You are on page 1of 13

Mga Panooring

Pantelebisyon at Pagsusuri
ng mga Ito.
Ipinasa nila:

Abadines, John Dexter, T.


Salvador, Jhun Hendric Edles
Gallego, Ciarrus Khirl, Narzabal

Mula sa BS- Entrepreneurship II-C


Kaligirang Pangkasaysayan ng Panooring Pantelebisyon

Ano ang Telebisyon?

Ayon sa Wikipedia ang telebisyon o T.V. ay isang sistemang telekominikasyon para sa


pagpapahayag at pagtanggap ng mga gumagalaw na mga larawan at tunog sa kalayuan. Ginagamit
ito upang makapaghatid ng mga tunog at mga gumagalaw na mga imahe na may iisa o iba’t ibang
kulay.

Taong 1884 iminungkahi ni Paul Gottlieb Nipkow, isang German technician at imbentor ang unang
sistema ng telebisyon na elektromekanikal. Si Nipkow ang nag imbento ng tinatawag na Nipkow disc
na isa sa mga naging pundasyon at pinakamahalagang bahagi ng sinaunang telebisyon.

Philo Farnsworth, isang Amerikanong imbentor na unang bumuo ng kauna-unahang all electronic
television system taong 1928.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Panooring Pantelebisyon

Bago ang Pananakop ng mga Espanyol

Bago pa man masakop ng mga Espanyol ang Pilipinas ay nagsasagawa na ng mga ritwal ang
ating mga ninuno. May kinalaman sa pagtatanim, pakikidigma at sa pang-araw-araw na buhay ng tao
ang mga ritwal na kanilang isinasagawa at ito rin ay may saliw ng awitin at sayaw.

Panahon ng Kastila

Sa pagdating ng mga Espanyol nanatili ang pagsasagawa ng mga ritwal sa mga liblib na lugar sa
Pilipinas. Hindi nagtagal ay nadagdagan ang panitikan at ito rin ay niyakap ng ating mga ninuno.
Naging libangan na rin ng mga sinaunang Pilipino ang mga makabagong panitikan na hatid ng mga
Espanyol. Mula sa mga babasahing may temang relihiyon gaya ng mga awit, korido hanggang sa mga
dulang senakulo, moro-moro at iba apa.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Panooring Pantelebisyon

Panahon ng mga Amerikano

Sa pagdating ng mga Amerikano ipinakilala nila sa atin ang mga makabagong uri ng panitikan na
may kasamang teknolohiyang gamit. Malaki ang naging impluwensya ng panitikan sa buhay ng
Pilipino gamit ang iba’t ibang uri ng midyum. Ang telebisyon ay ang pinakamakapangyarihan sapagkat
may kakayahan itong abutin ang napakaraming tao sa isang espisipikong panahon.

Pinakatutukan ang mga dulang pantelebisyon sa tahanan ng mga Pilipino sa loob ng 50 taon. Ito
ay ang soap opera. Ang soap opera ay kwento tungkol sa ilang karakter at sa kanilang pakikibaka sa
buhay. Inilalahan ito na punong-puno ng emosyon. Ito ay may habang 30-45 minuto na pinapalabas
mula Lunes hanggang Biyernes. Madalas ang kwento ay tungkol sa pamilya, nawalan ng anak,
kwentong pag-iibigan ng mayaman at mahirap at iba pa.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Panooring Pantelebisyon

Taong 1949 nagsimulang pumainlalanlang ang "Gulong ng Palad" soap opera sa DZRH noong
1949 hanggang 1946. Binuhay ito sa telebisyon ng Banahaw Broadcasting Corporation channel 2.
Ito ay pinagbidahan nina: Marian dela Riva, Ronald Corveau, Augusto Victa.

Taong 1973 naman ay tinutukan gabi-gabi ang soap operang "Flordeluna" sa RPN hanggang
1983. Ipinagpatuloy ito ng BBC 2 noong 1982 hanggang 1986. Ito ay pinagbidahan nina: Janice de
Belen, Dindo Fernando, at Laurice Guillen.
Kaligirang Pangkasaysayan ng Panooring Pantelebisyon

Dekada 80 ay pinalabas sa telebisyon ang mga soap opera sa hapon. Ilan sa mga namayagpag ay ang

 Dahil sa pag-ibig (1981)

 Yagit (1983)

 Kaming mga ulila (1987)

 Ang pamilya ko (1987)

 Ang batang gubat (1988)

Nagpatuloy ang pamamayagpag ng soap opera hanggang dekada 90. Ilan sa mga ito ay

 Mara Clara (1992- 1997)

 Esperanza (1997- 1999)

• Taong 1994 ipinakilala ang mga Latin American Telenovela na "La Traidora" ito ay naka dub sa wikang Filipino. Sinundan ito
ng "Mari Mar" at "Maria Mercedes".
Mga Uri ng Palabas o Programang Pantelebisyon

1. Balita

2. Dokumentaryo

3. Sports

4. Pang- edukasyon

5. Drama at komedya

6. Musika at sayaw

7. Variety show

8. Realidad na telebisyon
Kahalagahan ng Panooring
Pantelebisyon

Mahalaga ang dokumentaryong pantelebisyon dahil marami tayong aral na makukuha


rito at ipanapakita nito ang sitwasyon o totoong realidad ng buhay. Mahalaga ito dahil
pwede natin maisabuhay ang mga aral na makukuha natin dito.

Para sa isang estudyante na nasa ilalim ng pag aaral ng pagne-negosyo, ang


panooring pantelebisyon ay mahalaga dahil maaari itong gamitin at patuloy na ginagamit ng
mga may ari ng malalaking negosyo para sa advertisement ng kanilang mga produkto.
Dahil ito ang may pinakamalaking manonood sa lahat ng channel ng entertainment, isang
mahusay na galaw ang maglagay ng patalastas dahil marami ang makakakita.
Kahalagahan ng Panooring
Pantelebisyon
Ngayon, ang telebisyon na ang pinaka implumwensiyal na pinanggagalingan ng entertainment
at mahahalagang impormasyon sa Pilipinas. Mapa Local man o international. Ayon sa isang sarbey
ng AGB Nielsen, telebisyon ang pangunahing pinagkukunan ng mga balita. May higit 200 estasyon
na rin ang umeere dito sa bansa na kasama sa Kapisanan ng mga Brodkaster sa Pilipinas (KBP) na
karamihang pagmamay-ari ng tatlong pinakamalaking network sa Pilipinas, GMA, ABS-CBN at TV5.
Pagsusuri sa Ilang Piling Programang
Pantelebisyon
Ang Telebisyon ay isang sistema ng telekomunikasyon na ginagamit upang makapag hatid ng tunog at
gumagalaw na imahe na may iisang kutis ng kulay, may ibat-ibang kulay, o may tatlong sukat. Pwede itong
tumukoy sa set ng telebisyon, isang programa sa telebisyon, o ang pamamaraan ng paghatid sa telebisyon. Ang
telebisyon ay pangmasang paghatid, ng libangan, edukasyon, balita o pag-alok

• Layunin

• 1. Natutukoy ang kasaysayan ng programang pantelebisyon.

• 2. Nakapagbibigay ng mga kilalang personalidad at programang pantelebisyon.

• 3. Nasusulat ang mga nararapat na pamantayan sa matalinong panonood ng programang pantelebisyon.

• 4. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon ayon sa itinakdang mga pamantayan.

• 5. Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at katuwiran.


Pagsusuri sa Ilang Piling Programang
Pantelebisyon
Mga Halimbawa ng Programang Pantelebisyon
• 1.Art Angel (Children Show) - mga programa o palabas sa telebisyon na ang pangunahing mithiin ay makuha
ang atensyon ng mga bata sa paraang sila ay nasisiyahan at nabibigyang impormasyon.

• 2.I-Witness (Documentary Program) - programa na naglalayong maghatid ng komprehensibo estratehikong


proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.

• 3.Matanglawin (Educational Program) - tumatalakay sa mga bagay na noong una ay pinag-aaralan lamang sa
pamamagitan ng mga nakalimbag na impormasyon

• 4.Rated K (Magazine Show) - isang programang pantelebisyon na nagpe-presinta ng iba’t ibangisyung


napapanahon, may kaunting panayam at komentaryo.

• 5.Umagang Kay Ganda (Morning Show) - tinatawag din na breakfast television kung saan nag-uulat ng live
tuwing umaga ang mga mamamahayag na naglalayong makapaghatid ng mga napapanahong impormasyon.
Pagsusuri sa Ilang Piling Programang
Pantelebisyon
Mga Halimbawa ng Programang Pantelebisyon
• 6.TV Patrol (News Program) - naghahatid ng napapanahong kaganapan o panyayari sa loob at labasng bansa,
may mga ilang panayam din at komentaryo.

• 7.XXX (Public Service Program) - naghatid ng tulong sa mga mamamayan o maging daan sa pagpapa hatid ng
tulong

• 8. Weekend Getaway (Travel Show) - naglalahad ng paglalakbay sa iba’t ibang bayan o bansa at pagpapakilala
sa mga produkto na matatagpuan dito.

• 9.Talentadong Pinoy (Variety Show) – nagbibigay ng tuon sa patimpalak sa pag-arte, pag-awit,pagsayaw at


pagpapalabas ng isang comedy skit.

• 10.Teen Gen (Youth Oriented Program) –nakatuon sa pagtalakay sa isyu ng kabataan. Karaniwang tema nito
ay ang kanilang buhay pag-ibig. Ngunit hindi nawawala ang pagbibigay o paglalaan ng eksena sa
pagpapahalagang pang katauhan o moral values.
Mga Sanggunian:

• https://prezi.com/xhjuy7u59ycn/kaligirang-pangkasaysayan-ng-dulang-pantelebisyon-at-p
ampeli/
• https://www.history.com/news/who-invented-television

• https://prezi.com/zfeavf5y1jth/mga-uri-ng-palabas-o-programa-sa-telebisyon/

• http://allanalmosaortiz.blogspot.com/2017/07/kaligirang-pangkasaysayan-ng-soap-opera.
html

• https://filipinomatuto.wordpress.com/tag/dokyumentaryong-pantelebisyon/

You might also like