You are on page 1of 4

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 2
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 12 – PAMBATANG PANITIKAN___________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: KASAYSAYAN NG PAMBATANG PANITIKAN SA PILIPINAS


LEARNING TARGETS: a. makagawa ng timeline ng pagkakasunod-sunod ng kasaysaysan ng
Pambatang Panitikan
REFERENCE(S) Panitikang Pambata: Kasaysayan at Halimbawa, Rivera, Crisanto, pp.1-9
(Title, Author, Pages)

Ang Kasaysayan ng Panitikang Pambata sa Pilipinas

Panahong Sinauna
Pinatunayan ni Padre Chirino na bago pa dumating ang mga Kastila ay marunong ng
bumasa at sumulat ang mga Pilipino. Totoong mayroon ng kuwentong-bayan, awiting-bayan at
karunungang-bayan na bagama’t hindi nilikha para sa mga bata ay masasabing haligi ng
pambatang panitikan tulad ng mga:

 Juan Tamad at Mariang Makiling ng mga Tagalog


 Abunawas ng Muslim
 Ibalon ng Bikol
 Bantugan ng Maranaw
 Tuwaang ng Bagobo
 Biag ni Lam-ang ng Iloko
 Maragtas ng Bisaya

GAWAIN: Bigyang-kahulugan at halibawa ang mga sumusunod na awiting-bayan. (Google


Classroom)

AWITING-
KAHULUGAN HALIMBAWA
BAYAN

Soliranin

Hele

Pangingisda

Kundiman

Kumintang
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
LEARNING ACTIVITY # 3
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 12 – PAMBATANG PANITIKAN___________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: KASAYSAYAN NG PAMBATANG PANITIKAN SA PILIPINAS


LEARNING TARGETS: a. makagawa ng timeline ng pagkakasunod-sunod ng kasaysaysan ng
Pambatang Panitikan
REFERENCE(S) Panitikang Pambata: Kasaysayan at Halimbawa, Rivera, Crisanto, pp.1-9
(Title, Author, Pages)

Ang Kasaysayan ng Panitikang Pambata sa Pilipinas

Panahon ng Kastila (1572-1898)


Si Diego Pondivida ay naglabas ng manuskrito na naglalaman ng buhay, kaugalian at
tradisyon ng sinaunang mamamayan ng Pulo ng Negros.

Doctrina Cristiana, kauna-unahang aklat na nalimbag sa pamamagitan ng tipong kahoy,


isinulat nina Domingo Nieva at Juan de Plasencia. Ito ay naglalaman ng mga sumusunod:
1. Mga saligang-aral ng Pananampalatayang Katoliko
2. Isang palapantigan
3. Ang Ama Namin
4. Ang Ginoong Maria
5. Ang mga Pangkat ng Pananampalataya
6. Ang sampung utos
7. Ang mga utos ng “Santa Iglesia”
8. Ang mga Sakramento
9. Ang Pitong Punong Kasalanan
10. Ang Labing-apat na Kawanggawa
11. Ang pagkukumpisal at Katesismo

Padre Antonio de Borja, S.J.,


 nagpalimbag ng kanyang salin sa Tagalog ng Barlaan at Josaphat na sinulat sa Griyego
ni Juan Damanseco. Ito ang kauna-unahang nobelang tagalog.
Francisco Balagtas
 isinulat niya ang FLORANTE AT LAURA na isang uri ng Awit na higit na
makakatohanan kaysa kurido na may labin-dalawang pantig

Naisulat din sa panahong ito ang IBONG ADARNA na isang uri ng Korido na karaniwang
tumatalakay sa romansa’t pakikipagsapalaran na may walong pantig.

Pasyon
 nagsasaad ng buhay at pagpapasakit ni Hesukristo na sinulat sa iba’t ibang bersyon
nina Gaspar Aquino de Belen, Mariano Pilapil, Aniceto de la Merceo at Luis Guian.

Urbana at Feliza
 isinulat ni Padre Modesto de Castro na tungkol sa magkapatid na nagsusulatan na
nagbibigay ng patnubay sa mga kabataan.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
Sa aking Mga Kababata jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
 Isinulat ni Dr. Jose Rizal noong siya ay walong taong gulang.

Ang iba pang nailambag ay: Guillermo Tell ni Schiller, Mga kuwentong-engkantada ni
Andersen at Matalinong Pagong at Hangal na Matsing.

Panahon ng Amerikano
Ang kasunduang Kastila-Amerikano sa Paris noong 1898 ay inilipat sa Espanya ang
Pilipinas sa Estados Unidos.
Sa mga unang taon ng pananakop ng mga Amerikano ang wikang Kastila at Tagalog ay
namayani sa panitikan ngunit noong 1910 ay nagsimula nang magpahayag ang ilang
manunulat sa Ingles.
Sa panahong ito nannatili pa rin ang mga paaralang paroko at relihiyoso. Ang mga
Amerikano ay nagbukas ng mga paaralang bayan na gumamit ng wikang Ingles sa pagtuturo
sa mga Pilipino.
Ipinagamit sa mga Pilipino ang mga aklat na:
 Fifty Famous Stories ni James Baldwin
 Stories of Long Ago in the Philippines ni Dudley Odell
 Seryeng aklat ng World Book Company

Mga natatanging akda sa Panahon ng Amerikano:


 Carter Intermediate Readers ni Anna H. Carter
 Philippine Readers Book I-VII ni Senador Camilo Oasis
 Character and Conduct ni Sofia R. de Veyra at Carmen Aguinaldo
 Philippine History in Stories/Rosa ang Her Friends ni Polley at Andrea Batica
 Elementary Civic ni Jose Melencio at Jose Reyes
 Pamana ni Jose Corazon de Jesus
 Lumang Simbahan ni Florentino Collantes
 Walang Sugat at Lola Basyang ni Severino Reyes
 Kulapo ni Conching
 Kenkoy ni Tony Velasquez

Malasariling Panahon
Noong 1935 ay natatag ang Malasariling Pamahalaan at nahirang na pangulo si Manuel
Luis Quezon. Nabuhay ang Pilipinismo sa panahong ito.

Mga nalimbag na akda:


 Pepe at Pilar
 In and Out of the Barrio
 The Flag and other Stories
 Our Great Men and Other Stories
 Tales Our Father Told at Diwang Kayumanggi ni Juan C. Laya

Panahon ng Hapon
Sa panahong ito maraming manuulat ang nagsisulat sa Filipino. Ang magasing
lingguhang Liwayway ay isinaaklat ang 25 na Pinakamabubuting Kuwento (1943)

Dulang naitanghal ng Dramatic Philippines sa Metropolitan Theater:


 Sa Pula, Sa Puti ni Soc Rodrigo
 Dahil Sa Anak ni Julian Cruz Balmaceda
 Kuwento ni Esopo ni Julian C. Pineda

Kasalukuyang Panahon
Naging masigasig ang manunulat ng panitikang pambata sa panahong ito.
Mga naisulat na akda:
 Mga Alamat at Kuwento ni Andrea A. Tablan
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
 Sintang Lupa ni Genoveva Edrosa jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
 Mga Babasahin sa Pilipino ni Paraluman S. Aspillera
 Hardin ng mga Tula ni Rufino Alejandro

Mga nagkamit ng GANTIMPALANG PAMANA(1964):


 Ang Kaharian sa Tuktok ng Kawayan ni Carlos Roberto
 Halina sa Ligaya ni Belen Villegas Mendoza
 Ang Aming si Punggi ni Orlanda S. Cuasay
 Si Nene at Muning ni Lilia F. Antonio
 Tiyo Jose ni Leon S. del Rosario
 Si Alfredo at ang Duwende ni Al Q. Perez

Mga inilathala ng NATIONAL BOOKSTORE (1971):


 Ang Prinsesa at ang Fisantes
 Ang Tatlong Munting Baboy
 Ang mga Duwende at mga Sapatero
 Ang Natutulog sa Kagandahan
 Si Jack at ang Puno ng Bitsuwelas
 Ang Munting Pulang Inahing Manok
 Si Pusang Nakabota
 Rumpel-istilt-iskin
 Ang Kagandahan at ang Halimaw
 Ang Tatlong Lalaking Kambing na ang Pangalan ay Grap at Rapunsel.

o Noong 1979 ay inilathala ang Niño Engkatada ni Domingo Landicho

o Noong 1977 ang kumpanyang Aklat Adarna ay naglathala ng higit 100 titulo na
babasahing pambata at noong 1981 ay nagtamo ito ng Gintong Aklat Award sa
pamumuno ni Virgilio Almario na iginawad ng Book Development Association of the
Philippines.

o Noong Nobyembre 27, 1981 ay naglunsad ulit itong limampung (50) karagdagdang aklat
sa kanilang serye. Nangunguna rito ang Aguinaldo.

GAWAIN: Lumikha ng isang Flowchart ng mga mahahalagang impormasyon mula sa


kasaysayan ng pambatang panitikan sa Pilipinas mula sa Sinaunang Panahon hanggang
Kasalukuyang Panahon. (drawing book)

You might also like