You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
SCHOLA DE SAN JOSE
Cannery Road, Polomolok, South Cotabato, 9504, Philippines
Tel & Fax #: (083) 877-6653

Pangalan: _______________________________ Iskor:_____________


Baitang at Pangkat: _______________________ Asignatura:ARPAN 10
Guro:Dragomir, Sittie Noraila Markahan : _1_ Linggo _8 LAS #:_1__

LAS Writer: Dragomir, Sittie Noraila V.


Content Editor: Dragomir, Sittie Noraila V.
Lesson Topic Ang mga angkop na hakbang sa pagbuo ng Commnuity-Based Disaster Risk Reduction
and Management Plan
Learning Targets (MELCS): Naisasagawa ang mga angkop na hakbang ng Commnuity-Based Disaster
Risk Reduction and Management Plan
Reference(s):Daroni, Christian E., at Samson, Maria Carmelita B. Mga Kontemporaryong Isyu. 856
Nicanor Reyes, Sr.St.,Manila Philippines: Rex Bookstore, Inc. 2019

I. Mga Nilalaman: Ito ay karugtong ng nakaraang tinalakay natin.

Ang mga angkop na hakbang sa pagbuo ng Community Based Disaster Risk Reduction and
Management Plan

Ikalawang Yugto: Disaster Preparedness

Ang ikalawang yugto ay tinatawag na Disaster Preparedeness. Ito ay tumutukoy sa mga


hakbang o dapat gawin bago at sa panahon ng pagtama ng kalamidad, sakuna o hazard. Mahalagang
malaman ng mga miyembro ng pamilya, ng mga mamamayan sa komunidad, at maging ng mga kawani
ng pamahalaan ang mga dapat gawin sa panahon ng sakuna o kalamidad.

Layunin ng mga gawaing nakapaloob sa yugtong ito na mapababa ang bilang ng mga
maaapektuhan, maiwasan ang malawakan at malubhang pagkasira ng mga pisikal na istruktura at
maging sa kalikasan, at mapadali ang pag-ahon ng mga mamamayan mula sa dinanas na kalamidad.

Bago tumama at maging sa panahon ng kalamidad, napakahalaga ang pagbibigay ng paalala at


babala sa mga mamamayan. Ito ay may tatlong pangunahing layunin.

1. To inform- Magbigay kaalaman tugkol sa mga hazard, risk, capability, at pisikal na katangian ng
komunidad.
2. To advise- Magbigay ng impormasyon tungkol sa mga gawain para sa proteksiyon,
paghahanda, at pag-iwas sa mga sakuna, kalamidad, at hazard.
3. To instruct- Magbigay ng mga hakbang na dapat gawin, mga ligtas na lugar na dapat puntahan,
mga ospisyales na dapat hingian ng tulong sa oras ng sakuna, kalamidad, at hazard.

Ang talahanayang ito ay isang halimbawa ng Disaster Preparedness

Bago Dumating ang Bagyo Habang may Bagyo Pagkatapos ng Bagyo

 Sikaping magkaroon ng  Manatiling  Subaybayan ang


sapat na kaalaman ukol sa nakasubaybay sa mga pinakahuling anunsiyo
bagyo. Alamin ang mga anunsiyo ukol sa lagay ukol sa lagay ng
Public Storm Warning ng panahon. panahon.
Signal (PSWS) o mga
babalang ipinalalabas ng  Makipag-ugnayan sa  Tiyakin ang kalusugan
PAGASA. mga lokal na pinuno ng bawat miyembro ng
kung kinakailangan. pamilya.
 Subaybayan ang status ng
paparating na bagyo at  Iwasang lumabas sa  Siguraduhing maayos
alamin kung kailan bahay kahit pa humupa ang kalagayan ng bawat
eksaktong mararanasan na ang bagyo maliban isa.
ang hagupit nito. na lamang kung
kinakailangan.  Suriin ang estado ng
 Maghanda ng emergency Mahalagang tandaan paligid bago
disaster kit. Mag-imbak ng na ang biglang magdesisyong bumalik
sapat na pagkain (High- paghupa ng bagyo ay sa sariling tahanan.
energy food) at malinis na maaaring hudyat ng Tiyakin ang lebel ng
tubig na maaaring tumagal pagdaan ng mata ng tubig kung sakaling
ng ilang araw. bagyo at paparating na bumaha. Mag-ingat sa
mas malakas na ulan at mga debris na dala ng
 Protektahan at ilagay sa hangin. bagyo, kable ng

1
tamang lugar ang mga kuryente, at mga punong
mahahalagang kagamitan  Siguraduhing handa sa maaari pang bumagsak.
at dokumento. anumang gagawing
paglikas.
 Kung hindi ligtas sa
sariling tahanan, lumikas  Kung kinakailangang
sa mga evacuation center. lumikas, suriin muna
ang estado ng paligid.
Tiyakin ding ligtas ang
tahanan sa sunog bago
ito lisanin. Huwag
iwanang nakabukas
ang mga tangke o
daluyan ng kuryente.

Ikatlong Yugto: Disaster Response

Ang ikatlong yugto ay tinatawag na Disaster Response. Sa pagkakataong ito ay tinataya kung gaano
kalawak ang pinsalang dulot ng isang kalamidad. Ito ay tumutukoy sa mga kailangang gawin pagkatapos
ng disaster. Ito ay ang madalian at agarang pagtugon sa mga pangangailangan ng mga naapektuhan;
Pagsagip sa buhay at ang pagbibigay ng moral na suporta sa mga naapektuhan nito.

Mga Halimbawa ng Disaster Response

1. Implementing the disaster management plan

2. Setting up medical camps and mobilizing resources

3. Providing adequates shelter and sanitary facilities

4. Development of search and rescue team

Nakapaloob sa Disaster Response ang tatlong uri ng pagtataya: Ang Needs Assessment, Damage
Assessment, at Loss Assessment: Ang Needs Assessment ay tumutukoy sa mga pangunahing
pangangailangan ng mga biktima ng kalamidad tulad ng pagkain, tahanan, damit, at gamot. Samantala,
ang Damage Assessmet ay tumutukoy sa bahagya o pangkalahatang pagkasira ng mga ari-arian dulot
ng kalamidad. Ang Loss Assessment naman ay tumutukoy sa pansamantalang pagkawala ng serbisyo
at pansamantala o pangmatagalang pagkawala ng produksyon.

Ikaapat na Yugto: Disaster Rehabilitation and Recovery

Tinatawag din ang yugto na ito na Rehabilitation. Ito ay tumutukoy sa mga aksyon na
isinasagawa upang maibalik sa dating katayuan (rebuilding) ng mga lugar na napinsala ng isang
kalamidad. Pinipilit nitong maisaayos ang mga komunidad, paaralan at mga lugar ng hanapbuhay.
Sinasanay din nito ang mga tao upang makapaghanda para sa susunod na kalamidad sa pamamagitan
ng pamamahagi ng impormasyon tungkol dito.

Sa yugtong ito, ang mga hakbang at gawain ay nakatuon sa pagsasaayos ng mga nasirang
pasilidad at istruktura at mga naantalang pangunahing serbisyo; manumbalik sa dating kaayusan at
normal na daloy ang pamumuhay ng isang nasalantang komunidad. Halimbawa nito ay ang
pagpapanumbalik ng Sistema ng komunikasyon at transportasyon, suplay ng tubig at kuryente,
pagkukumpuni ng bahay, sapat na suplay ng mga pagkain, damit, at gamot. Kabilang din dito ang
pagbabantay sa presyo ng mga pangunahing bilhin at pagkakaloob ng psychosocial services upang
madaling malampasan ng mga biktima ang kanilang dinanas na trahedya.
Proyeto at Gawain ng Disaster Rehabilitation and Recovery

 Pagaawa ng disenyo ng mas matibay na bahay


 Mas pangmatagalang pangkabuhayan
 Mas pangmatagalang pangkabuhayan
 Rehabilitasyon ng mga istrukturang Pampubliko

II. Gawain 1. Drawing . Pumili ng isang kalamidad at iguhit ito.

2
III. Gawain 8: Blog. Gumawa ng isang blog patungkol sa mga angkop na hakbang ng CDRRM
Plan
Rubrics

Kraytirya at Lebel Needs Improvement Good Very Good


Accuracy ng Walang impormasyong Ibang impormasyon ay Tama ang
Impormasyon nailahad hindi tugma impormasyong nailahad
Pagpapaliwanag Walang impormasyong Kinakabahan at nauutal Buo ang loob sa
naipaliwanag habang ipinapaliwanag ipaliwanag ang mga
ang mga impormasyon impormasyon
Presentasyon Hindi organisado at Hindi gaano organisado Organisado at may
walang kaayusan ang ngunit may kaayusan kaayusan ang
presentasyon ang presentasyon presentasyon

You might also like