You are on page 1of 4

HAIKU

GINOO KO
Sa iyong ngiti,
At mata mong ka’y rikit,
Nahuhumali.

BITUIN
Sa may bintana,
Minamasdan ang tala,
Nangungulila.

INIIBIG KA
Mahal na kita,
Sa unang pagkikita,
Iingatan ka.

TULA
“PARAISO”
Hawakan mo ang kamay ko
Samahan ako sa paraiso
Ikaw lang at ako
Atin ang buong oras na ito

Sasayaw, makikinig sa musikang tayo lamang ang nakakarinig


Sa kislap ng mata’y siguradong ikaw lamang ang iniibig
Iwawaksi ang lamig ng hangin sa init ng yakap mo
Halina’t sulitin ang sandali mahal ko
Ipapangako ko na ikaw na ang huli
Huling pag-ibig na paulit-ulit kong mamahalin
Sapagkat ikaw lang ang siyang totoo
Mahal ko, nagtitiwala ako sayo

Bubuo ng maraming alaala


Kasama ka, tayong dalawa
Samahan ako sa mundo, sa paraiso
Mahal ko, halika

“KAGULUHAN”
Isang hakbang patungo sayo
Lalakad ba palayo, o lalapit sayo
Isang magulong pag-iisip ngunit alam na ang sagot kung ano
Hahakbang papalapit, mananatili sa yakap mo

Napapaisip kung tama nga ba?


Kung ito ba ay sapat na
Na baka kulang pa o baka naman sobra na
Gulong gulo ang isipan na para bang ewan
Alam ko naman na sa lahat ng ito’y ikaw pa rin ang uunawain

Kaguluhan sa isipan pilit aalisin


Sapagkat ikaw pa rin ang gustong piliin
Hindi na mag-aalinlangan
Kahit umabot pa tayo sa walang hanggan

MAIKLING KWENTO
TAKIPSILIM: LUHA AT LIHIM
Malamig ang simoy ng hangin, disyembre na kaya ganoon. Mag-aalas sais na nang gabi at ang mga bata
ay nagsisimula nang mangaroling, meron pa ngang nagtatakbuhan at nag-aasaran, ngunit nanatiling
tahimik ang paligid.
Naka-upo ngayon si Alicia sa harap ng kanyang laptop habang nakatitig sa labas ng bintana. Takipsilim
na– palubog na ang araw. Naaakit siya sa ganda nito, pero 'di mawari ang inis at pagod na nararamdaman
ng dalaga dahil sa isang kasong pinag-aaralan niya. Murder iyon sa kanilang barangay, nangyari noong
nakaraang araw— kaparehas ng oras ngayon.
Malalim na bumuntong hininga ang dalaga at ibinalik ang mga mata sa laptop na nasa harapan. Isa siyang
prosekyutor at sakaniya napunta ang kaso.
Muling nanindig ang balahibo niya nang makita ang litrato ng biktima. Babae ang biktima, maraming
saksak sa katawan lalo na sa leeg. Gutay-gutay ang suot nitong bestida at maraming pasa sa katawan.
Nawawala rin ang pang-ibabang saplot nito, kaya batid agad kung ano ang ginawa sa biktima— rape.
Hinalay muna ito bago tuluyang pinaslang.
Naluluha siya, sobra-sobra ang awa na nararamdaman niya para sa babae. Tuluyan siyang lumuha
hanggang sa ito'y naging iyak na may halong hikbi.
Ngunit ganoon na lamang ang pagkabog ng kaniyang dibdib nang mapadapo ang paningin niya sa isang
bagay na kilalang-kilala niya, nasa litrato iyon— malapit sa biktima...
Isang relo ang nakita niya, sigurado siya at alam na alam niya kung kanino iyon. Sapagkat ito ang relong
iniregalo niya sa kaniyang nobyo noong anibersaryo nila nung isang buwan. Mas lumakas ang naging
iyak niya hanggang sa naging hagulhol.
Nanginginig man ay agad siyang nag-ayos at nagbihis para ikumpirma na sa nobyo niya iyon. Iche-check
niya muli ang mga ibidensiya dahil sa pagkakatanda niya ay walang relong nakuha roon sa araw mismo
nang makuha ang bangkay.
Umalis siya at nagtungo sa presinto, ngunit ganoon na lamang ang panlulumo niya nang malaman na wala
talagang relo doon. Pero, lumabas nga na ang primary suspect sa nasabing krimen ay ang kaniyang nobyo
dahil sa fingerprint nito na tumugma sa fingerprint na nakuha sa katawan ng biktima. Ni hindi pa nga
naipapasa ang report sakaniya dahil kalalabas lang ng resulta, sakto lamang ang pagpunta niya.
“Alicia, tama na anak. Masyado mo nang pinapagod ang sarili mo,” nag-aalalang saad ng nanay niya
habang inaabutan siya ng kape.
Nakatulala lang siya habang iniisip pa rin ang kasong hinahawakan niya. Alas-otso na nang umaga at
wala siyang tulog kakaiyak dahil sa mga nalaman.

“Magandang umaga ho.” Agad na nalipat ang paningin niya sa nagsalita nang mapagtantong dumating
ang kaniyang nobyo.
Parang bumaliktad ang sikmura niya nang makita ito, tila siya ay masusuka na ewan.
“Alicia, bat hindi mo sinasagot ang mga tawag ko?” nag-aalalang tanong nito pero hindi siya sumagot.
Nakatitig lamang siya dito atsaka lumipat ang mga mata sa braso nito. Ganon na lamang ang kabog ng
kaniyang dibdib nang makitang suot nito ang relong nasa larawan kahapon. Paano napunta sakaniya ang
relo? hindi ba't nawawala iyon?
“Alicia—”
“Anong ginagawa mo rito? ang kapal ng mukha mo!” galit na sigaw ng dalaga at sinugod siya.
Umiiyak ko siyang sinusuntok sa dibdib ngunit bakas sa mukha niya ang gulat at pagkalito, hindi mawari
kung bakit ganoon ang reaksiyon niya.
“Anong ibig mong sabihin?” nagtatakang tanong nito habang sinasalo ang bawat suntok na ibinibigay
niya.
Sasagot pa lamang siya nang dumating ang mga pulis. May dala itong warrant of arrest para kay Franco
— para sa nobyo niya.
Gulat na gulat ang mga tao sa bahay, hindi makapaniwala sa nasasaksihan.
“Franco Mendez, Inaaresto ka namin sa salang pagpaslang kay Alia de Jesus.”
Namutla ang kaniyang nobyo at saka itinanggi ang mga bintang. Hinawakan siya nito sa braso, hindi
makapaniwala sa napakinggan.
“Alicia, hindi ako ang pumatay kay Alia,” parang nagmamakaawang saad nito. “Hindi ba’t ikaw ang may
hawak ng kaso, anong ibig sabihin nito,” dugtong pa nito.
Ngunit di siya sumagot at humagulhol na lamang habang nakatitig kay Franco. Para siyang sinasaksak sa
sobrang sakit na nararamdaman niya, kahit ayaw niyang maaresto ito ay wala siyang magagawa dahil
ayaw niyang kalabanin ang batas.
Nanlulumong napaupo ang dalaga habang tinititigan ang nobyo niyang dinala na ng mga pulis. Maging
ang tsismisan sa loob ng bahay ay hindi na niya nabigyan ng pansin.
Nang makaalis ito ay agad siyang lumapit sa kabaong, nakahiga doon ang kapatid niya, walang kabuhay-
buhay. Habang ang nanay niya naman ay pinatatahimik ang mga tao dahil sa nasaksihang kaganapan.

Nang alam niyang wala na sa kaniya ang atensiyon ng lahat ay ngumiti siya— ngiti na halos abot tenga.
Sobrang saya ng pakiramdam ng dalaga na parang nagwagi sa isang paligsahan.
Nagawa niya nang maayos ang lahat ng plano niya— malinis at pulido. Kung hindi sana nagkaroon ng
relasyon ang kapatid at nobyo niya ay baka wala ito ngayon sa kabaong na kinahihigaan nito. Edi sana
hindi niya pinatay ang kapatid at hindi sana niya sinet-up ang nobyo sa kasalanang hindi naman nito
ginawa.

You might also like