You are on page 1of 32

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

GRADO 7
UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.5
Panitikan: Dula
Teksto: “Ang Mahiwagang Tandang”
Wika: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa
Bilang ng Araw: 7 Sesyon

MGA KASANAYANG PAMPAGKATUTO SA BAWAT DOMAIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng
mga tao batay sa dulang napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ih-i- 5)


 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa
sariling karanasan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ih-i-5)


 Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram.

PANONOOD (PD) (F7PD-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na
dulang panlansangan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIj-17)


 Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood na
dulang panlansangan.

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ih-i-5)


 Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan.

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ih-i-5)


 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa
pagbuo ng patalastas.

Ikatlong Markahan | 95
TUKLASIN
I. LAYUNIN

PANONOOD (PD) (F7PD-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang mga gawi at kilos ng mga kalahok sa napanood na
dulang panlansangan.

PAGSASALITA (PS) (F7PS-IIIj-17)


 Naipaliliwanag ang nabuong patalastas tungkol sa napanood na dulang
panlansangan.

II. PAKSA

Panitikan: Gawi at Kilos ng mga Kalahok sa Dulang Panlansangan


Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (ANONG PAGDIRIWANG)


Magpapakita ang guro ng mga larawan at huhulaan ang termino para sa mga
larawang ito sa tulong ng configuaration.

senakulo

Ikatlong Markahan | 96
santacruzan

panuluyan

moriones

Gabay na Tanong:
a. Alin sa mga pagdiriwang na ito ang higit ninyong kinasasabikang panoorin?
b. Bakit naging tanyag ang mga pagdiriwang na ito?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

Ikatlong Markahan | 97
2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Paano isinasagawa ang mga dulang panlansangan?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (PANOORIN)


Pagpapanood ng mga dulang panlansangan na laganap sa Pilipinas.

PANUNULUYAN
https://www.youtube.com/watch?v=zFXpRMCAhn8

ANALISIS

1. Anong kultura, paniniwala at kaugalian ng mga Pilipino ang masasalamin


sa mga dulang napanood?
2. Masasabi mo bang isang uri ng dula ang mga ritwal na itinatanghal ng
mga sinaunang Pilipino? Patunayan.
3. Ano ang kahulugan ng dula bilang akdang pampanitikan?
4. Paano ito naiiba sa ibang anyo ng panitikan?
5. May maganda bang naidudulot ang dula/ dulang panlansangan sa buhay
ng tao lalo na ng kabataang Filipino?

Pagbibigay ng Input ng Guro

DAGDAG KAALAMAN-(FOR YOUR INFORMATION)

Kahulugan ng Dula

Ang dula ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa


tanghalan. Ayon kay Arrogante, ang dula ay isang pampanitikang
panggagaya sa buhay na ipinamamalas sa tanghalan. Sinasabing ito ay
paglalarawan sa madudulang bahagi ng buhay. Taglay nito ang lahat ng
katangiang umiiral sa buhay ng tao gaya ng pagkakaroon ng mga suliranin
o mga pagsubok na kanyang pinagtagumpayan o kinasawian. Gaya ng
ibang katha, ang dula ay lumilibang at pumupukaw ng damdamin.
Dulang Panlansangan

Ilan sa mga kilalang dulang panlansangan sa bansa na laganap pa din sa


kasalukuyan ay ang mga sumusunod:

1. Tibag- ito ay isinasagawa tuwing Buwan ng Mayo tungkol sa paghahanap ni


Santa Elena sa krus na pinagpakuan kay Kristo. Ang mga tauhan o kasali sa
pagtatanghal ay kahalo-halo ng taong bayan.

2. Senakulo- inilalarawan dito ang simula ng lahat- ang paglalang kay Eba at
Adan, ang pagsilang kay Jesus, ang kanyang kamatayan at muling pagkabuhay.
Itinatanghal ito bilang serye mula Lunes Santo hanggang Sabado de Gloria.

3.Panunuluyan- ito ay isinasagawa tuwing sasapit ang Pasko, bago mag-misa de


gallo. Sina Maria at Jose ay naghahanap ng bahay na masisilungan at
mapagsisilangan kay Jesus.

4. Moriones- Dulang panrelihiyong ginagamit sa mga lansangan sa lalawigan ng


Mindoro at Marinduque tuwing mahal na araw. Ang mga karakter na gumaganap
ay nakasuot o naglalagay ng mga maskarang may iba’t ibang kulay at ibang
palamuti o guhit sa kanilang katawan.

5. Santacruzan- dulang panlansangan at panrelihiyon kung saan isang


marangyang parada ng mga sagala at konsorte ang nagaganap. Sila ay lumilibot
sa mga kalye hanggang sa makarating sa simbahan upang maihatid ang krus.

Sanggunian: PINAGYAMANG PLUMA 7, Alma M. Dayag et. al.

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (SANTACRUZAN-CEPTO)


Ayusin ang wastong pagkakasunod-sunod sa santakruzan upang mabuo ang
pangkalahatang konsepto ng aralin.

(Reyna Justicia)
(Reyna Esther) (Reyna Judith)
Ang mga dulang
pamamagitan sinasagawa
panlansangan

(Marian)
(Samaritana) (Reyna Elena)
kasama ang taong
pagtatanghal lansangan
bayan
(Reyna Justicia)- (Reyna Judith)- (Reyna Esther)-(Samaritana)- (Marian)
(Reyna Elena)

Ang mga dulang panlansangan ay isinasagawa sa pamamagitan


ng pagtatanghal kasama ang taong bayan sa lansangan.

APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (PATALASTAS)


Gumawa ng isang patalastas na maaaring pasulat o pasalita tungkol sa
kahalagahan ng pagtangkilik sa mga dulang panlansangan. Ipaliwanag ang
nabuong gawain.

IV. KASUNDUAN

1. Magsaliksik ng isang dulang panlansangang ipinagdiriwang sa inyong


lugar at ilarawan kung paano ito isinasagawa.
2. Naranasan mo na bang maging bahagi ng mga dulang panlansangan sa
iyong lugar? Isalaysay ang pangyayaring ito. Maaaring isalaysay ang
karanasan ng kapatid o mahal sa buhay kung hindi mo pa ito
nararanasan. Magkapit ng larawan sa inyong kwaderno.
3. Basahin ang dulang “Ang Mahiwagang Tandang”. Ibigay ang buod ng dula.

Ikatlong Markahan | 100


LINANGIN
I.LAYUNIN

PAG-UNAWA SA NAPAKINGGAN (PN) (F7PN-Ih-i-5)


 Nailalarawan ang paraan ng pagsamba o ritwal ng isang pangkat ng mga
tao batay sa dulang napakinggan.

PAG-UNAWA SA BINASA (PB) (F7PB-Ih-i- 5)


 Nasusuri ang pagkamakatotohanan ng mga pangyayari batay sa sariling
karanasan.

PAGLINANG NG TALASALITAAN (PT) (F7PT-Ih-i-5)


 Nagagamit sa sariling pangungusap ang mga salitang hiram.

II. PAKSA

Panitikan: Paraan ng Pagsambang Masasalamin sa Dula-


“Ang Mahiwagang Tandang ni Arthur P. Casanova
Kagamitan: Video clip mula sa youtube, pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

1. Motibasyon
Mungkahing Estratehiya (GENIE IN A BOTTLE)
Magpapakita ang guro ng larawan ng isang genie.

Ikatlong Markahan | 101


Gabay na Tanong:
a. Ano ang inyong mahihinuha sa larawan?
b. Kung mabibigyan k ng pagkakataong mabigyan ng kahilingan ng isang
genie, ano ang hihilingin mo? Bakit?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Ano- ano ang mga paraan ng pagsambang masasalamin sa Dulang


“Ang Mahiwagang Tandang”?

3. Paglinang ng Talasalitaan

Mungkahing Estratehiya (USE IT)


Magbibigay ang guro ng mga salitang hiram at ang kahulugan nito. Gagamitin
Ito ng mga mag- aaral sa sariling pangungusap.

BULAD- isdang pinatuyo

BRASS- isang uri ng metal na pinaghalong tanso at zinc

Ikatlong Markahan | 102


AI DAO- ekspresyong maaaring nangangahulugan ng
matinding pagkalungkot o pagmamahal

DAMA- tawag sa mga alalay ng sultan o reyna

PUKPOK ALIMPAKU- isang tradisyunal na awiting bayan


ng Meranao

TOROGAN- tawag sa bahay ng mayayaman o kilalang tao


o pinuno sa Meranao

KALILANG- nangangahulugan ng pagdiriwang o pag-alaala

4. Paghinuha sa Pamagat

Mungkahing Estratehiya (YEAR OF THE ROOSTER)

Ikatlong Markahan | 103


Magbibigay ang mga mag-aaral ng mga ideya na pumapasok sa kanilang
isipan tungkol sa hayop na tandang.

http://images.clipartpanda.com/rooster-clip-art-image-with-rooster-theme-1-clipart-89714868.jpg
5. Pagkilala sa May-akda

Mungkahing Estratehiya (ATING KILALANIN)


Magbibigay ang guro ng ilang mahahalagang impormasyon tungkol sa
sumulat ng dula.
Simula nang magsulat ng mga dulang pambata si Arthur P.
Casanova, naging advocacy niya ang: (1) paggamit ng katutubong
panitikan na naging lunduyan o material ng kanyang mga dula, at (2)
paggamit ng estilong kambayoka sa pagsulat ng dula. Kitang-kita ang mga
advocacy na ito sa dulang “Ang Mahiwagang Tandang.” Isa pang
maliwanag na impluwensiya kay Casanova ay ang pinagbuhatan ng
kuwento. Ang nabanggit na dula ay isang kuwentong mahika na galing sa
kultural na pamayanan kung saan matagal na nanirahan si Casanova, sa
Mindanao State University, Lungsod ng Marawi sa Lanao del Sur. Ang
Lungsod ng Marawi ang tinaguriang “ Islamic City of the Philippines.” Ang
impluwensiyang ito kay Casanova ay di dapat pagtakhan dahil dito niya
ginugol ang kanyang kabataan—naging iskolar siya rito at natapos niya sa
unibersidad na ito ang dalawang kursong undergraduate at sa pook na ito
rin siya nagturo sa hayskul at kolehiyo sa loob ng sampung taon. Higit sa
lahat, ang mga advocacy niyang ito’y bunga ng mga kaalaman at
kasanayan niya sa Sining Kambayoka na itinatag noong 1974 ng kanyang
mentor sa drama at teatro na si Frank G. Rivera. Naging aktibong kasapi
at iskolar si Casanova ng Sining Kambayoka. Sa pangkat na ito tunay na
nahasa ang kanyang kasanayan sa pagdirihe at pagsulat ng iskrip sa estilo
o paraang kambayoka.
6. Pagpapabasa ng Akda

Mungkahing Estratehiya (READERS’ THEATER)

ANG MAHIWAGANG TANDANG


Arthur P. Casanova

Dulang pambata ang iskrip na “Ang Mahiwagang Tandang.” Maaari


itong itanghal bilang dulang mascara o dulang anino na nasubukan na ring
gawin ni Casanova sa kanyang klase. Msusubok din ang pagiging
malikhain ng mga mag-aaral o manggawa sa teatro kung lilikha sila ng
mga eksperimental na produksiyon nito. Sa mga guro ng wika sa silid-
aralan maaari rin itong gawing lunduyan sa pagtatamo ng kakayahan at
kasanayan sa wikang pambansa.

Mga Tauhan:
Lokus a Mama: ang ama ni Bagoamama, asawa ni Lokus a
Babae Lokus a Babae- ang ina ni Bagoamama, asawa ni Lokus a
Mama Bagoamama- anak nina Lokus a Mama at Lokus a Babae
Mahiwagang Tandang- ang manok na nagsasalita at may angking hiwaga
Sultan Abdullah- ang sultan ng kaharian ng Agamaniog
Reyna Aliah- ang reyna ng kaharian ng Agamaniog
Sabandar- isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasayaw ng sultan
Kanankan- isa sa dalawang pinagkakatiwalaang mangsasayaw ng sultan
Guwardiya 1 at 2- mga bantay ng palasyo
Bata 1 at 2- mga kalaro ni Bagoamama sa Palasyo
Dama 1 at 2- mga alalay ng reyna at sultan
Mga Mandirigma- magigiting na kawal ng sultan
Taumbayan 1,2,3,4,5, at 6- mga mamamayan ng Kaharian ng Agamaniog
Korong Babae- pangkat ng kababaihang tagapagsalaysay, set at props ng dula
Korong Lalaki- pangkat ng kalalakihang tagapagsalaysay, set at props ng dula

Tagpuan:
Sa Kaharian ng Agamaniog. Isang matulaing kaharian ng mga Meranao sa Lanao del Sur

Korong Babae: Noong panahon ng ating mga ninuno, may naninirahang mag-asawa sa
isang maliit na kaharian.

Korong Lalaki: Si Lokus a Mama.


(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Lokus a Mama. May dala siyang mga sanga ng kahoy
at itak. Tinatanggalan niya ng dahon ang mga sanga.)

Korong Babae: At si Lokus a Babae.


(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae. May dala siyang plangganang puno
ng labahin.)

Korong Lalaki: May isa silang anak na lalaki. Si Bagoamama.


(Lalabas mula sa Korong Lalaki si Bagoamama. Pupunta siya sa gitna ng entablado at
maglalaro ng kasipa.)
Lokus a Babae: Ang hirap talaga pag natatambak ang labahin. Sumasakit ang beywang
Lokus a Babae: Nariyan ka na pala. Marami ka bang nakuhang makakain mula sa gubat?

Lokus a Mama: Kakaunti nga eh. May dala akong isang buwig ng saging. Mga tatlong
araw pa bago mahinog ang mga iyan.

Lokus a Babae: Eh gulay, mayroon ka?

Lokus a Mama: Sayote at kalabasa. Pakaunti nang pakaunti ang mga ligaw na gulay. May
bigas pa ba tayo?

Lokus a Babae: Dumaan ako kina Usman kanina bago naglaba sa lawa. Nakahiram ng
kaunti. Kasya na sa atin iyon sa loob ng tatlong araw.

Lokus a Mama: Kailangan nating bayaran ang bigas na iyan ng mga manok.

Lokus a Babae: Halos wala rin tayong manok. Aba’y sumama ka kina Bashier sa
pangingisda sa lawa at nang hindi tayo nag-iisip kung saan kukuha ng
ulam. Malapit na ring maubos ang mga bulad natin.

Lokus a Mama: Hayaan mo’t kakausapin ko si Bashier mamaya para makasama ako sa
kanilang pangingisda sa lawa bukas.

Lokus a Babae: Naaawa na nga ako riyan kay Bagoamama. Bihirang-bihira na siyang
makatikim ng sariwang isda.

Lokus a Mama: Hindi lang siya. Sawang-sawa na ako sa manok. Ni hindi tayo makabili ng
karneng baka.

Lokus a Babae: Ikaw kasi hindi ka natuto-tuto sa pag-aararo ng bukid. Sayang iyang
malawak na lupaing ipinamana sa atin ng aking ama. Hindi nabubungkal
at natataniman. Disin sana’y hindi tayo naghihirap ng ganito.

Lokus a Mama: Aywan ko ba, hindi ko talaga natutunan iyan. Lumaki kasi ako sa paggawa ng
brass. Simula naman ng maging mag-asawa tayo, tumigil na ako sa
paggawa ng brass. Malaki ang puhunan sa paggawa ng brass.

Lokus a Babae: At simula noon, ang pangunguha na lang ng mga prutas at gulay ang
nakayanan mong gawin.
Korong Lalaki: Sadyang ganyan nga po kahirap ang buhay ng mag-anak. Palaging salat
sa pagkain.

Korong Babae: Umaasa na lamang sila sa mga pagkaing nakikita sa kanilang pali-paligid!
Tunay pong kaawa-awa.)

Korong Lalaki: Ai-Dao! Tunay na kahabag-habang. Isang araw...

(Lalabas mula sa Korong Babae si Lokus a Babae na may dalang banig


at malong. Ilalatag niya ang banig. Mula sa Korong Lalaki ay lalabas
naman si Lokus a Mama na may sakit. Hihiga siya sa banig at
kukumutan siya ni Lokus a Babae ng malong.)

Lokus a Mama: Allah! Tulungan po ninyo ang aking asawa. Pagalingin po ninyo siya.
(Lalabas si Bagoamama mula sa Korong Lalaki.)

Bagoamama: Ina, kumusta na po si Ama?

Lokus a Babae: Tatlong araw nang mataas ang kanyang lagnat. Hindi gumagaling sa
gamot na ibinigay ng albularyo.

Korong Babae: Sa pagkakataong iyon, naalaala ni Bagoamama ang buhay sa palasyo ng


sultan.

(Ang dalawang koro ay magsisipunta sa kaliwang bahagi ng entablado.


Ang mga babae ay magpopormang mga kurtina ng kaharian sa
pamamagitan ng paggamit ng kanilang mga malong. Sa pamamagitan
naman ng kanilang mga katawan, mag-aanyong trono naman ng sultan
ang mga kalalakihan maliban sa karakter ni Sultan Abdullah. Uupo siya
sa trono. Naroon sa tabi niya si Reyna Aliah.)

Bagoamama: Ina, bakit po tayo mahirap lamang?

Lokus a Babae: Bagoamama, si Allah ang may kagustuhan nito.

Bagoamama: Wala ba tayong magagawang paraan para maging mayaman tayo?


Lokus a Babae: Hindi ko alam, Bagoamama. Ang iyong ama at ako ay limampung taon
nang naninirahan sa kahariang ito ngunit hanggang ngayon ay mahirap
Sultan Abdullah: Ikaw pala, Lokus a Babae. Ngayon ka lang bumisitang muli. May
problema ba?

Lokus a Babae: Wala po mahal na Sultan Abdullah.

Sultan Abdullah: Hindi ako maaaring magkamali, nababasa ko sa iyong mukha na ikaw
ay may problema. Ano ang maitutulong ko sa iyo, Lokus a Babae?

Lokus a Babae: Mahal na Sultan, nahihiya po akong ipagtapat sa inyo ang aking suliran.
Ngunit, mahal na sultan, pinapupunta po ako dito ng aking anak upang
humingi ng abaka.

(Nagtaka ang sultan ngunit agad din naman niyang ipinatawag ang mga
kawal at pinag-utusan na kumuha ng abaka sa manghahabi. Lubos ang
pasasalamat ni Lokus a Babae sa Sultan at dali-daling umalis. Pagdating sa
bahay ay itinanong niya sa anak kung aanhin ang baka. Sinabi ni
Bagoamama na kailangan nilang gumawa ng tali at lubid ngunit hindi
niya rin sinabi sa ina kung para saan iyon. Hanggang sa makagawa sila
ng daan-daang lubid.
Nang matapos ay agad ding kinuha ni Bagoamama ang mga
natapos na lubid at nagsimula nang magtungo sa gubat. Naisip pala
niyang gumawa ng bitag. Nakakita siya ng napakalaking yapak at doon
siya gumawa ng maraming bitag. Pagkatapos ay umuwi na siya at dali-
dali siyang sinalubong ng kanyang ina.)

Lokus a Babae: Anak, huwag ka sang mabibigla, yumao na ang iyong ama. Ang problema’y
wala tayong pampalibing sa kanya. Ni wala rin tayong maibabayad sa
Imam para makapagdasal.

Bagoamama: Kung ayos lamang Ina ay tayo na lamang ang maglibing kay Ama at saka
na lamang natin siya padasalan kapag may pera na tayo.

(Ganoon na nga ang nangyari. Inilibing nila si Lokus a Mama. Nang


sumunod na araw, pumunta si Bagoamama sa gubat upang tingnan ang
mga bitag. Nagulat siya sapagkat lahat ng kanyang mga bitag ay may
huli. Isinukbit niya ang mga itinaling mga huli sa kanyang balikat ngunit
laking pagtataka niya nang magsalita ang manok.)
(Nang makaalis si Lokes a Babae ay dumumi ng maraming ginto ang mahiwagang tandang.
Biglang yumaman ang mag-ina. Naipaayos ang kanilang bahay. Laking
gulat ng napadaang mga kilalang mangsasangyaw. Batid ng mahiwagang
tandang ang pakay ng dalawa kaya’t nagsalita iyon na lubos na ikinagulat
ng dalawa. Karipas silang tumakbo at nang makarating sa palasyo ay
bigla na lamang silang napahandusay. Ginising sila ng mga kawal at dali-
dali nilang pinuntahan ang sultan.)

Sabandar: Mahal na Sultan, hindi na po kayo ang pinakamayamang tao sa Kaharian ng


Agamaniog!

Kanankan: Mayroon na pong higit na mayaman kaysa sa inyo!

Sultan Abdullah: Anong ibig ninyong sabihin? Nababaliw na ba kayo? Marahil ay


sinaniban kayo ng demonyo!

Sabandar at Kanankan: Mahal na Sultan, nagsasabi po kami ng totoo.

Sabandar: Mahal na Sultan, si Bagoamama na anak ni Lokes a Babae at Lokes a Mama


ay may mahiwagang tandang na nagsasalita. Bigla silang nagkaroon ng
magagarang tela at mga ginto at pilak.

(Nag-isip ang sultan habang pinaglalaruan ang kanyang bigote. Naisipan


niyang bilhin ang Mahiwagang Tandang mula sa mag-ina. Lingid sa
kaalaman ng Sultan ay alam na ng Mahiwagang Tandang at nina
Bagoamama ang pakay ng Sultan kaya’t bago pa man dumating ang Sultan
ay nakapagdesisyon na sila. Pumayag ang Mahiwagang Tandang na siya ay
bilhin ng hari. Ngunit upang masigurado ang estado ng buhay nina
Bagoamama at Lokes a Babae ay sinabi ng tandang na nais ni Bagoamama
na pakasalanan ang prinsesa na anak ng sultan. Pumayag naman ang hari.
Bago lumisan ang tandang at sumama sa sultan ay binigyan niya muna ng
bigay-kaya ang mga taong naroroon. Maraming magagarang tela ang
lumabas sa bibig ng tandang habang siya ay tumitilaok.)

Taumbayan 1: Ang gaganda ng kulay.


Taumbayan 2: Ang gagara.
Taumbayan 3: Elegante. Panreyna at pansultan ang mga telang ito.
Taumbayan 4: Ginto at pilak! Para sa atin ba ang lahat ng iyan?
7. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WHAT’S NEXT)


Pagsasalaysay ng pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa tulong ng
mga flo

Pagpapakilala
Wakas sa mga
tauhan

Pataas
Pababang na
Aksyon
Aksyon

Kasukdulan

8. Pangkatang Gawain

Mungkahing Estratehiya (DO YOUR TASKS)


Pipili ang bawat pangkat ng paksang kanilang tatalakayin tungkol sa
pabulang binasa sa tulong ng mga mungkahing estratehiya.

Paksa:
Paksa:
Paraan ng Pagsambang
Mga Tauhan at ang Kanilang mga
Masasalamin sa Dula
Katangian
Mungkahing Estratehiya:
Mungkahing Estratehiya:
Tableau
Simbolismo
Paggawa ng isang simbolismo na
1 2
Paksa: Paksa:
Mga Hiram na Salita 3
Mungkahing Estratehiya:
Kaisipang Hatid ng Akda
Mungkahing Estratehiya:
4
Usapan Hugot Lines Paglikha
Paggawa ng isang usapan na ng mga hugot lines na
ginagamit ang mga hiram na nagpapakita ng kaisipang nais
salita sa akda ipabatid ng akda
RUBRIKS NG PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
at naipahatid ang nilalaman o naiparating ang nilalaman o
Organisasyon nilalaman o kaisipan na nais nilalaman o kaisipan na nais
ng mga kaisipan na nais iparating sa kaisipan na nais iparating sa
Kaisipan iparating sa manonood (3) iparating sa manonood (1)
o Mensahe manonood (4) manonood (2)
(4)

Istilo/ Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng


Pagkama- kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
likhain kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
(3) pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng pangkat
ginamit ng pangkat sa ginamit ng sa presentasyon
pangkat sa presentasyon pangkat sa (0)
presentasyon (3) (2) presentasyon(1)

Kaisahan Lubos na Nagpamalas ng Di-gaanong Di nagpamalas ng


ng Pangkat nagpamalas ng pagkakaisa ang nagpamalas ng pagkakaisa ang
o pagkakaisa ang bawat pagkakaisa ang bawat miyembro
Kooperasyon bawat miyembro miyembro sa bawat miyembro sa kanilang gawain
(3) sa kanilang kanilang gawain sa kanilang (0)
gawain (3) (2) gawain (1)

9. Pagtatanghal ng pangkatang gawain

Ikatlong Markahan | 111


10. Pagbibigay ng feedback ng guro sa itinanghal na pangkatang gawain

11. Pagbibigay ng iskor at pagkilala sa natatanging pangkat na


nagpakita ng kahusayan sa ginawang pangkatan batay sa rubriks na
ibinigay ng guro

ANALISIS

1. Naging makatotohanan ba ang mga pangyayari sa akda batay sa mga


sarili ninyong karanasan? Patunayan.
2. Maituturing mo bang isang dula ang akdang tinalakay? Bakit ito
maituturing na isang dula?
3. Paano nakatulong ang elementong tauhan, tagpuan, banghay at usapan
sa kabuuan ng dula?
4. Ano ang naging aral ng dulang tinalakay? Magagamit mo ba ito sa
kasalukuyan? Paano?
5. Bakit naging “Ang Mahiwagang Tandang” ang pamagat ng dula? Angkop
ba ito sa mga daloy ng pangyayari sa kuwento? Bakit?

ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (ALING TANDANG)


Pipiliin ng mga mag-aaral ang mahiwagang tandang na naglalaman ng
pangkalahatang konsepto ng aralin.
Masasalamin sa dulang“Ang Masasalamin sa dulang“Ang
Mahiwagang Tandang” ang Mahiwagang Tandang” ang
pagsamba ng mga tao sa pera. pagsamba ng mga tao sa
itinuturing nilang Bathala.
https://img.clipartfest.com/66be9236c73adee8e8fbea42300f5505_vector-clip-art-illustration-rooster-clipart-images_450-
441.jpeg http://photos.gograph.com/thumbs/CSP/CSP992/k12596366.jpg

Masasalamin sa dulang“Ang Mahiwagang Tandang” ang pagsamba


ng mga tao sa itinuturing nilang Bathala.

Ikatlong Markahan | 112


APLIKASYON

Mungkahing Estratehiya (SHARE IT)


Magbabahagi ang mga mag-aaral ng sagot sa katanungan ng guro.

Ano- ano pa ang paraan ng pagsamba ng iba’t ibang relihiyon sa bansa?


Ibahagi ito sa klase.

EBALWASYON

Panuto: Sagutin ang mga katanungan. Piliin at isulat ang titik ng tamang
sagot.

1. Kuhanin mo ang bulad at ng atin nang maging hapunan mamaya. Ano


ang kahulugan ng salitang hiram na bulad?

a. kanin b. isda c. gulay d. manok


2. Ano ang aral ng dula na magagamit sa sariling karanasan ng bawat isang
tao sa pang-araw araw na pamumuhay?

a. Maging matiyaga sa buhay upang makamtan ang magandang kapalaran.


b. Ang pag-aaral ng mabuti ay may magandang bunga.
c. Ang pagtulong sa kapwa ay may mabuting kapalit.
d. Maging masunurin sa mga hari at reyna.

3. Ito ay isang uri ng panitikang ang pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan.

a. pabula b. epiko c. maikling kuwento d. dula

4. Bakit “Mahiwagang Tandang” ang pamagat ng dulang tinalakay?

a. Tinutukoy nito ang ibong naging kaaway ng pangunahing tauhan sa akda.


b. Tinutukoy nito ang ibong naging asawa ng pangunahing tauhan sa akda.
c. Tinutukoy nito ang ibong naging kaibigan ng pangunahing tauhan sa akda
at nagbigay sa kanya ng yaman.
d. Tinutukoy nito ang ibong naging bida sa akda.

5. Paano nasasalamin sa dulang“Ang Mahiwagang Tandang” ang pagsamba


ng mga tao sa itinuturing nilang Bathala?
a. Ang mga tao ay naniniwala sa Bathala at hinahandugan nila ito.
b. Ang mga tao ay gumagawa ng mabuti dahil alam nilang may kagantihan
ito kay Bathala.

Ikatlong Markahan | 113


c. Ang mga tao ay naghahanda ng engrande para sa pinaniniwalaan nilang
Bathala.
d. A at B

Sagot:
B A D C D

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Magdikit ng mga larawan ng iba’t ibang relihiyong nagsasagawa ng iba’t


ibang pagsamba.
2. Ano- ano ang mga pangungusap na walang paksa? Isa-isahin ito.

PAUNLARIN
I.LAYUNIN

WIKA AT GRAMATIKA (WG) (F7WG-Ih-i-5)


 Nagagamit ang mga pangungusap na walang tiyak na paksa sa pagbuo
ng patalastas.

II. PAKSA

Wika: Mga Pangungusap na Walang Tiyak na Paksa


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

AKTIBITI

Ikatlong Markahan | 114


1. Motibasyon

Mungkahing Estratehiya (ANONG PRODUKTO)


May ipababasang mga sikat na linya ng patalastas ang guro. Huhulaan ng
mga mag-aaral ang produktong tinutukoy ng bawat larawan.

INGAT! SMILE KA DIN!

Biogesic Mc Donalds

ANG INIT! MABUHAY!

Selecta Ice Cream Philippine Airlines

KAREN PO!

Mc Donalds
Gabay na Tanong:
a. Ano ang mapapansin sa mga kataga ng mga patalastas?

Pag-uugnay ng guro ng ginawang aktibidad sa kasalukuyang aralin.

2. Pokus na Tanong

Pagbibigay ng mga mag-aaral ng mga tanong hinggil sa mga naunang


gawain. Pagbibigay ng guro ng pokus na tanong para sa aralin.

Anu-ano ang mga pangungusap na walang paksa?

3. Presentasyon

Mungkahing Estratehiya (WATCH AND LEARN)


Magpapanood ang guro ng mga patalastas na binanggit sa unang aktibidad.

INGAT (BIOGESIC)
https://www.youtube.com/watch?v=vqOoVQLZp_s

MC DONALDS (SMILE KA DIN)


https://www.youtube.com/watch?v=ICn3_tRVGT0

ANG INIT (SELECTA)


https://www.youtube.com/watch?v=MqnYj4__51s
ANALISIS

1. Ano-ano ang dalawang mahalagang bahagi ng isang pangungusap?


Ibigay ang katuturan ng mga bahaging ito.
2. Isa-isahin ang mga sikat na linyang inyong narinig sa napanood.
3. Pansinin ang mga linyang ito. Ano ang iyong masasabi sa mga linyang
nabanggit? Buo ba ang diwang nais ipahatid ng mga linyang ito kahit
walang tiyak na paksa?
4. Lahat ba ng mga pangungusap ay may paksa? Mayroon bang
pangungusap na walang paksa? Patunayan.
5. Matatawag mo bang pangungusap ang mga katagang ginamit sa inyong
patalastas? Bakit?
Pagbibigay ng Input ng Guro
DAGDAG KAALAMAN- (FOR YOUR INFORMATIO N)

Mga Pangungusap na Walang Paksa

Sa Wikang Filipino ay may mga pangungusap na walang paksa. Ito ay


ang mga sumusunod:

1. Eksistensyal- ang mga pangungusap na eksistensyal ay nagpapahayag


ng pagkamayroon o kawalan.
A. May mga magsisipanood na sa kalye.
B. Wala pang nanonood.

2. Modal- Nangangahulugan ito na gusto, nais, ibig, puwede, maaari,


dapat o kailangan
A. Pwedeng sumali?
B. Maaari ba?

3. Padamdam- nagpapahayag ng matinding damdamin ang mga ito.


A. Bilis! C. Kay ganda ng buhay!
B. Laban! D. Ang bait!

4. Maikling Sambitla- ang mga sambitlang tinutukoy ay ang iisahin o


dadalawahing pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
A. Naku! C. Aray!
B. Grabe! D. Ay!

5. Panawag- matatawag ding vocative ang mga ito. Maaari itong iisahing
salita o panawag ng pangkamag-anak.
ABSTRAKSYON

Mungkahing Estratehiya (WHICH BALOON)


Tutukuyin ng mga mag-aaral ang lobong nagpapakita ng mga pangungusap
na walang paksa.

EKSISTENSYAL PANAWAG BALBAL


MODAL MAIKLING
FORMAL SAMBITLA
PADAMDAM PORMULARYONG
PAMANAHON PANLIPUNAN

http://www.clipartkid.com/images/33/black-and-white-balloon-clipart-clipart-panda-free-clipart-images-wiRy8H-clipart.png

Ang mga pangungusap na walang paksa ay eksistensyal, modal,


padamdam, maikling sambitla, panawag, pamanahon at
pormularyong panlipunan.
APLIKASYON

Ginabayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (ISANG PATALASTAS)
Gagawa ang mga mag-aaral ng isang patalastas na pasalita na tatalakay sa
isang produktong gamit ang mga pangungusap na walang paksa. Itatanghal
ito sa klase.

Malayang Pagsasanay
Mungkahing Estratehiya (GAWIN NATIN)
Tukuyin kung anong uri ang mga sumusunod na pangungusap na walang
paksa. Isulat ang tamang sagot.

_____1. Ang galing niyang umarte.


_____2.Kainis!
_____3. Puwedeng makatawad?
_____4.Walang anuman.
_____5. Lunes na bukas.
_____6.Bumabagyo.
_____7.Maganda ang palabas sa plasa.
EBALWASYON

1. Ano ang tawag sa bahagi ng pangungusap na siyang pinag-uusapan.


a. panag-uri c. pandiwa
b. paksa d. pang-ugnay

2. Maalinsangan ngayon. Anong uri ito ng pangungusap na walang paksa?


a. eksistensyal c. modal
b. pamanahon d. temporal

3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang halimbawa ng


pangungusap na walang paksa?
a. Nag-aaral ng mabuti ang mga bata sa silid aralan.
b. Umuulan na.
c. Tayo ay manananghalian na mamaya.
d. Ang bata ay payatin.

4. Piliin ang pangungusap na nagpapakita ng halimbawa ng pormularyong


panlipunan.
a. Mabuhay! c. Sabado ngayon.
b. Aray! d. Pasukan na.

Ikatlong Markahan | 118


5. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng pangungusap na nagsasaad ng
maikling sambitla. Alin ang hindi?
a. Grabe! c. Aray!
b. Naku! d. May mga tao na sa party.

Sagot:
B B B A D

Pagkuha ng Index of Mastery

SEKSYON BILANG NG MAG-AARAL INDEX (%)

IV. KASUNDUAN

1. Mag-isip ng iba pang patalastas na inyong napapanood sa telebisyon na


nagpapakita ng mga pangungusap na walang tiyak na paksa. Isulat ito sa
inyong kwaderno.
2. Humanda sa pagsulat ng Awtput 1.5. Magdala ng mga materyales sa
paggawa ng awtput.

ILIPAT
I.LAYUNIN

PAGSULAT (PU) (F7PU-Ih-i-5)


 Nabubuo ang patalastas tungkol sa napanood na dulang panlansangan.

II. PAKSA

Pagsulat ng Awtput 1.5


Kagamitan: Pantulong na visuals
Sanggunian: Pinagyamang Pluma 7 Elma M. Dayag et. al.
Bilang ng Araw: 2 Sesyon

III. PROSESO NG PAGKATUTO

Gawaing Rutinari
 Pagtatala ng Liban
 Pagtse-tsek ng Takdang Aralin
 Balik- Aral

Ikatlong Markahan | 119


Nabub
uo ang
patala
Isa kang TV
advertising manager
AKTIBITI

1. Motibasyon

Mungkahing Estatehiya (WATCH AND LEARN)


May ipapanood ang guro sa mga mag-aaral na isang dulang panlansangan.
Pagkatapos ay ibabahagi ng mga mag-aaral ang kanilang saloobin sa
napanood.

SANTACRUZAN
http://youtu.be/kocoCZI-QYO

SALOOBIN SALOOBIN SALOOBIN


2. Pagtalakay sa Awtput sa tulong ng GRASPS
GOAL:
ROLE:
AUDIENCE: Mga mag-aaral at guro sa inyong paaralan

SITUATION: Naatasan kang gumawa ng isang patalastas na pasulat


tungkol sa isang dulang panlansangan na iyong ipopromote
sa inyong lugar.

PRODUCT: Patalastas na pasulat tungkol sa isang dulang panlansangan

STANDARD: RUBRIKS NG AWTPUT


Lubos na nagpapakita Nagpakita ng Ang nilalaman ng
ORIHINALIDAD ng orihinalidad ang orihinalidad ang talata ay nagmula sa
AT NILALAMAN nilalaman ng patalastas. nilalaman ng mga naisulat nang
(4) (4) patalastas. mga patalastas.
(3) (1)
Ikatlong Markahan | Napakahusay ng pagpili
120
Mahusay ang naging Hindi gaanong
PAGGAMIT NG sa mga salitang ginamit pagpili sa mga mahusay ang naging
SALITA sa patalastas. salitang ginamit sa pagpili ng mga
(3) (3) patalastas. salitang ginamit.
(2) (1)
Lubos na kinakitaan nang Kinakitaan nang maayos Hindi kinakitaan nang
PAGGAWA NG maayos at organisadong maayos at organisadong maayos at organisadong
3. Pagkuha ng mga awtput na ginawa ng bawat mag-aaral.

4. Pagpapabasa ng ilang piling awtput na kinakitaan ng kahusayan sa


pagkakasulat.

IV. KASUNDUAN

1. Manood sa youtube ng isang dulang panlansangan na isinasagawa sa


inyong lugar. Ilarawan ang napanood na dula sa pamamagitan ng
paggawa ng makabuluhang talata. Gumamit ng mga pangungusap na
walang paksa.
2. Ano ang mga hakbang sa pagbuo ng travel brochure? Isa-isahin ito.

Ikatlong Markahan | 121

You might also like