You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR
NABUA NATIONAL HIGH SCHOOL
San Miguel, Nabua, Camarines Sur

PANUKALA SA PAGPAPAGAWA NG BREAKWATER PARA SA NNHS

Mula kay Christian Benedict S. Villoso


Grade 12- STEM
Ika-30 ng Nobyembre, 2023
Haba ng Panahong Gugulin: 4 buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Isa ang Nabua National High School na paaralan sa bicol na maraming mag-
aaral ang pumapasok. Dahil sa dami ng mga mag-aaral dito, kaya naman
marami ring mag-aaral ang nakakaranas nito.
Isa sa suliraning nararanasan ng Paaralan sa kasalukuyan ay ang malaking
pagbaha tuwing panahon ng tag-ulan. Ito ay nagdudulot ng malaking pagbaha sa
mga kalsada at maging sa daraanan ng mga mag-aaral. Kaya naman malaking
perwisyo rin ito sa kanila. Ang pangunahing sanhi ng pagbaha ay ang pag-apaw
ng tubig sa ilog na nangagaling sa mga bundok.
Dahil dito, nangangailangan ang Paaralan ng isang breakwater o pader sa
pagpigil s amabilis na pag-apaw ng tubig mula sa ilog kung ito ay maipapatayo
tiyak na mababawasan na ang problema sa pagbaha sa paaralan.
II. Layunin
Makapagpagawa ng breakwater o pader na makakatulong upang mapigilan ang
pag-apaw ng tubig sa ilog upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at
maging ang mga taong nagdaraan sa kalsada sa harap ng paaralan sa mga
susunod na buwan.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpasa, pag-aproba, at paglalabas ng badyet (7 araw)
2. Pagpupulong ng mga kawani ng Paaralan at ng mga GPTA Officers para sa
contractor na gagawa ng breakwater (1 araw)
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION V
SCHOOLS DIVISION OF CAMARINES SUR
NABUA NATIONAL HIGH SCHOOL
San Miguel, Nabua, Camarines Sur

3. Pagpapatayo ng breakwater sa ilalim ng pamamahala ng mga kawani ng


paaralan at ng mga GPTA Officers (4 na buwan)
4. Pagpapasinaya at pagbabasbas ng breakwater (1 araw)

IV. Badyet

Mga Gastusin Halaga

I. Halaga ng pagpapagawa ng Php 3,200,000.00


breakwater batay sa isinumite ng napiling
contractor

II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00


pagbabasbas nito.

Kabuoang Halaga Php 3,220,000.00

V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang Nito


Ang pagpapatayo ng breakwater o pader sa ilog ay magiging kapaki-pakinabang sa
lahat ng mga mag-aaral , mga guro at mga mamamayan ng NNHS. Ang panganib
sap pagkawala ng buhay dahil sa panganib na dulot ng baha ay masosolusyunan. Di
na makakaranas ang mga mamamaya ng pagkasira ng kanilang tahanan at mga
kagamitan na tunay na nagdudulot ng malaking epekto sa kanilang pamumuhay.
Higit sa lahat, magkakaroon na ng kapanatagan ang puso ng bawat isa tuwing
sasapit ang tag-ulan dahil alam nilang agad aapaw ang tubig sa ilog sa tulong ng
ipapatayong mga pader .
Mababawasan din ang trabaho at alalahanin ng mga opisyales ng mga kawani ng
paaralan sa paglilikas ng mga mag-aaral higit na apektado sa pagbaha sa tuwing
lumalaki ang tubig sa ilog. Gayundin , maiiwasan ang pagkasira ng pananim ng mga
mag sasaka na karaniwang pinagkukunan ng hanapbuhay ng mga mamamayan nito
.
Tiyakin ligtas ang buhay ng mga mag-aaral ng NNHS. Ipagawa ang breakwater o
pader na kanilang magsisilbing proteksiyon sa panahon ng tag-ulan.

You might also like