You are on page 1of 1

Cecille E.

Aldueza II Iskor:
BSPSYII 03/12/2020

Pagsasanay Blg. 6
(Spoken Poetry)

SALAMAT
Pitong letra, isang salita
Isang salita na matagal nang gustong ilabas ng aking dila
Salamat, salamat dahil dumating ka sa buhay ko nang ‘di ko inaasahan
‘Di inaasahan na mabubuo muli ‘tong puso kong sugatan
‘Di inaasahan na mahuhulog sa’yo
Na hahanap-hanapin kahit ika’y nasa malayo
Na minsan nagkukunwaring walang nararamdaman
Kapag nasa paligid ka, babalewalain ka lang naman
Ang gulo ko ‘diba? Ang gulo-gulo
Oo, napapasaya mo ‘ko
‘Di maaaring di makikita ang ngiti mo sa bawat araw
Na ‘di mabubuo ang araw kapag ‘di ka natatanaw
Na sa pagpasok ng eskwelahan ikaw ang hanap-hanap
Na para bang ikaw ang pinapangarap
Lahat ng ito’y ‘di pinapakita sa’yo
Sa kadahilanang ayokong maramdaman mo na may gusto na ako sa’yo
Ang gulo-gulo
‘Di makatingin sa’yong mga mata kapag nagkakasalubong tayo
Ngunit sinusulyapan ka nang ‘di mo nalalaman
‘Di ko maunawaan aking sarili kung bakit binabalewala ka noong panahong iyan
Nagkukunwanring walang nararamdaman kahit ang totoo ay mayroon
Na ito ang dahilan ng iyong paglisan
Ang bilis mo naman sumuko
Ilang buwan na ang lumipas ngunit tila ba’y ikaw pa rin sa puso ko
Ilang tao na rin ang sumubok na pasukin ang puso ngunit walang nanaig
Pasensya ka na ha, dinala mo kasi ang mahiwagang susi na saki’y nagpakalig
Na walang makapagbubukas kundi ikaw na may hawak ng mahiwagang susi
‘Binali mo ang susi dahil alam kong ‘di mo na ito kailangan, kaya wala kang balak isauli.
Salamat sa pagiging inspirasyon noon hanggang ngayon
Salamat kahit iba na ang hawak mong susi, ikaw pa rin ang aking motibasyon.

You might also like