You are on page 1of 2

Devie Moore S.

Carbo Ika-2 ng Marso


Dr. Eugenio Laude

Urbana at Feliza – Gem

Layunin ng pag-aaral na ito na maitampok ang diskurso ng pagsusulatan ng magkapatid na


Urbana at Felisa sa deskriptibong pamamaraan. Sa ika-18 siglo naisulat ang akda kaya hindi
mapapasubalian ang kalaliman ng pananagalog na ginamit na midyum sa pagsusulatan ng
liham ng magkapatid na nasa magkaibang lugar: si Urbana ay nasa Maynila tulad ng
ibinabadya ng kaniyang pangalang buhat sa “urban” at si Felisa naman ay nasa probinsiya na
ang pangalan naman ay nangangahulugang “kasiyahan.” Inilatag sa pag-aaral na ginamit na
midyum ang pagpapalitan ng liham ng magkapatid upang maghatid ng mga aral at
kagandahang-asal na sinusunod at ipinasusunod alinsunod sa pamantayan ng lipunan noong
panahong iyon. Isang napakahusay at tiyak na kapupulutang aral ang nobelang Urbana at
Felisa. Tinalakay nito ang iba’t ibang aspeto ng buhay kabilang ang pagkakaroon ng
magandang asal, tamang pag uugali at mga nararapat gawin sa mga araw-araw na pangyayari,
pati na rin ang tamang pagsulat ng isang liham at ang tamang pamumuhay ng isang
Kristiyano. Ang Pagsusulatan ng Dalawang Binibini na si Urbana at ni Feliza ay isang nobelang
isinulat ni Padre Modesto de Castro na tumatalakay sa pagpapalitang-liham ng dalawang
magkapatid na si Urbana at Felisa. Bilang mas nakatatanda at mas madaming karanasan sa
buhay buha’t ng pag-aaral sa Maynila, si Urbana and lagging nabibigay ng payo sa
nakababatang kapatid na si Felisa, na naiwan kasama ang kanilang mga magulang at isa pang
nakababatang kapatid sa Paombong, Bulacan.Tulad ni Felisa, madaming kabataan sa bansa
ngayon ang hindi alam ang kanilang ginagawa at nangangailangan ng gabay. Maayos na
nailahad ni Padre de Castro ang pagbibigay ng payo at magagandang asal ni Urbana kay
Felisa sa paraang hindi nagmamayabang o kaya’y nagmamatass, kundi sa paraan ng isang
malumana’y at puno ng malasakit na nakatatandang kapatid. Hindi lamang kagandahang asal
ang itinuro ni Urbana kay Felisa kundi pati na rin ang tamang pagsulat ng liham na ito raw ang
sumasalamin sa pagkatao ng isang tao. Dumating din sa puntong pati sa pagpapakasal ay si
Urbana pa din ang hinihingan ng payo ni Felisa. Kahit pa isinulat ang nobela noong sinaunang
panahon, sumasalamin pa rin ito sa kalagayan ng napakaraming kabataan ngayon. Kaylangan
nila ng gagabay sa kanila upang sila’y lumaking magalang at hindi maligaw ng landas. Kung
wala manggumagabay sa mga kabataang bumasa nito, tiyak na matututo sila sa mga liham ni
Urbana. Isa itong magandang nobela na hindi lamang nagtuturo ng kagandahang asal sa mga
kabataan, pati na rin ang tamang pakikipagkapwa tao, ang pamumuhay ng tama, at ang pag-
galang at pagmamahal sa pamilya.
Devie Moore S. Carbo Ika-2 ng
Marso
Dr. Eugenio Laude

Maikling Kwento – Sacay

Ang mga pangyayari sa Himagsikang Filipino ay dumating at lumisan at ang kapangyarihan ng


Amerika ay nagsimula. Ang mahigpit na pagtutol ng ating mga bayani, ang paghingi sa mga
liberal na pagbabago, ang init at kasiglahan n gating mga kabataan, at ang namimitak
nakawalang pagasa ay lumala na parang kulog sa lahat ng sulok ng bansa na nagtapos lamang
sa pagkatalo ng mga maluwalhating paninindigan ng ating mga bayani. Nagtapos lamang
sa pagpapalit ng isang panginoon sa ibang panginoon. Ang mga pangyayari ito ay lalong
nagpasidhisa damdamin ng mga mamamayang Pilipino. Nakipaglaban ang lakas, ang panitikan
at prinsipyo. Dito namayani ang tagumpay ng sistema ng edukasyong kolonyal na pinairal sa
puso’tisipan ng mga Pilipino. Ngunit sa panahong ito minumultahan sa paggamit ng sariling
wika angmga manunulat na Pilipino. Sa aking pananaw, naging dahilan din ito kung bakit mas
niyakap ng mga Pilipino hanggang sa ngayon ang wikang banyaga. Sa Panahon naman ng
Hapones, upang akitin ang Pilipino, binigyang diin ng Hapon ang patakarang paglinang sa
katutubong kultura ng Pilipino. Pinagamit ang ating wika at ipinagbawalang paggamit ng Ingles.
Nagbalik ang manunulat sa kanyang bayang sinilangan. Dahil dito naging mabilis ang pagdami
ng mga babasahin. Nagkaroon ng kalayaan sa pamamahayag, sa samahan at sa relihiyon.
Nagkaroon ng bagong pananaw at paksa sa pagsulatng panitikan. Ang dating paksang
makarelihiyon ay napalitan ng tungkol sa pamahalaan, kalikasan at mga karanasan sa
kahirapan at pakikibaka. Dito pinakita ang makatotohanang Panitikan sapagkat ito ay
nagpapakita ng mga tunay na pangyayari sa mga tao at sa lipunan. Ngunit kalaunan ay
lumalabas na ang tema’y nasyonalismo. At ito’y subersibo para sakolonisador na Hapon Nang
lumaya na ang Pilipinas sa Hapon, ay umunlad na naman ang pagsulat ng maikling kuwento
ngunit karaniwang paksa lamang ng kuwento ay ang kahirapan ng buhay ng Pilipino noong
panahon na yaon, ang pagnanasa sa pagbalik ng Amerika at buhay ng mga gerilya. Tunay
ngang ang maikling kuwento ay larawan ng buhay dahil ipinapakita rito ang mga pangyayari sa
buhay ng tao at sa lipunan na kanyang kinabibilangan.

You might also like