You are on page 1of 12

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 8:
Pagsulat ng Organisado at
Makahulugang Akda
(Pangwakas na Gawain)

1
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 8: Pagsulat ng Organisado at Makahulugang Akda
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha
ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan
ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon III


SDO - Science City of Muñoz
Dante G. Parungao, CESO VI
Zurex T. Bacay Ph.D.

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marina A. Gregorio
Editor: John A. Ocampo, PhD, Bennedick T. Viola at Robert G. Mallare
Tagasuri: Gilda S. Panuyas, Bennedick T. Viola at Augusto A. Mateo
Tagaguhit: Romeo B. De Castro Jr.
Tagalapat: Romeo B. De Castro Jr.
Tagapamahala:
Larry B. Espiritu, PhD
Rodolfo A. Dizon PhD
Augusto A. Mateo
Mercedita D. Saldero
Norma R. Framo

Inilimbag sa Pilipinas ng:

Department of Education – Region III


SDO – Science City of Muñoz
Curriculum Implementation Division-
Learning Resource Management Section (CID-LRMS)
Office Address : Bgy. Rizal, Science City of Munoz, 3119
E-mail Address : munozscience.city@deped.gov.ph

2
Alamin

Narito ang talaan ng mga kasanayang dapat na malinang at maipamalas na


gagabayan ng mga sumusunod na MELC (Most Essential Learning Competencies):

1. Nabibigyang-puna ang mga nababasa sa mga social media (pahayagan, TV,


internet tulad ng FB, e-mail at iba pa) F10PN-iiI-J-79
2. Natutukoy ang mga popular na anyo ng panitikan na karaniwang nakikita sa
mga social media F10PD-IIg-h-73
3. Nagagamit ang kahuyasan sa gramatika at diskorsal na pagsulat ng isang
organisado at makahulugang akda F10WG-iiI-J-70

Kumusta na kayo? Ako si Thalia, kasama ang kaibigan kong si


Sergio ay muli nating lakbayin ang mundo ng social media o
hatirang pangmadla.

Alam kong hindi na bago sa iyo ang mundong ito ngunit bago
natin simulan ang paglalakbay ay subukin muna natin ang
iyong kaalaman.

Subukin
Panuto: Pumili ng mga larawan sa kahon ng anyo ng social media para sa mga sumusunod
na tanong. Isulat ang titik lamang.

A. B. C. D. E.

_______1. Naglalaman ito ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa.
_______2. Tawag sa serbisyo na nagbibigay kakayahan sa gumagamit na magpadala at
basahin ang mga mensahe bilang tweets.
_______3. Ang Multimedia sharing site na ito ay naglalayong magbahagi at magbigay-daan
sa mga video na mapanood ng mga nagnanais na gumamit.
_______4. Sa pamamagitan nito ay maaaring makapagdagdag ng kaibigan, magpadala ng
mensahe sa kanila at ipagbigay-alam ang tungkol sa kanilang sarili.
_______5. Tumutukoy ito sa online mobile na may serbisyong photo at video sharing na
maaaring ibahagi sa iba’t ibang plataporma.

3
Aralin Pagsulat ng Organisado at
Makahulugang Akda
1 (Pangwakas na Gawain)
Magandang araw sa iyo! Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga
aralin para sa ikalawang markahan. Alam kong magugustuhan mo ang ating
pangwakas na gawain. Dahil sa iyong pang-araw-araw na paggamit ng social
media tulad ng blog, facebook at iba pa ay hindi na bago sa iyo ang mga panitikang
ito. Samahan mo akong maglakbay sa mundong ito. Bago tayo magpatuloy sa
bago nating aralin iyo munang isagawa ang ilang gawain. Alam ko na kayang- kaya
mong gawin. Halika! Sasamahan kita.

Balikan
Gawain 1: Naaalala Mo Ba?
Panuto: Tukuyin ang akdang pinagmulan ng mga sumusunod na pahayag. Piliin ang sagot
sa talaan. Isulat sa sagutang papel.
Talumpati ni Barrack Obama Ang Matanda at Ang Dagat
Ako Po’y Pitong Taong Gulang Isang Panaginip
Aginaldo ng Mago Romeo at Juliet

1. Ang ika-44 na Amerikano ay nanumpa na sa pagkapangulo. Kasalukuyang sinasabi


ang mga kataga habang tumataas ang alon ng kaunlaran at nananatili ang
tubig ng kapayapaan.
2. Ang pangalan ko po ay Amelia . Noon po’y ibinigay ako ng aking mahihirap na
magulang sa isang mayamang pamilya na nakatira sa lungsod.
3. Pumalaot si Santiago sa dagat upang mangisda at hindi niya lubos maisip na siya ay
makahuhuli ng malaking isdang nagngangalang Marlin .
4. Sa kalagitnaan nitong gabing malamlam
Napanaginipan ko ang isang sayang naparam
Ngunit isang liwanag ang sa aki’y gumising
Nag-iwan sa akin ng pusong naninimdim.
5. Ang mag-asawang James at Delia ay may dalawang ari-ariang
ipinagmamalaki, isang gintong relos at mahabang buhok.

Mahusay! Tunay ngang nakintal sa iyong isipan ang mga


akdang tinalakay tungkol sa mga bansang kanluranin. Ngayon
naman ay basahin natin ang isang akdang naging popular sa
social media. Handa ka na ba?

4
Tuklasin

Hinangaan Ng Mga Netizens Ang Balut Vendor Na Sinasagutan Ang


Kanyang Mga Modules Habang Nagtitinda
Mula sa globalhealth.ph.com blog

Sa isang Facebook post na ibinahagi ng netizen na si Vanessa Belonio ay


makikita ang isang lalaki na nagtitinda ng balut sa harapan ng public plaza sa
Victorias City, Negros Occidental. Ang 15 taong gulang na lalaki ay kinuhanan ng
larawan habang naka-break sa pagtitinda at makikitang sinasagutan ang kanyang
module sa pag-aaral.

Napag-alaman ni Belonio sa ilang mga residente doon na ang batang tindero


ng balut ay isang Grade 10 student na nakilala bilang si Julius Barbosa na nag-
aaral sa Victorias City National High School. Ang kanyang ama ay isang tricycle
driver samantalang isang housewife naman ang kanyang ina.

Siya ang panganay sa kanilang siyam na magkakapatid kaya naman pitong


taong gulang pa lamang siya noon ay tumutulong na siya sa pagbebenta ng balut
para makatulong sa kanilang pamilya.

Makikita ang kanyang dedikasyon sa pag-aaral at paghahanap buhay dahil


ginagamit niya ang kanyang bakanteng oras upang makapag-aral at masagutan ang
module sa kanilang paaralan habang naghihintay ng mga customer na bibili ng
kanyang paninda. Dagdag ni Belonio na hinangaan niya ang estudyanteng balut
vendor na ito dahil napagsasabay niya ang pag-
aaral at paghahanap buhay sa murang edad pa
lang.

Aalis ng bahay si Barbosa ng alas-kwatro


ng hapon upang magtinda na ng balut at
makakauwi na ito ng alas-diyes ng gabi.

Sa umaga ay tumutulong pa siya sa mga


gawaing bahay kaya naman dinadala na lamang
niya ang kanyang module habang siya ay
nagtitinda upang magkaroon ng oras para
magbasa-basa at masagutan ito.
Photo From: Vanessa Belonio/Facebook
“I was very inspired. I can see that he is very
dedicated to learn and to earn to be able to help his family.

I felt his urge to pursue his studies despite the situation he’s in. I was inspired at the
same time, because I am also a student,” saad ni Belonio.

5
Maraming netizens ang humanga sa kasipagan ni Barbosa, ngunit para sa
balut vendor na ito, ang kanyang pamilya ang kanyang nagiging inspirasyon upang
magpursigi pa sa buhay.

Mula sa blog na https://globalhealthph.com

Nagustuhan ba ninyo ang akdang binasa? Ang inyong binasa ay isang


akda na naging popular(trending) sa hatirang pangmadla (social media)
at nailathala sa isang site at nakakuha ng positibong reaksyon o “likes”
ng maraming mambabasa. Sa bahaging ito ng ating aralin ay susubukin
ang iyong husay sa pag-unawa sa binasang akda. Halina at sama-sama
nating sagutin ang mga inihandang gawain upang lubos nating
maunawaan ang ating binasa.

Gawain 2: Pag-unawa sa Binasa


Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Isulat ang sagot sa inyong
kuwaderno.
1. Ilarawan ang magandang katangiang taglay ng tauhan sa akda?
2. Paano ipinamalas ni Julius Barbosa ang magandang katangiang kanyang
tinataglay?
3. Ano ang nagtulak kay Julius Barbosa upang sa murang edad ay
maghanapbuhay?
4. Sa iyong palagay, paano makatutulong sa kanilang buhay ang katangiang
taglay ni Julius? Ipaliwanag.
5. Anong mahalagang mensahe/kaisipan ang ibinibigay ng akda? Magbigay ng
tiyak na halimbawa kung paano mo ito isasabuhay?

Suriin
Alam mo ba na...
Kapag araw-araw kang gumagamit ng internet, malamang na isa ka sa 73
milyong Filipino na gumagamit ng hatirang pangmadla (social media)? Iyan ay ayon
sa survey ng Philippine Market Research Group na inilathala noong September 3,
2020.
Maaaring gumagamit ka ng social media tulad ng blog o pinaikling salita para
sa weblog na naglalaman ng mga komentaryo o balita ukol sa ilang mga paksa. Para
sa ilan ito ay ginagamit para maging online diary (talaarawang nasa internet).
Nasubukan mo na rin marahil ang microblogs gaya ng twitter. Ito naman ay
microblogging na serbisyo na serbisyo na nagbibigay ng kakayahan sa gumagamit
nito na magpadala at basahin ang mga mensahe na kilala bilang tweets. Naaliw ka
rin ng mga napanood mong video sa youtube. Sa pamamagitan ng multimedia
sharing site na ito ay maaari mong ibahagi ang mga video at nagbibigay-daan para
sa mga gagamit(user) nito na mag-upload, makita, at ibahagi ang mga video clips.
Ang mga videong ito ay maaaring husgahan ayon sa dami ng “likes” at ang dami ng

6
mga nakapanood ay parehong nakalathala. Bago nagkaroon ng facebook ay nauna
ang Friendster. Nakatuon ang Friendster sa pagtulong sa mga tao na makakilala
ng mga bagong kaibigan, makibalita sa lumang kaibigan at magbahagi ng mga
nilalamang midya sa web.
Ang Facebook ay ang pinaka tanyag na online social media website sa
Pilipinas. Halos lahat na yata ng Filipino bata man o matanda ay mayroon ng
facebook account. Sa tulong ng Facebook mas madali na tayong makipag-ugnay at
makapagbahagi sa ating mga kaibigan at pamilya online.
Instagram ay isang online mobile na serbisyong photo-sharing, video-
sharing at social networking na nagbibigay-pahintulot sa mga gumagamit na
kumuha ng mga larawan at bidyo, at ibahagi ang mga ito sa iba't ibang plataporma
ng social networking, gaya ng Facebook, Twitter, Tumblr at Flickr.

Mula sa https://www.coursehero.com/file/34385843/Mga-popular-na-anyo-ng-social-mediapptx/

Pagyamanin
Naunawaan ba ninyo na walang kahirap-hirap
ang paliwanag? Makatutulong ang sumusunod na
gawain upang lalo pang mahasa ang kaalaman ninyo sa
pagbibigay ng puna sa mga larawan at pahayag na nasa
ibaba. Tandaan, malaya tayong makakapagbigay ng
mga puna ngunit maging responsable pa rin tayo sa
ating mga komento.

Gawain 3. SURIIN MO …KOMENTO MO


Panuto : Suriin at bigyang ng reaksyon batay sa iyong sariling pag-unawa ang
sumusunod na pahayag mula sa iba’t ibang site .

Reaksyon:

Imahe mula sa https://thepinoysite.files.wordpress.com/

7
Reaksyon:

Imahe mula sa https://www.facebook.com/

Reaksyon:

Imahe mula sa https://www.facebook.com/

Reaksyon:

Imahe mula sa https://www.bing.com/images/

8
Gawain 4: Reaksyon Mo, Tweet Mo!
Panuto: Isulat ang saloobin o puna sa mga nakatalang paksa/isyu mula sa
abscbnNEWS.com.ph sa pamamagitan ng 40 salita lamang. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

1. Takot ka bang magpabakuna?


Hindi man 100% na mapoproteksyunan laban sa #COVID19 ang mga
mababakunahan, pinaalala ng isang eksperto na kailangan pa rin ito
upang mapababa ang tsansa na makuha ang virus.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Binalaan ng pulisya ang publiko laban sa online scams ngayong
Kapaskuhan. Ito’y matapos dumoble ang mga reklamo hinggil sa online
scams kumpara noon nakaraang taon dahil mas marami rin ang
nakikipag-transaksyon online sa gitna ng quarantine restrictions dahil sa
COVID-19 pandemic.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

3. DOH binalaan ang publiko sa pagkanta sa videoke na maaaring


magpakalat ng virus ang paggamit ng mikropono.
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

4. "Chipipay" at "Ting-ting Cojuangco"


Ito ang mga ginamit na halimbawang pang-uri sa tao sa isang textbook ng
pribadong paaralan. Hindi nagustuhan ng maraming netizen ang
pagkakagamit ng lingo sa mga pangungusap na nagmistulang pang-
iinsulto sa tao.

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Hindi na dadaan sa clinical trials sa Pilipinas ang bakuna kontra COVID-
19 na ginawa ng AstraZeneca.
Ayon sa kompanya, mayroon silang patunay na epektibong ang bakuna
sa kabila ng pagkakaroon ng dosage mistakes sa una nitong naging trials.
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
Halaw mula sa https://www.facebook.com/abscbnNEWS

9
Isaisip

Gawain 5.
Panuto: Ilagay ang kung tama ang kaisipang taglay ng pangungusap at
kung hindi. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

___________1. Ang paggamit ng internet ay paggamit din ng social media.


___________2. Ang blog ay tinatawag ding online diary o talaarawang nasa internet.
___________3. Friendster ang pinakagamiting social media sa kasalakuyan.
___________4. Mabilis ang paraan ng pakikipag-ugnayan at komunikasyon sa pamamagitan
ng messenger.
___________5. Sa dami ng “likes” malalaman kung nagustuhan ng manonood ang videong
naipadala sa internet sa pamamagitan ng youtube.

Marahil ay handa ka na para sa pangwakas na Gawain.


Nalinang na ang iyong kasanayan. Natitiyak kong kayang-kaya
mong sumulat ng iyong sariling akda na ilalathala mo sa iyong
hatirang pangmadala o social media.

Narito ang ilang gabay na dapat isaalang-alang sa paggawa


nito
Una, Ang akdang ilalathala ay dapat na orihinal. Pangalawa,
ang paksa ay dapat na tumatalakay sa umiiral na kultura ng
alinman sa mga bansa sa kanluran. Pangatlo, Ang kabuuan ng akda
ay hindi lalagpas sa 300 na salita na nakalimbag sa arial(font style)
at 12 (font size), Lagyan ng pamagat ang akda at maglaan ng talaan,
sanggunian at glosaryo.

Isagawa
Gawain 6: Magsulat Tayo!

Ikaw ay magsusulat ng iyong sariling blog tungkol sa mga bagay na natutuhan mo


at nag-iwan ng aral sa buhay ngayong panahon ng pandemya o kalamidad. Ilalathala ang
iyong akda sa iyong social media account na katulad ng facebook.
At upang matiyak na maayos ang kalalabasan ng iyong gagawing akda, naririto ang
pamamaraan na dapat isaalang-alang:
Orihinalidad/Sining/Estilo ng Pagkakasulat 15 puntos
Makatotohanan at napapanahong Paksa 10 puntos
Kakintalan/Mensahe/Tema 10 puntos
Wasto at Angkop ang Gamit ng Gramatika at Retorika 10 puntos
Hikayat at Kawilihan sa Mambabasa 5 puntos
KABUUAN 50 PUNTOS

10
Tayahin
Gawain 7: Kaalaman Mo’y Subukin!
Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan, isulat ang titik ng tamang
kasagutan sa iyong sagutang papel.

1. Ayon sa survey ng Philippine Market Research Group na inilathala noong


September 3, 2020, 73 milyong Filipino na gumagamit ng hatirang pangmadla
(social media), nangangahulugan itong:
a. Mas maraming Filipino ang mayaman
b. Mas maraming Filipino ang mga nakapag-aral
c. Pamamaraan ito ng maraming Filipino para sa Komunikasyon
d. Maraming Filipino ang may gadgets
2. “Lahat ng inilalathala sa social media ay dapat na paniwalaan.”
a. Hindi, dapat magkaroon din ng ibang sanggunian katulad ng aklat at
iba pa..
b. Tama, dumaan ito sa pagsusuri
c. Hindi, pag-aralan muna kung totoo o hindi ang nakalathala
d. Tama, ikaw ang nakakaalam ng tutuo.
3. Tinawag na online diary ang blog sapagkat ito ay:
a. Kalimitang isinusulat ng mga blogero sa mga blog ang kanilang mga
opinyon at mga naiisip.
b. Nakikipag-ugnayan sa mga dating kaibigan
c. Paraan ng komunikasyon sa ibang tao.
d. Tumutuklas ng mga bagong pangyayari at gawi.
4. Sa iyong palagay, bakit mas mabilis lumaganap ang popularidad ng social
media sa mga Pilipino?
a. Malakas ang signal ng internet sa Pilipinas
b. Likas na mahilig sa gadget tulad ng smartphone ang Pinoy.
c. Malaki ang pagpapahalaga ng Pilipino sa pakikipag-ugnayan.
d. Maraming kamag-anak ang nagtatrabaho sa ibang bansa.
5. Tukuyin ang positibong dulot ng internet sa buhay ng isang mag-aaral.
a. Magpasikat
b. On-line games
c. Paghahanap ng bagong impormasyon tungkol sa aralin
d. Paghahanap ng bagong kaibigan

Binabati kita at matagumpay mong natapos ang mga Gawain at


pagsasanay sa modyul na ito. Batid kong nagkaroon kang muli
ng mga bagong kaalaman at kasanayan .

Tiyak na nasasabik na kayo sa mga


susunod pang mga aralin ngunit
pahinga muna…Hanggang sa
susunod nating paglalakbay!

11
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Mga Aklat

Panitikan ng Daigdig Baitang 10, Unang Edisyon 2014, muling limbag 2016, 2017
ISBN 978-621-402-034-8

Internet

Belonio,Vanessa,2020 .Hinahangaan Ng Mga Netizens ang BalutVendor Na


Sinasagutan Ang Modules Habang Nagtitinda ng
Balut.https://globalhealthph.com/hinangaan-ng-mga-netizens-ang-balut-
vendor-na-sinasagutan-ang-kanyang-mga-modules-habang-
nagtitinda/.November 15, 2020.

Garcia,LeaMae,2020.Mga Popular Na Anyo ng Social


Media.https://www.coursehero.com/file/34385843/Mga-popular-na-anyo-ng-
social-mediapptx/.November 16, 2020.

PinoySite.2020.https://thepinoysite.files.wordpress.com/2012/10/social-media-
pilipino2.jpg.November 16, 2020.
Santos,Marcelo,2020.Photos.https://www.facebook.com/search/photos/?q=marcelo
%20santos%20iii,November 18,2020.
Hill,Adaline,2020.”social media comes to an
end”https://www.bing.com/images/search?view=detailV2&ccid=UIA1mfwN&i
d=3A208A645169EEC7D97BE9CE886868235B621126&thid=OIP.UIA1mfwNU
D9fbCw03hGOQwHaEC&mediaurl=https%3A%2F%2Fwww.atchuup.com%2Fw
p-content%2Fuploads%2F2015%2F07%2Fcomic-strip-social-media-
FI.jpg&exph=365&expw=670&q=komiks+strips+about+social+media&simid=60
7993187196538593&ck=526910C2DB52A8833982A2C3AB0C5439&selectedi
ndex=24&form=IRPRST&ajaxhist=0&vt=0&sim=11.November 18,2020.

ABS-CBNNews,2020.https://www.facebook.com/abscbnNEWS.December 11,2020.

12

You might also like