaguri

Halimbawa:
Matalino siya. (Karaniwan)
Siya ay matalino. (Di-karaniwan)
46
Uri ng Pangungusap Ayon sa Gamit
1. PASALAYSAY/ PATUROL
Filipino ang pambansang wika ko.
2. PAUTOS
Ikuha mo ako ng tubig.
3. PATANONG
Ano ba ang pangarap mo?
4. PADAMDAM
Hay naku Kuya Cardo!
47
KAYARIAN NG
PANGUNGUSAP
PAYAK
Kapag ang pangungusap ay
nagpapahayag ng isang kaisipan, ito ay
payak.

Halimbawa: Makapangyarihan ang Lumikha.


Matapat ang mga naglilingkod sa
bayan.
49
TAMBALAN
Ang anyo ay tambalan kapag dalawa o
higit pang kaisipan ang ipinapahayag.

Halimbawa:
Kailangan ang pag-asa, habang alam
nating may bukas pa at nagpapatuloy
ang buhay.
50
HUGNAYAN
Ang hugnayang pangungusap ay
binubuo ng isang malayang sugnay at isa o
higit sa isang di- malayang sugnay.

Halimbawa: Inihanda ng guro ang mga


gawain upang maging bahagi ng proseso ng
pagtuturo at pagkatuto.
51
LANGKAPAN
May anyong dalawa o higit pang punong
sugnay at isa o higit sa isang katulong na
sugnay ang pangungusap na langkapan/
tambalang-hugnayan/hugnayang-langkapan.
Hal: Pinaniniwalaan ang sinabi niya at
pakikinggan siya ng lahat na siya ay
magaling.
52
4
SEMANTIKA
Ang semantika ay ang
pag-aaral sa kahulugan ng
salita o anumang pahayag.

Nakapaglalahad ng
kahulugan sa pamamagitan ng
denotasyon, konotasyon, at
intensyon at ekstensyon.
54
SALITA DENOTASYON KONOTASYON
Mabangis na hayop na Ganid, sakim o
Buwaya nasa uring reptilya matakaw

Plastik Sisidlan ng ilang bagay Mapanggap

Pagdiriwang ng Panahon ng
Bagong Taon pagpapalit ng taon pagbabago

Lumisan Umalis Namatay

Gusot Magulo o lukot Suliranin o problema


55
SALITA/ PAHAYAG INTENSYON EKSTENSYON
Bihasang guro sa isang
Dalubguro unibersidad o kolehiyo
Dr. Aurora Batnag

Pinanonood na
Programang
palatuntunan na may tiyak It’s Showtime
Pantelebisyon na genre o paksa
Binabasa; kagamitan sa Komunikasyon sa
Aklat larangang pang-akademiko Akademikong Filipino
Mga talaan, tsart, mapa na
Grapikong Semnatic map, flow
gamit sa pagpapaliwanag
Pantulong chart, Venn diagram
ng konsepto
Pinauunlad na kasanayan Verbal linguistics
Mga Uri ng Talino sa bawat indibidwal Mathematical-logical 56
SALITA Kasingkahulugan Kasalungat

Mataas Matangkad Mababa/ maliit

Naliligalig Nababagabag Panatag

Humahalimuyak/
Bumabango sumasamyo
Umaalingasaw

Nakapiit Nakakulong Nakalaya

Pasalita Pabigkas Pasulat 57


PAHAYAG Tinutukoy na Kahulugan
Hinagisan siya ng bato. Literal na bato
Ipinagbabawal ang
pagbebenta at pagtutulak Ipinagbabawal na gamot
ng bato.
Si Mia ang anghel ng
Sanggol, anak
kanilang tahanan.
Salamat, dumating ka.
Tagapagligtas
Ikaw ang aking anghel.
58
SANGGUNIAN:
Acopra, Jioffre A. et.al. (2014). Komunikasyon sa
Makabagong Filipino. Mindshapers Co. Inc.: Intramuros,
Manila.
Alcaraz, Cid V. et.al. (2005). Filipino 1 Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Lorimar Publishing Co. Inc.:
Quezon City.
De Vera, Melvin et.al (2015). Komunikasyon sa
Akademikong Filipino. Book Atbp. Publishing Corp:
Mandaluyong City.
Dupale, Helen F. et.al (2012) metalinggwistik na Pagtalakay
sa Wikang Filipino. Jimcyzville Publications.: Malabon
City

www.google/images.com
MARAMING SALAMAT!

Inihanda ni:
Bb. Jonah M. latorre 60

You might also like