You are on page 1of 3

“Ang pagiging mahirap bilang isang bata”

Roles:
Narrator – Sheik Dylan B. Picpican & Joshua Caleb C. Cabiling
Tatay – Harvey E. Dipasupil as dad Ferin
Nanay – Sophia Roszen T. Rivera as mom Dyhanna
Bata – Pauline Luizamae C. Balbin as Carrie
Sheik (narrator) : Ang story na ito ay nangyayari sa ibang mga bata sa iba’t ibang panig ng
mundo. Ito ay patungkol sa mga batang di napapakinggan ng mga magulang at prinepressure ng
mga magulang.
--------------START OF STORY----------------
Joshua (narrator): Bagama't Nakatira si Carrie sa Marangyang tahanan at Nakuha ang anumang
gusto niya, Pakiramdam niya ay hindi siya masaya, Dahil sa kung paano siya Lalapitan at
pakikitungo ng Kanyang mga magulang. Prinepressure nila siya dahil mataas ang expectations
sa kanya ng mga magulang niya, inaasahan nilang si Carrie ay magiging may mataas na
karangalan. Lagi na din napupuyat si Carrie dahil kakaaral dahil gusto nyang maging proud
sakanya ang kanyang mga magulang, may mga problema din si Carrie na sumasabay sa kanyang
pagaaral. Isang araw umuwi si Carrie galing sa paaralan, si Carrie ay pagod na pagod kaya nya
nasagot ang kanyang mga magulang.

Harvey (Dad): Ano ba Carrie bat ka nagkakaganyan?! Binigay naman namin lahat para lang
mapasaya ka diba?!

Pauline (Carrie): …….. (wait up to 3secs)


Harvey (Dad): Ano di ka sasagot?!
Pauline (Carrie): Wala yun, pa. Pagod lang ako.
Harvey (Dad): Wala naman pala e, bakit ka nagkakaganyan?
Pauline (Carrie): Pag sinabi ko naman sainyo ako parin ang lalabas na mali diba? Sasabihin nyo
lang na nagiinarte ako. Di nyo rin naman ako maiintindihan.
Harvey (Dad): Anong laging mali? Ginawa na nga naming lahat para lang mabigay gusto mo!
Pano mo naman nasabi na ikaw nalang ung laging mali ha?
Pauline (Carrie): kahit naman sinabi ko sainyo di kayo makikinig! Kayo parin ung tama, kayo kasi
mas matanda kaya sa tingin nyo kayo lagi ung tama
Sophia (Mom): Hindi naman namin pinapalabas ng tatay mo na ikaw ung laging mali-
Pauline (Carrie): Hindi lagi? lagi akong mali! Lagi nalang ako ung mali sainyo! Lagi nalang ako
ung lumalabas na masama! Sana manlang pakinggan nyo ung anak nyo kahit minsan! Hindi
yung puro sarili nyo lang!
Harvey (Dad): Kami ang magulang kaya dapat kami ang masusunod! Kami ang mas matanda!
Pauline (Carrie): Hindi porket kayo ang magulang at kayo ang mas matanda kayo na ang laging
masusunod! Pano naman kaming mga anak nyo? May mga isip din naman kami! Sana naman
pakinggan nyo ko kahit ngayon lang!
Harvey (Dad): oh edi sana sinasabi mo samin ung mga problema mo!
Pauline (Carrie): Kaya mas pinipili namin na mas manahimik at di magsalita dahil kahit anong
pagpapaliwanag naming kami parin ang mali at di nyo rin naman ako maiintindihan! Kahit
kailangan di nyo man lang sinubukan na intindihin mga sinasabi namin!
Joshua (narrator): Hindi sinasabi ni Carrie sa kanyang mga magulang ang kanyang mga
problema dahil sa tuwing nangangailangan siya ng tulong sa acads ay hindi siya tinutulungan o
sinasabi lang nilang busy sila. alam nya sa sarili nya na kahit ano pang sabihin nya ay di siya
pakikinggan ng kanyang mga magulang at di rin nila maiintindihan ito.
Sophia (Mom): Sinusubukan naman namin e-
Pauline (Carrie): Sinusubukan? Kung sinusubukan nyo talaga edi sana naintindihan nyo na ko!
Kung alam mo lang kung gaano ako kapagod ngayon pa-
Harvey (Dad): Pagod? Saan ka naman napagod? Ako na nagpapakahirap para bigyan kayo ng
maganda buhay tas ikaw nandito lang walang ginagawa, Saan ka naman napagod?
Pauline (Carrie): Pagod na ko sa lahat Pa, pagod na ko sa school works at sa mga problemang di
ko na mabilang-bilang. Nawawalan na ko ng gana na gumawa ng mga bagay-bagay, dapat kayo
nga ang tumutulong sakin e, pero hindi. Prinepressure nyo ko, ginawa ko ang lahat para lang
maramdaman ko na proud kayo sakin kahit konti man lang, nagaral ako ng Mabuti para maging
proud kayo. Pagod na pagod na ko, sana naman kahit minsan iparamdam nyo sakin na anak nyo
ko. Alam ko naman na di nyo ko papakinggan kahit ano pang sabihin ko, alam ko rin naman na
ayaw nyo talaga ako intindihin.
Joshua (narrator): Nung narinig ng mga magulang ni Carrie ang kanyang mga sinabi ay sila ay
napaluha.
Harvey (Dad) – Anak sorry, di naman namin alam na ganyan na pala nangyayari, pero sana wag
mo kami sigawan, sinusubukan naman namin maging mabuting magulang.
Sophia (Mom): Sorry nak di na namin to ulit gagawin.
Pauline (Carrie): okay lang ma, pa. Sorry dahil nasigawan ko kayo, nadala lang ng emosyon.
Joshua (narrator): Ang mga magulang ay madalas na hindi nakikinig sa mga alalahanin at
damdamin ng kanilang sariling mga anak sa ilalim ng ideya na sila ay simpleng "walang galang".
Ito ay humahantong sa nakakalason at hindi malusog na dynamics ng pamilya, at ito ay
nagpaparamdam sa mga bata na ang kanilang mga damdamin at mga problema ay hangal at
hindi pinagsama ng pagbabahagi. Kapag nangyari ito, kadalasan ay naglalaban sila at nagiging
pagalit sa mga tao sa kanilang paligid. Ang tungkulin ng isang magulang ay tulungan ang
kanilang anak, hindi para takutin nila ito o kaya magalit ang kanilang mga anak sakanila.
--------------END OF STORY---------------
Shiek (narrator): Dyan nagtatapos ang aming storya. Sana nagustuhan nyo ito kahit ito ay maikli
lang.
Shiek (narrator): at nandito ang mga roles.
Pauline as Carrie (go in front)
Harvey as Ferin or dad (go in front)
Sophia as Dyhanna or Mom (go in front)
Joshua as narrator (go in front)

You might also like