You are on page 1of 1

EDITORYAL

Disiplina sa ilalim ng Child Protection Policy


Karumal- dumal ang mga insidenteng kinasasangkutan ng mga estudyante,
sa loob o labas man ng paaralan. Kabilang dito ang kaliwat kanang mga
pagnanakaw, paggamit ng iligal na droga at iba pang mga paglabag.
Isang guro ang namatay sa loob ng kanyang classroom habang nagtuturo,
matapos saksakin sa likod ng sarili niyang estudyante dahillamang sinita niya itong
gumagamit ng cellphone.
Ayon sa ilang eksperto,naging sobra ang sakop ng Child Protection Policy
kaya halos nawawalan ng respeto ang mga bata sa kanilang mga magulang at guro.
Itoy ipinatutupad sa ilalim ng DepEd order no. 4 series of 2012 na nararapat
ipairal ng mga paaralan sa bansa.
Napapaloob dito ang hindi paggamit ng karahasan, masasakit na salita sa
pagdisiplina sa mga bata.
Tila nawalan ng ngipin ang mga guro dahil pakiramdam nilay untouchable
ang mga estudyante dahil sa polisiyang ito.
Alam na rin ng bata kung papaano pasunod sunorin ang takbo ng polisiya
dahil sa tila sobrang proteksyon nila.
Child Protection Policy at disiplina, dalawang bagay na dapat talaga ay
magkasama.
OPINYON
Walang disiplina dahil sa CPP. Totoo ba?
Sa tingin ko ngay nawawala na ang disiplina ng mga estudyante dahil naging
mahina ang mga patakaran.
Rizza
Totoo, dahil alam nilang hindi sila maaaring masaktan o ipahiya ng kanilang guro.
Fiona
Kung nawawala man ang disiplina, hindi ito dahil sa CPP.
Zheandel
Oo, wala ng disiplina ang estudyante at lalo pang nawawala at lumalala.
BM

You might also like