You are on page 1of 2

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
\
LEARNING ACTIVITY # 2
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: FIL 107 – PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITAN SA PAGTUTURO

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: KAHALAGAHAN NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


LEARNING TARGETS: a. makipanayam ang isang guro at makaggawa ng tanong tungkol sa
estratehiya at ebalwasyong ginagamit sa pagtuturo
REFERENCE(S) FILIPINO, A Reviewer for the Licensure Examination for Teachers,
(Title, Author, Pages) Phililippine Normal University and Individual Authors, pp. 126-138
ANO ANG MGA KAGAMITANG PAMPAGTUTURO?
“They are device that assists an instructor in the teaching learning process. they are
not self-supporting; they are supplementary training devices.” - instructional aids and
training technology manual.
Ayon kay Richard, 1992, ang guro upang maging epektibo ay kailangan niyang
maging malikhain. upang ang klase ay maging masigla at maganyak ang kanyang mag-aaral
tungo sa kawili-wiling pagtalakay sa aralin.
Mula naman kay Hendricks, 1998, nasasalamin ang kahusayan at pagiging
epektibo ng guro sa paraan ng kanyang pagtuturo.
Ang kagamitang panturo ay anumang karanasan o bagay na ginagamit ng guro
bilang pantulong sa paghahatid ng mga katotohanan, kasanayan, saloobin, palagay,
kaalaman, pag-unawa at pagpapahalaga ng mga mag-aaral upang maging kongkreto, tunay,
dynamik, at ganap ang pagkatuto. Abad, 1996.
Isa itong tanging gamit sa pagtuturo na nagtataglay ng gabay para sa mga mag-
aaral at mga guro at tumitiyak sa bawat karagdagang Pagkatuto ng nilalaman, teknik ng
paglalahad, pagsasanay at paggamit ng nilalaman at paraan ng pagtuturo gamit ang mga
teknik na ito Johnson 1972.
Ang paksang dapat na matutunan, mga teknik ng presentasyon ng aralin,
kasanayan at gamit ng paksa at ang modal ng pagtuturo gamit ang mga naturang technique.
(F.C. Johnson, RELC, vol. 3)
 Ang kagamitan ang pagtuturo ay nagbibigay ng kongkretong pundasyon sa pagkatuto
na nagbubunga ng wastong gawi sa pag-aaral.
 Nakagaganyak ito sa kawilihan ng mga mag-aaral; nagbibigay ito ng mga tunay at iba't
ibang kalagayan upang mapasigla ang pansariling gawain ng mga mag-aaral.
 Nag-aambag ito ng iba't ibang karanasan tungo sa pagkakamit ng kasanayan at
pagkakaroon ng patuloy na interes sa pag-aaral.

GAWAIN: Ipaliwanag ang kataga. (GOOGLE CLASSROOM)


“Learning is not the product of teaching; Learning is the product of the activity of
learners.”
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
\
LEARNING ACTIVITY # 3
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: FIL 107 – PAGHAHANDA AT EBALWASYON NG KAGAMITAN SA PAGTUTURO

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: KAHALAGAHAN NG KAGAMITANG PAMPAGTUTURO


LEARNING TARGETS: a. makipanayam ang isang guro at makaggawa ng tanong tungkol sa
estratehiya at ebalwasyong ginagamit sa pagtuturo
REFERENCE(S) FILIPINO, A Reviewer for the Licensure Examination for Teachers,
(Title, Author, Pages) Phililippine Normal University and Individual Authors, pp. 126-138

Sinasabing ang atensyon ng mga mag-aaral ang pinakamahalagang salik sa pagkatuto.


ang mga guro ay nararapat na magkaroon ng kakayahan na mapanatili ang kawilihan ng mga
mag-aaral sa loob ng panahong siya ay nagtuturo.  kapag nawala ang atensyon ng mga mag-
aaral sa leksyon, maaaring sabihing walang pagkatuto naganap. At para makuha ang interes
ng mga Mag-aaral, ang guro ay dapat gumamit ng iba't ibang kagamitang pampagtuturo.

 Kahalagahan ng Kagamitang Panturo para sa mga Guro

1. Ang kagamitang panturo ay ginagamit sa presentasyon ng mga bagong kaalamang


natutuhan, mabuo at magamit.
2.  ang kagamitang panturo ay para sa pagtuturo ng isang kasanayan; istruktura ng wika
at mga ilang mahihirap na gawain sa pagtalakay nito.
3. Ang kagamitang panturo ay ginagamit na patnubay ng guro sa mga metodo,  teknik at
mga bagong anyo at uri ng pagsasanay sa pagtalakay sa aralin.
4. Ang kagamitang panturo ay nagbibigay ng pagkakataon sa guro na magamit ang
kanyang oras at kasanayang gawing makatotohanan ang mga bagay at aralin ituturo sa
loob at labas ng paaralan.
5.  Ang kagamitang panturo ay nagbibigay ng kalidad, maayos at makahulugang
pagtuturo.
6.  nagkakaroon ng kawilihan at sistematikong pagtuturo.
7.  nabawasan ang pagiging dominante ng guro sa pagsasalita at pagtalakay ng mga
aralin sa loob ng classroom.
8.  nagiging makabuluhan at walang naaaksayang panahon, oras at salapi Ang guro sa
mga nakahandang kagamitan nito.
9. Nagkakaroon ng tiwala sa pagtalakay ng aralin ang guro sapagkat nagiging gabay nito
ang kanyang kagamitan.
10.  nakikilala rin ang mga guro ng kanyang mag-aaral at kapwa sa mga imbensyong ka
gamit ang kanyang inihahanda.

GAWAIN: Magsaliksik o sagutan buhat sa sariling opinyon. (GOOGLE CLASSROOM)

1. Magbigay ng tatlong (3) kahalagahan ng Kagamitang Panturo para sa mga guro


ngayong panahon ng pandemya.
2. Magbigay ng tatlong (3) kagamitang panturo na maaaring gamiting ng guro sa panahon
ng pandemya.

You might also like