You are on page 1of 3

Voice Male, Tone Friendly & Encouraging

Duration: 3 Minutes
VO: Disyembre 18, 2008 inilabas ng Supreme Court ang General Register
171947-48, o mas kilala bilang "SC Mandamus on Manila Bay". Ito ay nag-
uutos sa labintatlong ahensya ng gobyerno upang linisin, ayusin, at pag-
ingatan ang Manila Bay. Ito ay naglalayon na ibalik sa "SB Level" ang kalidad
ng tubig, kung saan hindi lamang pampublikong pasyalan ang Manila Bay,
maaari na rin itong maging ligtas na languyan ng lahat.
VO: Isa ang probinsya ng Bataan sa nakakasakop ng Manila Bay sa silangan
bahagi ng probinsya. Sa Isangdaan siyamnaput dalawang kilometro na
kahabaan ng Manila Bay ay mahigit pitumpot pitong kilometrong baybayin
ay matatagpuan sa Bataan: mula bayan ng Hermosa hanggang sa bayan ng
Mariveles. Ito ang isa sa mga pangunahing pinagkukuhanan ng
pangkabuhayaan ng ating mga mangingisda sa ating kumonidad.
VO: Matapos ang malawakang paglilinis at rehabilitasyon ng DENR,
gumanda ang kalidad ng tubig at tuluyan nang idineklara bilang ligtas na
languyan ang isang bahagi ng Manila Bay na matatagpuan sa Bataan: ang
Aguawan Beach.
VO: Ilan sa nakatulong sa pag-ayos ng kalidad nito ay ang pagpapasara sa
mga babuyan na direktang nagtatapon ng dumi sa tubig. Nagpatayo din ang
ahensya ng toilet facility kasama ng pagtatanim ng puno ng Botong sa
coastal area ng sisiman. Ilan lamang ito sa mga hakbang na isinasagawa
upang mapanatiling malinis at maayos ang ating mga baybayin.
VO: Sa pangunguna ng DENR, noong taong 2019 nakapagtatag ng mangrove
plantation na may lawak na labindalawang ektarya sa may lagusan ng
Almacen River, nasasakupan ng Brgy. Pulo, Orani, Bataan.
May kabuuang 24, 000 propagules ng ibat ibang mangrove species gaya ng
Bakawan babae, Bakawan lalaki, Bungalon, Api-api o Miyapi at beach forest
species na Talisay ang matatagpuan sa lugar. Patuloy itong inaalagaan at sa
kasalukuyan nagsisilbing pahingahan ng mga migratory birds. Nagkaroon
din ng ugnayan sa Munisipalidad ng Orani and DENR para upang maideklara
na Critical Habitat ang lugar ng bakawanan.
VO: Alinsunod sa habitat rehabilitation at solid waste reduction sa Manila
Bay, ang DENR Bataan, sa tulong ng Samahang Pamalakaya ng Daan Pare,
Inc, ay nagtatag ng mangrove nursery at footbridge sa Mangrove Park.
Umabot sa sampung libong mangrove propagules ang nailagay sa nursery.
Dito inaasahang magmumula ang karagdagang propagules na maitatanim
sa iba pang lugar ng Bataan at maging sa mga karatig na probinsya. Ang
footbridge at path walk naman ang magsisilbing daan patungo sa looban ng
Mangrove Park pati na rin sa coastal area, na siya na ring paunang
paghahanda para sa eko-turismo kasama ang mga kubo na itinayo para sa
mga bumibisita sa parke.
VO: Isa rin sa mga pangunahing proyektong parte ng rehabilitasyon ay ang
pagtatayo ng mga groutes riprap na magbabatibay sa mga tabing-ilog.
Aabot sa mahigit isandaang metro ng Pangulisanin River ang nagkaroon ng
grouted riprap kasama ng mga itinanim na ang ilang uri ng halaman, puno
at kawayan. Ang pagtatayo ng “Mini Forest at Linear Park” ay naglalayong
magpanumbalik at protektahan ang Pangulisanin River at maiwasan ang
pagguho ng ilang bahagi nito, sapagkat ito ay direktang umaagos patungong
Manila Bay.
VO: Katuwang ng DENR Bataan ang lungsod ng Balanga, Munisipalidad ng
Orion at Orani nagsagawa ng grubbing o pag-alis ng naipong basura sa
ilalim ng mga ilog upang malinis at mapalalim ang daluyan ng tubig.
VO: Gamit ang 2020 Continuing Fund, ang DENR Bataan, sa pamamagitan
ng CENRO ng Bagac at Dinalupihan, ay nakapaglatag ng 1667 linear meters
ng trash traps. Ang mga trash traps na ito ay inilagay sa iba't ibang bahagi
ng mga ilog upang maiwasang may maanod na basura patungong Manila
Bay. Ang materyales na ginamit sa trash traps ay mga tali, PET bottles, at
mga lambat. Para sa pangangasiwa ng paglilinis ng iba't ibang ilog, baybayin
at mga tabing-dagat, ang DENR-Manila Bay Coordinating Office ay bumuo
ng grupo ng isandaan at tatlumpu’t Estero Rangers. Kabilang sa kanilang
tungkulin ay ang araw-araw na pagpapatrol, regular na paglilinis,
pagsasagawa ng kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon at
edukasyon sa komunidad pati na rin ang regular na pakikipag-ugnayan sa
mga opisyal ng baranggay ng kanilang mga lugar. Dagdag pa rito,
nagpagawa rin ng mga bagong bangka upang makapagsubaybay sa ibat-
ibang proyektong isasagawa sa mga baybayin ng Manila Bay na
matatagpuan sa Bataan.
[For ending, with powerful narration]
VO: Ang mga proyektong ito, bagamat inisyatibo ng DENR, ay inaasahang
magiging matagumpay sa tulong na rin ng mga komunidad na hindi lamang
makikinabang sa mga benepisyo, kundi magsisilbing tagapag-ingat ng mga
ito.

You might also like