You are on page 1of 1

ULO NG BALITA

Paglalarawan ng aking Sitwasyon


Mahigit 25 taong guro na kasalukuyang nakatira at nagtuturo sa Bayan ng Manito, Barangay Balasbas.
Bagama’t may layong 3.5 kilometro sa Bayan ng Manito at mahigit 12 kilometro naman ang layo nito sa
syudad ng Legazpi, pinili ko pa ring magturo dito dahil sa simple, payak at masaya ang buhay sa aming
barangay.

Pagsasaka, pangingisda, pagtatanim at pag-aalaga ng mga hayop ang ilan sa mga pangunahing
hanapbuhay dito. Maliit lamang ang aming barangay kung kaya’t kilala namin kung sino ang mga tagarito
at kung sino ang mga dayuhan lamang. Masayahin at mapagbigay ang aking mga kapitbahay. Isa sa
pinakamagandang kaugalian dito ay ang Pagbabayanihan. Nagtutulungan ang bawat isa lalo na sa oras
ng kagipitan.

Halos 70% ang hindi nakapagtapos ng pag-aaral dahil sa kagipitan, kung kaya’t nahihirapan ang
karamihan sa mga magulang na magturo at intindihin ang mga aralin ng kanilang mga anak.

Nang nagkaroon ng pandemya, nawalan ang karamihan ng hanapbuhay kaya’t kinailangang humanap ng
ibang alternatibo upang mabuhay. Ang iba ay nag-online selling, nagtinda ng iba’t ibang kakanin upang
may pangtustos sa araw-araw. Naapektuhan ang buong komunidad lalo na ang buhay ng ating mga mag-
aaral at ng kanilang pamilya. Dahil sa epekto ng pandemya ay napilitang isara ang mga gusali sa paaralan
upang matiyak ang kaligtasan ng mga mag-aaral at ng mga guro.

Iba’t ibang modalidad ang ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon, isa na rito ang Modyular na pag-
aaral na kasalukuyang ginagamit ng aming paaralan. Nagtalaga kami ng mga magulang na siyang
nagsilbing pinuno ng sa ganon ay masunod namin ang health protocol. Tuwing Lunes ay kinukuha nila
ang mga modules sa aming paaralan upang ipamahagi sa aming mag-aaral at ibinabalik ito tuwing araw
ng Biyernes. Ito ang nakagawian namin sa loob ng dalawang taon. Umaasa pa rin sa tulong ng Maykapal
na nawa’y bumalik na rin sa normal ang lahat upang muling sumigla ang ating ekonomiya at lalo na ang
ating edukasyon.

Ipinasa ni:

Salvacion S. Mabelin

Ipinasa kay:

Theresa M. Rañeses

You might also like