You are on page 1of 1

TINGNAN: BASIL Program, Tagumpay na Naisagawa.

Ang Pamahalaang Bayan ng Los Baños sa pakikipag-ugnayan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa


Bureau of Fisheries and Aquatic Resources(BFAR) 4A kasama ang Municipal Fisheries and Aquatic
Resources Management Council (MFARMC) ay nagsagawa ng lake seeding noong May 5, 2023.

Nagpakawala ng 30,000 piraso ng similya ng tilapya sa lawa ng Laguna na nasasakupan ng Los Baños, isa
sa mga programa sa ilalim ng Programang Balik Sigla sa Ilog at Lawa o mas kilala bilang BASIL. Ito ay
naglalayong dagdagan ang fish stock ng isang katubigan at makatulong sa mga mangingisda na
madagdagan ang kanilang mga mahuhuli sa mga susunod na buwan.

Nagpapasalamat ang Pamahalaang Bayan sa pangunguna ni Punumbayan Anthony “Ton” F. Genuino sa


BFAR 4A na pinangungunahan ni RD Sammy A. Malvas, Gng. Nenita S. Kawit, BASIL Program Regional
Head, at Gng. Emiliana C. Casbadillo, BFAR-Provincial Fisheries Officer.

Patuloy ang pagsasagawa ng mga programang mag-aangat sa antas ng pamumuhay ng ating mga
mangingisda at magsasaka sa bayan ng Los Baños para sa masaganang pangisdaan at agrikultura para sa
maunlad na ekonomiya.

#BagongLosBaños
#OMAsaganangAgrikultura
#OMAunladnaEkonomiya

You might also like