You are on page 1of 9

PANSANGAY NG MGA PAARALANG LUNGSOD

HIGHWAY HILLS INTEGRATED SCHOOL


Kalye ng Calbayog, Lungsod ng Mandaluyong

“Ang Kwento ni Mabuti”

SURING BASA

Ang Pananaliksik Ay Iprinisinta Kay

BB. JONALYN D. ILUMIN

Bilang Pagtupad Sa Isa Sa Mga Pangangailangan ng Asignaturang

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK

IPRINISINTA NI:

De Perio, Icejan
11 – STEM A

PEBRERO 2020

1
TALAAN NG NILALAMAN

I. BUOD NG TEKSTO...........................................................................................................................3

II. PAGSUSURI SA PAMAGAT NG TEKSTO....................................................................................3

III. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA....................................................................................................4

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN.......................................................................................................4

V. PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TEKSTO................................................................................5

A. MGA TAUHAN.............................................................................................................................5

B. PAGSUSURI SA TAGPUAN.......................................................................................................6

C. DALOY NG PANGYAYARI........................................................................................................7

D. MGA TAYUTAY O IDYOMA.....................................................................................................7

E. PAKSA O TEMA...........................................................................................................................8

F. SIMBOLISMO...............................................................................................................................9

VI. BISANG PAMPANITIKAN...............................................................................................................9

A. BISA SA ISIP.................................................................................................................................9

B. BISA SA DAMDAMIN.................................................................................................................9

C. BISA SA KAASALAN.................................................................................................................10

D. BISA SA LIPUNAN.....................................................................................................................10

VII. PUNA AT REAKSYON...................................................................................................................10

2
I. BUOD NG TEKSTO

Ang kwento ni mabuti ay isang maikling kwento tungkol sa guro at ina na binansagan ng kanyang

mga mag.aaral na Mabuti. ang kwento ay ikinikwento ng kanyang mag.aaral na si Fe na nakita

niyang umiiyak sa sulok ng silid-aklatan kung saan nag-usap sila tungkol sa problema ni Fe. nang

tinanong na ni Fe ang problema ni Mabuti ay hindi sinabi ni Mabuti ang problema dahil alam nya na

hindi pa ito mauunawaan ni Fe.mayroong isang anak na babae si mabuti kung saan may malaking

pangarap siya para sa anak. gusto niyang maging mang-gagamot ang anak. nagkuwento pa si mabuti

ng tungkol sa mga kaligayahan nya sa anak. isang araw, nabalitaan ni fe na namatay ang tatay ng

anak ni mabuti. ibinurol ito sa ibang bahay na hindi tinitirhan ni mabuti at ng kanyang anak. noon ay

naunawaan ni Fe ang lihim na kalungkutan ni mabuti.

II. PAGSUSURI SA PAMAGAT NG TEKSTO

Ang salitang Mabuti ay nangangahulugang pag gawa ng maganda at dapat nagiging mabuti ang

gawa ng isang tao dahil sa pagmamahal halimbawa nito ay pagkakawang gawa sa pag gawa ng

mabuti minsan kailangang mag sakripisyo.. Ito ay ginamit sa teksto bilang sagisag mg isang

kabutihang asal na nararapat natin lagi tandaaan

III. TALAMBUHAY NG MAY-AKDA

Si Genoveva Edroza-Matute (Enero 3, 1915 – Marso 21, 2009) ay isang bantog kuwentistang

Pilipino. Isa rin siyang guro at may-akda ng aklat sa Balarilang Tagalog, na nagturo ng mga

asignaturang Filipino at mga asignaturang pang-edukasyon.

Nagturo siya ng apatnapu’t anim na taon sa elementarya, sekundarya at kolehiyo, at nagretiro bilang

Dekana ng Pagtuturo sa Dalubhasaang Normal ng Pilipinas (ngayon ay Pamantasang Normal ng

Pilipinas) noong 1980. Pinarangalan siya ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas ng Gawad CCP Para

sa Sining (Panitikan) noong Pebrero 1992

Maraming ulit siyang nagkamit ng Gawad Palanca, tulad ng kilalang Kuwento ni Mabuti, na nanalo

ng kauna-unahang Gawad Palanca para sa Maikling Kuwento sa Filipino. Kasama rin sa mga
3
kuwentong nanalo ng Gawad Palanca ay ang Paglalayag sa Puso ng Isang Bata noong 1955, at ang

Parusa noong 1961.

Ilan sa mga naging aklat niya ay ang Mga Piling Maiikling Kuwento ng Ateneo University Press;

ang Tinig ng Damdamin, katipunan ng kanyang mga piling sanaysay, ng De La Salle University

Press; at ang Sa Anino ng EDSA, maiikling kuwentong sinulat niya bilang National Fellow for

Fiction, 1991-1992, ng U.P. Press.

Namatay siya noong 21 Marso 2009 sa edad na 94.

IV. TEORYANG PAMPANITIKAN

1.Humanismo:

Ito ang pananaw na ang uniberso ay nakasentro sa tao sa halip na sa Diyos. Sa pilosopiya, ito ang

atityud na nagbibigay-diin sa dignidad at kahalagahan ng isang tao. Ito ang basikong saligan ng

paniniwalang ang mga tao ay nilikhang rasyonal at taglay sa kanilang sarili sa kapasidad para sa

katotohanan at kabutihan. Sa panitikan, ang pangunahing katangian ng humanismo ay kahinahunan,

anyo, at limitasyon ng mga klasiko. Sa paglakad ng mga taon, umusbong ang bagong humanismo.

Ayon sa mga tagasunod nito, hindi dapat ipaliwanag ang kalagayan ng tao sa pamamagitan ng

herediti at kapaligiran, dahil ang tao ay may malayang pagpapasiya. Siya ay malayang

nakakapagdesisyon kung alin ang mabuti o masama sa kanya.

2. Feminismo

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at iangat ang

pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan ay feminismo

sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipimayagpag ang mabubuti at

magagandang katangian ng tauhan.

3. Realismo

4
Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksisan ng may-akda sa kanyang

lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo

sapagkat isinaalang-alang ng may-akda ang kasiningan at pagkaefektibo ng kanyang sinulat.

V. PAGSUSURI SA NILALAMAN NG TEKSTO

A. MGA TAUHAN

1. Mabuti - isang guro. may mabuting pananaw sa buhay. hilig magsabi ng "mabuti" kaya siya

binansagang mabuti ng mga mag-aaral.mayroong malaking pangarap para sa kanyang isang anak.

2. Fe- estudyante ni Mabuti. nakita nya si mabuti na umiiyak sa silid-aklatan kung saan umiiyak din

sya doon.hindi naman sa kanya sinabi ni mabuti ang problema dahil sabi nya ay bata pa si Fe.

B.PAGSUSURI SA TAGPUAN

1. Sa Paaralan

ng uri ng paglalarawan ng tagpuan ay pahiwatig sapagkat hindi direktangsinabi sa akda na sa

ganitong lugar ginanap ang istorya.

B. DALOY NG PANGYAYARI

1. SIMULA

Isang guro na tinatawag na Mabuti ng kanyang mga estudyante kapag nakatalikod dahil sa

lagi niya itong tinuturan kapag wala siyang masabi. Tinuturuan niya ang mga mag-aaral sa

Panitikan dahil dito siya bihasa.

5
2. GITNA

Magtatakip-silim na n gang isang mag-aaral ay umiiyak sa isang sulok ng silid-aklatan

dahil sa isang maliit na problema. Nilapitan siya ni Mabuti at kinausa, inusisa at pinatahan.

Namangha ang bata dahil doon din tumatangis si Mabuti sa sulok na iyon. Tinanong niya si

Mabuti kung ano ang dahilan ng kanyang pagtangis sa sulok na iyon ngunit hindi siya

nasagot ni Mabuti. Simula noon, ang mag-aaral ay nagkaroon ng matinding damdamin sa

pagtuklas sa suliranin ni Mabuti na pilit ikinukubli ng guro. Isang araw, nagkwento si Mabuti

tungkol sa kanyang anak mag-aaral na sa susunod na pasukan. Nasambit niya na nais niyang

maging manggagamot ang kanyang anak, isang mabuting manggagamot. Bigla niyang

narinig ang bulung-bulungan ng dalawang estudyante na ang sinasabi ay “Gaya ng kanyang

ama!”. Tumakas ang dugo sa mukha ni Mabuti na parang isang puting tela. Gayunpaman,

siya ngumiti ng pilit at sinabing, “Oo, gaya ng kanyang ama”. Sa pagkabigla at pagkakilabot

sa narinig nay nakuha parin niyang ngumiti bagamat pilit. Ilang araw din ang itinagal ng

pagkamutla ng kanyang mukha. Samantala, napgtagpi-tagpi na ng bata ng mga impormasyon

ngunit bigo parin siyang matuklasan ang lihim at suliranin ni Mabuti. Natuklasan ng mag-

aaral na nagging malapit kay Mabuti, na kasalukuyang nakaburol ang asawa ngunit hindi sa

tinitirhan ni Mabuti.

3. WAKAS

Lubos na naunawaan at nabatid ng mag-aaral na naging malapit kay Mabuti ang lahat at iyon

ang nagpagaan ng damdamin nito.

C. MGA TAYUTAY O IDYOMA

 “Ano ang isasampay ko sa aking likod?”

Ito ay isang uri ng tayutay, ang pagpapalit-tawag. Pinalitan ang salitang damit ng ibang

katawagan na katumbas ng kahulugan nito.

6
 “Mahabang sandaling nalunod siya sa kaligayahan sa pagmamalas sa sariling alindog sa

salamin.”

Ang ginamit sa pangungusap na ito ay ang pagmamalabis na isang uri ng tayutay.

Ginamitan ito ng salitang nalunod na nagpapakita ng pagmamalabis.

 “Nahigitan niya ang lahat ng mga babae sa ganda, sa rangya, at sa pagiging kahali-halina

kaya palagi siyang nakangiti dahil sa nag-uumapaw sa puso ang kaligayahan.”

Isa rin itong uri ng tayutay na pagmamalabis. Ang pariralang nag-uumapaw sa puso ang

kaligayahan ay nagpapakita ng pagmamalabis dahil hindi naman talaga umaapaw ang

kaligayahan sa ating puso. Sinosobrahan lang natin ang pagpapahayag sa ating nararamdaman

kung kaya’t ginagamit natin ang salitang nag-uumapaw.

 “Buong pagkahaling siyang nakipagsayaw, lasing na lasing sa kaluwalhatian ng tagumpay

na tinamo sa pamumukod ng kaniyang kagandahan.”

Ang ginamit din ditto ay isang uri ng tayutay na pagmamalabis. Ginamit ang salitang lasing

upang ipaalam sa mambabasa na labis na kaluwalhatian ang kanyang nadarama.

 “Pagkalipas ng isang linggo ay lubusan na silang pinanawan ng pag-asa. Sa maikling

panahong iyon tumanda si M. Loisel nang limang taon.”

Tayutay na pagpapalit-tawag din ang ginamit sa pangungusap na ito dahil imbes na sabihin

ang totoong kahulugan ay pinalitan ito upang gawing mas malikhain ang pahayag.

D. PAKSA O TEMA

Ang paksa o tema ng Ang Kuwintas ay ang paghahangad ni Mathilde ng karangyaan. Hindi

siya nakuntento sa kung anong kayang ibigay ng kanyang asawa kung kaya’t ninais niya pang

manghiram ng kuwintas na naging dahilan ng kanilang paghihirap. Isa pang paksa ng akdang ito

ay ang pagsasabi lagi ng totoo. Hindi kaagad inamin ni Mathilde ang totoo sa kanyang matalik na

kaibigan kaya hindi niya agad nalaman na imitasyon lang pala ito. At ang panghuli ay ang

pagpapahalaga at pag-iingat sa mga bagay na hiniram. Kung iningatan lang sana ni Mathilde ang

7
kuwintas ay hindi sana sila uutang ng perang ipangbibili ng bago kaya hindi rin sana sila

maghihirap.

E. SIMBOLISMO

Kuwintas ang ginamit na simbolo sa akdang ito. Sinisimbolo nito ang pagpapahalaga,

pagsasabi ng totoo, at ang pagiging kuntento sa lahat ng pagkakataon. Noong nawala ang kuwintas,

parang nawala na rin ang pagpapahalaga ni Mathilde dito. Ngunit nang nagkaroon siya ng malay

na nawala ito, nalaman niya ang sobrang halaga nito. Nang nawala ang kuwintas,

nakapagsinungaling ang mag-asawa. Naging dahilan ang pagkawala nito ng hindi nila pagsasabi

ng totoo. Ang pagkawala ng kuwintas ay ang pagkawala rin ng pagiging matapat ng mag-asawa.

Isa pa, sinisimbolo rin nito ang pagiging kuntento. Nawala ang kuwintas sa akda upang ipaalam

sa atin na hindi natin kailangan ng anumang alahas o iba pang bagay dahil sa huli, ang totoong

nagmamahal sa atin ang makakasama natin sa mga pagsubok na ibibigay ng Diyos. Kaya kailangan

nating makuntento sa kung ano ang ibinigay Niya sa atin.

VI. BISANG PAMPANITIKAN

A. BISA SA ISIP

Matapos kong mabasa ang akdang ito, natutunan kong dapat na makuntento tayo sa kung

anong ibinigay ng Diyos. Huwag nating kainggitan ang meron sa iba. Kung meron man tayong

nais na makuha, dapat pagsumikapan natin ito at paghirapan upang lumaki ang halaga nito sa atin

at upang ito ay maging sulit. Natutunan ko rin na dapat laging magsabi ng totoo upang hindi

mapahamak at isa pa, dahil ito rin ang nagiging dahilan upang tayo ay pagkatiwalaan ng iba.

B. BISA SA DAMDAMIN

Nalungkot ngunit napabilib ako kay G. Loisel. Kahit walang-wala na, ibinigay niya pa rin

ang lahat sa kanyang asawa. Hindi niya ito iniwan kahit na alam niyang hindi kuntento ang

kanyang asawa sa kanilang buhay at kahit na naghahangad ito ng karangyaan. Hindi niya iniwan

ang kanyang asawa. Sinamahan niya ito sa hirap hanggang sa mabayaran nila ang pagkakautang.

8
Ganyan ang nagagawa ng pagmamahal sa isang tao. Kayang magtiis makita lang na masaya ang

kanyang minamahal. Tunay ngang nagmamahal si G. Loisel. Kung lahat ng umiibig ay katulad

niya, tiyak na magiging masaya at maaliwalas ang mundo.

C. BISA SA KAASALAN

Matapos kong basahin ang akdang ito, nalaman kong kailangan kong maging kuntento sa

kung anong meron ako upang hindi magaya sa nangyari kay Mathilde. Hindi rin naman masama

ang ginawa niyang paghiram ng kuwintas. Ang naging mali niya ay ang hindi pagsasabi ng totoo.

Ang simpleng pagkawala ng kuwintas ang nagpunta sa kanila sa seryosong paghihirap. Naging

mas matibay ang loob kong magsabi lagi ng totoo dahil ayokong mapunta sa wala ang aking

paghihirap.

D. BISA SA LIPUNAN

Maaari natin itong maihalintulad sa mga pangyayari sa ating lipunan lalo na sa usaping

kahirapan. Dahil sa hirap ng buhay, nag-ambisyon ng malaki si Mathilde na naging dahilan upang

humiram siya ng kuwintas na di kalaunan ay nawala kaya mas lalo silang naghirap.

VII. PUNA AT REAKSYON

Nalungkot ako at nanghinayang sa naging katapusan ng akda. Nalaman kasi nila na ang

pinaghirapan nila ng halos sampung taon ay nauwi lang sa wala dahil hindi naman pala tunay ang

kuwintas na hiniram ni Mathilde. Kung sinabi lang sana nila noong una pa lang ang totoong nangyari,

hindi sana sila maghihirap nang ganun katagal. Kasalanan din naman nila ngunit hindi ko maiwasang

manghinayang. Kaya napakalaking bagay talaga ang pagsasabi ng totoo. Hindi natin alam ang

mangyayari sa hinaharap kaya mas mabuti nalang na gawin natin ang tama at ang makakabuti sa lahat.

You might also like