You are on page 1of 4

JHEVILINE D.

LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 3
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 101 – PANITIKAN NG REHIYON__________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PANITIKAN SA ILOKOS AT PANGASINAN


LEARNING TARGETS: a. matukoy ang kaligirang panitikan sa iba’t-ibang rehiyon
REFERENCE(S) Mga Panitikan ng Pilipinas, Santiago, Lilia Q. pp. 19-21
(Title, Author, Pages)

Ang Ilokos ay binubuo ng mga probinsya ng Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union at
kasama ang probinsya ng Pangasinan na nakapaloob lahat ngayon sa rehiyon 1.

Ang mga panitikan sa Ilocos at Pangasinan ay may malawig at mayamang tradisyon.  dito
matatagpuan ang kilalang:
 Ang Biag ni Lam-ang, epiko ng mga Pilipino,
 “Pamulinawen” at “Manang Biday”, kilalang awit ng mga Ilokano

Pagsusulat sa Iloko

Noong 1627, inilimbag ni Padre Francisco Lopez ang Arte de la Lengua Ilocos bukal ng
maraming pag aaral sa wika, kultura, kasaysayan, at mga paraan ng pamamahayag ng mga
Ilokano.

Samtoy ang kinikilalang lumang anyo ng wikang Iloko at nagmula ito sa konsepto ng “sao mi
ditoy” na ang ibig sabihin ay “salita namin dito”

Sina Isabelo De Los Reyes, Leopoldo Yabes, Marcelino Foronda Jr. at Alejandrino


Hufana ang ilan lamang sa mga tampok na iskolar ng panitikan at kultura Iloko. 

Ilan sa mga kilalang iba't ibang anyo ng panitikang Iloko ay:


 Manang Biday -badeng o awit
 Duayya -Uyayi o awit panghele ng bata
 Dallot - ritwal o pagliligawan o pamamanghikan
 Dung-aw - awit pagluluksa at parangal sa namatay
 Daniw - tula
 Sarita - kuwento
 Dallang - isang konsepto o inspirasyon
 Imnas - musa o tagabunsod ng sining

Dahil sa pananakop ng mga Kastila, sagana rin ang panitikang Iloko sa mga anyong
ibinunga ng impluwensya ng mananakop. Marami ng komedya o moro-moro rito,  May pasyon,
senakulo, sarswela, Santacruzan at mga parangal sa iba't-ibang Patron ng kapistahan.

Inilunsad din ng mga Ilokano ang Bukanegan, bilang parangal kay Pedro Bukaneg na
itinuturing na “Ama ng Makatang Iloko.” 
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph
Ang Panitikang Amianan (Panitikan Sa hilaga ng Pilipinas)

Sa buong hilagang Luzon, ang nanatiling lingua Franca ng mga tao ay wikang Iloko. 

Ayon kay Arnold Azurin, may beddeng o Kasunduan sa mga tagapatag at Taga
bundok sa lugar na ito, kaya katunayang hindi lubos na nagkakasalungatan ang kanilang
kultura at sistema ng pamumuhay kundi nagkakaugnayan at nagkaka suportahan. 

Ang beddeng ay kapareho ng kasunduan sa kapayapaan ng bodong o vochong para sa


mga Igorot.

Ano-ano ang mga katangian ng panitikang Amianan?

1. Ang predisposisyon sa mabundok na pananaw.  inilalagda sa tulang amianan


halimbawa, ni Fernando B. Sanchez, ang lokasyon heograpiya bilang konstekto ng
panulat.

2. Ang Amianan ay isang tiyak na lupain mayroong kasaysayang pampulitika, isang


kasaysayang mainit at madugo. 

GAWAIN: Magsaliksik at kilalanin si Pedro Bukaneg. ALamin ang mga naging ambag niya sa
Panitikang Ilokos at mga naging akda. Gumawa ng isang postcard na naglalaman ng mga
nakalap na impormasyon. Maglakip ng mga angkop na larawan at maging malikhain sa
paggawa ng postcard. (drawing book)
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 4
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 101 – PANITIKAN NG REHIYON__________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: PANITIKAN NG CORDILLERA


LEARNING TARGETS: a. matukoy ang kaligirang panitikan sa iba’t-ibang rehiyon
REFERENCE(S) Mga Panitikan ng Pilipinas, Santiago, Lilia Q. pp. 45-46
(Title, Author, Pages)

Ang Cordillera Administrative Region (CAR) ay binubuo ng mga probinsyang ang


karamihan sa mga mamamayan ay katutubong Igorot.  Igorot Ang kolektibong termino para sa
mga etnolinggwistikong grupo na nakatira sa kabundukan ng Cordillera.

Kabilang sa CAR Ang mga probinsya ng Abra, Apayao, Ifugao, Kalinga, Bontoc o


Mountain Province at Benguet. 

Pinakamayaman ang pook na ito sa alamang bayan na isinasalimbibig sa mga


henerasyon. Kaya matutuklasan dito ang iba't ibang anyo ng panitikang bayan, magmula sa
epiko, mga mito, mga alamat, mga kwentong bayan, pabula, kasabihan, mga awit na
tinaguriang Salidum-ay at mga ritwal. 

 Cañao ay ritwal sa pagliligawan, paggamot sa may sakit, kasal, sa pag-aani,


sa pagtatanim, sa paglalaban at sa pagkakasundo para sa kapayapaan.

 Bagbagto ang tawag sa ritwal ng pag-aani para sa mga Bontoc.

 Vochong o bodong o beddeng ang tawag sa kasunduan para sa kapayapaan.

 Hudhud o awit sa mga Ifugao na idineklara rin bilang isang pamana ng mundo World
Heritage ng United Nations. 

 Ullalum o Alim ay kinakanta naman sa Kalinga.

Ang Banawe Rice Terraces o payew sa ifugao ay itinuturing na isa sa 8 Wonders of the
World at ngayon ay nakatala sa United Nations bilang isa sa mga tampok na pamana ng
mundo (world heritage site)

Si Francis King Cimatu ay isang manunulat mula sa Baguio na gumagamit ng tatlong wika - 


nagsusulat siya sa  Iloko,  Ingles at Filipino. 

GAWAIN. Magsaliksik ng isang (1) akda buhat sa panitikan ng Cordillera. Tiyakin na ang
napiling akda ay may salin sa tagalog at ibuod. (GOOGLE CLASSROOM)
JHEVILINE D. LEOPANDO
College Instructor
+639209796252 /
jhevleopando2212@caualagcentralcollege.edu.ph

LEARNING ACTIVITY # 5
NAME:_________________________________________________ GRADE / SCORE:____________
COURSE AND YEAR:______________________________________ DATE:_____________________
SUBJECT: LIT 101 – PANITIKAN NG REHIYON__________________

PLEASE SHADE THE APPROPRIATE TYPE OF ACTIVITY:


 Concept Notes  Laboratory Report  Formal Theme  Practical Activity
 Exercise / Drill  Drawing / Art  Informal Theme  Others:
___________________

ACTIVITY TITLE: Panitikan sa Cagayan at mga isla ng Batanes


LEARNING TARGETS: a. matukoy ang kaligirang panitikan sa iba’t-ibang rehiyon
REFERENCE(S) Mga Panitikan ng Pilipinas, Santiago, Lilia Q. pp. 64-66
(Title, Author, Pages)

Binubuo ng lambak at mga ilog gayundin ng maliit na pulo ang rehiyon 2 o mas kilala sa
tawag na Cagayan Valley.  Ang mga probinsya rito'y Batanes, Cagayan, Isabela, Nueva
Vizcaya at Quirino. 

Maraming etnolinggwistikong grupo sa rehiyon na ito tulad ng mga Ivatan, Ibanag at


Itawes. ang mga grupong ito ay nagsasalita pa rin ang kanilang wika at patuloy na lumilikha ng
iba't ibang anyo ng panitikan.

 Laji ang lirikal na awit ng mga Ivatan na nagpapakita kung paano ginagamit ng


karaniwang tao ang sining ng pagtula at pag awit sa araw-araw na buhay. May
ginawang masaklaw na pag aaral si Dr. Florentino Hornedo at ilan sa mga nasaliksik
na laji ay isinalin upang mapag-aralan.

 Palavvun ng mga Ibanag, katumbas ng bugtong ng mga Tagalog.

 Unoni ng mga itawes na katumbas ng salawikain

Sa ngayon sa pananaliksik Dr. Edna Liban Iringan, ang palavvun at unoni Ay mahalagang
pinagmumulan ng pananaw sa buhay at pagtingin sa mundo ng mga katutubo.

 Lumalindaw, epiko ng mga Ga’dang  na nagsasalaysay sa mga pakikipagsapalaran


nang isang bayaning sa tuwina'y naghahanap ng mukha ng mapapangasawa.

GAWAIN. Magsaliksik ng isang (1) akda buhat sa panitikan ng Rehiyon 2. Tiyakin na ang
napiling akda ay may salin sa tagalog at ibuod. (GOOGLE CLASSROOM)

You might also like