You are on page 1of 1

PARANG AYOKO NA

A spoken Poetry by Nian Abalahon

Pagpasenyahan nyo na sapagkat hindi ako maalam gumawa ng tula


Hindi kasi ako maalam gumamit ng mga salita na may sukat at tugma
Na kung saan, aking ipapakita nararamdaman at aking nagugunita
Samahan nyo ako, dahil parang ayoko na….

Akala kasi ng iba wala akong problema


Nasanay kasi sila na lagi akong masaya
Ngunit, sa kabila ng maskra na aking dinadala
Lingid sa kinaadman, mayroong nakakubling sakit na matagal nang iniinda

Stress, dahil sa mga mata na animo’y laging nakatingin


Mga maliliit mong galaw na binibigyang pansin
Konting pagkakamali ay kanilang bibigyang diin
Hindi bibigyan ng pagkakataon ang iyong mga daing.

Kaya madalas nag-iisa wari'y minumulto ng paligid


Laging sa dilim nagkukubli, natatakot sa lahat ng naririnig.
Sa masalimuot na mundo, na kung saan mga problema ay walang gustong makinig.
Mga mata'y pinipikit, walang nakikita at di na kayang tumitig,
Nabibingi't napipi sa sobrang gulo ng daigdig.

Pero wag mo hayaang lamunin ka ng lungkot


Wag mo hayaang balutin ka ng takot
Dahil laging may Diyos na nakaagapay at magsasabi sayo..
. "Anak, nandito lang ako."

You might also like