You are on page 1of 4

GRADE 3 School TOPAS IMPACT SCHOOL Grade Level Ikatlong

DAILY LESSON Baitang


PLAN Teacher ROSARIO L. LLORIN Learning Area Araling
Panlipunan
Date OCTOBER 2023 Quarter Q1- week 8

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay…
Pangnilalaman Nakapagpapamalas ng pag-unawa sa mga salaysay at tekstong nagbibigay ng
kaalaman ayon sa antas o lebel

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay….


Pagganap
Nauunawaan at napahahalagahan ang mga salaysay at mga tekstong nagbibigay
ng kaalaman ayon sa antas o lebel.

C. Mga Kasanayan sa Naisasagawa ang mga wastong gawain/pagkilos sa tahanan at paaralan sa


Pagkatuto panahon ng kalamidad.
(Isulat ang code sa
bawat kasanayan)

II. NILALAMAN Pagsasagawa ng mga wastong gawain/pagkilos sa tahanan at paaralan sa


(Subject Matter) panahon ng kalamidad.

KAGAMITANG CLMD-AP 3 Melc no. 8


PANTURO ADM-Araling Panlipunan 3 Kwarter 1 , TG P- 361 - 368
A. Sanggunian
1. Mga pahina sa Gabay sa ARAL PAN. 3
Pagtuturo PATNUBAY NG GURO 2015, P -51 -57
2. Mga pahina sa ARAL PAN.3 kagamitan ng mag -aaral 2015 p.102 - 112
Kagamitang Pang Mag-aaral

3. Mga pahina sa Teksbuk ARAL PAN 3 PG.98 - 108


4. Karagdagang kagamitan Mga larawan ng mga sakuna na dulot ng kalikasan PPT.=Manila paper,cartolina,colored
mula sa LRDMS paper at iba pa.
B. Iba pang Kagamitang , mga larawan, , tasrt plaskard, video presentation
Panturo
III. PAMAMARAAN
A. Balik –Aral sa nakaraang Magpakita ng larawan ng mga kalamidad.
Aralin o pasimula sa
bagong aralin
(Drill/Review/
Unlocking of
difficulties)

B. Paghahabi sa layunin ng Mga bata ano ano kaya ang meron sa mga larawan ?
aralin Kapag ba may nakita kayo na mga ganito nasa panganib ang ating buhay?
(Motivation) Ano ano mga nasa larawan ?
Ano kaya ang tawag natin sa mga ito ?

C. Pag- uugnay ng mga Ang kalamidad ay tinatawag din na sakuna. Ito ay isang malaking kapinsalaan
halimbawa sa bagong na dumarating sa mga hindi inaasahang pangyayari o pagkakataon at
aralin (Presentation) panahon. Ito ay maaaring natural na pangyayari o gawa ng tao.

Batay sa mga larawan na nasa itaas ano anong mga kalamidad ang
nararanasan ng ating komunidad ?
Ano ang mga dapat nating gawin kapag may parating na kalamidad ?

D. Pagtatalakay ng bagong 1. Narito ang ilang sa mga dapat nating gawin kapag may parating na kalamidad
konsepto at paglalahad ng sa ating pamayanan.
bagong kasanayan No I A. Mga dapat tandaan kapag may lindol
(Modeling) Sa ganitong pagkakataon, tandaan ang sumusunod:
KUNG IKAW AY NASA LOOB NG PAARALAN O GUSALI
1. Duck, cover, and hold.
2. Manatili rito hanggang matapos ang pagyanig.
3. Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas na lugar,
4. Maging kalmado at huwag mag-panic.

KUNG IKAW AY NASA LABAS NG PAARALAN O GUSALI


1. Lumayo sa mga puno, linya ng koryente, poste, o iba pang
konkretong estruktura.
2. Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring maapektuhan ng
landslide o pagguho ng lupa.
3. Kung malapit ka sa tabing-dagat, lumikas sa mataas na lugar dahil
maaaring magkaroon ng tsunami.

B. Mga Dapat Gawin Habang Pumuputok ang Bulkan


- Iwasan ang mga lugar na ideneklarang permanent
danger zone
- Kung may pag-ulan ng abo, isara ang mga bintana at
pintuan. Gumamit ng mask kung kinakailangan.
- Manatili sa loob ng bahay o evacuation center.
- Siguraduhing may takip palagi ang mga pagkain
upang mapanatiling malinis at ligtas.
- Kung pumuputok ang bulkan ay nasa dagat, lumayo
sa lugar na malapit sa pampang. Maging ang
pagputok ng bulkan ay may kakayahang lumikha ng
tsunami.

C.Mga dapat gawin kapag may parating na bagyo.


- Makibalita at maging alerto sa pagbabago ng pannahon.
- Manatili sa loob ng bahay.
- Lumayo sa tabing dagat at mga lugaar na malapit sa ilog.
- Manatili sa ligtas na lugar os evacuation center.

E. Pagtatalakay ng bagong Dapat ba tayong maging alerto kapag may parating na kalamidad ?
konsepto at paglalahad ng Ano ano ang mga dapat gawin kapag may lindol ?
bagong kasanayan No. 2. Ano ano naman ang gagawin kapag may pagsabog ang bulkan ?
(Guided Practice) Ano ano naman ang gagawin kapa may parating na bagyo ?

F. Paglilinang sa Kabihasan Pangkatang Gawain :


(Tungo sa Formative Paskil Pader- Ipaskil sa pader ang mga wastong gagawin kapag may lindol na
Assessment parating.
( Independent Practice ) Hagdanan ng Impormasyon. Isulat sa hagdan ang mga wastong gagawin kapag
may pagsabog ng bulkan.
Mind map-isulat ang mga dapat gawin kapag may parating na bagyo.

G. Paglalapat ng aralin sa pang Mahalaga ba na maging maagap at wastong pagtugon sa mga panganib ?
araw araw na buhay Bakit ?
(Application/Valuing)
H. Paglalahat ng Aralin Bilang isang mag-aaral at kasapi ng komunidad, ano anong mga kaalaman at
(Generalization) kahandaanang dapat taglayin at imungkahi upang mabawasan ang masamang
epektong dulot ng kalamidad?

IV.Pagtataya ng Aralin Lagyan ng / kung nagpapakita ng kahandaan kapag may


parating na kalamidad at x kung hindi.
______ 1. Tiyakin ang seguridad at kaligtasan ng inyong tahanan
sakaling lumakas ang bagyo.
_____ 2. Magtago sa loob ng bahay.
_____ 3. Maging alerto sa lahat ng oras..
_____ 4. Lumabas at pumunta sa ligtas na lugar.
_____ 5. Laging manood, makinig o magbasa ng balita.

IV. Karagdagang gawain


para sa takdang aralin Sumulat ng 3 dapat gawin kapag may parating na kalamidad sa komunidad.
(Assignment)

Mga Tala
Pagninilay
A. Bilang ng mag-aaral na
nakakuha ng 80% sa
pagtataya
B. Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba
pang gawaing remediation
C. Nakakatulong ba ang
remedia? Bilang ng mag
aaral na nakaunawa sa
aralin
D. Bilang ng mag aaral na
magpapatuloy sa
remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang
pagtuturoang nakatulong ng
lubos?Paano ito
nakatulong?
F. Anong suliraninang aking
nararanasan sulusyunan sa
tulong ang aking punong guro at
supervisor?
G. Anong gagamitang pangturo
ang aking nadibuho na nais kung
ibahagi sa mga kapwa ko guro?

INIHANDA NI ;

ROSARIO L. LLORIN

T- III

OBSERVER;

JOYCE D. BALUCA
MT II

AMPARO ANA VILLA A. DETAL

PRINCIPAL I

You might also like