You are on page 1of 2

Bajo de Masinloc ginagamitan ng cyanide ng China — BFAR

Para itaboy mangingisdang Pinoy

MANILA, Philippines — Ibinunyag ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) na ginamitan
ng cyanide ng Chinese fishermen ang Bajo de Masinloc upang maitaboy sa lugar ang mga mangingisdang
Pinoy.

Ayon kay BFAR spokesperson Nazario Briguera, ito ang pahayag sa kanila ng mga Pilipinong
mangingisda kung saan plano na ito ng Chinese fishermen.

Sa katunayan, maging ang Vietnamese fishermen ay gumagamit din ng cyanide sa Bajo de Masinloc o
Scarborough Shoal.

“At sinasabi, according to Filipino fishermen, ‘yung mga Chinese fishermen, if I am not mistaken, ay
gumagamit ng cyanide as well ang mga Vietnamese fishers,” ani Briguera.

Nakumpirma rin nila ang pagkasira ng mga coral reefs mula sa kanilang ground personnel.

Nabatid na umaabot sa bilyong piso ang halaga ng nasirang corals ng China.

Ani Briguera, ang paggamit ng cyanide sa Bajo de Masinloc ay maglalagay sa panganib sa buong marine
resources, eco system at maging karagatan ng ibang bansa.

“Kasi magkakarugtong po ang ating karagatan, hindi ibig sabihin po niyan ka [kapag] may pagkasira sa
Bajo de Masinloc ay walang epekto iyan sa ibang bahagi ng ating karagatan,” dagdag pa ni Briguera.

Ipinauubaya na rin nila sa Department of Justice kung aaksiyunan ang reklamo laban sa China.

Samantala, tagumpay ang BFAR sa pamamahagi ng tulong sa mga Filipinong mangingisda sa bahagi ng
Bajo de Masinloc sa Zambales kung saan natanggap ng mga ito ang nasa 14,000 liters ng diesel fuel, 50
liters ng motor oil at iba pang mga tulong sa 21 commercial fishing boat na nandoon sa lugar.
Sinabi ni Briguera na ang isinagawang resupply mission ng BFAR at Philippine Coast Guard ay
nakapaloob sa ”Bagong Pilipinas” ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr, upang matiyak ang food security sa
bansa.

Nais ng Pangulong Marcos na malayang makapangisda ang mga Pilipino.

You might also like