You are on page 1of 7

Republika ng Pilipinas

Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

Banghay Aralin sa FILIPINO 1


Pangalawang Markahan
Pebrero 6, 2024

I- LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman
Natutukoy ang pangngalan.

B. Pamantayan ng Pagganap
Nakapagbibigay ng halimbawa ng pangngalan.

C. Mga Kasanayan sa Pagkatao


Nagagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng
pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari.

II- PAKSANG ARALIN


PANGNGALAN
Kagamitan : Laptop,powerpoint presentation monitor ng telebisyon, yeso at
pisara, mga larawan, Bluetooth speaker, activity charts,
activity sheets, krayola, construction paper at pandikit.
Sanggunian :MELCs (F1WG-IIc-f-2) K-12 Filipino 1 Patnubay ng Guro (Q2)
Pagpapahalaga : Naiiugnay sa sariling karanasan sa pagbibigay ng mga
pangngalan.
Integrasyon :Araling Panlipunan - Natutukoy ang ptiyak na ngalan ng isang
lugar.

III- PAMAMARAAN – Game-Based Learning,

A-Panimulang Gawain
Pagdarasal
Attendance
House Rules
Pampasigla
Pangngalan Song https://youtu.be/ahdDe_Vkww4?si=MCCckyt0qxklMe07
Balik - aral :

Kahapon ay napag-aralan natin ang pagtukoy sa kahulugan ng ugnayang salita-larawan. Atin


muling subukin kung natatandaan pa ang mga ito.

Handa na ba mga bata?

Sa harap ay may makikitang larawan. Maaari nyo bang sabihin kung ano ang ibig sabihin nito?
Pumili ng letra sa ibaba.

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

1.

A. Kumakaway
B. Nanghihingi
C. Nagpapaalam

2.

A. Tumatawa
B. Kumakanta
C. Umiiyak

3.

A. Natutulog
B. Nag eehersisyo
C. Sumasayaw
Mahusay mga bata! Mukhang inyong natutunan at naalala ang ating mga napag-aralan
kahapon.

B- Panlinang na Gawain
Pagganyak/ Tukoy -alam (Game-Based Learning,)
Halina’t maglaro tayo ng “Kilalanin mo ako ” (Game-Based Learning,)
Gamit ang power-point Sabihin lamang kung ito ay:
a.Tao
b.Bagay
c.Hayop
d.Lugar
e.Pangyayari

1)

Tukuyin ang nasa larawan.

2)

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

Tukuyin ang nasa larawan.


Hots Questions:
 Mayroon ba kayong alagang pusa?
 Ano pa ang inyong alagang hayop?

3)

Tukuyin ang nasa larawan.

Magaling! Ang krayola ay isang bagay. Maaari ba kayong magbigay ng mga bagay na makikita
sa loob ng inyong bag?

4)

Tukuyin ang nasa larawan.


 Maaari ba kayong magbigay ng iba pang halimbawa ng lugar?

At ang huling larawan..

5)

 Ang nasa larawan ay isang batang nagdiriwang ng kanyang kaarawan. Ito ay isang
napakasayang pangyayari sa ating mga buhay.
 Maaari ko bang malaman kung kalian ang inyong kaarawan?

C - Paglalahad

 Ngayon, tayo’y makakapakinig ng isang maikling pag-uusap ng isang guro at ng kanyang


estudyante.

 Intindihin ito mabuti. Handa na ba mga bata?

Titser Lisa:
“Jessa, halika magpunta tayo sa Orion Plasa. Maghanda ka ng isang awit at sasali ka sa
patimpalak.”

Jessa:
“Sige po, titser Lisa. Pupunta po tayo sa bayan ng Orion. Isasama natin ang aso kong si Aki.
Ang aking aawitin ay “Sa Ugoy ng Duyan”.

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

HOTS QUESTIONS:
1. Sa maikling pag-uusap na ito, sino ang guro at mag-aaral na nag-usap?
2. Ano ang pangalan ng aso ni Jessa?
3. Sino ang isasama ni Jessa sa pagpunta sa bayan ng Orion?
4. Anong awit ang kanyang kakantahin sa patimpalak?
5. Kung ikaw si Jessa sasali ka rin ba sa patimpalak? Bakit?

Integrasyon na paksa sa Araling Panlipunan


HOTS QUESTIONS:
1. Saang lugar pupunta ang Teacher at si Jessa?
2. Mahalaga bang matukoy natin ang tiyak na lugar kung saan tayo pupunta?
bakit?

D- Pagtalakay
Pangkatang Gawain Pangkatin sa apat ang mga mag-aaral. (Cooperative
Learning, )
Sa tulong ng inyong pangkat balikan ang napakinggang usapan ng guro at
ni Jessa tukuyin ang mga pangngalan na nabanggit sa usapan.

Hanay A Hanay B
guro Titser Lisa
mag-aaral Jessa
aso Aki
plasa Orion Plasa
bayan Orion
awit Sa Ugoy ng Duyan

Ang mga salita sa kahon ay pangngalan. Ang nasa unang hanay ay pambalana at nasa
kaliwang hanay naman ang pantangi.

 Ano ang inyong napansing pagkakaiba ng dalawang hanay?

Ang mga pangngalan sa kanan ay tiyak na ngalan.

 Ano ang tiyak na ngalan ng guro?

Ang iba pang halimbawa ng pangngalang pambalana ay pulis, estudyante, babae, doktor at
marami pang iba.

 Ano ang tiyak na ngalan ng aso sa kahon?

 Maaari ba kayong magbigay ng ilang pangngalang pantangi ng hayop?

 Ano ang tiyak na ngalan ng bayan sa kahon?

 Maaari ba kayong magbigay ng ilang pangngalang pantangi ng isang lugar? Saan ka


nakatira?

Ang lahat ng nabanggit na lugar ay pangngalang pantangi.

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

 Ano ang tiyak na ngalan ng awitin sa kahon?


E- Pagyamanin

Gumuhit ng tig iisang larawan sa mga sumusunod:


1.Tao
2.Bagay
3.Hayop
4.Lugar
5.Pangyayari

F- Paglalapat
Gumawa ng tsart base sa iyong mga iginuhit. Gayahin ang nasa larawan.
PAMBALANA PANTANGI
TAO
BAGAY
HAYOP
LUGAR
PANGYAYARI

G- Paglalahat
Tandaan!
Ang Pangngalan ay nagsasaad sa ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at mga
pangyayari.
Ito ay may dalawang uri.
1)Pambalana- tumutukoy sa karaniwan, o di-tiyak na ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar
at mga pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa maliit na letra, maliban na lamang kung ito ay nasa unahan ng
pangungusap.

2)Pantangi- tumutukoy sa tiyak o tanging ngalan ng tao, hayop, bagay, lugar at mga
pangyayari.
Ito ay nagsisimula sa malaking titik.

IV- Pagtataya ng Aralin

Panuto: Isulat ang PT sa patlang kung ang salitang may


salungguhit ay Pantangi, at PM kung Pambalana.

________ 1.Bumili kami ng radyo.


________ 2.Ang ganda ng aso nyang si Aki.
________ 3.Mayroon kaming kapitbahay na pulis.
________ 4.Malapit na ang pista sa aming bayan!
________ 5.Mamamasyal kami sa Mall of Asia bukas.

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

V- Takdang Aralin

Panuto: Sa tulong ng inyong mga magulang Kumuha at gumupit


ng larawan sa magasin o dyaryo ng tig dalawang halimbawa ng
pangngalang pantangi at pambalana. Idikit ang larawan sa isang
malinis na papel at pangalanan ang bawat isa.
Puna
______ na bilang ng mga mag-aaral mula sa kabuuang 23 ang nagpakita ng ____% na
bahagdan ng pagkatuto ng aralin.
Mga tala
A - ____ Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa pagtataya
B - ____ Bilang ng mag-aaral na nangangailangan ng iba pang gawain para sa
remediation.
C - ____ Nakatulong ba ang remediation sa bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin.
A- ____ Bilang ng mag-aaral na magpapatuloy sa remediation.
B- Anong stratehiyang pagturo ang nakatulong ng lubos?
___________________________
Paano ito nakatulong?
_____________________________________________________
C- Anong suliranin ang aking naranasan na nasolusyunan sa tulong ng aking
punong guro?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
D- Anong kagamitang panturo ang aking ginamit na nais kong ibahagi sa kapwa ko
guro?

Inihanda ni
MARY GRACE F. BAEÑO
Grade I-Duhat Adviser

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com
Republika ng Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Rehiyon V
TANGGAPAN NG MGA PAARALANG PANSANGAY NG CAMARINES SUR
Purok ng Hilagang Bula
MABABANG PAARALAN NG SAN RAMON

San Ramon Elementary School


San Ramon, Bula, Camarines Sur 4430
112451.sanramones.5@gmail.com

You might also like