You are on page 1of 11

PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA

N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

Posisyong Papel Ukol sa Makatuwirang Akademikong Aktibidad ng mga Mag-

aaral Mula sa Ika-Labindalawang Baitang sa Pamantasan ng Lungsod ng

Valenzuela

Benoza, Kenneth R.
Carreon, Christian O.
Clave, Cathrina G.
Nazareno, Jhona P.
Quimpo, Maritoni Andrea B.
Talidano, Karen A.

Enero, 2021
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

Petsa: Enero 13, 2021

Bb. Avegail Nichole Ruiz

Guro

Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela

Posisyong Papel Ukol sa Makatuwirang Akademikong Aktibidad ng mga Mag-


aaral Mula sa Ika-Labindalawang Baitang sa Pamantasan ng Lungsod ng
Valenzuela

Magandang araw sa iyo Binibining Avegail Nichole Ruiz, kami ang ikalimang pangkat
mula sa seksyon ng ABM 12-5 at naririto kami upang magpahiwatig ng aming opisyal
na posisyon patungkol sa mga makatwirang akademikong aktibidad ng mga mag-aaral
mula sa ika- labindalawang baitang sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela:

Ayon sa isang kasabihan, "Ang edukasyon ay ang tanging yaman na hindi


mananakaw ninuman, kaya’t kailangang pahalagahan". Bagaman paulit-ulit natin itong
naririnig, hindi maikakaila ang katotohanang taglay nito. Sa pag-usbong ng COVID-19
Virus, naapektuhan nito ang maraming larangan sa bansa, kabilang na ang edukasyon.
Ipinatigil ang pagpatakbo ng mga paaralan sa bansa bilang proteksyon sa lahat. Ngunit
dahil sa makabagong panahon ngayon, nakaisip ng alternatibong paraan ang
Department of Education kung paano maipagpapatuloy ang edukasyon sa kalagitnaan
ng pandemya. Naimplementa ang pagsasagawa ng blended learning kung saan ay
maaari nang makapag-aral gamit ang mga makabagong teknolohiya at internet.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

Bagama’t nasimulan at naging matagumpay ang panukalang ito, habang lumalaon ay


nakararanas na ng paunti-unting aberya at problema ang mga guro at mag-aaral. Mula
sa kinagisnang personal at interaktibong talakayan sa loob ng silid-aralan, napalitan ito
ng pagharap sa iba't-ibang gadgets sa loob ng ilang oras. Dahil sa biglaang pagbabago
ng sistema, nanibago ang lahat sa pamamaraan ng pagdaloy ng kaalaman. Umusbong
din ang mga problema patungkol ibang mga kabataang kapos-palad na walang
kakayahang makapagpundar ng sariling kagamitan. Talamak din ang pambabatikos ng
ilan sa internet connection dahil sa mabagal nitong serbisyo, kakulangan sa oras at
interaksyon sa talakayan na humahantong sa hindi pagkatuto ng mga mag-aaral, at ang
kakulangan ng assessments at pagsusulit na nagiging sanhi ng pagbibigay ng hindi
makatarungang dami ng mga akademikong aktibidad na inaatas sa mga mag-aaral.

Ang mga mag-aaral mula sa ika- labindalawang baitang ng Pamantasan ng Lungsod


ng Valenzuela ay isa sa mga nakararanas ng ganitong uri ng sistema na kinakailangan
ng dagadg na sikap, hindi lamang sa pagkatuto, kundi na rin sa mga aktibidad na
ibinibigay ng mga guro. Dahil dito, kabilaang stress, pagkatuliro, time pressure, at
pagdarahop ang natatamo ng mga mag-aaral na kahit sila ay nasa bahay lamang at
masasabing mas kaunti lamang ang kanilang ginagawa, mas napaparami ito dahil na
rin sa pinagsamang obligasyon sa tahanan at mabigat na gawaing pampaaralan.

Upang bigyang dinig ang banda ng mga guro sa naturang isyu, naririto ang ilang kontra-
argumento sa posisyong papel na ito:

Ang online class ay isa sa mga nakikitang magandang paraan upang maipagpatuloy
ang pag-aaral ng mga estudyante na hindi kinakailangang pisikal na pumasok sa
paaralan. Kaya naman bilang bahagi ng tinatawag na "new normal", ang mga aralin o
gawain na para sa mga estudyante ay inihahatid sa pamamagitan ng mga applications
tulad ng Google Classroom at Messenger. Dahil din dito, sinasabing mas napapadali
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

ang mga gawain sa online class sapagkat ang lahat ng mga estudyante ay nasa bahay
lamang at madaling makakalap ng mga imporamsyon na maaaring makita sa Chrome o
iba pang mga applications kaya mailalaan ang mas malaking oras sa paggawa ng mga
aktibidad. Idagdag pa rito ang pagbibigay ng maraming gawain sa mga estudyante
upang ma-ensayo ang kanilang pag-aaral at pang-unawa sa mismong aralin na
ibinibigay ng mga guro na siyang nagiging daan upang malinang ang kanilang mga
kakayahan. Sinasabing ang dahilan ng pagbibigay ng mga gawaing ito ay ito lamang
ang paraan upang makakuha o makapag kompyut ng grado ng mga estudyante ang
mga guro. Dahil sa hindi pinahihintulutan ang face-to-face na klase, ito ang naisip na
mabisang paraan upang makapagbigay ng remarks ang mga guro sa kakayahan ng
mga estudyante.

Upang bigyang tindig naman ang posisyon ng mga mag-aaral ng ikalabindalawang


baitang sa Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, naririto ang nailathala naming
posibleng solusyon upang magkaroon ng kahit papano’y katiwasayan ang kanilang
loob:

1. Magkaroon ng napagusapang iskedyul ang bawat guro na kung saan nakahanay ang
kanilang araw ng pagpapagawa ng akademikong aktibidad.

2. Magkaroon ng higit na mas mahabang panahon na palugit at pag-unawa sa pagpasa


ng mga akademikong aktibidad kapag nagsasabay-sabay ang bawat asignatura sa
pagbibigay nito.

3. Maglaan ng isang mahabang panahon ang mga guro sa pagpapaliwanag ng mga


gawaing kanilang iniatas sa mga mag-aaral.

4. Magbigay ng mas mahabang panahon sa mga indibidwal na gawain at ikonsidera


ang mga paghihirap ng mga mag-aaral kapag naman sa pangkatang gawain.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

5. Kung maaari ay makakapag-extend ang mga guro sa bawat paksang kanilang


tinatalakay, maaaring ito’y tumagal ng 30 minuto hanggang isang oras.

MAGKAROON NG NAPAGUSAPANG ISKEDYUL ANG BAWAT GURO NA KUNG


SAAN NAKAHANAY ANG KANILANG ARAW NG PAGPAPAGAWA NG
AKADEMIKONG AKTIBIDAD. Naniniwala kaming ikalimang pangkat na ito ay isa sa
posibleng maging solusyon sa hindi makatwirang akademikong aktibidad ng mga mag-
aaral sa mga kadahilanang:

a. Mas mapapag-usapan ng mga guro ang bawat akademikong aktibidad na kanilang


pinapagawa at makakasama rin sa kanilang konsiderasyon ang antas ng hirap ng mga
gawaing kanilang inatas sa mga mag-aaral.

b. Maisasaayos ang iskedyul ng mga araw ng pagpapagawa at maiiwasan ang sobrang


pagsasabay-sabay ng mga ito.

c. Magiging pabor sa mga mag-aaral ang oras ng kanilang paggawa na walang


inaalalang iba pang mga akademikong gawain.

Kung ito ay sang-ayunan ng pakultad ng mga guro ng ikalabindalawang baitang sa


Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, naririto ang ilang kahilingan na inilatag ng
ikalimang pangkat:

a. Magkaroon ng talahanayan ng mga gawain na kung saan ay gawa ito ng mga guro
mula sa kanilang mga napagkasunduang petsa at araw ng paggawa ng mga mag-aaral.

b. Nakasaad sa talahanayang ito na hanggang tatlong asignatura lamang ang maaring


magbigay ng kanilang gawain sa isang linggo at ang ibang at natirang asignatura
naman ay sa mga susunod na linggo.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

c. Hahatiin ang pagpapagawa ng bawat asignatura sa tatlo sa unang linggo, tatlo muli
sa ikalawang linggo at ang huling dalawa sa ikatlong linggo.

d. Ang panukalang ito ay hindi maapektuhan ang araw ng pagsusulit subalit


inirerekomenda rin na ilagay sa ikaapat na linggo ang pangkalahatang pagsusulit na
susubok sa natutunan ng mga mag-aaral.

e. Ang diskusyon sa bawat paksang ituturo ay hindi rin maaapektuhan sapagkat ito ay
patuloy na nagaganap tuwing may regular na pagpupulong.

MAGKAROON NG HIGIT NA MAS MAHABANG PANAHON NA PALUGIT AT PAG-


UNAWA SA PAGPASA NG MGA AKADEMIKONG AKTIBIDAD KAPAG
NAGSASABAY-SABAY ANG BAWAT ASIGNATURA SA PAGBIBIGAY NITO.
Naniniwala kaming ikalimang pangkat na ito ay isa sa posibleng maging solusyon sa
hindi makatwirang akademikong aktibidad ng mga mag-aaral sa mga kadahilanang:

a. Mas magiging maganda ang kalidad ng gawa ng mag-aaral dahil sa hindi masyadong
paghadlang ng time pressure.

b. Mas mapapagtuunan ng pansin ng mga mag-aaral ang paksa at mabibigyang oras


silang makapagbasa-basa at mabalikan ang mga naiturong leksyon ng mga guro.

c. Hindi magiging hadlang ang mga akademikong aktibidad sa mga responsibilidad ng


bawat isa sa kani-kanilang tahanan.

Kung ito ay sang-ayunan ng pakultad ng mga guro ng ikalabindalawang baitang sa


Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, naririto ang ilang kahilingan na inilatag ng
ikalimang pangkat:
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

a. Maaaring magbigay ang mga guro ng palugit na isa hanggang isa’t kalahating linggo
sa paggawa ng mga mag-aaral ng mga akademikong gawain kapag nagkasasabay-
sabay ang apat o higit pang mga asignatura sa pagpapagawa.

b. Upang matiyak ng mga guro na sulit ang kanilang ibinigay na mahabang oras sa
pagpapagawa ng mga akademikong aktibidad, kada pagpupulong ay kinakailangang
kamustahin ang bawat progreso sa mga ito.

c. Upang matiyak naman na mas nakikintal ang mga paksang itinuro ay kada simula ng
klase ay may maikling rebyu mula sa nakalipas na paksa at ito’y hindi sapilitan, bagkus
sa may gusto lamang.

MAGLAAN NG ISANG MAHABANG PANAHON ANG MGA GURO SA


PAGPAPALIWANAG NG MGA GAWAING KANILANG INIATAS SA MGA MAG-
AARAL. Naniniwala kaming ikalimang pangkat na ito ay isa sa posibleng maging
solusyon sa hindi makatwirang akademikong aktibidad ng mga mag-aaral sa mga
kadahilanang:

a. Mas naipaliliwanag ng mas maayos ng guro ang mga panuto at alituntunin sa


paggawa ng isang akademikong aktibidad.

b. Maaaring makapagtanong ang mga mag-aaral ng malaya sa bawat konseptong


kanilang gagawin sa oras ng pagpupulong.

c. Nailalahad ng bawat isa ang kanilang suhestiyon sa guro sa pagpapabuti ng


akademikong aktibidad.

d. Nagiging panahon upang makapagpulong kung sakali man ito’y isang pangkatang
gawain at makakapagkonsulta ang bawat pangkat sa kanilang guro.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

Kung ito ay sang-ayunan ng pakultad ng mga guro ng ikalabindalawang baitang sa


Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, naririto ang ilang kahilingan na inilatag ng
ikalimang pangkat:

a. Magkakaroon ng oras ng konsultasyon ng bawat gawain na isasagawa sa isang


video call app tulad ng Google Meet at Zoom kung ito ay isang pangkatang gawain.

b. Ang konsultasyon ay maaaring gawin sa oras ng klase o kaya ay gawin sa ibang oras
mula ala-una hanggang alas-tres ng hapon kung ito ay isang pangkatang gawain.

c. Sa isang pangkat, bibigyang pagkakataon na makipagpulong sa guro na tatagal ng


30 minuto hanggang 45 minuto lamang.

d. Kung ang akademikong aktibidad na ipinapagawa ay pang-indibidwal lamang, ang


mga guro ay dapat ipresenta ito at ipaliwanag ng 15 minuto bago matapos ang
pagpupulong upang mabigyang pagkakataon na mapalinaw sa ang gawain sa kaisipan
ng mga mag-aaral.

e. Sa oras ng konsultasyon ay malayang itanong lahat ng mga bagay at agam-agam


patungkol sa akademikong aktibidad na inatas.

MAGBIGAY NG MAS MAHABANG PANAHON SA MGA INDIBIDWAL NA GAWAIN


AT IKONSIDERA ANG MGA PAGHIHIRAP NG MGA MAG-AARAL KAPAG NAMAN
SA PANGKATANG GAWAIN. Naniniwala kaming ikalimang pangkat na ito ay isa sa
posibleng maging solusyon sa hindi makatwirang akademikong aktibidad ng mga mag-
aaral sa mga kadahilanang:

a. Kinakailangan ng mas komprehensibong pagdedesisyon sa indibidwal na mga


akademikong aktibidad sapagkat sarili lamang ang idinadala at walang ibang
mahihingian ng ideya.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

b. Kinakailangan ang mga pangkatang gawain ay angkop lamang at possible lamang na


magagawa na hindi kinakailangan ng harapan at personal na pagpupulong.

c. Masusuklian ng wasto ang mga paghihirap at sa mahabang panahon sa mga


indibidwal na gawain ay mas maipapakita ng isang mag-aaral ang kanyang talent at
kagalingan.

Kung ito ay sang-ayunan ng pakultad ng mga guro ng ikalabindalawang baitang sa


Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, naririto ang ilang kahilingan na inilatag ng
ikalimang pangkat:

a. Kung sakali naman na hindi talaga kayanin ng panahon at maikli lamang ang palugit
na maibibigay ng guro, konsiderahin ang mababang kalidad ng kalalabasan ng
aktibidad.

b. Dahil sa mahabang panahon ng paggawa, kinakailangang sa tuwing may


pagpupulong at nasasagawa ang pagpapakita ng progreso ng bawat akademikong
aktibidad, ito ay nararapat lamang na markahan sapagkat naipapakita rito na ginagawa
ng isang mag-aaral ang isang akademikong aktibidad.

c. Sa bawat pangkatang gawain ay may nakaatas na maging lider ng bawat pangkat at


siya ang mag-uulat ng bawat progreso rito. Kinailangang maging tapat sapagkat ito rin
ay kasama sa mamarkahan ng guro.

KUNG MAAARI AY MAKAKAPAG-EXTEND ANG MGA GURO SA BAWAT


PAKSANG KANILANG TINATALAKAY, MAAARING ITO’Y TUMAGAL NG 30
MINUTO HANGGANG ISANG ORAS. Naniniwala kaming ikalimang pangkat na ito ay
isa sa posibleng maging solusyon sa hindi makatwirang akademikong aktibidad ng mga
mag-aaral sa mga kadahilanang:
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

a. Mas nalalaman at napapagkonekta ng mga mag-aaral ang paksa sa gagawin nilang


akademikong aktibidad.

b. Mas maraming natututunan ang isang mag-aaral at hindi lamang pagkatuto sa


pagsunod sa mga akademikong aktibidad.

c. Sa pagpapalawig ng kaalaman ay mas nagiging malalim ang nagagawa ng isang


mag-aaral sa kaniyang akademikong aktibidad.

d. Nagbibigyang gabay ang mga mag-aaral para sa ikabubuti at ikagaganda ng


kanilang akademikong aktibidad.

Kung ito ay sang-ayunan ng pakultad ng mga guro ng ikalabindalawang baitang sa


Pamantasan ng Lungsod ng Valenzuela, naririto ang ilang kahilingan na inilatag ng
ikalimang pangkat:

a. Ang ilalaan na 30 minuto hanggang isang oras na talakayan ay bukod pa sa 30


minuto hanggang 45 minutong pagkokonsulta sa akademikong aktibidad na nauna
nang nabanggit.

b. Ang nasabing extension ng oras ay isa lamang normal na talakayan at pagpupulong.

c. Ang extension ng oras ay inirerekomendang gamitin ng guro sa isang maliit na


gawain na kayang tapusin sa oras na nasaad at ito ay isang kaunti pahapyaw at
paunang gawain bago iaplika ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong gawain.

d. Sa nabanggit na paunang gawain, ito ay lumilinang sa totoong nalaman at natutunan


ng mag-aaral na maaari niyang gamitin sa kanyang akademikong gawain.

e. Ang paunang gawain ay hindi kinakailangan na markado ng guro sapagkat ito ay


isang pag-ensayo lamang.
PAMANTASAN NG LUNGSOD NG VALENZUELA
N Tongco St., Brgy. Maysan, Valenzuela City

Bilang pagtatapos ng posisyong papel na ito, ipinaglalaban ng mga mag-aaral ang


kanilang katwiran na magkaroon ng napagusapang iskedyul ang bawat guro na kung
saan nakahanay ang kanilang araw ng pagpapagawa ng akademikong aktibidad.
Isinasaad din ng mga mag-aaral na magkaroon ng higit na mas mahabang panahong
palugit at pang-unawa sa pagpasa ng mga akademikong aktibidad kungnagsasabay-
sabay ang bawat asignatura sa pagbibigay nito. Kasama rin ang paglalaan ng isang
mahabang panahon ang mga guro sa pagpapaliwanag ng mga gawaing kanilang
iniatas sa mga mag-aaral. Nais din na magbigay ng mas mahabang panahon sa mga
indibidwal na gawain at ikonsidera ang mga paghihirap ng mga mag-aaral. Naniniwala
ang mga mag-aaral na dahil sa labis na aktibidad para sa kanila, ito ay nagdudulot ng
hindi pagkakaroon ng maayos na pisikal at mental na kalusugan. Kahit sila ay nasa
bahay lamang at masasabing mas kaunti lamang ang kanilang ginagawa, mas
napaparami ito dahil na rin sa pinagsamang obligasyon sa tahanan at mga gawaing
pampaaralan. Sa panukalang inihain ng ikalimang pangkat, maaari itong maging
hakbang sa suliranin ng kapwa namin mag-aaral upang mabigyang boses ang kanilang
mga hinaing ukol sa usaping ito.

You might also like