You are on page 1of 2

Lualhati Bautista

Lualhati Bautista Kapanganakan Disyembre 2, 1946 (edad 64) Tondo, Maynila, Pilipinas Trabaho nobelista; manunulat sa pelikula at telebisyon

Mula sa Tagalog na Wikipedia, ang malayang ensiklopedya Si Lualhati Bautista ay isang bantog na babaeng Filipinong manunulat. Kadalasan, ang mga akda niya ay nasa anyong nobela o maikling kwento, pero nakalikha na rin siya ng ilang akdang-pampelikula. Pinanganak si Lualhati Bautista sa Tondo, Manila noong Disyembre 2, 1945. Nagtapos siya sa Emilio Jacinto Elementary School noong 1958, at sa Torres High School noong 1962. Naging journalism major siya sa Lyceum of the Philippines, ngunit nag-drop out bago man niya matapos ang kanyang unang taon. Ilan sa mga nobela niya ang: Gapo, Dekada '70, at Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? na nakapagpanalo sa kanya ng Palanca Award ng tatlong beses: noong 1980, 1983, at 1984. Nakatanggap din siya ng dalawang Palanca Award para sa dalawa sa kanyang mga maikling kwento: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra (unang gantimpala, 1982) at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang (pangatlong gantimpala, 1983). Noong 1984, ang kanyang script para sa Bulaklak ng City Jail ay nagwagi bilang Best StoryBest Screenplay sa Metro Manila Film Festival, Film Academy Awards, at Star Awards. [baguhin]Mga gawain nya Bilang karagdagan sa pagiging isang nobelista, si Lualhati Bautista ay isa ring manunulat ng mga maiikling kuwento, at maging sa larangan ng pelikula at telebisyon. Ang pinakaunang akdang-pampelikulang isinulat niya ay ang Sakada (mga magsasaka ng tubo), isang kuwentong naisatitik ni Bautista noong 1972 na naglantad ng katayuan at pamumuhay ng mga mahihirap ng Pilipino. Nakatanggap ng pagkilala at parangal na Gantimpalang Don Carlos Palanca para sa Panitikan ng Pilipinas, maging mula sa Surian ng Wikang Pambansa noong 1987. Ilan sa mga ginantimpalaang sulating-pampelikula niya ang Bulaklak sa City Jail (1984), Kung Mahawi Man ang Ulap (1984), Sex Object(1985). Para sa pagsusulat para sa pelikula, nakatanggap siya ng pagkilala mula sa Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay),Film Academy Awards (best story-best screenplay), Star Awards (finalist para sa best screenplay), FAMAS (finalist para sa best screenplay), at mga gantimapalang URIAN. Dalawa sa kaniyang mga maiikling kuwento ay nagwagi rin mga gantimpalang Carlos Palanca para sa Panitikan: ang Tatlong Kuwento ng Buhay ni Juan Candelabra, unang gantimpala, 1982, at Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang, pangatlong gantimpala, 1983. Sumulat rin si Bautista ng mga dramang pang-telebisyon: ang Daga sa Timba ng Tubig (1975) at Isang Kabanata sa Libro ng Buhay ni Leilani Cruzaldo (1987). Nanalo ang huling akda ng pinakamagaling na kuwentong pandrama para sa telebisyon mula sa Catholic Mass Media Awards. Pinarangalan si Bautista ng Ateneo Library of Womens Writings (Aklatan ng mga Sulatin ng mga Kababaihan ng Ateneo) noong [1] Marso 10, 2004 habang idinaraos ang ika-8 Taunang Panayam sa Panitikang Isinulat ng mga Kababaihan sa Katutubong Wika. Ang mga maiikling kuwento na isinulat ng mga kababaihang Pilipino ay inilimbag sa Finland ng The Finnish-Philippine Society (Ang Samahang Pinlandes-Pilipino, o FPS), isang hindi-pampahalaang organisasyon na itinatag noong 1988. Pinatnugutan at isinalin ni Riitta Vartti, at iba pa, ang Tulikrpnen. Sa Firefly: Writings by Various Authors (Alitaptap: Mga Sulatin ng Iba't Ibang May-akda), ang bersiyong Ingles ng kalipunang Pinlandes, ang sipi mula sa nobelang Pilipinong Gap (daglat ng Olongapo) ay pinamagatang The Night in Olongapo(Ang Gabi sa Olongapo) samantalang ang sipi mula sa Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? ay pinamagatan [2][3][4] namang Children's Party (Handaang Pambata). Ang buong salinwika ng mga pinakamahahalagang akda ni Bautista ay maaaring makabuwag sa hadlang sa palimbagang pansandaigdigan, bagaman may mga nagsasabi na ang dahilan kung bakit walang nasasagawang pagsasalinwika ay ang paggamit ni Bautista ng payak ngunit makabuluhang wika para maisalarawan ang ang mga masasalimuot na katayuang panlipunan at [2] pangkaluluwa sa Pilipinas, isang katangian palagiang ipinagsasawalang-bahala ng mga samahang pampanitikan. [baguhin]Mga akda [baguhin]Kalipunan ng mga maiikling katha Buwan, Buwan, Hulugan Mo Ako ng Sundang: Dalawang Dekada ng Maiikling Kuwento Desaparesidos* [baguhin]Mga sulating pampelikula Bata, Bata...Pa'no Ka Ginawa?: The Screenplay (1998) Bulaklak sa City Jail Gapo

Dekada '70

Talambuhay ng May-akda Biograpiya ipinanganak sa Tondo, Maynila noong Disyembre 2, 1946 ama: Esteban Bautista ina: Gloria Torres Mga Pinasukan na Paaralan: Elilio Jacinto Elementary School Torres High School Lyceum of the Philippines -di nakatapos dahil walang interest sa kursong kinuha Natutong magsulat sa edad na 16 -inimpluwensiyahan ng kanyang magulang (composer at poem-writer) Liwayway-dito una ipinalimbad ang kanyang mga isinulat Bise-presidente ng Screenwriters Guild of the Philippines Prsidente nf Kapisanan ng mga Manunulat ng nobelang Popular 1986:Naging isang national fellow for fiction of the University of the Philippines Creative Writing Center. Mga Nasulat Gapo (1980), Dekada '70 (1983), and Bata, Bata, Pa'no Ka Ginawa? (1984) -nanalo ngpangunahing gantimpala sa Dom Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Isa rin siyang movie and television at manunulat ng mga maikling. Unang screenplay: Sakada (Seasonal Sugarcane Workers) Bulaklak sa City Jail (1984) Kung Mahawi Man ang Ulap (1984) Sex Object (1985) Kinilala ang may-akda sa mga sumusunod: Philippine's Don Carlos Palanca Memorial Awards for Literature Surian ng Wikang Pambansa in 1987 Metro Manila Film Festival (best story-best screenplay) Film Academy Awards (best story-best screenplay) Star Awards (finalist for best screenplay) FAMAS (finalist for best screenplay) URIAN awards Nanalo ng Carlos Palanca Memorial Awards for Literature: Tatlong Kuwento ng Buhay ni Julian Candelabra unang gantimpala, 1982 Buwan, Buwan, Hulugan mo Ako ng Sundang Ikalawang gantimpala

You might also like