You are on page 1of 2

C COLLEGE OF TEACHER EDUCATION

Tungawan, External Campus

Name: Abrenica, Glydel S. Date of Submission: 08/29/2022


Date of Teaching: 09/02/2022

Course Instructor : Mr. Marionito Alacio Jr. Course/ Year/ Section: BEED II

Planong Aralin sa Filipino 103

I. Buod ng Paksa

Nobela: Urbana At Felisa

Ang kwentong ito ay naglalayong maipabatid ang kagandahang asal na dapat astahin ng mga
kabataan sa kanilang bawat buhay, at kung anu ang dapat gawin o asalin sa anumang aspeto ng
buhay.

 Layunin
Inaasahang sa pagtatapos ng klaseng ito ay;
Maiintindihan nila ang Kwento sa Nobela na Urbana at Felisa, At kung anu ang
nais iparating nito sa mambabasa.
 Materyales
PowerPoint, Notebook.
 Sanggunian
Panitikan pahina 24-25,

II. Introduksiyon

Magandang umaga sa lahat ako po pala Si Glydel S. Abrenica na mag uulat sa inyu
sa Nobela tungkol sa magkapatid na Si Urbana At Felisa.

III. Ang Katawan ng Paksang Iuulat

NOBELA: URBANA AT FELISA

By: P. Modesto de Castro

Ang May akda

 Padre Modesto de Castro.


 Ipinanganak noong unang hati ng ika-19 na dantaon, sa Biñan Laguna.
 Nag aaral sya sa Colegio Real de San Jose.
 Naging Kora ng Cathedral ng Maynila at Naik Cavite.
 Ibang gawa:
1. Platicas Doctrinales (1864).

2. Expocision de las siete palabras en tagalo.

3. At Novena de San Isidro en Tagalo.

Tagpuan:

Dalawang pook ang nabanggit dahil magkaiba ang Lugar ni Urbana at Felisa.

Buod:

Ang “Urbana at Feliza” na ang buong pamagat ay “Pagsusulatan nang Dalawang Binibini na si
Urbana at si Feliza” ay binubuo ng palitan ng liham ng dalawang magkapatid. Ang nakatatanda,
si Urbana, ay nag-aaral sa isang kolehiyo ng mga babae sa Maynila, at ang mas bata, si Feliza, ay
nagnanais na matuto mula sa kaniyang kapatid hinggil sa kung ano ang dapat ugaliin sa iba’t
ibang pagkakataon. Binabanggit niya ang mga tukso at panganib sa landas ng kabataan at
sinasabi kung paano maiilagan ang mga ito.

Sagisag ng Pangalan ng mga Tauhan

 Urbana- Sagisag ng Urbanidad o Kabutihang Asal.


 Felisa- Kastilang "Feliz" na sinasagisag ang kaligyahang natamo.
 Honesto- sagisag ng kalinisang budhi at Karangalan.

IV. Gawain

Panuto:

For 10 points (Essay)

Anong mahalagang aral ang inyong natutunan sa kwentong ating tinalakay, ipaliwanag!

You might also like