You are on page 1of 3

A

Paaralan LDNHS Baitang 8


TALA SA PAGTUTURO Guro AIREEN D. ALVARICO Asignatura FILIPINO
Petsa DISYEMBRE 12, 2022 Markahan IKALAWA
Oras Bilang ng Araw 1 Araw

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang pampanitikang lumaganap sa
Pangnilalaman Panahon ng Amerikano, Komonwelt at sa Kasalukuyan.

B. Pamantayan sa Naisusulat ang sariling tula sa alinmang anyong tinalakay tungkol sa pag-ibig sa tao, bayan o
Pagganap
kalikasan.
C. Mga Kasanayang sa
Pagkatuto

D. Pinakamahalagang
Kasanayan
sa Pagkatuto -Naipapaliwanag nang maayos ang pansariling pananaw, opinion at saloobin kaugnay ng akdang
(MELC) tinalakay. (F8PB-IIe-f-25)
(Kung mayroon, isulat ang
pinakamahalagang kasanayan sa
pagkatuto
o MELC)
E. Pagpapaganang
Kasanayan
(Kung mayroon, isulat ang
pagpapaganang
kasanayan.)
II. NILALAMAN SARSUWELA
(PAGPAPATULOY)
III. KAGAMITAN
PANTURO Modyul at aklat

A. Mga Sanggunian Pinagyamang Pluma 8, internet at iba pang learning resources.

a. Mga Pahina sa
MELC Filipino G8 Q2, PIVOT BOW R4QUBE, Curriculum Guide Pinagyamang Pluma 8
Gabay ng Guro
b. Mga Pahina sa
Kagamitang
Pangmag-aaral
c. Mga Pahina sa
Teksbuk
d. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B. Listahan ng mga
Kagamitang Panturo
para sa mga Gawain
sa Pagpapaunlad at
Pakikipagpalihan
IV. PAMAMARAAN
A. Panimula Panimulang Gawain
a. Panalangin
b. Mga alituntunin sa loob ng paaralan at silid-aralan
c. Pagtsetsek ng liban
d. Kumustahan sa mag-aaral

Paano nakatulong ang sarsuwela sa pagpapasigla ng mga pagpapahalaga at kulturang Pilipino


noong panahon ng pananakop ng mga Amerikano?

ALAM MO BA?

ANG SARSUWELA

Ang sarsuwela ay isang komedya o melodramang may kasamang awit at tugtog na


nahihinggil sa mga punong damdamin ng tao tulad ng pag-ibig, kapootan, paghihiganti,
kasakiman, kalupitan, at iba pa o kaya naman ay tungkol sa mga suliraning panlipunan o
pampolitika. Ayon sa kasaysayan nito, ito ay sinasabing hinango ng mga Espanyol sa opera ng
Italya sapagkat magkahalo ang diyalogong ginamit ditto patula at pasalita. Ang patulang bahagi
ay karaniwang diyalogo ng mga pangunahing tauhan, bukod sa ito ay nilalagyan ng komposisyon
na maaaring awitin. Samantala, ang tuluyang diyalogo ay yaong gamit naman ng mga katulong na
tauhan. Ang sarsuwela ay binubuo ng tatlong yugto. Ang mga tagpo ay magkahalong sryoso at
katawa-tawa. Melodrama kung ito ay tawagin o kaya’y tragikomedya. Hango sa tunay na buhay
B. Pagpapaunlad ang paksa nito at kung minsan ay nasosobrahan naman sa damdamin, lalo na sa pag-ibig kaya
nagiging soap operatic.
Ang sarsuwela. Bagama’t ipinakilala noong panahon ng mga Espanol ay lubos na
namulaklak noong panahon ng himagsikang Pilipino at Amerikano sa pangunguna nina Severino
Reyes na kilala sa taguring Lola Basyang sa kanyang dulang Walang Sugat; Aurelio Tolentino sa
kanyang Kahapon, Ngayon at Bukas; Juan Abad sa kanyang Tanikalang Ginto; Juan Crisostomo
Soto sa kanyang Anak ng Katipunan; Amando Navarette Osorio sa kanyang Patria Amanda; at
iba pa.
Unti-unting nanghina ang sarsuwela nang nakilala sa bansa ang bodabil o stage show. Ang
pagtatanghal na ito ay halos wala nang istorya, puro kantahan at sayawan lamang ang nangyayari
kung kaya sa paglaganap ng bodabil naging purong panlibangan na lamang ang teatro.
Sa Kasalukuyan, ang mga dulang pantanghalang ito ay patuloy pa ring ginagawa sa ating
bansa bilang pag-alaala sa mahahalagang pagdiriwang na may kinalaman sa pananampalatayang
Katolisismo at upang talakayin ang mga suliraning panlipunang nangyayari sa bansa.

Suriin ang ilang mahahalagang pahayag na itinututing na suliranin ng mga Pilipino na


masasalamin sa akdang binasa. Maglahad ng iyong pananaw o opinion kung bakit nangyari ito sa
ating bansa. Magbigay rin ng mga alternatibong solusyon o proposisyon kung paano malulutas
ang mga nabanggit na suliranin.

Mga Suliraning Masasalamin Mga Dahilan Kung Bakit Mga Alternatibong Solusyon
sa Akda Patuloy Itong Nangyayari o Proposisyon
1. Mga Pilipinong
nakararanas ng mga paglabag
C.Pakikipagpalihan
sa karapatang pantao mula sa
kamay ng mga
makapangyarihan tulad ng
nangyari kay Kapitan Inggo.
2. Paghahari ng mga dayuhan
sa bansa upang
mapakinabangan ang ating
mga likas na yaman.
3. Pakikialam ng magulang
sa buhay pag-ibig o maging
sa pag-aasawa ng anak.
Bilang Pagkaunawa ng mga mag-aaral sa aralin sasagutan nila ang mga susumunod na Gawain.
D. Paglalapat  Buoin Natin at Magagawa Natin sa pahina 251-253. Isusulat ng mga mag-aaral ang sagot
sa kanilang kuwaderno o notebook.
V. PAGNINILAY
Naunawaan ko Bilang ng mag-aaral na nakatapos ng gawain:
na_________________________.
Nabatid ko
na_________________________. Bilang ng mag-aaral na kailangan ng remediation/ enhancement:

Isinagawa ni: Sinuri ni: Nabatid ni:

AIREEN D. ALVARICO LEA A. DIZON CARMEN H. MACATUGOB


Guro sa Filipino Koordinaytor ng Filipino Punongguro II

You might also like