You are on page 1of 10

Araling Panlipunan 4

1:40 - 2:20 Zinc

Oktubre 3,2022 Lunes

I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga nakaambang na kalamidad sa Pilipinas dulot ng heograpikal na lokasyon
nito sa Pacific Ring of Fire;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa pamamagitan
ng pasalitang pagsagot ng mga metakognitibong tanong

c. Nailalarawan ang naaangkop na paghahanda sa bawat uri ng kalamidad sa pamamagitan ng ktitikal


na pagsagot sa mga pagsasanay ng gawain.

II. Paksang-Aralin
Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire
1. Batayan: Araling Panlipunan 4, pahina 95-107
Most Essential Competencies, WK 5
2. Mga Kagamitan: videos, LCD, powerpoint, at mga kaugnay na larawan

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
Panonood ng video “ BP: PHL, nakapaloob sa Pacific Ring of Fire kung saan maraming aktibong
bulkan at madalas may lindol”
https://www.youtu.be.com/watch?v=4CAxXfVpryU&feature=share - GMA News
Ano ang Pacific Ring of Fire?
Bakit madalas nagkakaroon ng lindol sa Pilipinas?
2. Present asyon ng Aralin: "Picture Analysis
Sino ang makapagsabi sa kaugnayan ng mapa sa lindol na nararanasan natin sa Pilipinas?

3. Talakayan:
Ang lokasyon ng Pilipinas na 4˚23’ at 21˚25’ Hilagang Latitude at 116˚ at 127˚ Silangang
Longhitud sa
Timog-Silangang Asya ay lokasyon din ng Pacific Ring of Fire o Circum-Pacific Belt.
Pacific Ring of Fire – lugar ng maraming aktibong bulkan kaya madalas ang paglindol dito
Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) – ahensiya ng pamahalaan na
namamahala sa pagkilos ng 22 na aktibong bulkan sa bansa

Epekto ng Pagiging Bahagi ng Pilipinas sa Pacific Ring of Fire


Mga Apektado Positibo Negatibo

Mamamayang
pagiging matatag o resilient banta sa buhay at ari-arian
Pilipino

naghahatid ng mayamang lupa na pagkawasak o pagkasira ng


Likas na Yaman
angkop sa agrikultura kalikasan

Teritoryo nagtataglay ng likas o natural na paglikas ng mga naninirahan


harang malapit sa bulkan tuwing
magbabadyang sumabog

Lokasyon ng mga Aktibong Bulkan sa Pilipinas Lokasyon ng mga Pinaka Aktibong Bulkan sa
Pilipinas

Mga Dapat Gawin Kapag Inabutan ng Lindol sa Paaralan


Loob ng Paaraalan o Gusali Labas ng Paaraalan o Gusali

☞ Duck, cover, and hold ☞ Lumayo sa mga puno, linya ng koryenta, poste,
at
Manatili sa loob hanggang matapos ang
pagyanig konkretong estruktura

Pagkatapos, lumabas at pumunta sa ligtas na Umalis sa mga lugar na mataas na maaaring


lugar maapektuhan ng landslide o pagguho ng lupa
Huwag mag-panic, maging kalmado

4. Pagpapahalaga(Valuing)

☞ Anong kalamidad ang walang pinipiling oras o panahon ang laging nakaamba sa mga Pilipino
dulot ng heograpikal na lokasyon ng Pilipinas?
☞ Ano-ano ang mga nararapat gawin upang maging ligtas at handa kapag lumindol?
☞ Kailan mo nahinuha ang mga paghahandang binanggit?
☞ Paano mo natiyak na tama at sapat ang mga binanggit na paghahanda?

4. Pagtataya(Application)
Punan ang Talahanayan ng mga nararapat na datos.
Mga Dapat Gawin Kapag Mga Dapat Ihanda Bago Mga Dapat Paghandaan
Inabutan ng Lindol Lumindol Kapag Lumindol

1. 1. 1.

2. 2. 2.

3. 3. 3.

4. 4. 4.

5. 5. 5.

*Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga karagdagang pagsasanay sa batayang-aklat kung kailangan.
IV. Kasunduan
Ibahagi sa klase ang iyong sagot sa pagtataya o i-post sa social media at i-tag sa guro.
Araling Panlipunan 4
1:40 - 2:20 Zinc

Oktubre 4,2022 Martes

I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga nakaambang na kalamidad sa Pilipinas dulot ng heograpikal na lokasyon
nito sa Pacific Ring of Fire;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa pamamagitan
ng pasalitang pagsagot ng mga metakognitibong tanong

c. Nailalarawan ang naaangkop na paghahanda sa bawat uri ng kalamidad sa pamamagitan ng ktitikal


na pagsagot sa mga pagsasanay ng gawain.

II. Paksang-Aralin
Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire
1. Batayan: Araling Panlipunan 4, pahina 95-107
Most Essential Competencies, WK 5
2. Mga Kagamitan: videos, LCD, powerpoint, at mga kaugnay na larawan

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
Panoorin ang video “5 Biggest Tsunami Caught on Camera in Real Life”
https://www.yuotube.com/watch?v=t8dL5F-imEo&feature=share - Trend Wave
Ano ang iyong pikiramdam habang pinapanood ang video? Bakit?
2. Gamitin ang Tsunami Alert Level Chart sa Pagtalakay.
Ang tsunami ay pagtaas ng tubig sa dagat sa normal nitong lebel dahil sa paglindol. Maraming
lugar sa Pilipinas ang may panagnib sa tsunami dahil sa pagiging kapuluan nito at kanyang heograpikal
na lokasyon.

Mga Palatandaan ng Parating na Tsunami


☞ Malakas na lindol
☞ Biglaang pababa o pagtaas ng lebel ng tubig sa baybayin o dalampasigan
☞ Malakas na tunog na likha ng papalapit na alon

Mga Dapat Gawin Kapag may banta ng Tsunami


☞ Limikas kaagad sa mataas na lugar.
☞ Iwasan ang lugar na maaaring gumuho o landslide prone area.
☞ Maging kalmado at huwag mag-panic.

3. Pagsusuri (Application)
☞ Habang naliligo kayo sa dagat, napansin mong bumaba ang tubig at naglitawan ang mga
korales at isda sa dalampasigan, ano dapat mong gawin? Bakit?
☞ Ipaliwanag kung paano maging alerto sa banta ng tsunami?

4. Pagtataya(Comprehension)
Iguhit sa loob ng kahon at ipaliwanag ang iyong sagot sa bawat sitwasyon.

Dapat Gawin Kapag Inabutan ng Parating na Mga Dapat Paghandaan Pagkatapos Manalasa
Tsunami sa Dalampasigan ng Tsunami

Paliwanag:_________________________________ Paliwanag:________________________________

__________________________________________ _________________________________________

*Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga karagdagang pagsasanay sa batayang-aklat kung


kailangan.

IV. Kasunduan
Magbigay ng 5 lugar sa Pilipinas na mapanganib sa banta ng tsunami.
1. _________________________
2. _________________________
3. _________________________
4. _________________________
5. _________________________
Araling Panlipunan 4
1:40 - 2:20 Zinc

Oktubre 6,2022 Huwebes

I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga nakaambang na kalamidad sa Pilipinas dulot ng heograpikal na lokasyon
nito sa Pacific Ring of Fire;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa pamamagitan
ng pasalitang pagsagot ng mga metakognitibong tanong

c. Nailalarawan ang naaangkop na paghahanda sa bawat uri ng kalamidad sa pamamagitan ng ktitikal


na pagsagot sa mga pagsasanay ng gawain.

II. Paksang-Aralin
Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire
1. Batayan: Araling Panlipunan 4, pahina 95-107
Most Essential Competencies, WK 5
2. Mga Kagamitan: videos, LCD, powerpoint, at mga kaugnay na larawan

III. Pamamaraan
1. Panimulang Gawain
Panoorin ang video “WATCH: Tsunami-like Power of Yolanda’s Storm Sutge”
https://youtube.com/watch?v=XUZFW54vtDo&feature=share ABS-CBN News
Ano-ano ang mga kalamidad naminsala sa malaking bahagi ng Visayas dahil sa bagyong Yolanda?
Bakit naiiba ang Bagyong Yolanda sa mga bagyong nanalasa sa Pilipinas?

2. Pagtalakay sa Aralin
Ang Bagyo ay isang unos o sama ng panahon na mayroon isang pabilog o spiral na sistema ng
marahas at
malakas na hangin, may dalang mabigat na ulan at daan-daang kilometro ang diameter ang lawak o
laki
nito. Nabubuo ang bagyo sa gitna ng karagatan kapag nagtatagpo ang mainit at malamig na hangin.
Mga Babala ng Bagyo
Signal Lead Time Bilis ng Paghahanda sa Epekto ng Hangin at
No. (Oras) Hangin(KPH) Pagbaha

1 36 30-60 Tiyakin ang kaligtasan ng tahanan.

Bawal ang mga sasakayang pandagat at


2 24 61-120
panghimpapawid.

Dapat lumikas ang mga nakatira sa


3 18 121-170 mababang lugar sa mataas na lugar.
Lumayo sa tabing-dagat at ilog.
Manatili sa ligtas na lugar o sa
evacuation center.
4 12 171-220
Kanselado ang mga outdoor na gawain at
mga paglalakbay.

Paghandaan ang malawak na pinsala sa


5 12 220 pataas
mga ari-arian.

Mga Dapat Ihanda at Gawin Kapag May Bagyo


☞ Radio, flashlight at extrang baterya
☞ Inuming tubig at pagkain na hindi agad nasisira
☞ Putulin ang mga sanga ng kahoy na malapit sa bahay
☞ Manood ng TV o makinig sa radio para mga babala tungkol sa parating na bagyo
☞ Ilagay sa plastic ang mga mahahalagang gamit
☞ Manatili sa loob ng bahay hanggang matapos ang bagyo
☞ Tiyaking nakapatay ang kuryente at nakasara ang tangke ng gas kapag lilikas
Mga Pag-iingat sa Pagbaha
☞ Manatili sa loob ng bahay o evacuation center.
☞ Huwag tumawid sa malalim o umaagos na tubig baha.
☞ Huwag mamangka o lumangoy sa umaapaw na ilog.
☞ Ipagpaliban ang mga hindi mahahalagang lakad.
☞ Lumayo sa bumagsak na poste o anumang mataas na bagay.

3. Pagsusuri (Valuing)
Pagsagot sa mga metakognitibong
☞ Ano ang kinalaman ng Climate Change sa malalakas na bagyong nananalasa sa Pilipinas
tulad ng bagyong Yolanda?
☞ Paano paghahandaan ang mga kalamidad na ito? Ano-Ano ang dapat gawin?
☞ Paano mo mapapatunayan na Climate Chaange ang dahilan ng pagkakaroon ng malalakas na
bagyo sa Pilipinas?
4. Pagtataya(Synthesis)
Lagyan ng tsek (✔) ang unahan ng pangungusap kung tama at ekis (X) kung mali.
____ Karaniwang may banta ng pagbaba kapag may parating na malakas na bagyo.
____ Mataas ang banta sa buhay at ari-arian kapag nakataas ang Signal No.5 na babala ng bagyo.
____ Nabubuo ang bagyo mula sa malalakas na alon ng tsunami.
____ Nasa typhoon belt ang lokasyon ng Pilipinas.
____ Maghanda ng sapat na pagkain para sa panahon ng tag-ulan.
*Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga karagdagang pagsasanay sa batayang-aklat kung
kailangan.

IV. Kasunduan
Gumawa ng plano para sa ligtas ng paglikas ng inyong pamilya (evacuation plan) kapag may banta
ng
malakas na bagyo o pagbaha sa inyong lugar. I-post sa social media at I-tag sa guro.

Evacuation Plan Para sa _________________________

I. Mga dapat ihanda:

II. Paano lilikas:


III. Ligtas na lugar na pupuntahan:

Araling Panlipunan 4
1:40 - 2:20 Zinc

Oktubre 7, 2022 Biyernes


I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga nakaambang na kalamidad sa Pilipinas dulot ng heograpikal na lokasyon
nito sa Pacific Ring of Fire;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa pamamagitan
ng pasalitang pagsagot ng mga metakognitibong tanong

c. Nailalarawan ang naaangkop na paghahanda sa bawat uri ng kalamidad sa pamamagitan ng ktitikal


na pagsagot sa mga pagsasanay ng gawain.

II. Paksang-Aralin
Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire
1. Batayan: Araling Panlipunan 4, pahina 95-107
Most Essential Competencies, WK 5
2. Mga Kagamitan: videos, LCD, powerpoint, at mga kaugnay na larawan

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain: Panoorin ang Video “ Ano ang El Niño at La Niña? at paano sila nabubuo?
https://www.youtube.com/watch?v=bVK-2fCZ8Ko&feature=share
by:Princeipeazal

Tapilon NHS
Ano ang pagkakaiba ng El Niño at La Niña? Pagkakapareho?
Paano nabubuo ang bawat isa? Saan?

2. Pagtalakay sa Aralin:
El Niño – ay uri ng klima na nangyayari sa kahabaan ng tropikal na Karagatang Pasipiko sa pagitan
ng limang taon, minsan sa pagitan ng tatlo hanggang pitong taon. Karaniwang nagdadala ito ng tag-tuyot
at ibang pag-iiba ng kalagayan ng kalangitan sa iba’t ibang rehiyon ng mundo. Ang mga hindi pa
mauunlad na bansa na nakasalalay sa agrikultura o pagtatanim at pangingisda na malapit sa Karagatang
Pasipiko ang pinaka-apaektado. Ang El Niño ay nagaganap kapag ang temperatura ng tubig sa dagat ay
tumataas sa mga kalatagan ng mga tubig tropikal sa Karagatang Pasipiko.
La Niña – ay penomenong pangkaragatan at panghimpapawid katapat ng El Niño. Sa panahon ng La
Niña, ang temperatura sa ibabaw ng dagat sa kahabaan ng pang-ekwador na silanaganing gitna ng
Karagatang Pasipiko ay magiging mas mababa sa 3-5 mga grading Celsius kaysa Normal. Ang epekto
nito sa klima ay kadalasang kabaligtaran ng El Niño. – https://tl.m.wikipedia.org

Pagbubuod ng Pasalita:
Anong kalamida ang dala ng El Niño? La Niña?
Paano natin mapaghahandaan ang mga ito?
3. Pagpapahalaga(Valuing)
☞ Magbigay ng mungkahi upang maibsan ang epekto ng El Niño sa hanay ng Agrikultura.
☞ Paano maisasakatuparan ang iyong suhestiyon?

4. Pagtataya(Analysis)
Isulat sa patlang ang EN kapag sa El Niño nauugnay ang pahayag at LN kung sa La Niña.
_____ Matinding tag-tuyot sa Hilagang-Luzon
_____ Naiiba ang mahabang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas
_____ Mataas na temperarura ang sanhi ng pagkamatay ng mga bangus sa Dagupan.
_____ Gumawa ng patubig ang mga magsasaka sa Nueva Ecija.
_____ Umapaw ang tubig sa La Mesa Dam dahil sa magdamag na ulan.

*Ipasagot sa mga mag-aaral ang mga karagdagang pagsasanay sa batayang-aklat kung


kailangan.

IV. Kasunduan
Saliksikin kung may kaugnayan ang Climate Change sa pagkakaroon ng El Niño at La Niña.
Ipaliwanag ang sagot, I-post sa social media at I-tag sa guro.
BANGHAY ARALIN SA ARALING PANLIPUNAN 4

October 7, 2022 Biyernes


I. Layunin
a. Naipapaliwanag ang mga nakaambang na kalamidad sa Pilipinas dulot ng heograpikal na lokasyon
nito sa Pacific Ring of Fire;
b. Nakapagmumungkahi ng mga paraan upang mabawasan ang epekto ng kalamidad sa pamamagitan
ng pasalitang pagsagot ng mga metakognitibong tanong

c. Nailalarawan ang naaangkop na paghahanda sa bawat uri ng kalamidad sa pamamagitan ng ktitikal


na pagsagot sa mga pagsasanay ng gawain.

II. Paksang-Aralin
Ang Pilipinas Bilang Bahagi ng Pacific Ring of Fire
1. Batayan: Araling Panlipunan 4, pahina 95-107
Most Essential Competencies, WK 5
2. Mga Kagamitan: videos, LCD, powerpoint, at mga kaugnay na larawan

III. Pamamaraan

1. Panimulang Gawain:
Pagbabalik-Aral
Ano- anong mga kalamidad ang nagdadala ng panganib sa mga Pilipino?
Paano natin maibsan ang epekto ng mga ito para sa kaligtasan ng mga Pilipino?

2. Paghahanda at pagsagot sa Mahabang Pagsusulit (Summative Test)


https://drive.google.com/open?id=1ZuMoBOzRrD_lJXE96MIqC576wRwJo6pt by: Merlyn A.
Labbao
I. Panuto. Pangkatin ang mga pahayag ayon sa iba’t ibang uri ng kalamidad. Isulat ang sagot sa
talahanayan.

A. Pinalikas ang mga nakatira malapit sa Bulkan Taal dahil sa madalas na pagyanig dito.
B. Maraming namatay sa landslide na naganap sa Itogon Benguet bunsod ng malalakas na pag-
ulan.
C. Dumagsa sa Boracay ang mga turista dahil sa matinding sikat ng araw.
D. Maraming nalubog na sasakyan nang umapaw ang mga daluyan ng tubig sa Metro Manila.
E. Lumikas sa matataas na lugar ang mga naninirahan sa baybayin pagkatapos ng lindol.
F. Sinuri ng mga taga-PHIVOLCS ang mga bitak sa lupa malapit sa Bulkan Mayon.
G. Namangha ang mga mangingisda sa Mindoro sa biglaang bagbaba ng tubig sa dalampasigan.
H. Gumuho ang isang gusali dahil sa biglaang paggalaw ng lupa.
I. Naglutangan ang mga basura dahil sa mga baradong estero.
J. Nasira ang mga kabahayan sa Cagayan Valley dahil sa malakas na ihip ng hangin.
K. Nakapagpatuyo ng inaning palay ang mga magsasaka sa tindi ng sikat ng araw.
L. Umabot sa bayan ng Palawan ang rumagasang matataas na alon mula sa West Philippine Sea.
M. Naglabasan ang mga tao sa kalsada dahil sa pag-uga ng lupa.
N. Humanbalang sa kalsada ang mga nabuwal na puno sa Pangasinan sa lakas ng hangin.
O. Natuyot ang mga balon na pinagkukunan ng tubig sa Bulacan.

Lindol Tsunami Baha Bagyo El Niño

Sagot: Lindol – A, F, H, at M Bagyo- B, J, at N El Nino-C, K, at O


Baha- D, at I Tsunami-E, G, at L

3. Pagpapahalaga
Pagtatama sa mga sagot sa mahabang pagsusulit
Pagbahagi ng repleksyon tungkol sa karanasan sa pagsagot ng pagsusulit at nakuhang puntos.

You might also like