You are on page 1of 1

Brigada Eskwela Inilunsad

Ni Mariejoe F. Nalinga

Bitbit ang mga walis at dustpan, nagtulong-tulong ang mga magulang, guro at mga mag aaral ng
Mataas na Paaralang Nasyunal ng Miagao sa pagsasagawa ng Brigada Eskwela 2019.

Ang proyekto na may temang “Matatag na Bayan para sa Maunlad na Paaralan” ay naisagawa
noong ika – 20 ng Mayo, 2019.

Ang Brigada Eskwela ay proyekto ng Kagawaran ng Edukasyon na naglalayong maihanda ang mga
paaralan para sa darating na pasukan.

Nagkaisa ang mga magulang kasama ang kanilang mga anak sa paglilinis ng mga klasrum, bakuran
ng paaralan, at ng mga hardin at halamanan. Ininspeksyon at inayos din ang mga sira at tumutulong
kisame ng paaralan upang mas makapag aral ng mabuti ang mga kabataan.

Lubos na nagpapasalamat ang pamunuan ng paaralan sa mga nakilahok dahil hindi magtatagumpay
ang proyekto kung wala ang pagkakaisa ng mga mamamayan.

You might also like