You are on page 1of 2

“ ANG MGA MUNTING HILING NI KIKO SA PASKO “

Isang araw, may isang grupo ng mga negosyante ang pumunta sa paaralan nina
Kiko at Rico. Nais nilang ipatupad ang adbokasiya nilang #PaskoMoSagotKo.
Pumili sila ng sampung bata na dadalhin nila sa mall at ibibili ng mga gusto nito.
Isa si Kiko sa mga napili ng mga negosyante. Dinala sila sa pinakamagarang
shopping mall sa bayan. Pagdating doon, lahat ng mga kasama ni Kiko ay pumunta
kung saan nandoon ang mga laruan.

Bawat isa sa kanila ay masayang namili ng laruan maliban kay Kiko. Napansin ni
Mr. Cruz na mukhang malungkot si Kiko. Tinanong niya ang bata na agad namang
sumagot kahit kitang-kita na nahihiya ito.

“Gusto ko po sana ibili si Tatay ng bagong tsinelas at ibili ng damit si


Nanay,” sagot ni Kiko sa isa sa mga negosyante.

Sinamahan at tinulungan ni Mr. Cruz si Kiko na mamili ng mga sapatos at mga


damit para sa mga magulang niya. Pagkatapos noon, tinanong ulit siya ng
negosyante.

“E, ikaw? Anong gusto mo para sa sarili mo? Bilhin natin. Bili tayo ng mga
laruan,” yaya ni Mr. Cruz kay Kiko.
Pumunta sila sa hanay ng mga laruan at agad namang nakapili ang bata ng isang
robot. Tinanong siya ng negosyante bakit isa lang ang kinuha niya.

“O, bakit isa lang yan? Ang daming laruan pili ka pa. May kapatid ka? Pumili ka
rin ng para sa kanya,” sabi ng negosyante.
“Opo, may kapatid pa po ako si Rico po. Para sa kanya po ito. Okay na po ito ang
mahalaga po makita kong masaya sina Tatay, Nanay, at Rico po mamaya. Sabik
na po akong makita ang reaksyon nila,” sabi ng bata.
Napaluha si Mr. Cruz sa narinig niya mula kay Kiko. ‘Di niya inakala na sa murang
edad nito ay tanging ang kasiyahan ng pamilya niya ang nasa isip niya.

Hindi niya napilit si Kiko na kumuha pa ng mga nais nitong bilhin kung kaya’t
nagbayad na siya.
Pag-uwi nila, patagong nilagyan ni Mr. Cruz ng pera ang plastic na nilagyan ng mga
damit, sapatos, at laruan na pinamili nila. Nais niyang mas maging maligaya si Kiko
at ang pamilya niya sa darating na Pasko.

Hangang-hanga ang negosyante sa pagiging maalalahanin at mapagmahal ni Kiko


sa pamilya niya.

You might also like