You are on page 1of 1

Noong akoy musmos pa

Fiona Sansano

Noong akoy musmos pa


Sariwa pa sa aking mga ala-ala
Ang mga nagawa
Sa akin ni ina

Noong akoy musmos pa


Lagi akong lumuluha
Sapagkat palaging nadarapa
Hindi man lang ako tinulungan ni ina

Nais ko sanang itanong


Kung bakit akoy hinayaan
Hindi ko kailanman naintindihan
Ang pahayag sa akin ni ina

Ngunit unti-unti kong napagtanto


Noong paglaki ko
AhhhKaya naman pala
Itoy upang akoy matutong tumayo
Sa aking sariling mga paa

You might also like