You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BACOOR CITY
SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. SAN NICOLAS II, BACOOR CITY CAVITE

Marso 20, 2024 – Miyerkules

Banghay Aralin sa Edukasyon sa Pagkakatao III


Ikatlong Markahan

I. Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ang pag- unawa sa kahalagahan ng pananatili ng mga natatanging kaugaliang Pilipino
kaalinsabay ng pagsunod sa mga tuntunin at batas na may kaugnayan sa kalikasan at pamayanan
II. Pamantayan sa Pagganap:
Naipamamalas ang pagiging masunurin sa mga itinakdang alituntunin, patakaran at batas para sa malinis,
ligtas at maayos na pamayanan
III. Pamantayan sa Pagkatuto:
Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagiging handa sa sakuna o kalamidad
EsP3PPP- IIIi – 18
Layunin:
Nakapagpapanatili ng ligtas na pamayanan sa pamamagitan ng pagiging alerto at handa sa sakuna
o kalamidad
Naisasaalang-alang ang mga salik na dapat tandaan sa pagkakaroon ng ligtas na pamayanan
Naisasabuhay ang pagiging handa sa anumang darating na sakuna at kalamidad
IV. Paksa Aralin
Paghahanda sa Sakuna o Kalamidad
A. Sanggunian:
CG p. 72
B. Kagamitan:
larawan, power point presentation
C. Pagpapahalaga:
Pagiging alerto
V. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain
1. Pagwawasto ng takdang-aralin.
2. Balik-aral
Ano-anong mga bagay na dapat gawin bago at maging sa panahon ng
kalamidad?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
Ang iyong kaibigan ay nagbebenta ng kanyang lupain na nasa isang talibes ng isang
burol. Ito ay mas mura kaysa sa sentro ng bayan. Mayroon kang sapat na ipon upang bilhin ito
at magtayo ng isang maliit na bahay dito. Ano ang gagawin mo upang matiyak na ligtas na
magtayo ng bahay sa lugar na ito?
2. Paglalahad
Ano ang gagawin upang maging handa sa darating na kalamidad?
3. Pagtatalakay
Paghahanda sa Kalamidad

San Nicolas Elementary School


Address: Brgy. San Nicolas II, Bacoor City, Cavite
Telephone No. :(046) 417-4667
Email Address: 107889@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A CALABARZON
SCHOOLS DIVISION OF BACOOR CITY
SAN NICOLAS ELEMENTARY SCHOOL
BRGY. SAN NICOLAS II, BACOOR CITY CAVITE

1. Palagiang subaybayan ang mga anunsiyo o kagyat na alerto sa radio, tv o internet ukol sa
bagyo, storm surge, tsunami, buhawi, baha, flashflood, landslide, at epidemya tulad ng covid19
lalo na kung ang lugar na tinitirhan ay laging naaapektuhan ng mga ito.
2. Alamin at intindihin ang lagay ng panahon at mga panganib o krisis na maaaring makaaapekto
sa pamilya o sa komunidad.
3. Sa tahanan, lumikha o magtalaga ng isang ligtas na silid o pinakaligtas na lugar at tiyaking
alam ito ng lahat ng miyembro ng pamilya.
4. Tiyakin at ipaalam din sa bawat miyembro ng pamilya kung saan- saan sa pamayanan
maaaaring magtungo kung kakailanganin ang evacuation o paglikas.
5. Magtalaga ng isang responsableng miyembro ng pamilya na magiging point of contact sa mga
panahon ng kalamidad.
6. Tumukoy at ipaalam sa bawat miyembro ng pamilya ang mga lugar na maaaring pagtipunan
kung sakaling magkakahiwa-hiwalay sa panahon ng trahedya.
7. I-save sa cellphone phonebook ang mga emergency telephone number. Magpaskil din ng
listahan nito malapit sa inyong telepono.
8. Mag-research ukol sa first aid, CPR at iba pang mga kaalaman upang mailigtas ang buhay.
4. Paglalapat
Ang bulkan na matatagpuan sa isang kalapit na lalawigan ay sumabog matapos na
maging walang pasubali (hindi aktibo) sa daang taon. Ang abo na pinakawalan nito ay
nakarating sa iyong lugar. Ano ang gagawin mo?
5. Pagtataya
1. Anong mga dapat gawin HABANG may baha?
A. Lumusong o maglaro sa baha
B. Tawirin ang tubig-baha gamit ang sasakyan
C. Huwag uminom ng tubig na galing sa gripo
D. Isara ang mga bintana at pinto ng bahay para hindi makapasok ang tubig-baha
2. Anong mga dapat gawin PAGHUPA ng baha?
A. Isaksak ang TV at manood ng balita
B. Labhan ng mga nabasang damit gamit ang washing machine
C. Siyasating mabuti ang mga saksakan ng kuryente bago gamitin ito
D. Paandarin ang ref para malaman kung gumagana pa ito
3. Ano ang dapat gawing PAGKATAPOS ng lindol?
A. Gumamit ng elevator para bumaba sa gusali
B. Hanapin ang mga kasambahay at siyasatin kung may nasaktan o nawawala
C. I-video ang lugar at i-post sa Facebook o Youtube ang video
D. Bumalik sa bahay at matulog
4-5 TAMA O MALI
4. Bagama’t walang nakaaalam kung kailan magkakaroon ng lindol, dapat pa rin itong paghandaan.
5. Manatiling kalmado habang lumilindol. Gawin ang duck, cover, and hold na posisyon.
VI. Takdang Aralin
Maghanda sa darating na pagsusulit.

REFLECTION: MASTERY LEVEL:

San Nicolas Elementary School


Address: Brgy. San Nicolas II, Bacoor City, Cavite
Telephone No. :(046) 417-4667
Email Address: 107889@deped.gov.ph

You might also like