You are on page 1of 1

Aniceto Silvestre

Mula sa Wikipediang Tagalog, ang malayang ensiklopedya


Si Aniceto F. Silvestre ay ipinanganak sa San Mateo, (na sa ngayo'y Lalawigan ng Rizal) noong Abril 17, 1898.
Bagama't di nagkaroon ng pormal na pag-aaral sa pagsusulat, siya ay nakapagsulat at nakapag-ambag sa panitikang
Pilipino ng magagandang tula, maikling kuwento, nobela at sanaysay.
Ang kanyang mga tula na natipon sa katipunang Kalikasan ay pinagpangkat-pangkat sa
walo: Malaya, Maalindog, Larawan ng Buhay, Pintig ng Pag-ibig, Tatag ng Pananalig,Tanda ng Pag-asa, Bukas sa
Landas ng Kadakilaan at Dugo sa Ningning ng Araw.
Ang mga karangalang nakamit ni Aniceto F. Silvestre sa pagsusulat ng tula ay apat na Unang Gantimpala (bago
magkaroon ng digmaan); isang Ikatlong Gantimpala (panahon ng Komonwelt na pamahalaan); isang Unang
Gantimpala (ika-10 taon ng Republika ng Pilipinas); at isang Unang Gantimpala sa Palanca Memorial Awards for
Literature noong1969.
Si Teodoro A. Agoncillo (1912 1985) ay kilala sa mahalagang kontribusyon niya sa pagsulat ng kasaysayan
ng Pilipinas. Nakapagsulat siya ng mahigit na 20 aklat at mga artikulo ukol dito. Siya ay hinirang bilang isa sa "Ten
Outstanding Young Men (TOYM)", ng Junior Chamber of the Philippines noong 1963 at bilang "Distinguished Scholar of
the University of the Philippines" noong 1968.
Teodoro ang tunay niyang pangalan ngunit kilala sa katawagang "Teddy" o "Ago" ng mga kaibigan. Ipinanganak siya
noong Nobyembre 9, 1912. Ang kanyang mga magulang ay sina Pedro Medina Agoncillo (ng Taal, Batangas) at Feliza
Zaraspe Adan (ng Lemery, Batangas). Lumaki sa Intramuros, Maynila, nakapagtapos si Agoncillo ng kanyangdoctorate
degree (Ph. B.M.A.) noong 1934 at Philosophy (1935) sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagawaran din siya ng Doctors of
Letters, Honoris Causa ng University of Central Philippines, taong 1969.
Ang kanyang mga aklat na isinulat mula sa pananaw ng isang Pilipino para sa mga Pilipino ang pinakamagandang
pamana ni Teddy sa bansang Pilipinas. Ilan sa kanyang mga libro ay ang mga sumusunod:

"Ang Kasaysayan ng Pilipinas"

"The Revolt of the Masses"

"The Story of Bonifacio and the Katipunan"

"Malolos, the Crisis of the Republic"

"Philippine History" (adopted as official textbook of Primary, Secondary and Tertiary Education in the
Philippines)

"The History of the Filipino People"

Ano ang kahulugan ng tulang republikang basahan ni Teodoro agoncillo?

Ito ay tungkol sa hindi tunay na pagkamit ng kalayaan ng isang bansang Republika. Pinag-uusapan din ang
kasarinlang hindi nila masarili. Ito ay isang tulang may pagkagalit ang emosyon o damdamin ng may-akda.
Binibigyang-diin niya dito na ang bansa ay hindi tunay na malaya. Inilalarawan din ng may-akda na ang buhay ng mga
mamamayan sa bansa ay walang patid na hibla ng pagtataksil
sa sarili, lipit angkan, sa bayan nilang dumarating.

You might also like