You are on page 1of 3

GEC-PPTP

PAGBASA AT PAGSULAT
TUNGO SA
Departamento ng Filipino PANANALIKSIK
Ika-3 na linggo

Yunit I: ANG PAGBASA BILANG HANGUAN NG i Materyales:


KAALAMAN Computer, Student Activity
CO: Sheets MS Access,
Sanggunian
Paksa: Pagsusuri sa Bahagi ng Papel Pananaliksik

Pagkatapos ng kursong ito, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

1. Natutukoy ang bawat bahagi ng papael pananaliksik


2. nakauuri sa mga bahagi at nakapagbibigay ng halimbawa sa papel pananaliksik

Panimula
Ang gawaing pananaliksik ay mahalga sa buhay ng tao lalo na sa pagpapaunlad nito. Maraming
hakbang ang dapat gawin para maabot o makilala ang ang kailangang gawin ay alam ang
plano.

Ilan sa mga sumusunod na larawan ay halimbawa ng papel pananaliksik. Ikaw mauuri mo ba


kung anong bahagi ang sumusnod?

________________? _______________ ? ______________ ?

GEC –PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK JMandado


1
Gabay sa Pagsusuri ng Papel Pananaliksik

1. Paglalahad ng paksa at suliranin ng pag-aaral

● Suriin kung ito ay napapanahon at nauugnay sa mga isyu sa kasalukuyan


● Kung ito ay maisasagawa at may kahihinatnan
● Nababago ba ito at orihinal
● Natatapos ba sa takdang panahon
● May maibigay bang bagong kontribusyon kung pag-aralang muli ang paksa
2. Rebyu ng kaugnay na pag-aaral
● Magbasa at magsuri kung ang mga pag-aaral ay may kaugnayan sa paksa ng
pananaliksik
● Magbasa kung ang pag-aaral ay nauukol sa mga teorya o simulain ng gagawing
pananaliksik
● Mag-analisa kung ang mga datos ay mapagbabatayan ng pananaliksik.
● Nakapagbibigay ba ng impormasyon na susuporta at magpapatibay sa mga natuklasan
sa pag-aaral
3. Layunin ng pag-aaral
● Inilalahad ba ang pangkalahatang layunin o dahilan kung bakit isinasagawa ang pag-
aaral.?

4. Metodo ng pananaliksik
● Suriin kung ang instrumento at metodong ginamit ay naayon sa problema
● Suriin kung ito ay balido at mapapanaligan
5. Saklaw at delimitasyon
● Itinatakda ba ang parameter ng pananaliksik at tinutukoy ba rito kung anu-ano ang
baryabol na sakop at hindi sakop ng pag-aaral
6. Kahalagan ng pag-aaral
● Inilalahad ba ang signifikans ng pagsasagawa ng pananaliksik ng paksa ng pag-aaral.
Tinutukoy ba rito ang maaaring maging kapakinabangan o halaga ng pag-aaral sa iba’t
ibang indibidwal, pangkat, tanggapan, institusyon, propesyon, disiplina o larangan.
7. Presentasyon ng datos
● Inilalarawan ba ang paraang ginamit ng pananaliksik sa pangangalap ng mga datos at
informasyon.
8. Pagsusuri ng datos
● Ginagamit ba ang tamang statistikal na paraan na ayon sa problema ng pananaliksik
9. Kongklusyon
● Nailahad ba ang konklusyon at rekomendasyon sa malinaw na paraan na maiintindihan
ng mga babasa.

GEC –PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK JMandado


2
Tama o Mali. Isulat ang titik T kung ang pahayag ay Tama, M naman kung ito Mali.
____ 1. Ang gawaing pananaliksik ay gawain para sa ilan lamang tao sa bansa.
____ 2. Ang sulating pananaliksik ay karaniwang hinihingi ng propesor sa mga mag-aaral.
____ 3. Walang iisang paraan o tiyak na paraan sa pananaliksik.
____4. Madali lamang ang gawaing pananaliksik bastat alam mo ang mga gabay nito.
____5. Ang paggamit ng statistics ay na paraan ay isang pagsusuri ng datos o impormasyon.
___6. Hindi siyentipiko ang imbestigasyon sa gawaing pananaliksik.
____7. Kapag gumawa ng kongklusyon ay mahaba ang pagpapahayag nito.
____8. Sa paglalahad ng problema o suliranin ay maaaring lagpas na sa 10 taon.
____9. Gamit ang pananaliksik at nagsasagawa nito ay tinatawag na researchers.
____10. Dapat mabulaklak ang ginagawang salita sa iyong pananaliksik.

Pagbasa at pagsulat ng papel pananaliksik. Pangkatang Gawain (bawat grupo ay


may 5 miyembro).
1. Susuriin ninyo ang isang halimbawang artikulo
2. alamin kung meron ba itong mga bahagi ng pananaliksik.
3.Bawat grupo ay kailangan maglahad ng isa bahagi lamang ayon sa ibinigay na
halimbawang babasahin. Mula sa link na ito ninyo mababasa ang artikulo.

file:///C:/Users/eddie/Documents/AJHSSR%20Journal%20PenoVispop/AHJSSR%20VIPop%20
published.pdf (Ang Penomenong Awiting Visayan Popular o (VisPop) sa
Kabatang Sebwano at ilang usaping wika at kultura)

Takdang Gawain
Maghanap ng mga pananaliksik –artikulo, journal at iba pa na nailimbag na sa website. Mas
maganda kung ang mga ito ay may kinalaman sa inyong Major. Isumite sa Gclasswork.

GEC –PAGBASA AT PAGSULAT TUNGO SA PANANALIKSIK JMandado


3

You might also like