You are on page 1of 24

REPUBLIC OF THE PHILIPPINES

SAN ANTONIO SCHOOL


ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO


GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.3
Panitikan : Epiko
Teksto : “Indarapatra at Sulayman”
Wika : Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at
bunga
Bilang ng Araw : 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Id-e-3)


 Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng kanilang
pananalita.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-If-g-4)


 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Id-e-4)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda.

PANONOOD (PD) (F7PD-Id-e-3)


 Naipahahayag ang sariling pakahulugan sa kahalagahan ng mga tauhan sa
napanood na pelikula na may temang katulad ng akdang tinalakay.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Id-e-3)


 Naitatanghal ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri nito.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Id-e-3)


 Naisusulat ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri nito.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Id-e-3)


 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga ng mga pangyayari.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7 EP-Id-e-3)


 Nagsasagawa ng panayam sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol
Unang Markahan| 1
sa paksa.
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-Id-e-3)


 Naipahahayag ang sariling pakahulugan sa kahalagahan ng mga tauhan sa
napanood na pelikula na may temang katulad ng akdang tinalakay.

II. PAKSA

Panitikan: Kahalagahan ng Tauhan sa Epiko


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 1 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (KILALANIN)


May ipakikitang larawan ang guro ng mga kilalang Pinoy Superhero at huhulaan ito
ng mga mag-aaral sa tulong ng ilang letra. Maaari itong gawing pangkatang gawain
kung saan ang grupo na makakakuha ng tamang sagot ang magkakaroon ng puntos.
Ang pinakamaraming puntos ang tatanghaling panalo.

A Z
AGILUZ

Unang Markahan | 2
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

A I T A A A

AGIMAT AMAYA

A E O C P I N B R L

ASERO CAPTAIN BARBEL

K I T A A G G B Y

KRISTALA GAGAMBOY

Unang Markahan| 3
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Gabay na Tanong:
a. Sino sa mga nabanggit na superhero ang higit ninyong nagustuhan?
b. Ano para sa inyo ang dahilan bakit sila ay nalikha ng imahinasyon ng mga tao?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain. Pagbibigay ng
guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Gaano kahalaga ang mga tauhan sa akdang pampanitikang epiko?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (SINE TIME)


Pagpapanood ng video clip mula sa isang pelikulang nagpapakita ng kabayanihan ng
isang Pinoy Superhero.

DARNA
(Angel Locsin)
GMA 7
https://www.youtube.com/watch?v=i-7nsjrUjys

ANALISIS

1. Sino ang pangunahing tauhan sa napanood? Gaano siya kahalaga sa pelikula?


2. Paano ipinakikita ng mga tao ang pagtangkilik sa mga superhero o mga kakaibang
nilalang na may taglay na kakaibang kapangyarihan?
3. Anong kultura, paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin sa mga
superhero?
4. Naging bahagi na ba ng panitikan ang mga kuwento ng kabayanihan? Bigyang
patotoo. Anong akdang pampanitikan ang tumatalakay sa kuwento ng
kabayanihan?
5. Ilarawan ang epiko bilang isang akdang pampanitikan.

Unang Markahan | 4
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N - ( FOR YOUR INFORMATION)

Ang epiko ay isang akdang pampanitikang nagmula sa iba’t ibang pangkat


etniko, rehiyon o lalawigan ng bansa. Ito ay isang uri ng panitikang pasalindila.

Nangangahulugang ito ay naiilipat o naiibahagi sa pamamagitan ng pasalin-


saling pagkukuwento o pagsasalaysay lamang. Isa sa pinakalitaw na katangian ng
epiko ay ang pagkakaroon nito ng mga pangyayaring di kapani- paniwala o puno ng
kababalaghan. Karaniwan itong may tauhang lubos na malakas at makapangyarihang
kinikilalang bayani ng rehiyong pinagmulan nito.

Ang epiko ay ginamit ng ating mga ninuno upang maipakita ang kanilang mga
pagpapahalaga, tradisyon, paniniwala, mithiin at layunin sa buhay. Bagamat
pasalaysay, ito ay isang tula na inaawit o binibigkas nang pakanta.

Narito ang ilan sa mga epikong nakilala sa bawat rehiyon o pangkat.

 Iloko- Lam-ang
 Bikol- Handiong
 Ifugao- Hudhod
 Meranao- Bantugan
 Magindanaw- Indarapatra at Sulayman
 Malay- Bidasari
 Manobo- Tulalang
 Kalinga- Ulalim
 Tagbanua- Dagoy at Sudsud
 Ibaloi- Kabuniyan at Bendian
Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya ( ANG BATO)


Tutulungan ng mga mag-aaral si Darna upang matukoy ang mga batong
naglalaman ng pangkalahatang konsepto ng aralin.

Ang mga tauhan sa epiko ay kinikilalang


ng rehiyong pinagmulan nito.

Unang Markahan| 5
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

http://pre07.deviantart.net/293c/th/pre/i/2015/361/e/d/darna_by_gucciwreck-d9lo7wv.png

K Z Y A B A A

N J I P H A N

Ang mga tauhan sa epiko ay kinikilalang bayani ng


rehiyong pinagmulan nito.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (IKAW ANG AKING SUPERHERO)


Ibahagi ang kasagutan sa tanong ng guro sa pamamagitan ng pagguhit.

Sino ang superhero ng iyong buhay?


Isa-isahin ang taglay niyang kapangyarihan.
Ano-ano ang mga kabayanihang nagawa niya sa iyo?
Gaano siya kahalaga para sa iyo?

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng halimbawang epiko at isa-isahin ang mga kabayanihan ng


pangunahing tauhan sa nabasa.
2. Basahin ang epikong “Indarapatra at Sulayman” at isulat ang buod ng
kuwento sa inyong kwaderno.
Unang Markahan | 6
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

LINANGIN
I. LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Id-e-3)


 Nakikilala ang katangian ng mga tauhan batay sa tono at paraan ng
kanilang pananalita.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-If-g-4)


 Naipaliliwanag ang sanhi at bunga ng mga pangyayari.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Id-e-4)


 Naipaliliwanag ang kahulugan ng mga simbolong ginamit sa akda.

II. PAKSA

Panitikan: Katangian ng tauhan sa Epiko “Indarapatra at Sulayman”


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al. Bilang
ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya ( BAYANI SI CARDO)


Magpapanood ang guro ng isang videoclip na nagpapakita ng isang tagpo sa
teleseryeng “Ang Probinsyano”.
.

ANG PROBINSYANO
https://www.youtube.com/watch?v=hMB2X9V8SBY

Unang Markahan| 7
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Gabay na Tanong:
a. Ano ang inyong nadama sa panonood na tagpo sa teleseryeng
probinsyano?
b. Bakit naging tanyag ang teleseryeng ito sa bawat isang Pilipino?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain. Pagbibigay ng
guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano mailalarawan ang mga tauhan sa akdang pampanitikang epiko?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (SIMBOLISMO)


May ipakikitang larawan ng isang sandata ang guro at ibibigay ng mga mag- aaral ang
simbolismo ng larawang ito.

http://images.clipartpanda.com/shield-clipart-CoolClips_vc061695.jpg

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (WORD CONNECTION)


Magbibigay ng hinuha ang bawat mag-aaral ukol sa kaugnayan ng pamagat sa epiko
gamit ang word connection

Epiko Indarapatra at
Sulayman

Unang Markahan | 8
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

5. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (MAG-SABAYANG PAGBIGKAS KAYO)


Magtatanghal ang bawat pangkat ng sabayang pagbigkas ng tula.

Indarapatra at Sulayman
(Isinatula ni Bartolome del Valle)
Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong MIndanaw, ay
wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang
tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay maligaya sila
sapagkat sagana sa likas na yaman.

Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok na


dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nana lot.
Una’y si Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka’t
sa pagkain kahit limang tao’y kanyang nauubos.

Ang Bundok Matutum ay tinirhan naman ng isang halimaw na


may mukhang tao na nakatatakot kung ito’y mamasdan, ang sino
mang tao na kanyang mahuli’y agad nilalapang, at ang laman
nito’y kanyang kinakain na walang anuman.

Ang ikatlo’y si Pah na ibong malaki. Pag ito’y lumipad ang


Bundok na Bita ay napadidilim niyong kanyang pakpak,
ang lahat ng tao’y sa kuweba tumahan upang makaligtas sa
salot na itong may matang malinaw at kukong matalas.

Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao ay


pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo; walang
makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat
maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Ang kalagim-lagim na kinasapitan ng pulong Mindanaw ay


nagdulot ng lungkot sa maraming baya’t mga kaharian;
Si Indarapatra na haring mabait, dakila’t marangal
ay agad nag-utos sa kanyang kapatid na prinsipeng mahal.

“Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas ang


maraming taong nangangailangan ng tulong mo’t habag.”
“O mahal na hari na aking kapatid, ngayon di’y lilipad at
maghihiganti sa mga halimaw ang talim ng tabak.”

Binigyan ng singsing at isang espada ang kanyang kapatid upang


sandatahin sa pakikibaka. Kanyang isinabit
sa munting bintana ang isang halaman at saka nagsulit; “ang
halamang ito’y siyang magsasabi ng iyong nasapit.”

Nang siya’y dumating sa tuktok ng bundok na pinaghaharian


nitong si Kurita, siya ay nagmasid at kanyang natunghan ang
maraming nayong wala kahit isang taong tumatahan;
“Ikaw’y magbabayad, mabangis na hayop!” yaong kanyang sigaw.

Unang Markahan| 9
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Di pa nagtatagal ang kanyang sinabi, nagimbal ang bundok at


biglang lumbas itong si Kuritang sa puso’y may poot;
sila ay nagbaka at hindi tumigil hangga’t malagot ang
tanging hininga niyong si Kuritang sa lupa ay salot.

Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay kaya’t


sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal na mga
tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”

Noon di’y nahawi ang maraming puno sa gilid ng bundok,


at ilang saglit pa’y nagkakaharap na silang puso’y nagpupuyos.
Yaong si Sulayma’y may hawak na tabak na pinag-uulos; ang kay
Tarabusaw sa sandata nama’y sangang panghambalos.

At sa paghahamok ng dalawang iyong balita sa tapang Ang


ganid na hayop sa malaking pagod ay napahandusay.
“Ang takdang oras mo ngayo’y dumating na,” sigaw ni Sulayman At
saka sinaksak ng kanyang sandata ang tusong halimaw.

Noon di’y nilipad niyong si Sulayman ang Bundok ng Bita;


siya’y nanlumo pagka’t ang tahanan sa tao’y ulila;
Ilang sandali pa ay biglang nagdilim gayong maaga pa at
kanyang natantong ang kalabang ibon ay dumating na.

Siya’y lumundag at kanyang tinaga ang pakpak ng ibon,


datapwat siya rin ang sinamang-palad na bagsakan niyon; sa
bigat ng pakpak, ang katawan niya sa lupa bumaon kaya’t si
Sulayman noon ay nalibing nang walang kabaong.

Ang kasawiang ito ay agad nabatid ng mahal na Hari pagka’t


ang halaman noon di’y nalanta’t sanga’y nangabali; “Siya ay patay
na!” ang sigaw ng kanyang namumutlang labi,
“Ang kamatayan mo’y ipaghihiganti buhay ma’y masawi.”

Nang siya’y dumating sa Bundok ng Bita ay kanyang kinuha ang


pakpak ng ibon. Ang katawang pipi ay kanyang namalas Nahabag
sa kanya ang kanyang bathala; biglang nagliwanag at ilang saglit
pa ay nakita niya ang tubig na lunas.

Kanyang ibinuhos ang tubig na iyon sa lugaming bangkay, at


laking himala! Ang kanyang kapatid ay dagling nabuhay.
Sila’y nagyakap sa gitna ng galak at ng katuwaan, saka
pinauwi itong si Sulayman sa sariling bayan.
Sa bundok Kurayan na kanyang sinapit ay agad hinanap ang
ibong sa tao’y nagbibigay-lagim at nagpapahirap; dumating ang
ibong kaylaki ng ulo at kukong matalas subalit ang kalis ni
Indarapatra’y nagwagi sa wakas.

Sa kanyang tagumpay may isang diwatang bumating magalang,


“Salamat sa iyo butihing bayani na ubod ng tapang.
Kaming mga labi ng ibong gahaman ngayo’y mabubuhay.” At
kanyang namalas ang maraming taong noo’y nagdiriwang.

Unang Markahan | 10
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Nabihag ang puso ng mahal na hari sa ganda ng mutya kaya’t


sa naroon ay kanyang hiniling na lakip ang sumpa na sila’y
ikasal. Noon di’y binuklod ng isang adhika
ang kanilang puso. “Mabuhay ang hari!” ang sigaw ng madla.

Ang tubig ng dagat ay tila hinigop sa kailaliman;


at muling lumitaw ang lawak ng lupang pawang kapatagan, Si
Indarapatra’y hindi na bumalik sa sariling bayan,
at dito naghari sa mayamang lupa ng pulong Mindanaw.

6. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (PAKIKIPAGSAPALARAN)


Ipapanood ng guro ang videoclip ng “Indarapatra at Sulayman”, na isang
halimbawa ng epikong Mindanao.

INDARAPATRA AT SULAYMAN
https://www.youtube.com/watch?v=ySW32bhEhrg

7. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (JUST DO IT)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa epikong
tinalakay sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa: Katangian ng mga tauhan Paksa: Mga Kabayanihang


batay sa tono at paraan ng Ipinakita ng mga Tauhan
kanilang pananalita. Mungkahing Estratehiya:
Mungkahing Estratehiya:
Puppet Show 1 Maniquin Challenge
2
Pagtatanghal ng isang puppet Pagtatanghal ng isang maniquin
show tungkol sa katangian ng challenge na nagpapakita ng
mga tauhan batay sa tono at kabayanihan ng mga tauhan
paraan ng kanilang pananalita

Paksa: Paksa:
Sanhi at bunga ng mga Mga Aral na Napulot sa Epiko
pangyayari sa akda
Mungkahing Estratehiya: 3 4
Mungkahing Estratehiya: Sing- it

Fish Bone Technique


Paglikha ng awiting pumapaksa sa
Pag-uulat ng sanhi at bunga ng mga aral na napulot sa epiko at
mga pangyayari sa akda gamit ang pagtatanghal nito sa klase.
fishbone technique
Unang Markahan| 11
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN


BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti

Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang


at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)
Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
Istilo/ kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
Pagkama- kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
likhain pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
(3) ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon (0)
pangkat sa presentasyon (2) pangkat sa
presentasyon (3) presentasyon(1)

Kaisahan ng Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


Pangkat o nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
Kooperasyon pagkakaisa ang bawat miyembro pagkakaisa ang bawat miyembro sa
(3) bawat miyembro sa kanilang bawat miyembro kanilang gawain (0)
sa kanilang gawain (2) sa kanilang
gawain (3) gawain (1)

8. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

9. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

10. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Ilarawan ang mga katangian ng mga pangunahing tauhan sa akda batay sa tono at
paraan ng kanilang pananalita.
2. Anong uri ng akda ang binasa batay sa ipinakitang katangian ng mga
pangunahing tauhan? Bakit?
3. Isa-isahin ang mga sanhi ng kaguluhan sa kwento. Nasolusyunan ba ang mga
ito? Paano?
4. Mayroon bang naging bunga ang kabayanihan ng mga pangunahing
tauhan sa akda? Patunayan.
5. Ibigay ang pangkalahatang tema o paksang diwa ng kuwento.
Makatutulong ba ito sa paglaganap ng kulturang Pilipino? Paano?
Unang Markahan | 12
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (WASTONG BALUTI)


Tutulungan ng mga mag-aaral sina Indarapatra at Sulayman sa pamamagitan ng
paglalagay ng wastong baluti na naglalaman ng pangunahing konsepto ng aralin.

Ang mga tauhan sa akdang


pampanitikang epiko ay
nagpapakita ng

kabayanihan kaduwagan katatawanan katapangan

http://www.d20pfsrd.com/_/rsrc/1484532687020/images/shield4.jpg?height=400
http://vignette2.wikia.nocookie.net/marvelcinematicuniverse/images/3/36/Captain_America_Shield.png/revision/latest?cb=20160324205933
https://c1.staticflickr.com/1/555/18447462501_c0a038b219_b.jpg
http://vignette3.wikia.nocookie.net/elderscrolls/images/a/a3/Dwarven_Shield_SK.png/revision/latest?cb=20121015005854
http://eleven28ministries.keyelementmedia.com/wp-content/uploads/2014/02/ritcarskijshitshitgerbshitstarinnijshitkovanijshit982070454731.jpg

Unang Markahan| 13
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Ang mga tauhan sa akdang pampanitikang epiko ay nagtataglay ng


katapangan at kabayanihan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (BAYANI KA RIN)


Sasagutin ng mga mag-aaral ang katanungang inihanda ng guro at ibabahagi ito sa
klase.
Kung ikaw ay magiging isang bayani ng isang epikong Batangas, anong
kapangyarihan ang iyong nais taglayin? Gumawa ng simbolismo ng iyong
kasagutan at ipaliwanag ito sa klase.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Prinsipe Sulayman, ako’y sumasamo na iyong iligtas ang maraming taong


nangangailangan ng tulong mo’t habag. Ano ang isinisimbolo ng pahayag na ito?
a. pabaya sa tungkulin si Prinsipe Sulayman
b. may malasakit sa kapwa si Prinsipe Sulayman
c. mahina ang loob ni Prinsipe Sulayman
d. walang tiwala sa sarili si Prinsipe Sulayman

2. Bakit maituturing na isang epiko ang akdang Indarapatra at Sulayman?


a. Dahil ito ay kwento tungkol sa kabayanihan ng pangunahing tauhang
nagtataglay ng kakaibang kapangyarihan.
b. Dahil ito ay nagsasalaysay ng sanhi at bunga ng pangyayari.
c. Dahil ito ay kwento tungkol sa mga halimaw at ganid na nilalang.
d. Dahil isinasalaysay nito ang kwento na ang tauhan ay mga hayop na
gumaganap na parang tao.

3. Alin ang sanhi ng kaguluhan sa Mindanao ayon sa kuwento?


a. kasamaan ng mga tao c. masasamang hari
b. pagkasira ng likas na yaman d. mga halimaw na kalaban

Unang Markahan | 14
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

4. Ano ang naging bunga ng kabayanihan ni Indarapatra at Sulayman?


a. Naging matulungin ang mga tao sa nais lamang nilang tulungan sapagkat ito
lamang ang mayroong kapakinabangan sa kanila.
b. Nagkaroon ng kamalayan ang mga tao sa mga isyung nais lamang nila at
walang pakialam sa ibang bagay.
c. Naging payapa ang lugar ng Mindanao at ligtas sa mga kalaban. Naging
maunlad ang bayang ito at nakilala sa iba pang lugar.
d. Naging matulungin ang mga tao ngunit humihingi ng kapalit sa tulong na
ibinibigay.

5. Ang mga tauhan sa akdang pampanitikang epiko ay nagtataglay ng katapangan at


kabayanihan. Alin sa mga sumusunod na saknong ang nagpapakita nito?
a. Noong unang panahon ayon sa alamat ng pulong MIndanaw, ay
wala ni kahit munting kapatagan. Pawang kabundukan ang
tinatahanan ng maraming taong doo’y namumuhay maligaya sila
sapagkat sagana sa likas na yaman.
b. Tumatag ang puso nitong si Sulayman sa kanyang tagumpay kaya’t
sa Matutum, ang hinanap naman ay si Tarabusaw;
sa tuktok ng bundok ay kanyang namalas ang nakahahambal na mga
tanawin: “Ngayon di’y lumabas nang ikaw’y mamatay.”
c. Subali’t ang lagim ay biglang dumating sa kanilang bundok na
dati’y payapa. Apat na halimaw ang doo’y nanalot. Una’y si
Kurita na maraming paa at ganid na hayop pagka’t sa pagkain
kahit limang tao’y kanyang nauubos.
d. Ang Bundok Kurayang pinananahanan ng maraming tao ay
pinagpalagim ng isa pang ibong may pitong ulo; walang
makaligtas sa bagsik ng kanyang matalas na kuko pagkat
maaaring kanyang matanaw ang lahat ng dako.

Sagot:
B A D C B

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN
1. Gumawa ng isang sanaysay na tumatalakay sa mga makabagong bayani sa
kasalukuyang panahon. Lagyan din ito ng larawan at ikapit sa kwaderno.
2. Ano- ano ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga?
Isa-isahin ito.
Unang Markahan| 15
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

PAUNLARIN
I. LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Id-e-3)


 Nagagamit nang wasto ang mga pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng
sanhi at bunga ng mga pangyayari.

II. PAKSA

Wika: Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (FISHBONE)


Ilalagay ng mga mag-aaral sa fishbone map ang wastong sanhi at bunga ng mga
sumusunod na pangyayari.

PAGKALULONG SA
MASAMANG PAGTATAPON NG
PAG-AARAL NG MABUTI
BISYO TULAD NG BASURA SA
ALAK TAMANG
TAPUNAN

WASTONG
PAGKAKAROON PAGKAKAROON
PAKIKIPAGKAPWA- TAO
NG MARAMING NG MARAMING
KAAWAY KAIBIGAN

HINDI MAGANDANG
Unang Markahan | 16 PAGKAKAROON
BUHAY MALINIS AT NG MATAAS NA
LIGTAS NA MARKA
LUGAR
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

SANHI

BUNGA

Gamitin ito sa makabuluhang pangungusap. Pangungusap 1:

Pangungusap 2:

Pangungusap 3:

Pangungusap 4:

Gabay na Tanong:
a. Naging madali ba sa inyo na pag-ugnayin ang mga pahayag? Bakit?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang gawain.


Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Bakit mahalaga ang paggamit ng pag-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng


sanhi at bunga?

Unang Markahan| 17
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (BASAHIN)


Babasahin ng mga mag-aaral ang mga sumusunod na talata nang buong
pagkamalikhain.
Pinauwi ni Haring Indarapatra si Prinsipe Sulayman sa Mantapuli,
palibhasa’y kagagaling lamang sa kamatayan upang makapagpahinga. Nagtungo
naman ang hari sa Bundok Kurayan upang hanapin ang kinatatakutang ibon na
may pitong ulo at matatalas na mga kuko. Natagpuan ni Haring Indarapatra ang
ibon at sila ay naghamok.

Kaya naman nang kanyang matalo ang ibon ay hinanap niya ang mga
taong naging dahilan upang matagpuan niya ang isang magandang diwatang
tuwang-tuwang nagpasalamat sa kanyang kabayanihan at katapangan. Isinalaysay
ni Haring Indarapatra ang pakikipaghamok nilang dalawa ni Prinsipe Sulayman sa
mga halimaw at dambuhalang ibon.

Tuwang-tuwa ang mga tao sa kabayanihang ginawa ng magkapatid. Sinabi


ni Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang pinagtataguan
sapagkat wala na ang mga halimaw at ibong gumugulo sa kanila. Nagpasalamat
ang mga tao kay Haring Indarapatra.

Hiniling naman ni Haring Indarapatra sa magandang diwatang pakasalan


siya nito. Pumayag ang diwata at kaagad na ipinagdiwang ang isang magarbo at
tunay na masayang kasalan. Bunga nito’y muling lumitaw ang malawak na
lupang bagama’t pawang kapatagan ay tunay na malusog naman, hindi na bumalik
sa sariling bayan si Haring Indarapatra. Doon na siya naghari sa mayamang lupa
ng pulong Mindanao.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ANALISIS

1. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa talata. Isa-isahin ang mga ito.
2. Ano ang gamit ng mga salitang ito sa pangungusap at sa mga talata?
3. Paano makatutulong ang mga salitang ito sa maayos na pag-uugnayan ng mga
salita, parirala at pangungusap?
4. Anong bahagi ng pananalita ang mga salitang ito?
5. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga pang-ugnay sa pangungusap?
Unang Markahan | 18
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

Pagbibigay ng Input ng Guro


D A G D A G K A A L A M A N -( FOR YOUR INFORMATION)

Mga Pang-ugnay na Ginagamit sa Pagbibigay ng Sanhi at Bunga,


Panghihikayat at Pagpapahayag ng Saloobin

Ang maayos na pag-uugnayan ng mga salita, parirala at pangungusap ay


mahalagang sangkap para sa malinaw, lohikal at mabisang paglalahad. Sa
pamamagitan ng paggamit ng iba’t ibang pang- ugnay ay higit na nabibigyang-diin
ang layunin sa pagpapahayag.

Ilan sa mga pang-ugnay ang ang mga sumusunod:


1. Pang-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga-
sapagkat, pagkat, dahil, palibhasa, kasi, naging

2. Pang-ugnay na ginagamit sa panghihikayat-


Totoo, mabuti, sigurado, subalit, datapwat, bagama’t

3. Pang-ugnay na ginagamit sa pagpapahayag ng saloobin Palagay


ko, hinuha ko, kapag, pag, kung gayon, sana, basta

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (PAG-UGNAYIN)


Pag-uugnayin ng mga mag-aaral ang mga pahayag upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin gamit ang mga arrow.

Unang Markahan| 19
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

pag-ugnay na ginagamit sa
pagbibigay ng sanhi at bunga

para sa malinaw

Mahalaga ang paggamit

mabisang paglalahad lohikal

Mahalaga ang paggamit ng pag-ugnay na ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at


bunga para sa malinaw, lohikal at mabisang paglalahad.

Unang Markahan | 20
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (SLOGAN)
Gagawa ang mga mag-aaral ng isang slogang nagpapakita ng mga paraan kung paano
maipakikita ang kabayanihan gamit ang iba’t ibang uri ng pang- ugnay.

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (MAGSANAY TAYO)
Tukuyin ang pang-ugnay na ginamit sa pangungusap at ang mga salitang pinag-
uugnay nito.

1. Ang Lungsod ng Batangas ay dinarayo sapagkat maraming magagandang tanawin


at pasyalan dito.
2. Bagama’t hindi madalas dinadaanan ng bagyo ang Lungsod ng Batangas ay
mapapansin ang kahandaan ng pamahalaan sa mga kalamidad sa lugar na ito.
3. Ang mga bayani sa Lungsod ng Batangas ay lubos na pinahahalagahan ng mga
Batangueño at palagay ko ay modelo sila ng mga kabataan dito.
4. Palibhasa ay may matatag na paniniwala at pananampalataya sa Poong Maykapal
ay maraming Batangueño ang madalas sumimba sa mga simbahan sa lungsod.
5. Ipinakikita ng bawat isang Batangueño ang kabayanihan sa iba’t ibang paraan.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Alin ang tamang pang-ugnay sa pangungusap na ito?


“Sinabi ni Haring Indarapatra na maaari na silang lumabas sa kanilang
pinagtataguan _ _ wala na ang halimaw.”

a. sapagkat b. upang c. bunga d. hindi

Unang Markahan| 21
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

2. Alin sa mga sumusunod na pang-ugnay ang nagpapakita ng pagsang- ayon?


a. bagamat b. totoo c. basta d. gayon

3. Ang pag-unlad ng isang bayan o lungsod ay totoong nakabatay rin sa paraan ng


pamumuhay ng bawat isang taong naninirahan dito. Alin ang pang-ugnay sa
pangungusap na binasa?
a. ibon b. pagkamatay c. malaki d. totoo

4. Ang ginamit na pang-ugnay sa pangungusap bilang 3 ay pang-ugnay na


ginagamit sa _ ?
a. pagbibigay ng sanhi at bunga c. pagsalungat
b. pagsang-ayon d. pagpapahayag ng saloobin

5. Alin ang tamang gamit ng pang-ugnay sa mga sumusunod na


pangungusap?
a. Ang mga bayani ng lahi ay dapat na pahalagahan dahil nagbuwis sila ng buhay
para sa bayan.
b. Ang mga bayani ng lahi ay dapat na pahalagahan bagamat nagbuwis sila ng
buhay para sa bayan.
c. Ang mga bayani ng lahi ay dapat na pahalagahan upang nagbuwis sila ng
buhay para sa bayan.
d. Ang mga bayani ng lahi ay dapat na pahalagahan basta nagbuwis sila ng
buhay para sa bayan.

Sagot:
A B D B A

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Gumawa ng isang talatang tumatalakay sa kabayanihan ng iyong mga magulang.


Isalaysay ang mga nagawa nila para sa inyo. Gumamit ng mga pag-ugnay na
ginagamit sa pagbibigay ng sanhi at bunga at tukuyin ang mga ito.
2. Humanda sa pagsulat ng awtput 1.3.

Unang Markahan | 22
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

ILIPAT
I. LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Id-e-3)


 Naisusulat ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri nito.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-Id-e-3)


 Naitatanghal ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri nito.

ESTRATEHIYA SA PAG-AARAL (EP) (F7 EP-Id-e-3)


 Nagsasagawa ng panayam sa mga taong may malawak na kaalaman tungkol
sa paksa.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.3


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG

PAGKATUTO Gawaing

Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya ( MAG-INTERVIEW KA)


Magsasagawa ang mga mag-aaral ng isang interview sa mga taong may malawak
na kaalaman sa paksa.

PAKSA:
Ang pagsusulat at pangtatanghal ng iskrip ng isang epiko
Unang Markahan| 23
REPUBLIC OF THE PHILIPPINES
SAN ANTONIO SCHOOL
ARAS-ASAN, CAGWAIT, SURIGAO DEL SUR
Government Recognition No. 103, series of 1967
SCHOOL ID: 406041

2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS


GOAL: Naisusulat ang nabuong iskrip ng informance o mga kauri
nito.

ROLE: Isa kang manunulat ng isang pambatang dula.

AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan.

SITUATION: Ang dulaang “TALENTO BATANGUENO” ay


nangangailangan ng mga magsusulat ng isang iskrip ng
isang epiko para sa ipalalabas na dula.

PRODUCT:Iskrip ng isang epiko

STANDARD- RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDA ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
D AT nilalaman ng iskrip. (4) nilalaman ng iskrip. mga naisulat nang
NILALAMAN (3) iskrip.
(4) (1)
Napakahusay ng pagpili Mahusay ang naging Hindi gaanong mahusay
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit sa pagpili sa mga salitang ang naging pagpili ng
SALITA iskrip. ginamit sa iskrip. mga salitang ginamit.
(3) (3) (2) (1)

Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang


PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
TALATA talata ang naisulat na iskrip. talata ang naisulat na talata ang naisulat na
(3) (3) iskrip. iskrip.
(2) (1)
KABUUAN (10)

3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

5. Pagtatanghal ng isang dula-dulaan sa klase gamit ang binuong iskrip

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng mga taong maituturing na bayani sa inyong lugar na pinagmulan.


Gumawa ng maikling iskrip tungkol sa buhay ng taong ito. Tukuyin ang mga pang-
ugnay na ginamit sa iskrip.
Unang Markahan
2. | 24 kuwento? Ibigay ang kahulugan nito.
Ano ang maikling

You might also like