You are on page 1of 4

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
\
LEARNING ACTIVITY # 7
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: FIL 109 – INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK__________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PAGSULAT NG MAKABAGONG PANANALIKSIK


LEARNING TARGETS: a. maisagawa ang mga gabay at hakbang sa makabagong pananaliksik
REFERENCE(S) Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik, Mabilin, Edwi
(Title, Author, Pages) et.al., pp. 191-239

Ang pananaliksik ay sistematiko ng pagtatalaga ng iyong obserbasyon sa isang


pinatutunayang teorya. ito ang proseso, pamamaraan, at istratehiya na ginagamit ng
mananaliksik upang makatuklas ng kasagutan sa iyong mga katanungan gamit ang metodong
empirikal.
Ayon kay Shuttleworth (1998), ang pananaliksik ay medikal na pag-aaral upang
mapatunayan ang isang hipotesis o sagot sa isang espesipikong katanungan. Ito ay
kailangang sumusunod sa mga tiyak na gabay sa istandardisadong protocol o pagkakasunud-
sunod sa pagsasagawa ng pag-aaral. ito ay kailangang sumailalim sa organisadong
pagpaplano at pag-aaral ng kaugnay na literatura sa pinatutunayang teorya.

Mga Gabay sa Pagsasagawa ng Pananaliksik


Ang mahusay na pananaliksik ay kailangang sumusunod sa protocol o balangkas ng
pagsulat ng pananaliksik upang mabisa niyang maipahayag ang mga konsepto na kanyang
pinakilala.
Ang pagsunod sa gabay ng pagsulat ng pananaliksik ay nagbibigay ng malinaw na
paglalarawan ng isang konsepto ng binibigyang Linaw sa pag-aaral gayon din, nagsasaad ito
ng pagsunod sa istandardisadong anyo ng pag-aaral upang maging kapani-paniwala ang
maging kalabasan nito lalo na sa bahagi ng pagkapahiya balidasyon.
Ang sundin ng gabay ay maaaring lumikha ng maling paghihinuha sa konsepto at
makabuo ng malabo o maligoy na paglalarawan ng pag-aaral. ang gabay sa pagsasagawa ng
siyentipikong lapit sa ibang disiplina ay may kagyat na pagkakaiba, subalit ang balangkas at
istruktural na anyo nito ay hindi nag-iiba at kung mayroon man ito ay hindi malayo sa
metodong siyentipiko ng pananaliksik.

Mga Hakbang sa Prosesong Siyentipiko

1. Pagbuo ng layunin. Ang isang pananaliksik, kailangang magsimula ito sa isang


epektibong layunin. Ang layunin ang magtatakda sa iyo ng malinaw na hakbang sa pag-
aaral na gagawin. Sa karaniwan, ang suspetsa sa isang phenomenon ang nagbibigay
ng ideya sa mananaliksik upang mabuo ang isang hipotesis na magiging lunsaran ng
iyong pag-aaral.
Ang pagkakaroon ng layunin ay nabubuo batay sa mga pundamental na
katotohanan at kasalatan (gap) ng paliwanag sa isang problema o phenomenon.

2. Interpretasyon ng impormasyon. Sa isang siyentipikong pananaliksik, hindi sapat ang


Mga numerikal na datos upang mapatunayan ang isang pag-aaral kung di
nangangailangan ito ng wastong elaborasyon upang maibunyag ang nakasaad na
impormasyon mayroon ang pag-aaral.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
\
Ang mananaliksik ay karaniwang naharap sa pagtatahi tahi ng mga
impormasyon patungo sa layunin ng pag-aaral. mula sa pangangalap ng mga kaugnay
na impormasyon hanggang sa yugto ng konklusyon ang mananaliksik ay patuloy na
nagbibigay interpretasyon sa impormasyon kung ang lahat ay nakapagpapatatag sa
pagpapatibay sa ginagawa ng pananaliksik.
Masasabi lamang na totoo ang isang pananaliksik kung lalapatan ng pagtataya o
pagsubok ang kanyang personal na opinyon. sa ganitong paraan, Nabubuo ang isang
pagsubok sa manunulat na subukin ang kanyang suspetsa sa metodikal na lapit.

3. Paglalaan ng puwang sa pagpapalawak ng impormasyon. Isa sa mga mahalagang


bagay na dapat isaisip sa pagbuo ng pananaliksik ang katangian ito mauulit , replica
upang maisagawa ang kahalintulad na pag-aaral at mataya ang naunang
kongklusyong lumabas.
Mapangyayari ang ganitong katangian ng iyong pagpaplano at pagbuo ng
balangkas na gagamitin sa pag-aaral. kung ang mga gagamitin mong kagamitan sa
pagtatamo ng impormasyon ay makatotohanan at obhetibo, malaki ang posibilidad ang
iyong pananaliksik ay maaaring ulitin.
Ang iyong pananaliksik ay kailangan bukas sa pagbabagong tuklas sa pag-aaral.

4. Kongklusyon. Mula sa pagbuo ng hipotesis at paglalapat ng metodong siyentipiko


hanggang sa pag aanalisa ng datos, nakasubaybay ang pagbuo ng obhetibo ng
kongklusyon. Ang konklusyon ay pagsasaad ng katotohanang nabuo sa iyong pag-
aaral na nakaangkla sa pangunahing layunin ng pag-aaral. Kailangan sa isang
kongklusyon na masagot mo ang mga kailanganin lohikal na tinatanong ng iyong
pananaliksik kaugnay sa balidasyon ng impormasyon.
Ang konklusyon ang nagbibigay ng huling impresyon sa pananaliksik at
naglalarawan sa maikli subalit komprehensibong kinahinatnan ng pag aaral.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
\
LEARNING ACTIVITY # 8
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: FIL 109 – INTRODUKSYON SA PANANALIKSIK__________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


❑ Concept Notes ❑ Laboratory Report ❑ Formal Theme ❑ Practical Activity
❑ Exercise / Drill ❑ Drawing / Art ❑ Informal Theme ❑ Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: ANG EMPIRIKAL NA PANANALIKSIK


LEARNING TARGETS: a. maisagawa ang mga gabay at hakbang sa makabagong pananaliksik
REFERENCE(S) Pagbasa at Pagsulat para sa Esensyal na Pananaliksik, Mabilin, Edwi
(Title, Author, Pages) et.al., pp. 191-239

Ang Empirikal na Pananaliksik


Ang empirikal na salita ay mula sa impormasyong batay sa karanasan at obserbasyon. ayon
kay Dr. Hani (2009), ito ay “research based on experimentation or observation (evidence).” Ang
ganitong pananaliksik ay kinakailangang makabuo ng isang hipotesis upang mataya ang katotohanan
at ang kabalintunaan ito.
Sentro sa metodong siyentipiko ang pagiging empirikal ng pag-aaral sapagkat nakabatay ang
mabigat na pagsasaalang-alang sa ebidensya at impormasyon may direktang kaugnayan sa
pananaliksik.
Tinatawag na empirikal na impormasyon ng datos mula sa obserbasyon at eksperimentasyon
isinagawa sa isang pag-aaral na makatutulong sa pagtunton sa layunin ng pananaliksik.

Layunin ng siyentipikong pananaliksik


1. Maunawaan ang konteksto ng impormasyon at ang iba't-ibang kasalimuotan nito.
2. Matuto mula sa kolektibong karanasan ng mga respondente na pinaglaanan ng pananaliksik.
3. Makatutukoy, mapalawak, bigyang patotoo at mapaunlad ang mga konseptong teoretikal
4. Gawing progresibo ang mga disenyo ng empirikal.

Katuturan sa paggamit ng Metodong Empirikal


1. Nakatutulong upang mapag-isa ang teorya at praktika.
2. Naka pagpapataas sa antas ng pag-aaral at pagtuklas sa mga makabagong kalakaran hindi pa
na susubok
3. Nakatutulong upang maging dinamiko ang pananaw ng mananaliksik sa iba't ibang sitwasyon at
nakatutugon nang angkop na mayroong obhetibo ng kaunawaan
4. Nagiging bukas ang kalooban sa mga pagbabagong kontekstwal bunsod ng malawig na pag
iimbestiga
5. Napalalakas ang mga konsepto ng mga naunang pananaliksik
6. Nakabubuo ng oportunidad sa mga propesyonal na mananaliksik na magkaroon ng
estandardisado at kompetitibong pamamaraan ng pananaliksik

Ang Siklo ng Empirikal


Mayroong limang siklo o proseso ang metodong empirikal upang ito ay makabuo ng obhetibong
pananaw.
1. Obserbasyon. Ang pangangalap at pagsasaayos ng datos upang maging hipotesis.
2. Induksyon. Ang paghihinuha at proseso sa pagbuo ng hipotesis.
3. Deduksyon. Ang bagong kaalaman na nakalap sa. obserbasyon
4. Testing. Ang pagtataya sa bagong kaalaman upang makabuo ng bagong tuklas.
5. Evaluation. Ang pag-aanalisa sa kinalabasan ng ginawa ng pagtataya ng mga baryabol ng
mula sa imperyal na impormasyon.

Ang Metodong Siyentipiko


Ayon kay Martyn Shuttleworth (2009), ang metodong siyentipiko ay masinsing istruktura na
dumadaan sa maraming pagtataya upang masala ang isang hipotesis. Ang metodong ito ay restricted
sa istruktural na anyo sapagkat ang bawat elemento sa siyentipikong metodo ay dumadaan sa serye
ng balidasyon siyentipiko.
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@calauagcentralcollege.edu.ph
Ang metodong ito ay sinonimo sa salita ng empirikal na batay sa obserbasyon\ at karanasan.

Ang metodong siyentipiko ng nakabatay sa impormasyon


Sa pagsasagawa ng pananaliksik na gumagamit ng metodong siyentipiko, mahalagang isaalang-
alang bago ito simula na kailangan malalaman muna kung ang pag-aaralan ay maaaring masukat. Sa
ganitong pamamaraan, madaling maaanalisa ang resulta ng pag-aaral na sinususugan ng teorya
upang maipaliwanag sa ang isang phenomenon. Mayroong dalawang pamamaraan na ginagamit sa
ganitong metodo:
1. Ang kwantitatibong panukat ay karaniwang tinatawag na hard science tulad ng pisika,
chemistry at astronomiya na batay sa eksperimentasyon at obserbasyon.
2. Ang kwalitatibong panukat ay nakabatay rin sa paggamit ng mga pertinent ng obserbasyon
Subalit ito ay gumagamit ng sekundaryong balidasyon mula sa nakuha nitong numerong batay
sa metodong siyentipiko. Pagkatapos wala pang impormasyon, ito ay nilalapatan ng angkop na
paglalarawan sa bawat antas ng tugon mula sa respondente.

GAWAIN: Magsaliksik ng mga isang halimbawa ng pananalisik na may Kwantitatibong Panukat at


isang halimbawa ng Kwalitatibong Panukat. Kopyahin ang sipi nito na nagpapatunay ng pamamaraan
na ginamit at tukuyin ang mga dahilan na nagtatalakay ng pamaraang ginamit. Maghanda sa
pagpepresent sa klase. (GOOGLE CLASSROOM)

You might also like