You are on page 1of 20

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE

2022 CAVITE BASIC EDUCATION ASSESSMENT (CBEA) SA PAGBASA AT


PAGSUSURI NG IBA’T-IBANG TEKSTO TUNGO SA PANANALIKSIK
GRADE 11
Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ang sagot sa malinis na papel.
1. Binago ng pandemya ang mundo, at kinailangang makiayon sa pagbabagong
dala nito. Kabilang dito ang pagsusuot ng mga personal protective equipment
(PPEs) upang maiwasan ang pagkalat ng virus. Sa kaso ng Pilipinas, bahagi ng
ipinatutupad na health protocols ang pagsusuot ng face mask at face shield
tuwing lalabas ng tahanan.
(https://www.plaridel.ph/index.php/2021/03/11/bundok-ng-basurang-ppe-kr
isis-pangkalikasan-mula-sa-pandemya/)
Ano ang paksa ng binasa?
A. Pagsusuot ng PPE
B. Pagbabago dulot ng pandemya
C. Pagpapatupad ng health protocols
D. Pagsunod sa pagbabagong dulot ng pandemya
2. Ang mabuting pagpapasya ay ang paggawa ng desisyon na isinasaalang-alang
ang mabuting dulot nito para sa lahat. Dahil sa malalim, malikhain, at kritikal
na pag-iisip ng isang tao makabuo siya ng magandang resulta.
Patungkol saan ang talatang binasa?
A. Paggawa ng mabuti at tama
B. Mabuting pagpapasya
C. Paggawa ng desisyon
D. Kritikal na pag-iisip

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE

3. Ayon sa American Chemist Society, umaabot sa halos 129 na bilyong


disposable masks at 65 bilyong disposable gloves ang ginagamit kada buwan
ngayong panahon ng pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19). Sa
kabila ng pagkakaroon ng bakuna, inaasahang ilang taon pa bago maging sapat
ang suplay nito para sa lahat ng mamamayan. Dahil dito, nakaamba ang
panibagong krisis: ang tambak ng basurang mula sa PPEs.
(https://www.plaridel.ph/index.php/2021/03/11/bundok-ng-basurang-ppe-kr
isis-pangkalikasan-mula-sa-pandemya/)
Ano paksa ng iyong binasa?
A. American Chemist Society
B. Kakulangan ng suplay ng bakuna
C. Pagtambak ng basura mula sa PPEs
D. Pandemyang coronavirus disease 2019
4. Dadalaw sa Cavite ang lola ni Diego kung kaya’t nais niya itong ipaghanda ng
paborito nitong ulam. Nagsaliksik siya kung paano ito lutuin at narito ang
nakalap niya:
Mga Sangkap
4 na kutsarang hiniwang siling haba 3 butil ng bawang, tinadtad
1 kutsarang asin 1 sibuyas
2 tasang gata paminta
½ tasang sariwang alamang 2 tasa ng kakang gata
¼ kilong liempo, hiniwang manipis at pakuwadrado
2 pirasaong pinitpit na luya (kainamang laki)
Mga Hakbang:
1. Ibabad ang sili sa tubig na inasnan. Itabi ng 30 minuto at pagkatapos ay
hugasang maigi. Patuluin.
2. Sa kawali, paghaluin ang gata, alamang, karne, bawang, sibuyas, luya at asin.
Pakuluin.
3. Hinaan ang apoy at isalang pa nang 10 minuto.
4. Idagdag ang sili at lutuin hanggang halos matuyo.
5. Ibuhos ang kakang gata at hayaang magmantika.
Sa iyong palagay, tungkol saan ang resipi?
A. GinataanB. Ginataang baboy C. Binagoongang baboy D. Bikol express

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
5. Isang okasyon ang laging pinaghahandaan ng paaralan tuwing magsasara ang
Taong Panuruan. Hindi niya napigilan ang pagpatak ng luha nang makita ang
tarpaulin sapagkat ilang araw na lamang ay magaganap na ito. Sa wakas ay
makakamit na rin ang pinakamimithi niya. Sulit ang kanyang pagod at hirap.
Patungkol saan ang kinasasabihan ni Andrea?
A. Araw ng Kasiyahan
B. Araw ng Pagkilala
C. Araw ng Pagtatapos
D. Araw ng Pasasalamat
6. Sa pagputok ng bulkan ang mga abo at pyroclastic na materyal mula sa
bulkan ay nakakapagpataba ng lupa mainam sa produksyon ng mga pananim
tulad ng niyog, abaka, at tubo. Ang mga mineral na materyal galing sa bulkan
tulad ng perlite, pumice, scoria, borax at sulfur ay ginagamit sa iba't-ibang
industriya. Kapag hindi aktibo ang bulkan, ang mainit na singaw mula dito ay
nagagamit sa paggawa ng elektrisidad, libangan at benepisyong pangkalusugan.
Samantala, ang pagbagsak ng abo o ashfall ay makapagdulot ng peligro sa
mga tao, hayop, pananim, kagamitan at gusali. Ang malapot at mabilis na
pag-agos ng mga materyales na pyroclastic ay nakamamatay sa lahat ng bagay na
matatabunan nito. Ang lahar o mudflows mula sa bulkan at tubig ay makakasira
ng mga imprastraktura at makapagpapabara ng mga daluyan ng tubig.
(https://brainly.ph/question/702189)
Ano ang tinutukoy sa talataan?
A. Masama at mabuting epekto ng pagputok ng bulkan
B. Paghahambing kapag pumuputok ang bulkan
C. Nagaganap kapag pumutok ang bulkan
D. Ibinubuga ng bulkan
7. Mahilig magbasa ng maikling kuwento si Rodel, mag-aaral ng Baitang 11. Gusto
niya ang mga kuwentong patungkol sa mga kalagayang panlipunan at kung paano
inilalarawan ang bawat senaryo ng mga pangyayari. Ganito ang simula ng isa sa
mga kuwentong nabasa niya:
Ang gabi ay mabilis na lumatag sa mga gusali, lumagom sa malalaki’t maliliit na
lansangan, dumantay sa mukha ng mga taong pagal, sa mga taong araw-araw ay
may bagong lunas na walang bisa. Ngunit ang gabi ay waring manipis na sutla
lamang ng dilim na walang lawak mula sa lupa hanggang sa mga unang palapag
ng mga gusali. Ang gabi sa kalupaan ay ukol lamang sa dilim sa kalangitan

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
sapagkat ang gabi sa kalupaan ay hinahamig lamang ng mabangis na liwanag ng
mga ilaw-dagitab.
Ano ang inilalarawan sa talata?
A. gabi B. gusali C. lansangan D. kalangitan
8. Sumusulat ng isang sanaysay si Luna. Simulan niya ito sa ganitong paraan:
Dala ng pandemya ang pagkakaroon natin ng “New Normal.” Kabilang rito ay ang
paggamit ng face masks, face shields, at hand washing o sanitizing, ang
Online/Virtual rooms para sa mga pagpupulong o pagtututo, ang pagkakaroon ng
mahigpit na sistema sa paglalakbay sa labas, at ang pagtigil sa karamihan ng mga
establisyimento. Uso na ngayon ang paggamit ng social media para sa halos lahat
ng gawain maging pag-oorder man ng pagkain o mga kagamitan online. Lahat nito
ay isinagawa bilang isang pagtatangka upang maiwasan ang lalong paglala ng
sitwasyon. Disiplina, pasensya, pagkakaisa, at ang mga pangarap natin sa buhay
ang magsisilbing sandata natin laban sa pandemya. Kaya tayo ay dapat
magtulong-tulong sa pagkakaroon ng disiplina sa sarili at sa pagtataas ng
kamalayan ng iba sa kung ano ang dapat gawin at isaisip sa panahon ng
pandemya. Nawa’y tayo ay maging matagumpay sa pakikipaglaban natin sa
pandemya.
(https://www.reddit.com/r/Philippines/comments/iq0nnt/gumawa_ako_ng_sanaysaytalumpati_tungkol_sa/)
Ang pamaksang pangungusap sa panimula ng sanaysay ni Luna ay _____________.
A. Sumusulat ng isang sanaysay si Luna.
B. Dala ng pandemya ang pagkakaroon natin ng “New Normal.”
C. Nawa’y tayo ay maging matagumpay sa pakikipaglaban natin sa pandemya.
D. Uso na ngayon ang paggamit ng social media para sa halos lahat ng gawain
maging pag-oorder man ng pagkain o mga kagamitan online.
9. Palibhasa’y laking tubigan si Rowena, bago pa magliwanag ay bumabangon na
siya. Ang kaliwang kamay ay may bitbit na basket ng mga bote ng gatas upang
ilako sa nayon samantalang ang kanang kamay naman ay nakatangan sa
sunong-sunong na niya ang bilaong naglalaman ng mga gulay.
Batay sa estruktura, ang sunung-sunong ay____________________
A. payak
B. may lapi
C. tambalan
D. inuulit

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
10.Nagsilbing inspirasyon sa pag-aaral nina Daniel at Katryn, mga mag-aaral ng
Baitang 12, ang kanilang pagmamahalan. Sinisikap nilang huwag magpaapekto sa
kabila ng pag-ayaw ng mga kaibigan at kapamilya. Naniniwala silang makakamit
nila ang tagumpay at gagawin nila ang lahat, maabot lamang ang kanilang
pangarap.
Mula sa binasa, ang pangarap ay nangangahulugang____________
A. gusto
B. layunin
C. inaasam
D. minimithi

11.Dahil sa pagtaas ng presyo ng bilihin, ang pera natin dating sapat para sa isang
punong grocery kart ay kulang na ngayon para sa mga pangunahing
pangangailangan natin. Nasusukat ang implasyon gamit ang inflation rate, o bilis
ng pagtaas ng presyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo. Isa sa
pinakamalaking dahilan ng implasyon ay ang patuloy na paggawa ng bagong pera.
Halimbawa, dahil sa pandemyang ito, kinailangang magpalabas ng pera ang
gobyerno para maipamigay sa mga nangangailangan. Pero, dahil sa pagdami ng
pera sa isang ekonomiya, mas kakaunti na lamang ang mabibili nito.
Alin sa sumusunod na ang pinakamainam na nagbibigay-kahulugan sa
implasyon?
A. pagtaas ng presyo ng bilihin
B. paglalabas ng pera ng gobyerno
C. patuloy na paggawa ng bagong pera
D. kakauntian ng mabibiling produkto
12.Masinop sa pera si Greg. Itinatabi niya ang sobrang bigay ng magulang kung
kaya’t mayroon siyang nadudukot kapag may pangangailangan. Minsan, niyaya
siya ng kaniyang mga kaibigan na mamasyal sa Tagaytay kung kaya’t nagpaalam
siya sa kaniyang magulang.
Greg: ‘Nay, ‘Tay, nagyaya po ang tropa na gumala kami sa Tagaytay.
Magpapaalam po ako sa inyo.”
Tatay: “Aba eh sige, anak. Ang paalala lang namin ng nanay mo ay mag-iingat
kayo at huwag magpapagabi.”
Greg: “Opo, Tay, maraming salamat po.”
Nanay: “O eh anak, may pambaon ka ba? Teka at kukuha ako.”
Greg: “’Wag na po, Nay may subi po ako, Salamat po.”

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Ang ‘wag ay naging salitang kolokyal dahil sa___________________
A. Paghango sa mga salitang katutubo
B. Panghihiram at pagpapaikli
C. Pagpapaikli at pag-Pilipino
D. Pagpapaikli
13.Mag-aaral ng Baitang 11-STEM si Fely at inatasan siya ni Gng. Romina na
mag-ulat tungkol sa mga gas. Narito ang bahagi ng kanyang ulat:
“Ang mga nitrogen oxide (NOX) ay mga gas na nitrogen at oxygen compound na
nabubuo sa pagkasunog na may labis na oxygen at mataas na temperatura. Ang mga
ito ay inilabas sa hangin mula sa tambutso ng sasakyang de-motor (lalo na ang diesel
at lean-burn), ang pagkasunog ng karbon, langis, o natural gas, at sa mga proseso tulad
ng arc welding, electroplating, metal etching, at dynamite detonation....”
(https://www.meteorologiaenred.com/tl/epekto-sa-greenhouse.html)
Paano binigyang kahulugan ang nitrogen oxide?
A. Paggamit ng mga idyomatikong pahayag at pagtatayutay
B. Paglalapi at pagsasama ng salita sa pangungusap
C. Pagbibigay ng mga halimbawa
D.Pagbibigay-kahulugan
14.Active user ng Facebook si Adel at ito ang kanyang post:
Upang tugunin ng Diyos ang ating dalangin, kailangan nating maging taimtim sa
pagsasagawa nito.
Alin sa mga pagpipilian ang tumutukoy sa kasingkahulugan ng taimtim?
A. sumusunod
B. mapitagan
C. taos-puso
D. maayos
15.May iba’t ibang anyo ang agrikultura. Ito ay ang mga pagsasaka, panggugubat,
pagmimina, pangingisda.
Ang pagsasaka ay sumasaklaw sa pag-aalaga at pag-aani ng tanim. Ito ang
isa sa mga pangunahing pinagkukunan ng pagkain at materyales, kagaya na
lamang ng palay, trigo, niyog, tubo, pinya, kape, mangga, at tabako. Sa
panggugubat nakukuha ang hilaw na mga sangkap na ginagamit bilang
proteksyon, hanapbuhay, pagluluto, at panlibangan, kagaya na lamang ng
plywood, mesa, pader, panggatong, bangka, at iba pa.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Sa pagmimina nakukuha ang mga likas na yamang mineral, di-mineral, at
enerhiya na makikita sa loob at lupa ng mga bundok, sa lupa ng mga kapatagan,
at sa sahig ng karagatan. Halimbawa sa mga sa mga mineral na nakukuha ay ang
mga metal na tanso, ginto, at cobalt; mga di-metal kagaya ng marmol, adobe,
sulfur, at talc; at pinagmumulan ng enerhiya kagaya ng lithium.
Ang pangingisda ay pagtustos ng mga yamang dagat tulad ng isda, tahong,
gulaman at ibang lamang dagat. Matatagpuan sa Pilipinas ang pinakamalaking
daungan ng isda. Sa pangingisda makukuha ang mga pagkaing-dagat na siyang
pangunahing pinagkukunan ng protina ng mga Pilipino.
(https://gabay.ph/ano-ang-sektor-ng-agrikultura/)
Alin sa sumusunod ang nagbibigay kahulugan sa agrikultura?
A. Ang agrikultura ay ang paglinang at pagpaparami ng mga hayop, halaman,
panggatong, at iba pang mga produkto.
B. Ang agrikultura ay pagsasaka, panggugubat, pagmimina, pangingisda.
C. May iba’t ibang sector ang agrikultura
D. Mahalaga ang agrikultura sa bansa

16. Nagkita ang magkaibigang Victor at John.


Victor: Wow ‘Pre! Isputing na isputing ka ah! Sa’n ba ang lakad?
John: D’an lang ‘Pre. May dadaluhang sakalan este kasalan.
Mula sa dayalogo, masusuri natin ang impormal na antas ng wikang
ginamit. Ang paggamit ng salitang ‘pre, sa’n at d’an ay masasabi nating
___________________.
A. kolokyal B. balbal C. Lalawiganin D. pampanitika
17.Nanonood ng balita ang nanay ni Andrew. Nakikinig siyang mabuti kung paano
ipatutupad ang pagbubukas ng Limited Face to Face sa mga lugar na zero ang kaso
ng COVID-19. Dahil sa kaniyang napakinggang impormasyon ay pinayagan niya
ang kaniyang anak na sumali sa Limited Face to Face, sinagutan niya ang waiver at
nilagdaan. Ang waiver na ito ay ang pagpapahintulot sa paglahok sa Limited Face
to Face ng paaralan.
Aling bahagi ng teksto ang nagsasaad ng pangunahing kaisipan na maaaring
naranasan mo na?
A. Pagpapahintulot sa paglahok sa Limited Face to Face ng paaralan.
B. Pagpapatupad sa pagbubukas ng Limited Face to Face sa mga lugar na zero ang
kaso ng COVID-19.
C. Pagsasagot at paglagda sa waiver.
D. Panonood ng balita.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
18.Halos mawindang ang isang motoristang nagngangalang Warren Labadan nang
walang ano-ano’y maraanan niya ang isang tila ‘White Lady’ habang nakasakay sa
motorsiklo at binabaybay ang highway sa Puan Davao City noong Biyernes ng gabi,
Mayo 13. Ayon sa facebook post ni Labadan, mga lagpas 10 ng gabi ay pauwi na
sana siya nang maispatan niya ang isang tila nakaputing bagay na
palutang-lutang sa gitna ng kalsada sa bypass road na nasa harapan naman ng
Reldo Village. Nagkataon pang ‘Friday the 13th’.
https://balita.net.ph/2022/05/18/cellophane-napagkamalang-white-lady-ng-isang-motorista-sa-davao-city/

Alin sa mga sumusunod na pahayag ang kaugnay ng kaisipang nakapaloob


sa teksto?
A. Malas ang Fiday the 13th
B. Disgrasya tuwing Friday the 13th
C. May multo tuwing Friday the 13th th
D. May white lady tuwing Friday the 13

19.Sa bayan ng Lucban, yaong mga mananampalataya ay dumarayo sa Kamay ni


Jesus. Nagkaroon kaming mga mag-aaral ng pagkakataong makarating dito noong
kami ay naglakbay-aral. Dumadalo sila ng healing mass. Inaakyat nila ang mga
mataas na hagdan upang makarating sa estatwa ng kamay ni HESUS. Dinaraanan
nila ang bawat estasyon at doon ay nananalangin. Madalas itong dayuhin ‘di lang
ng mga karatig-bayan kundi pati ng mga dayuhan mula sa ibang bansa, upang
masaksihan ang sagradong lugar. Gayundin kasama ang aking ina at ang mga
grupo ng mga katikista na dumarayo rito at nagdarasal. Mapapansin at
masasaksihan dito ang tibay ng pananampalataya ng mga Pilipino lalo na tuwing
mahal na araw.
Ano ang pangunahing kaisipan sa binasa ang maiuugnay mo sa natatanging
kaugalian at tradisyon ng isang Pilipino?
A. Pinetensiya B. Pananalangin C. Visita Iglesia D. Palaspas

20. Isang ‘di makakalimutang karanasan ni Celso ay ang pagputok ng Bulkang Taal.
Pininsala nito ang napakaraming buhay, bahay, ari-arian at lupain. Subalit ang
pangyayaring ito ang nagturo sa kaniya kung paano lumaban para mabuhay
(survival). Kung paano mabuhay sa isang kalagayan na walang mabibiling pagkain,
walang agarang maiinom na tubig at walang kuryenteng magagamit. Ito ang

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
lungsod na tahanan ng kaniyang mga magulang at ng kaniyang mag-ina. Dito siya
ipinanganak, dito rin siya nagtapos ng pag-aaral, dito nakahanap ng trabaho at
malamang ay dito na rin siya sasapitin ng katandaan.
Anong salawikain ang maihahalintulad sa kaisipang nakapaloob sa teksto?
A. Dito na ako inugatan dito ako mabubuwal
B. Mamaluktot kung maigsi ang kumot
C. Ang buhay ay parang gulong; minsang nasa ibabaw, minsang nasa ilalim.
D. Kung saan nahihilig, duon din mabubuwal
21.Sinaliksik ni Elias ang El Fraile o Fort Drum. Ito ay matatagpuan sa
Timog-Silangang bahagi ng Manila Bay na nasasakupan ng bayan ng Ternate. Ang
El Fraile Island ay tinagurian din bilang "The Concrete Battleship" dahil na rin sa
kakaiba nitong disenyo na tila barko. Ang El Fraile ay itinayo ng mga Sundalong
Amerikano noong April 1909 mula sa mga pinagpatong patong na mga bato, at
natapos ang konstruksyon ng halos 10 taon. Ang kongkretong estrukturang ito ay
may 350 talampakang haba at 144 talampakang lapad; habang ang taas nito ay
aabot sa 40 talampakan., at ang kapal nito ay aabot naman sa 30 talampakan.
https://www.facebook.com/2025174040873691/posts/2272552322802527/
Anong kaisipang ipinahayag sa teksto ang naglalahad ng bahagi ng kasaysayan ng
ating bansa?
A. Ang El Fraile Island ay tinagurian din bilang "The Concrete Battleship"
B. Ang kongkretong estrukturang ito ay may 350 talampakang haba at 144
talampakang lapad.
C. Ang El Fraile ay itinayo ng mga Sundalong Amerikano noong April 1909.
D. Ang El Fraile o Fort Drum ay matatagpuan sa Timog-Silangang bahagi ng
Manila Bay na nasasakupan ng bayan ng Ternate
22. MANILA, Philippines- Iginiit ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes na
hindi ito kinonsulta sa desisyon ng Cebu provincial government na gawing opsyonal
ang pagsusuot ng face mask. Sa ilalim ng Executive Order No. 16 na nilagdaan ni
Cebu Governor Gwen Garcia, ang pagsusuot ng face mask ay kailangan lamang sa
mga sarado at air-conditioned na lugar habang ito ay opsyonal sa well-ventilated at
open spaces.
“Unang-una, gusto natin ito linawin, ano? Hindi po kami nakonsulta regarding this
move or executive order coming from Cebu,” sabi ni Health Undersecretary Maria
Rosario Vergeire sa media briefing. Sinabi niya na pinananatili ng DOH ang
posisyon nito na ang mask ay nananatiling mahalaga sa pagtugon sa COVID-19 ng
bansa.“Nirerekomenda natin na ipagpatuloy nating isuot ang face mask dahil isa
po ito sa ating mga panlaban dito po sa COVID-19 na virus na meron tayo ngayon,”
anang opisyal.
Tukuyin ang pangunahing kaisipan na nais ipabatid ng Department of Health.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
A. Pagpapanatili ng DOH ang posisyon nito na ang mask ay nananatiling mahalaga
sa pagtugon sa COVID-19 ng bansa.
B. Hindi pagkonsulta sa DOH hinggil sa Executive Order No. 16 na nilagdaan ni
Cebu Governor Gwen Garcia.
C. Paggigiit ng DOH sa disisyon ng Cebu provicial government
D. Pagpapahintulot ng DOH sa Executive Order no. 16 na nilagdaan ni Cebu
Governor Gwen Garcia.
23.

Anong health protocol ang maiuugnay sa pangunahing kaisipan ng teksto?


A. Huwag lumabas ang senior citizen at may karamdaman kung hindi naman
kinakailangan.
B. Magsuot ng face mask ang may mga karamdaman sa loob at labas ng tahanan.
C. Panatilihin ang isang metrong distansya sa pkikilahok sa loob at labas ng
tahanan.
D. Pantilihin ang pagsusuot ng facemask, paghuhugas at pag-aalkohol lalo
na kung senior citizen at may mga karadaman.

24.

Noon Ngayon

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
Ang kakaibang estrukturang ito ay naging kanlungan ng mga bala at iba’t ibang uri
ng armas na ginagamit noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Bukod dito,
mayroon din itong mga Kanyon o Turrets na sadyang kakaiba sa buong mundo.
Nakalagay din dito ang naglalakihang kanyon at baril, kaya naman ito ang
tinaguriang pinakamakapangyarihang coastal defense ng Pilipinas.
Noong dumating ang mga sundalong Hapon dito sa Pilipinas, naglagay sila ng
halos aabot sa 10 kanyon sa iba’t ibang bahagi ng Ternate. Ang misyon ay
bombahin at palubugin ang kongkretong isla, na hindi naman nila nagawa.
Matapos ang pagsuko ng Corregidor, sumuko na rin ang Fort Drum sa mga
sundalong Hapon, istoric tapos na ang pamamayani ng mga sundalong Amerikano.
Ngunit taong 1945, sa kasagsagan ng opensiba ng Amerika, ang ginawa ng mga ito
ay nagbuhos ng libo-libong litro ng istoric sa loob at labas ng Fort Drum, at ito’y
sinilaban. Dahil dito, nalibing ng buhay ang mga sundalong Hapon na nagtatago
dito.
Kumusta na kaya ang Fort Drum ngayon? Mababakas pa ba ang naging parte nito
sa kasaysayan noon? Nawa’y sa ating Department of Tourism at sa ating Local
Tourism Office ay mapagtuunan pa ng pansin ang El Fraile; El Fraile na naging
“piping saksi” sa kasaysayan hindi lamang sa ating bayan kundi sa buong mundo.
https://www.facebook.com/2025174040873691/posts/2272552322802527/
Iugnay ang mga pagbabago sa larawan sa pagpapahalagang historikal ng
kabataang Pilipino.
A. Maiuugnay ang pagbabago ng larawan sa pagpapahalagang historikal ng mga
kabataang Pilipino na nagnanais na mapanatili ang makasaysayang El Fraile
lalong-lalo na sa pagpapayabong pagpapanatili at pag debelop ng el Fraile
upang maibalik ito sa dating anyo, upang ito ay maging sentro ng turismo at
mapanatili ang halaga nito sa kasaysayan at huwag makalimutan ang
mahalagang naging bahagi nito sa paglaya ng ating bansa mula sa mga
dayuhan.
B. Nagnanais ng kabataang Pilipino na iugnay ang larawan ng pagbabago ng El
Fraile sa isang larawan na unti-unti ng kumukupas at nalilimutan.
C. Ang Fornt Drum o El Fraile na matatagpuan sa Ternate Kabite ay nananaliting
katayo bagama’t hindi maikubli ang bakas ng lungkot ng kasaysayan. Ang
Esteturak ito ay naglalarawan ng pagpapahalaga sa historikal ng mga
kabataang Pilipino sa pamamamgitan ng hindi paglimot at pag papakilala ng
naging silbi ng lugar na ito.
D. Ang pagbabago ng larawan ng El Fraile Noon at Ngayon ay nagsisilbing
kasaysayan na naging bakas dito ang kaguluhan at kabiguan ng mga dayuhan
na wasakin ito sapagkat kahit na anong lakas ng mga sandatang ginamit ay
nananatili itong buo at nag sisilbing attraksyon sa ating turismo. Katulad na
lamang ng pagpapahalagang historikal ng mga kabataang Pilipino na nais na

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
huwag makalimutang ang magandang kasaysayan na naganap sa el Fraile or
Fort Drum.
25.Litong-lito si Aliah kung paano niya gagawin ang balangkas ng kaniyang
pananaliksik. Ang balangkas ay naglalaman ng kaayusan ng samu't saring paksa
na nagpapahayag ng kahalagahan ng bawat isa at ipinapakita ang ugnayan sa
bawat bahagi ng pananaliksik. “Epektibong Paraan ng Pagsasaling-Wika sa Aspeto
ng Pananalapi at Ekonomiks” ang kaniyang paksa. Ibinahagi ng kaniyang
kamag-aral ang balangkas konseptuwal na dapat niyang gamitin. Ayon kay
Imenda (2014), ang balangkas konseptuwal ay pinagsama-samang magkakaugnay
na konsepto upang maipaliwanag at masagot ang haypotesis ng ginagawang
saliksik. Ito ay dapat na nakaayos nang lohikal na estraktura sa tulong ng biswal
na nagpapakita ng pagkakaugnay ng mga ideya sa pagpapaunlad sa saliksik.
Ano ang kahulugan ng balangkas konseptuwal ng kaniyang pananaliksik?
A. Isang modelo batay sa pag-aaral ng pagsasalin ng wika.
B. Ito ay ginagamit sa pagpapaunlad ng teorya sa pagsasaling-wika.
C. Ito ay ginagamitan ng teorya sa iba't ibang larangan sa pagsasalin ng wika.
D. Ito ay may focal point para sa dulog na gagamitin sa saliksik sa pagsasaling-wika.

26. Nakalap na ni Angela ang datos ng kaniyang pananaliksik sa paraang


pag-oobserba, pakikipanayam at pagpapasagot ng surbey. Ito ay dumaan sa
matinding pagsusuri upang mapatunayan kung totoo o hindi, makabuluhan o
hindi ang kaniyang pananaliksik. Gumawa siya ng talata upang ilarawan ang mga
datos.
Anong uri ng datos empirikal ang kanyang ginamit?
A. Tabular
B. Talaan
C. Tekstuwal
D. Grapikal

27.Ginamitan ni Reines ng isang bilog na nahahati sa iba't ibang bahagi sa


paglalarawan ng kaniyang datos upang ipakita ang pagkakaiba-iba ng isang grupo
ayon sa mga kategorya ng kaniyang pag-aaral.
Anong uri ng biswal na grapikal ang ginamit ni Reines upang maipresenta ang
resulta ng kaniyang datos?
A. Linear Graph B. Bar Graph C. Grapikal D. Pie Graph

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE

28. Ang pagtukoy sa pangunahing layunin ng paksa, pag-alam sa pangunahing


baryabol, pagbabasa at pagbabalik-aral sa mga kaugnay na literatura ng paksa,
pagtatala ng kabuoan ng baryabol na kaugnay ng paksa, pagrerebisa ng saliksik
habang idinadagdag ang salitang teorya, pag-iisa-isa sa mga teoryang nasaliksik,
at pagsasaisip ng mga limitasyon ng napiling teorya ang isinaalang-alang ni Martin
upang makabuo ng balangkas ng pananaliksik.
Ano ang ginamit na balangkas ng mananaliksik?
A. Balangkas Teoretikal
B. Baryabol
C. Balangkas Konseptuwal
D. Balangkas

29. Ang datos empirikal ay mga impormasyong nakalap mula sa kombinasyon ng


dalawa o higit pang metodo ng pananaliksik. Ito ay dumadaan sa pagsusuri at
maaaring mapatunayan na totoo o hindi, makabuluhan o hindi. Nagnanais ang
mananaliksik na maglarawan ng datos gamit ang estadistikal na talahanayan
ngunit wala siyang ideya tungkol dito, kaya naghanap siya ng isang halimbawa.
Alin ang nagrerepresenta ng estadistikal na talahayan?
A.

Biswal na Line Graph


B.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE

Biswal na Talahanayan
C. Makikita sa grapikong presentasyon ang bilang ng mga mag-aaral sa baitang
11 na may kabuuang 267. 217 na mag-aaral ay napabilang sa antas ng
malaya na kung saan ito ay binubuo ng 113 na mga lalake at 104 na mga
babae sa kabuuan ito ay may bahagdang 81.27 na porsiyento. 41 na mag-aaral
ay nasa antas ng instrusyunal na mayroong 20 na mga lalake at 21 na mga
babae na may bahagdang 15.36 na porsento. Sa antas ng kabiguan sa
panimulang pagtatasa sa pag-unawa sa pagbasa ay mayroong 9 na mag-aaral
na kung saan ito ay 5 lalake at 4 na babae na may bahagdang 3.37 na
porsyento.
Biswal na Tekstuwal
D.

Biswal na Bar Graph


30. Kung susuriin, mapapansing nagtataglay ng iba't ibang konsepto ang
pananaliksik upang matugunan ang baryabol o suliranin ng pananaliksik. Gamit
ang biswal na representayon nagnanais ang mananaliksik na ipakita ang
pagbabago sa baryabol o numero sa haba ng panahon.
Sa paanong paraan ipapakita ng mananaliksik ang pagbabago ng baryabol?
A. C.

B. D.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE

31.

Biswal blg. 1 ay nagpapakita ng Bilang ng may gusto sa paboritong Cereals.


Suriin ang larawan sa itaas, ano ang mga baryabol na inihahambing?
A. Bilang ng may gusto ng Cheerios, Corn Flakes, Life, at Kk cereals
B. Bilang ng may gusto ng Cheerios at Corn Flakes
C. Bilang ng may gusto sa iba’t ibang uri ng cereal.
D. Bilang ng may gusto ng cereals
32.

Sa tulong ng mga naunang aytem ay matutukoy mo na ang uri ng biswal na nasa


itaas gayondin ang mga baryabol. Ngayon ay bigyan mo ng interpretasyon ang
mga datos mula sa biswal na nasa itaas.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
A. Ang biswal na nasa itaas ay isang bar graph ang mga baryabols na
ikinukumpara ay ang bilang ng mga bata sa paborito nilang mga isports na
Soccer,Softball, Basketball at Billyards. Ito ay nagpapakita na mayroong siyam
na bata na soccer ang paboritong isports at ang 6 na bata ang may paborito sa
isports na basketball. Kakaunti lamang ang may paborito sa mga isports na
softball at billyards.
B. Ang biswal na nasa itaas ay isang Bar grap. Sa ilalim ay makikita ang mga
isports, sa gilid pataas ay ang bilang ng mga bata.
C. Ang biswal na nasa itaas ay isang Bar graph na nagpapakita ang billyards ang
may pinakamababang bilang ng mga bata may paborito.
D. Ang biswal na nasa itaas ay isang Bar grap. Ito ay tala ng mga paboritong
isports.

33.Ang stratified sampling ay pagpili ng mga tiyak na subgroup. Ito ay magkakaroon


ng sapat na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sampol. Ang hakbang nito ay ang
paghahati ng grupo na ang bawat isa ay nabibilang sa katulad na istratum.
Gumagamit ng pa-random sa pagpili ng mga kalahok sa bawat istratum.
Alin sa sumusunod na paraan ng pagkuha ng sampol ang nasa paraan ng
stratified sampling?
A. Tiniyak ni Connie na sapat ang bilang ng kaniyang respondente na
kumakatawan sa loob ng sampol. Gumamit siya Lottery sampling, na kung saan
ang bawat miyembro ng populasyon ay may pantay na pagkakataon na maging
respondente. Ang kabuoang respondente na ginamit sa buong pananaliksik ay 120
na mga estudyante na kinabibilangan ng 40 na taga -ABM, 40 na taga-TVL, at 40
na taga-HUMSS. Ito sampling na may kapalit o pantay na bilang ng probability.
B. Tiniyak ni Connie na sapat ang bilang ng kaniyang respondente na
kumakatawan sa loob ng sampol. Pumili siya ng mga miyembro ng sampol ng
paklaster kaysa gumamit ng hiwalay na mga indibidwal. Klaster na grupo na
mayroong magkakatulad na katangian. Ang kabuoang respondante na ginamit sa
buong pananaliksik ay 120 na mga estudyante na kinabibilangan ng 40 na taga
-HUMSS seksyon A, 40 na taga HUMSS seksyon B , at 40 na taga-HUMSS Seksyon
C. Ito sampling na nasa iisang disiplina.
C. Tiniyak ni Connie na sapat ang bilang ng kaniyang respondente na
kumakatawan sa loob ng sampol. Gumamit siya ng Slovin's Formula n=N/(1+Ne2).
Ang kabuoang respondente na ginamit sa buong pananaliksik ay 149 na mga
estudyante na kinabibilangan ng 18 na taga -ABM, 53 na taga-TVL, at 76 na
taga-HUMSS. Tiniyak ng mananaliksik na ang subgroup ay magkakaroon ng sapat
na bilang ng mga kinatawan sa loob ng sampol.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
D. Tiniyak ni Connie na sapat ang bilang ng kaniyang respondente na
kumakatawan sa loob ng sampol. Ginamit niyang batayan sa paghuhusga na
representiveness ng populasyon. Tiniyak niya na ang mga student leader sa bawat
pangkat ng ABM, HUMSS at TVL ang respondante ng kanyang pananaliksik. Ito
ay sampling na tumitiyak sa layunin ng paksa.

34.Isa sa mga hakbang sa pananaliksik ay ang pagtatala ng sanggunian o


bibliyograpiya na hango sa elektroniko. Nakita ni Amelia na pamagat lamang ang
mayroon na maaring pagkakakilanlan ng pinagkunan ng impormasyon. Simulan
niya sa pamagat, tinuldukan, at isunod ang website o path na sinalungguhitan.
Alin sa mga sumusunod na sanguniang hango sa elektroniko ang pinagkunan ni
Amelia ng impormasyon?
A. Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelektwalissayon, Disipilina at Konsepto).
https://www.academia.edu/1234567/PANANALIKSIK
B. Calderon.https://www.academia.edu/1234567/PANANALIKSIK
C. Calderon1982. https://www.academia.edu/1234567/PANANALIKSIK
D. Calderon1982,Pananaliksik sa Wikang Filipino (Intelektwalissayon,
Disipilina at Konsepto). https://www.academia.edu/1234567/PANANALIKSIK
35.Ang paksa ng pananaliksik ng pangkat A ay Epekto ng Pandemya sa Kalusugang
Pangkaisipan ng mga Mag-aaral ng Grade 11 HUMSS sa Ternate Integrated
National High School. Sa pagbuo ng pananaliksik dapat isa-isahin ang tamang
proseso sa pagsulat ng layunin. Isinasaad sa layunin ang mga dahilan ng
pananaliksik o kung ano ang ibig matamo pagkatapos maisagawa ang
pananaliksik sa napiling paksa. Maaaring panlahat at tiyak ang mga layunin. Ang
panlahat na layunin ay nagpapahayag ng kabuoang layon o nais matamo sa
pananaliksik. Ang tiyak na layunin ay nagpapahayag ng partikular na pakay ng
mananaliksik sa paksa.

Tukuyin kung alin sa sumusunod na layunin ng pananaliksik ang nasa anyo ng


Panlahat na layunin.
A. Tukuyin ang porsyento ng mga mag-aaral na naapektuhan ng pandemya.
B. Malaman kung alin ang pinaka-nakaapekto sa mga mag-aaral sa kalusugang
pangkaisipan.
C. Alamin ang mga pinaka-nakaapekto sa kalusugang pangkaisipan dulot ng bagong
sistema ng edukasyon sa gitna ng pandemya.
D. Malaman ang epekto ng pandemya sa Kalusugang Pangkaisipan sa mga
mag-aaral ng Grade 11- HUMSS ng Ternate Integrated National High School.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE

36.Ayon sa Purdue University Online Writing Lab (2014), ang plagiarism ay ang
tahasang paggamit o pangongopya ng mga salita o idea nang walang kaukulang
pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan ng impormasyon.
Ang sumusunod na pahayag ay tumutukoy sa plagiarism maliban sa isa.
A. Hindi paglalagay nang maayos na panipi sa mga siniping pahayag.
B. Pag-angkin sa gawa, produkto, o idea ng iba.
C. Ginamitan ng mananaliksik ng parapreysing ang nakalap na impormasyon.
D. Pagbibigay ng maling impormasyon sa pinagmulan ng siniping pahayag

37.Inilahad ng mananaliksik ang pamamaraan ng pangongolekta ng datos upang


makuha ang mga kinakailangang impormasyon sa mga respondente. Pinasagutan
niya ang mga talatanungan na nakalimbag sa malinis na papel.
Anong paraan ng pangangalap ng datos ang ginamit sa pananaliksik?
A. Obsebasyon
B. Istandard na Talatanungan
C. Sarbey
D. Pakikipanayam

38. Ang etika ng pananaliksik ay ang pagsunod sa istandard na pinaniniwalaan ng


lipunan na wasto at naaayon sa pamantayan ng nakararami. Ang komponent ng
etika sa pananaliksik ay ang pagprotekta sa kaligtasan ng mga respondente.
Pinag-iingatan nito ang mga personal na datos. Naiiwasan ang desepsiyon o hindi
pagsasabi ng totoo. Naisasaalang-alang ang kapakanan ng mga bata bilang
respondente.

Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng pagsunod sa etika ng


pananaliksik?
A. Inilathala ng mananaliksik ang mga datos na tumutukoy sa personal na
resulta ng panayam o serbey ng grupo ng mga impormante. Ngunit hindi
naman ito mababasa ng kapwa niya mananaliksik.
B. Matapos ang pag-aaral ng pananaliksik ay binalikan ng mga mananaliksik
ang kanyang mga respondente upang maibahagi ang resulta ng kanilang
pag-aaral
C. Inilahad ng mananaliksik ang sagot ng kaniyang respondente sa kanyang
mga kaibigan.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
D. Ipinagsawalang kibo ng mananaliksik ang tanong ng kanyang respondente
na nagnanais malaman kung para saan ang kanyang sasagutang sarbey.
Ngunit ibinahagi naman niya kung para saan ang sarbey pero sa piling
respondente lamang.
39.Ang metodo o pamamaraan ng pananaliksik ay matatagpuan sa ikatlong
kabanata. Nakapaloob sa kabanatang ito ang sumusunod na mahahalagang
bahagi?

Alin sa sumusunod na bahagi ng metodo ang nasa tamang pagkakasunod-sunod?


a. Pamamaraan ng pagpili ng respondente
b. Instrumento ng pananaliksik
c. Disenyo ng pananaliksik
d. Kompyutasyong estadistika
e. Pamamaraan ng pagkalap ng datos
A. c,a,b,e,d B. c,d,e,b,a C. c,d,a,e,b D. c,d,e,a,b

40. Ang pagkilala sa pinagmulan ng mga idea, impormasyon, at datos ng pananaliksik


ay maihahalintulad sa paglahok sa isang pampublikong diyalogo. Ibig sabihin,
bukod sa mananaliksik ay maaaring marami nang naunang nag-isip tungkol sa
partikular na paksang nais mong unawain at pagyamanin. Mahalaga ang
pagbanggit at pagkilala sa iba pang mananaliksik na naging tuntungan at
pundasyon ng iyong pananaliksik.
Paano makatutulong ang pagkilala sa lahat ng mga impormasyon at datos sa
pagbuo ng pananaliksik?
A. Makatutulong ang pagkilala sa lahat ng mga impormasyon at datos sa pagbuo
ng pananaliksik sapagkat ang pagsambit ng mga pinagmulan ng impormasyon
at datos na ginamit na pundasyong ng iyong panananliksik ay sumusunod sa
etika ng pananaliksik ito ay isang responsibilidad upang maiwasan ang
plagiarism o pag angkin ng gawa.
B. Sa pamamagitan ng pagkilala sa mga impormasyon at datos ng pananaliksik ay
magiging orihinal ang pananaliksik. Matutukoy ang mga sagot sa mga tanong
at mabibigyang solusyon at konklusyon ang layunin ng panananliksik.
C. Ang pagkilala sa pinagmulan ng impormasyon o datos sa pagbuo ng
pananaliksik ay makatutulong upang maipakita ang pinagmulan o kagaya ng
pag-aaral upang maging batayan ito upang mabuo ang pananaliksik.

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION IV-A
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF CAVITE PROVINCE
D. Makatutulong sa pagbuo ng panananliksik ang pagkilala sa pinagmulan ng
impormasyon at datos upang mayroong pagkumparahan ang pag-aaral.
022 CAVITE BASIC EDUCATION ASSESSMENT (CBEA)
Sa Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t-Ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik- GRADE
11
KEY TO CORRECTION

Cavite Capitol Compound, Brgy. Luciano, Trece Martires City, Cavite


(046) 419-0014, 419-1286, 412-0349, 419-1739, 412-0849
www.depedcavite.com.ph
deped.cavite@deped.gov.ph

“Serbisyong Pang Edukasyong Tapat at Sapat para sa Batang KABITENYO”

You might also like