You are on page 1of 7

SAMPAGUITA HIGH SCHOOL

Petsa
Huwebes, Agosto 22, 2019
9:00- 11 n,u.
Sa Tanggapan ng Punong Guro
Tagapangasiwa: Punong Guro Luisito Orma
Camarin, Caloocan City

AGENDA NG PULONG
I. 9:00 n,u. Pagtala ng bilag ng dumalo
II. 9:10 n,u. Introduksyon

III. 9:30 n,u. Pagpepresenta at pagtalakay sa adyenda

AGENDA: Pagpupulong Para sa Paglutas ng mga Kinakaharap na


Suliranin ng Paaralan ukol sa k-12 Program
1. Oryentasyon o kaligirang kaalaman sa K-12 program
2. Paglalahad ng suliranin ukol sa programa
2.1. Hindi sapat na mga pasilidad at silid aralan
2.2. Kakapusan sa mga materyales kagaya ng libro
2.3. Kakulangan sa mga bihasang guro para sa nadagdag na baiting
3. Paghihinuha ng mga solusyon
4. Pagtalakay sa mga opinion, suhestiyon at mga katanungan.
IV. 10:00 n,u. Karagdagang Impormasyon

V. 10:30 n,u. Pangwakas na Salita


Republic of the Philippines
Department of Education
National Capital Region
SAMPAGUITA HIGH SCHOOL
Caloocan

KATITIKAN NG PULONG
Agosto 22, 2019
9:00 n,u.
Sa Tanggapan ng Punong Guro

I. MGA DUMALO:

DUMALO: Punong guro ng paaralan, 6 na pinuno ng departamento, 23 guro

HINDI DUMALO: 2 pinuno ng departamento, 5 guro

A. AGENDA: Pagpupulong Para sa Paglutas ng mga Kinakaharap na


Suliranin ng Paaralan ukol sa k-12 Program
3. Oryentasyon o kaligirang kaalaman sa K-12 program
4. Paglalahad ng suliranin ukol sa programa
2.1. Hindi sapat na mga pasilidad at silid aralan
2.2. Kakapusan sa mga materyales kagaya ng libro
2.3. Kakulangan sa mga bihasang guro para sa nadagdag na baiting
3. Paghihinuha ng mga solusyon
4. Pagtalakay sa mga opinion, suhestiyon at mga katanungan.

II. ORAS NA NAGSIMULA: 9:00


III. MGA NATALAKAY:

A. Binuksan ang pagpupulong gamit ang maikling mensahe ng punong guro ng

paaralan ukol sa bagong kurikulum na K-12 program na naglalayong

dagdagan pa ng dalawang baitang ang sekondaryang lebel. Inihayag niyang

mababago rin ang mga aralin na dapat ituro sa mga mag-aaral kaya kailangan

ang aktibong partisipasyon ng mga guro upang maihatid ang kalidad na

edukasyon sa mga mag-aaral.

B. Siimulan ng piuno ng araling panlipunang departamento ang paglalahad ng

mga suliraning kakaharapin ng paaralan sa biglaang pagpapatupad ng

programang ito. Sinambit niyang hindi pa handa ang Sampaguita High School

para sa dagdag na baiting. Kukulangin ang mga silid- aralan at ang mga guro

na bihasa sa pagtuturo sa ganoong lebel. Gayon din, hindi pa sapat ang bilang

ng mga materyales na galing sa gobyerno tulad ng libro upang maipamigay sa

mga mag-aaral.

C. Sinimulan naman ng mga guro mula sa iba’y ibang departamento ang

paghihinuha ng mga solusyon upang malutas ang mga problemang nabanggit.

Sinimulan nila sa pagpaplanno ng pagpapatayo ng karagdagang gusali para

maiwasan ang kakapusan sa silid-aralan. Sumunod naman ay ang pagtanggap

pa ng mga bagong guro upang malutas ang problema sa kakulangan ng mga

propesyonal na magtuturo sa baitang 11 at 12.


D. Tinapos ng punong guro ng departamento ng matematika ang pagpupulong sa

pagtatanong ng mga opinion, suhestiyon at mga katanungan.

IV. IBA PANG PINAG-USAPAN:


Magpapatupad ang mga guro ng pagpupulong kasama ang mga magulang
upang ihayag ang mga napag-usapan.

V. ISKEDYUL NG SUSUNOD NA PULONG:


Sa darating na Setyembre 2, 2019 sa tanggapan ng punong guro.

VI. PAGTATAPOS NG PULONG:


Natapos ang pagpupulong sa ganap na 11:00 ng umaga.

Inihanda ni:

Airon Kyle B. Amurao


Panukala sa Pagpapatayo ng Karagdagang Gusali Para sa mga Darating na
Mag-aaral ng Baitang 11 at 12 sa Sampaguita High School
Mula kay Airon Kyle B. Amurao
Camarin Caloocan City
Ika- 28 ng Agosto 2019
Haba ng Panahong Gugulin: 6 na buwan

I. Pagpapahayag ng Suliranin
Daan daang mag-aaral ang nadadagdag sa bilang ng mga pumapasok sa
sekondaryang paaralan ng Sampaguita High School kada taon. Malaki man ang
bilang ng mga mag-aaral sa bawat silid aralan ay sapat pa rin and edukasyon na
kanilang natatamasa sapagkat bihasa na ang mga guro sa pagtuturo ng
kasalukuyang kurikulum. Dagdag pa dito ay maraming pasilidad at mga materyales
kagaya ng libro ang nagagamit ng mga mag- aaral dahil napaghandaan na ng husto
ng paaralan ang kanilang mga kakailanganin para makamit ang ipinangakong
kalidad na edukasyon . Ngunit nabaliktad ang kanilang kasalukuyang sitwasyon
ng ipatupad ng gobyerno ang K-12 program na magdadagdag pa ng dalawang
baiting sa sekondarya.
Isa sa mga suliraning naranasan nila ay kakulangan ng mga silid aralan, libro
at mga gurong magtuturo para sa baitang 11 at 12 dahil sa puspusang
pagpapatupad ng programa. Nagdulot naman ng pagkabigla at kalituhan sa mga
guro at mag-aaral ang biglang pagbabago ng sistema at kurikulum na dapat
matutunan. Ang kakapusan sa silid- aralan ay nagtulak sa mga nakatataas na
posisyon ng paaralan na hatiin ito at pagkasyahin ang dalawang seksyon.
Dahil dito ay nangangailangan ang paaralan ng dagdag na gusali para sa mga
mag-aaral ng baitang 11 at 12. Kung ito ay maipapatayo, tiyak na di na
kakailanganin pag hatiin ang mga sili-aralan para lamang pagkasyahin ang mga
mag-aaral. Higit sa lahat, maiiwasan din ang kaguluhan sa loob ng paaralan dahil
sa siksikan at kakulangan ng pasilidad. Kailangan ay maipatupad na ang proyektog
ito sa lalong madaling panahon para sa kalidad na edukasyo ng mga mag-aaral.

II. Layunin
Ang makapagpatayo ng karagdagang gusali upang masolusyonan ang
kakapusan sa pasilidad at magkaroon ng sariling silid- aralan ang mga mag-aaral sa
baitang 11 at 12 upang maiwasan ang siksikan at kaguluhan na nagdudulot ng
hindi pagkatuto ng mga estudyante.

III. Plano ng Dapat Gawin


1. Pagpapasa, pag-aaproba, at paglabas ng badyet (2 linggo).
2. Pagsasagawa ng bidding mula sa mga contractor o mangongontrata sa
pagpapagawa ng gusali. (2 linggo).
3. Pagpupulong ng mga opisyal ng gobyerno at paaralan para sa pagpili ng
contractor na gagawa ng gusali. (1 araw).
4. Pagpapatayo ng gusali. (5 buwan).
5. Pagpapasinaya at pagbabasbas nito (1 araw).

IV. Badyet
Mga Gastusin Halaga
I. Halaga ng pagpapagawa ng gussali batay Php 500,000.00
sa isinumite ng napiling contractor
(kasama na rito ang lahat ng materyales at
suweldo ng mga trabahador).
II. Gastusin para sa pagpapasinaya at Php 20,000.00
pagbabasbas nito
Kabuuang Halaga Php 520,000.00
V. Benepisyo ng Proyekto at mga Makikinabang nito
Ang pagpapatayo ng bagong gusali sa Sampaguita High School ay magiging
kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral at guro ng baiting 11 at 12. Hindi na
kailangan pang mamroblema sa siksikan mga silid at kakapusan ng pasilidad. Higit
sa lahat, maiiwasan ang mga distraksiyon kagaya ng init, kaingayan at kaguluhan
dulot ng paghahati ng silid-aralan para sa dalawang seksyon. Ang pangako ng
paaralan na maibigay ang kalidad na edukasyon ay hindi na mapapako kahit
biglaan man ang pagpapatupad ng K-12 program.

You might also like