You are on page 1of 8

EDITORYAL

PUPOT KU, TIMUN KU


(Basura Ko, Sagot Ko)

Nagpatupad ng solusyon ang Baitang I – Nanding at I – Magsayo sa problemang basura ng


kanilang silid – aralan na sinang – ayunan ng punongguro ng paaralan, Bb. Mary Grace A.
Berdeprado.

Araw – araw na problema ng paaralang Krislamville Elementary School ang basura. Maliit ito na
paaralan kaya’t hindi rin kalakihan ang lugar at kakaunti ang lagayan ng basura sa labas ng
mga silid – aralan. Nang dahil doon, mabilis na napupuno ang basurahan at madalas na
umaawas dahilan para ito ay magkalat. Halos araw – araw na naiipon lamang ang mga basura
ng paaralan sapagkat isang beses lamang sa isang linggo dumarating ang “truck” na
nagkokolekta ng basura. Sa kasamaang palad, sa tuwing umuulan nang malakas ay binabaha
ang eskwelahan at ang mga basura ay inaanod at lalong kumakalat sa paligid.

Isang sako ng basura kada araw ang naiipon sa loob ng silid – aralan ng unang baitang Nanding
at Magsayo. Ang seksyong Nanding ay mayroong 38 na mag-aaral samantalang 37 naman sa
seksyon ng Magsayo na may kabuuang bilang na 75 mag – aaral. Sa 75 na mag-aaral, bawat isa
ay higit sa dalawang pakete ng pagkain ang nauubos kada recess. Nang dahil dito, dumarami
rin ang basura na itinatapon ng bawat bata.

Ang mga basura at iba pang lusaw (liquidwastes) at buo (solid wastes) na hindi wastong
pinamamahalaan ay isang malubhang panganib sa kalusugan at naghahatid ng mga sakit na
nakahahawa. Ang mga basurang pinababayaang nakatiwangwang ay umaakit sa mga langaw,
lamok, ipis, mga daga at iba pang mga hayop na nagkakalat ng mga sakit.

Nangamba ang dalawang guro sa maaaring epekto ng problema nila sa basura sa kalusugan ng
mga mag – aaral. Kaya’t nag – isip at nakabuo sila ng solusyon patungkol sa nasabing problema
mula sa tanyag na kasabihang, “Tapat Ko, Linis Ko” ni Kap Ruel S. Marpa. Nagpatawag ng
pagpupulong ang dalawang guro mula sa unang baitang sa mga magulang. Sa pagpupulong na
ito, napagsang – ayunan ng mga guro at ng mga magulang na sa bawat araw na pagpasok ng
mga mag – aaral sa klase ay kinakailangang may dala silang sariling supot na kung saan
ilalagay nila ang kanilang mga basura. Ang naturang mga supot ay kinakailangan rin nilang
dalhin pauwi sa kanilang mga tahanan at itatapon sa tamang lagayan nito. Bago isinagawa ang
solusyong iyo, tinuruan ang mga mag – aaral ng tamang paghihiwalay ng mga basura. Mula sa
mga nabubulok at hindi – nabubulok.

Malaki ang naging kooperasyon ng mga magulang sa pagpapatupad ng solusyon na ito. Ayon sa
kanila, masaya silang maagang natuturuan ang kanilang mga anak tungkol sa kalinisan at
pagpapahalaga sa kapaligiran. Ang solusyong ito ay nakita ng ilang guro sa paaralan na mabisa
at epektibo sa pagbawas ng mga basura sa paaralan at silid – aralan kaya’t nahikayat silang
ipatupad ito sa kanilang mga klase

Ang kalusugan ay isang mahalagang salik sa karunungan ng bawat batang Pilipino. Ang
pagkakaroon nila ng sakit ang isa sa mga pangunahing dahilan kung bakit lumiliban ang mga
ito sa klase. Kaya, mahalagang panatilihin ang kalinisan.
ANG KABATAANG MAG - AARAL SA PANAHON NG RAMADHAN
Zuwaina S. Ambong

Ang kabataang mag-aaral na Muslim at kristiyano ng Krislamville Elementary School ay masaya


sa pagkat binago pansamantala ang schedule ng klase sa bawat asignatura.

Ang schedule ng klase sa lahat ng paaralan ng MBHTE - BARMM ay pinaikli sa pamamagitan ng


pagbawas sa oras ng bawat subject, na ginawang 40 minuto na lamang mula sa dating isang
oras. Kaya, ang mga batang bangsamoro na nag-aayuno ay nagkaroon ng mahabang oras upang
maglibang katulad ng pakikipag-kwentuhan sa kaibigan, paglalaro, panonood ng telebisyon, at
pagbabasa ng libro. Maaari rin nilang magamit ang oras nila sa paggawa ng kanilang takdang
aralin. Dahil sa mga ito, pansamantala nilang nakakalimutan ang gutom at uhaw hanggang sa
pagsapit ng Iftar.

Ang mga kabataang hindi nag-aayuno katulad ng mga kristiyano, mga batang may mga
karamdaman, at mga batang bagsamoro na wala pa sa tamang edad para mag-ayuno ay
masayang tinatamasa ang prelibihiyong ito.

Ang Ramadan ay isang kaganapang panrelihiyon ng mga Muslim na nagaganap tuwing ika-


siyam na buwan sa kalendaryong Islam, kung kailan naihayag ang Qur'an. Ito ang panahon
ng pag-aayuno (sawm), pagdarasal, pagnilay, at pamayanan.  Ito ay ang hindi pagkain at pag –
inom ng mga mananampalatayang Muslim mula madaling araw bago mag bukang liwayway
hanggang sa paglubog ng araw sa hapon. Ito ay isa sa five pillars of Islam. Ito ay nagsisimula at
nagtatapos sa pagpapakita ng buwan o crescent moon sa bawat taon. Sa buwan na ito
ineensayo ng Muslim ang pagpapasensya at pansariling disiplina, dahil bawal magsalita ng
hindi kanais - nais ang taong nag-aayuno. Sa panahong ito, sila ay nagdarasal tuwing gabi
(tarawee) bukod sa limang Salah na ginagawa nila kahit hindi Ramadhan. Dahil dito, mas lalong
napapalapit sa Allah ang kabataang bangsamoro. Sa buwan na ito ibinigay ng Allah ang banal
na Qur’an kay Prophet Muhammad S.A.W. Naniniwala rin ang mga Muslim na sa tuwing
sumasapit ang buwan ng Ramadan ay binubuksan ni Allah ang pintuan ng paraiso at isinasara
nito ang pintuan ng impyerno at ikinakadena ang mga demonyo. Kaya naman upang
makapasok sa paraiso ay kailangan nilang sumunod sa pinaguutos ni Allah at iwasan ang mga
ipinagbabawal Niya. Ito rin ang buwan na kung saan naniniwala ang mga Muslim na kung sino
mang maghapong mag-aayuno ay mapapatawad ni Allah sa kaniyang mga nagawang kasalanan.
Lalo na kung ito ay sasabayan ng pagdarasal sa bawat gabi ng buong buwan. Sa buwan din ng
Ramadan nabibilang ang dakilang gabi o gabi ng kapasiyahan sa mga Muslim. Kilala rin ito sa
tawag na Lailat-ul-Qad’r o Night of Power. Ito ang ika-27 na araw ng buwan ng Ramadan. Ang
gabi na kung saan naniniwala ang mga Muslim na anumang kanilang hilingin ay bibigyang
katuparan ni Allah.
Nang dahil sa mga prebilihiyong binibigay ng Ramadhan sa mga muslim, ang mga batang
bangsamoro ay nagsasakripisyo sa kabila ng init ng panahon na kung saan nasusubok ang
kanilang sab’r sa gutom at uhaw. Kaya’t ang pagbawas sa oras ng kanilang klase ay
nakakatulong upang maisagawa at maitawid nila ang kanilang pag – aayuno.

BALITA

KRISLAMVILLE: MALULUBOG SUBALIT HINDI MALULUNOD


Princess T. Bolongon

Sa kabila ng hagupit ng bagyong Paeng, Krislamville Elementary School (KES) nanatiling


matatag.

Noong Oktubre 27, 2022, sinalanta ng bagyong Paeng ang ilang bahagi ng Mindanao na
nagdulot ng malaking pinsala sa mga lugar na apektado nito. Kabilang na rito ang paaralang
elementarya ng Krislamville at ang ilang bahagi ng pamayanan nito.

Ayon sa mga impormasyon, ang Bagyong Paeng ay isa sa mga malakas na bagyo sa Pilipinas. Ito
ay namataan bilang low pressure area (LPA) na may taglay na lakas ng hangin na aabot sa 30
knots (55 km/h; 35 mph), at bugso na aabot sa 45 knots (85 km/h; 50 mph), Ang sistema ay
kumikilos sa direksyong pa-kanluran sa bilis na 6 kn (11 km/h; 6.9 mph). Ika Oktubre 28 ay
nakapagtala ng 31 katao na nasawi sa Maguindanao, 40 ang nasawi sa Luzon, at mahigit 80
milyon halagang pinsala ang iniwan ng bagyo sa Kanlurang Kabisayaan sa loob ng dalawang
araw ika Oktubre 28, at 29. Nasira ang tulay na nagdudugtong sa mga lalawigan ng Batangas -
Quezon. Nagdeklara ang lalawigan ng Maguindanao, Negros Occidental, Aklan, Capiz at sa
lungsod ng San Pablo, Laguna ng State of Calamity, dahil sa pinsalang iniwan ng bagyo, na
nagdulot ng paglubog ng mga kabahayan dahil sa pagbaha.

Para sa KES, ang bagyong Paeng ay isa lamang sa mga pagsubok na dumaan at nalampasan ng
paaralan sa kabila ng malaking pinsalang dulot nito hindi lamang sa pamayanan ng Krislamville
ngunit sa buong Cotabato City at sa mga karatig lugar nito. Iilang bagyo na ang dumaan, iilan
nang pagkalubog sa baha ang naranasan ng paaralan, iilang mga kagamitan na ang nasira at
nawala nang dahil sa pag – ulan nang malakas ngunit nanatili pa ring nakatayo at matatag ang
paaralan.

Ang pagbaha ang pangunahing problemang kinakaharap ng paaralan. Kaunting ulan lamang ay
mabilis nang tumataas ang tubig at pumapasok sa loob ng mga silid – aralan. Maraming beses
nang lumubog sa baha ang paaralan at maraming beses na rin itong bumangon. Sabi nga ng
isang unknown author, “Maging matatag, sapagkat magiging maayos din ang lahat. Marahil
ngayon ay bagyo, ngunit ulan ay titila rin.” Kung kaya sa Krislamville, kahit ilang bagyo at baha
pa ang mangyari, hindi ito magiging hadlang para pagbutihan pa ng mga guro ang pagbabahagi
ng kaalaman sa mga mag – aaral. Marahil nang dahil sa baha ay nasira at nawala ang ilan sa
mga pinaghirapang mga gamit sa pagkatuto, pagbasa, report forms at school forms. Bukod doon
ay kinakailangan pang maglinis sa buong paaralan at sa mga silid – aralan kapag humupa na
ang baha. Nang dahil sa paulit – ulit nang karanasan sa pagbaha, natuto ang mga guro ng mga
pamamaraan kung paano maiwasan ang pagkasira ng mga mahahalagang bagay sa loob ng silid
– aralan. Ilan sa mga pamamaraang ito ay ang paglalagay ng mga mahahalagang gamit sa
mataas na parte ng silid – aralan upang hindi abutin ng tubig kung sakaling magkaroon ng
pagbaha kung kaya’t nag – install ang paaralan ng mga istante sa bawat silid – aralan sa
matataas na parte nito.

Ang tanging solusyon sa problemang ito ng paaralan ay ang pagpapataas ng ground at pag –
ayos sa mga sirang silid – aralan. Subalit habang hindi pa ‘yon naisasakatuparan ay patuloy na
lamang sa mga malilit na paraan ang mga guro para maiwasan ang pagkasira ng mga
kagamitan sa tuwing bumabaha. Higit pa roon ay ang pagpapanatili sa sarili na maging matatag
at positibo sa bawat pagsubok na haharapin bilang isang guro.

GUHIT AT GAWA: PAYONG NA MAY MALALIM NA KAHULUGAN


Johailih Butuan

Nagkaroon ng UMBRELLA ART CONTEST @ Children's Park ang City Government of


Cotabato kasama ang mga barangay sa lungsod noong February 28 hanggang Marso 3, 2023 na
may temang "ANI NG SINING, BUNGA NG GALING". Isa sa mga partisipante ang Barangay
Rosary Heights VI na nilahokan ng mag - aaral at guro ng Paaralang Elementarya ng
Krislamville na sina Maam Beatriz B. Kabalu at ang dalawang mag - aaral na sina Mohayffah M.
Kusain at Eric John Recilles.

Ayon kay Ma’am Bhea Kabalu, isa sa mga eksperto sa pagguhit sa paaralan, "Ang
pagguhit ng payong ay isa sa mga magandang paraan upang magpakita ng personal na
kahulugan sa bawat obra at maari rin itong magpakita ng iba't ibang klase ng emosyon. Hindi
lamang ito simpleng bagay, ito ay maaring magpakita ng pag - asa proteksyon o maging simbolo
ng pagtitiis. Kaya ito ay napakahalaga na isaalalang - alang ang mga detalye sa bawat pagguhit".

Kahit hindi nagkaroon ng panalo ang mga lumahok, sobrang napakasaya nila sapagkat
nagkaroon sila ng ng napakandang karanasan sa paggawa nito sa tulong ng mga taong
sumuporta at tumulong sa nasabing paligsahan.

Ang pagguhit ng payong ay isang magandang paraan upang magpakita ng kahulugan at


pagsasama ng mga ideya. Kahit na may kritikal na detalye sa bawat gawa, hindi ito ikababahala
dahil ang pagguhit ay nagpapakita lamang ng kung ano ang nasa isip ng artistang gumuhit.
CONGRESSWOMAN BAI DIMPLE MASTURA, NAMIGAY NG MGA SCHOOL SUPPLIES SA MGA
MAG – AARAL NG KRISLAMVILLE ELEMENTARY SCHOOL
Bai Zuhainie G. Madidis

Noong February 28, 2023, binisita ni Congresswoman Bai Dimple Mastura ang Krislamville
Elementary School at namahagi ng school supplies at pagkain sa mga mag – aaral.

Walang mapagsidlan ng kasiyahan ang mahigit sa apat na raan (400) na mag - aaral ng
Krislamville Elementary School matapos makatanggap ng mga school supplies mula kay
Maguindanao del Norte with Cotabato City Representative Bai Dimple Mastura.

Isang malaking bagay para sa mga mag – aaral ng Krislamville ang pagbisita at ang pagbahagi
ng mga kagamitan at pagkain ni Congresswoman Bai Dimple Mastura sa mga ito. Hindi araw –
araw ay may bumibisita at namamahagi ng tulong sa paaralan kung kaya’t masayang – masaya
ang mga batang makita ang kongresista. Hindi lamang mga mag – aaral ang natuwa sa pagbisita
nito kundi pati na rin ang mga guro.

Sa pagbisita ng kongresista, ipinakilala niya ang kanyang organisasyon na tumutulong sa mga


mahihirap na may karamdaman o sakit. Ito ay ang Limo. Sa kanyang talumpati, pinasalamatan
ng Kongresista ang mga guro sa nasabing paaralan sa kanilang husay at galing sa pagsusulong
ng de-kalidad na edukasyon sa mga mag-aaral sa kabila ng mga pagsubok na kanilang
kinakaharap.

“Walang pinipili ang aking serbisyong may puso. Wala akong pinipili sa aking pagsisilbi sa
bayan. Sinuportahan n’yo man ako o hindi noong nakaraang eleksyon, ang aking
panunungkulan ay para sa lahat” ani Congw. Bai Dimple Mastura.

Lathalain
Batang Manunulat, Kaya Mo Ba?
Sheica Elainne G. Raguiamuda

Pangarap mo bang maging isa sa susunod na mahuhusay na manunulat? o marahil gusto mo


lamang sumulat ng mas maganda o maayos na sanaysay para sa paaralan? Kailangan mong
patalasin ang iyong kasanayan sa pagsusulat.

Ang paaralan ng Krislamville Elementary School (KES) ay naghahanda sa papalapit na Division


Schools Press Conference sa darating na Hunyo 2 - 3, 2023 na gaganapin sa Cotabato City.

Ang nalalapit na Division Schools Press Conference ay pagtatagisan ng mga mag-aaral sa


elementarya at secondarya bilang mga kalahok sa iba’t – ibang kaganapan katulad ng pagsulat
ng balita, editoryal, lathlain, balitang isports, at iba pa. Ang bawat paaralan ay naghahanda at
nagsusumikap na masungkit ang unang pwesto o panalo sa bawat kategorya.

Sa tulong ng mga advisers, inaasahang magiging matagumpay ang daloy ng pagsasanay sa mga
napiling mamamahayag upang makapaghanda at mahubog ang kasanayan ng mga ito sa
larangan ng pamamahayag. Ngunit, hindi biro ang maging mahusay na manunulat. Ito ay
nangangailangan ng pagsusumikap na kung saan ay sulit naman ang iyong pinaghirapan. Lahat
ng nagsusulat ay nagiging mahusay, ngunit walang manunulat na perpekto. Bago ka sumulat
ng kahit na anong magustuhan mo, tanungin mo muna ang iyong sarili. "Bakit ba ako
magsusulat? Ano ang gusto mong kalabasan ng iyong isusulat? Sumusulat ka ba para
magpasaya ng umaga ng isang tao?" Ang pinakamainam ay ang may kaugaliang magkaroon ng
isang malinaw na layunin o intension

Isulat mo ang iyong mga ideya. Lagi kang maghawak ng isang maliit na notebook. Nakakatulong
ang palaging pagsusulat ng iyong mga ideya dahil maaari itong magbigay sa iyo ng inspirasyon o
aktwal na direktang mapunta sa iyong pagsusulat.

Batang manunulat, kayang kaya!

BATA, BATA SA BULATE AY WALANG KAWALA


May kasabihan masarap daw maging bata
Laro, takbo, habulan dito at doon.
Walang alintana at alinlangan sa mundong kanyang angkin
Masiyahan lamang ang kanyang damdamin.

Sa murang isipa' y walang kaba at pag –alala


Hindi inaakala na sa paggala at saya
Mikrobyo at bulate ay dala - dala.
Paghuhugas ng kamay ay di ginagawa
Kumakain nang nagkakamay at walang kutsara,
Kaya hayun ! bulate ay masaya,
Sa loob ng bituka ang kanyang lungga
Habang tumatagal tiyan ay lumalaki na
Kailangan mo na talagang magpurga,
Upang bulate ay bye bye na.
Kaya mga bata upang sakit ay maiwasan
Kalinisan ay dapat gawin at huwag balewalain.
Laging isaisip salat man sa salapi at mga material na bagay
Kalusugan ay kayamanan.

BALITANG ISPORTS

PALAKASAN SA DISTRITO OTSO


Sittie Ayanah M. Salik

Binuksan noong Enero 20, 2023 ang kauna – unahang District Meet sa Distrito Otso matapos
ang pandemiya.

Ang District Meet ay isang paligsahan sa larangan ng isports sa buong distrito. Ang Distrito Otso
ay binubuo ng mga paaralang Vilo Central Elementary School, Krislamville Elementary School,
Don E. Sero Elementary School, Don E. Sero High School, J.Marquez High School para sa mga
pampublikong paaralan. Notre Dame University – ETD, Notre Dame Junior High School, Notre
Dame Senior High School at Dr. P. Ocampo Colleges, Inc. – Basic Education Department naman
mula sa mga pribadong paaralan.

Ito ang kauna – unahang district meet na naganap matapos ang dalawang taon ng pandemiya
kaya naman magkahalong kaba at tuwa ang nararamdaman ng bawat manlalaro.

Ang bawat laro ay ginawa nang sabay – sabay. Ang Krislamville Elementary School ay sumali sa
mga paligsahan sa chess, badminton, basketball at athletics. Ang unang araw ng paligsahan ay
sinimulan noong Enero 28, 2023, araw ng Sabado na ipinagpatuloy muli noong Pebrero 4, 2023
para sa ikalawang araw ng paligsahan. Natapos ang nasabing paligsahan at isinagawa ang
awarding noong Pebrero 10, 2023.

You might also like