You are on page 1of 8

SINO SI EFREN ABUEG?

EFREN ABUEG

• Efren Abueg ang isa sa mga iginagalang na nobelista, kuwentista,


mananaysay, at krititiko ng kaniyang panahon. Kabilang sa kaniyang
mga aklat ang Bugso, ang kaniyang kauna-unahang koleksiyon ng mga
kuwento. Siya rin ang editor at bumuo ng mga antolohiyang gaya ng
Mga Piling Akda ng KADIPAN (1964); Mga Agos sa Disyerto
(edisyong 1965, 1974, at 1993); MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Alejandro G. Abadilla (1973).
ANO ANG NAGING AMBAG N’YA SA
PANITIKAN?

Unang antolohiya ng kanyang mga katha ang BUGSO, ngunit marami na ring librong
pinamatnugutan si Efren Abueg, tulad ng Mga Piling Akda ng KADIPAN(1964), Mga
Agos sa Disyerto (edisyong 1965, 1974 at 1993), MANUNULAT: Mga Piling Akdang
Pilipino (1970) at Parnasong Tagalog ni Abadilla (1973)
• Kinilala ang kanyang kakayahan sa pagsulat ng maiikling kuwento sa pagkakaloob sa
kanya ng anim na Taunang Gawad Carlos Palanca (1959, 1960, 1963, 1964, 1967, at
1974); unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN (1957), Pang-alaalang Gawad
Balagtas (1969); pangatlong gantimpala sa timpalak ng Pilipino Free Press(1969) at
Mangangatha sa Tagalog (1992) ng Unyon ng Manunulat ng Pilipinas. Sa nobela
naman, nagwagi siya sa timpalak ng Liwayway (1964, 1965, at 1967) at sa sanaysay
ay nakamit niya ang unang gantimpala sa timpalak ng KADIPAN noong 1958.
MENSAHE NG AKDANG
MGA KALULUWA SA KUMUNOY

Panahon bago ibaba ang batas militar. Laganap ang unyonismo sa mga pabrika at
kompanya ng negosyo. Nagtatangka rin ang mga propesor sa pamantasan na
magtayo ng mga unyon. Umiinit ang tunggalian ng mga mapagmahal sa kalayaan
at demokrasya at ng ilang sektor ng pamahalaan, kasabwat ang mga tiwali’t sakim
na mga indibidwal. Ito ang naratibo ng buhay ng mga kabataang aktibistang
nakibaka para sa unyonismo, sangkot ang kanilang personal na buhay at mga
adhikain.
• Ang nobelang ito’y kumakatawan sa isang yugto ng aktibismo ng kabataan na
humantong sa mga akdang nagtataguyod sa nasyonalismo at internasyonalismo
bilang tugon sa laganap na karalitaan, pagmamarangya ng mga nasa poder, at
pagyurak sa mga karapatang pantao.
SINO SI PEDRO DANDAN?

Ang mga magulang ay sina Mauricio Batungbakal Dandan at Benita Santos, kapwa taga Baliwag, Bulacan. Sa
Maynila siya lumaki, nagbinata hanggang magka-asawa. Nguni’t umuwi at sa Baliwag nanirahan kasama ang
kanyang mga anak (siyam) at kabiyak sapul noong 1956.
Nag-aral siya sa mabababang paaralang-bayan ng Magat, Juan Luna at Ricafort, Maynila. Sa Torres High
School siya nagtapos. Nag-aral ng takigrapo at pagmamakinilya at unang taon sa batas sa Harvardian Colleges
at ng agham sa meteorolohiya sa Kawanihan ng Panahon sa Padre Faura, Maynila. Naging reporter siya sa
meteorolohiya at takigrapo naman sa Lepanto Cons. Mng. Co., Baguio, bago naglingkod bilang Billing clerk
sa Perokaril bago nagkadigma. Nakapagturo ng may isang taon sa Mababang Paaralang Bayan ng Bahay Pare,
Candaba, makaraan ang digma at nagbalik sa dating serbisyo sa Perokaril hanggang umasenso sa Pangalawang
Hepe ng Dibisyon Administratibo ng Marketing Department, Philippine National Railways (dating MRR).
• Nagsulat muna ng ilang tula bago nagkadigma at saka nakapagpalathala ng kanyang unang dalawang
maiikling kathang “Pamahiin” at “Kawalang Malay” sa magasin ng Mabuhay sa pamamatnugot ni
Salavador Barros at ni Jesus A. Arceo. Sumunod ang kanyang “Gamot na Hindi Gamot” at “Paniningalang
Pugad” sa Magasin ng Taliba at “Kabaong” sa Mabuhay uli.
ANO ANG NAGING AMBAG N’YA SA
PANITIKAN?

Hindi kinamalasan ng hilig sa pagsusulat samantalang nag-aaral sa mababa at mataas na paaralan, matangi sa humaling sa
pagbabasa ng Tagalog, lalo na ng Liwayway, noong panahong ipinagbabawal at minumultahan sa paaralan ang mahuling
nagsasalita sa wikang sarili, bukod sa pambihirang interes sa pakikinig sa mga kuwento ng isang matandang palaging
nagpapalamig sa Liwasang Moriones. Nguni’t nakapagbasa pagkatapos ng haiskul ng hindi na kakaunting maiikling
kuwento, sanaysay at nobelang Tagalog at Ingles sa Aklatang Bayan sa Moriones din.
Ang kanyang “At Nupling ang Isang Lunting Halaman” na nalathala sa Magasin ng Bagong Buhay noong 1949 ay napiling
pinakamahusay na maikling kuwento sa loob ng unang limang taon ng Republika ng Pilipinas sa pagtataguyod ng Surian
ng Wikang Pambansa at ginantimpalaan ng P200.00 iginawad ni Donya Aurora Aragon-Quezon noong 1951, isinama iyon
sa katipunan ng mga piling kuwentong ipinasa-aklat ni Alejandro G. Abadilla at ginamit sa tekstong pampaaralan sa haiskul
ni Gng. Edroza-Matute. Higit na natanyag sa kanyang “May Buhay sa Looban” na nalathala sa Magasin ng MALAYA
noong Pagpapalaya at isinama ng Historian at Kritikong si Teodoro A. Agoncillo sa kanyang katipunan ng “Kuwentong
Tagalog” at ng Dalubwika at Prop. Genoveva Edroza-Matute sa kanyang “12 Katha”.
• Isa sa naging mga tagapanayan sa mga parangal at papulong sa mga kolehiyo noong panahon ng KADIPAN, kapisanan
sa wika at panitikan, na itinatag nina Abugado Ponciano P.B.P. Pineda, Pablo N. Bautista at Tomas Ongoco.
Bukod sa maiikling katha ay nakapagpalathala rin ng mga sanaysay at ilang nobela. Ang kanyang
unang nobelang “Ito ang Pag-ibig” sa MALAYA ay napansin ni TAA at ang kanyang “Si Ringo at
ang Bulag na Anghel” ay nagkamit ng gantimpala sa Malacanang Balagtas Memorial Awards.
Nagkamit din ng pinilakang tropeo ang kanyang sanaysay na “Ang Pelikulang ‘Blow-Up’” sa
taunang pamimili ng Surian ng Wikang Pambansa; ng tig-isang plake at medalya bilang
karangalang-banggit ang kanyang mga tulang “Pangingimbulo, sa Apolo 8” at “Tutubi: Sa Sapot ng
Gagamba” sa taunang pamimili (1974) ng SWP ukol sa Talaang Ginto; at ng isa ring medalyang
ginto ang kanyang sanaysay ukol sa Wika na iginawad ng Samahan ng mga Alagad ng Wikang
Tagalog sa Panginay, Bigaa. Kasama sa pinasa-aklat ni AGA na katipunan ng mga piling sanaysay
ang kanyang “Alaala ng Isang Taglagas”. Kabilang din ang kanyang “Nasa Dugo ni Tana”, “Sa
Dulo man ng Daigdig”, “Laki sa Layaw” at “Inahing Aso at Limang Tuta” sa mga ipinasa-aklat, na
ang huli’y may salin sa Ingles sa tekstong pangkolehiyong “The Philippine Literature” ni Prop. Ben
Medina, Jr. Ng FEU. Si Dandan ay sumakabilang buhay noong 18 Oktubre 1983 sa edad na 67.
• Inilathala ng U.P. Press ang kanyang aklat na “May Buhay sa Looban at 20 Kuwento” noong
1996 sa pamamatnugot ni Virgilio S. Almario, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.
MENSAHE NG AKDANG
NASA DUGO NI TANA

• Layunin na iparating ang masamang dulot at epekto ng


pagsusugal sa buhay ng tao. Ang epekto ng sobrang pagsugal ay
napakalawak ng nasasaklaw na at kamasa ang problemang
sikolohikal at emosyonal. At layunin din nito na ipakita ang
kalagayan at suliraning panlipunan kinabibilangan nito.

You might also like