You are on page 1of 5

*play intro tapos listing of news*

Elijah: Sa ulo ng mga nagbabagang balita! (1) ‘No Bail’ ang inirekomenda laban sa anak ng DOJ chief
na may kasong droga. (2) Mga mangingisdang Pinoy sa Bajo de Masinloc, dumarami. (3) Pinoy
Scientists kailangan pa ng dagdag suporta. (4) North Korea, muling nagpakawala ng missiles bilang
tugon sa US-South Korea military drills. (5) sports. (6) Sandara Park, Manny Pacquiao kapwa
makikita sa Korean show ‘Knowing Bros’.

*EDITED TV PATROL CLIP PARODY*

MC: Magandang gabi bayan! Magsimula tayo sa kaso laban sa anak ng Justice secretary Jesus Crispin
Remulla kaugnay sa ilegal na droga. Pormal nang sinampahan ng kaso sa korte ng Las Pinas City
Prosecutor’s Office si Juanito Jose Remulla III na inaresto dahil sa droga. Kinasuhan ang panganay
na anak ng Justice Secretary ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9162 o Comprehensive
Dangerous Drugs Act of 2002 nitong Biyernes ng hapon, ika-15 ng Oktubre. Nagpapatrol, Jan
Andrei Icaro.

Andrei: Ayon sa pisikalya, base sa mga nakalap na ebidensya ng mga awtoridad, kinakitaan nila ng
sapat na batayan para kasuhan ni Juanito. Sabi ni Atty. Jennah Marie Dela Cruz, Prosecution
Attorney ng Las Pinas, pinag-aralan nilang mabuti ang mga itinalang ebidensya.

*showing direct quote ng atty.* "Based on the evidence presented to us, we recommended the filing of
violation of Section 11 of R.A. 9165 which is possession of illegal drugs. Initially kasi what was filed
were charges for violation of Section 4 which is importation of illegal drugs into the Philippines and
also violation of 1401 of the Tariff and Customs Code." - Atty. Dela Cruz

"Since all the elements of those offenses happened in Pasay City, nakita ng opisina namin that the office
that has jurisdiction over those offenses is Pasay City. 'Yung fact na ni-receive niya 'yung parcel here
in Las Piñas City and parcel contains large amount of illegal drugs, 'yun 'yung kinarga namin sa
kanya." dagdag pa niya.

Andrei: Nakapaloob sa inquest resolution na base sa affidavit ng customs examiner na nakadiskubre


ang parcel ng marijuana, noong hapon ng October 4, 2022. Idineklara ang parcel bilang “Hoodie
Sweater” mula sa Amerika at ipinadala ng isang Benjamin Huffman mula sa San Diego California.
Naka-consign ang parcel kay Juanito Remulla na may address sa BF Resort Village sa La Piñas
City.

Binuksan ang parcel sa harap ng mga tauhan ng PDEA at NAIA-IADTG para sa examination kung saan
nadiskubre ang pinatuyong dahon ng marijuana. Nitong October 10, 2022 naaprubahan ang request
ng mga awtoridad ng controlled delivery operation upang matunton ng mga operatiba kung sino ang
pagdadalhan ng ilegal na droga. Kinabukasan, October 11, 2022, ganap na 10:50 ng umaga, inihatid
sa bahay ni Juanito ang parcel na tinanggap naman nito. Dito na nagpakilalang PDEA ang mga
operatiba na naghatid ng parcel at inaresto siya.

Ayon sa prosekusyon, non-bailable ang isinampang kaso laban kay Juanito dahil sa dami ng mga
nadiskubreng marijuana sa kanya. Siniguro ng PDEA na tatalima sila sa utos ng korte pagdating sa
estado ni Remulla at walang special treatment ang ibibigay rito. Sa ngayon, patuloy na nakapihit si
Remulla sa PDEA headquarters sa QC at inaalam pa kung may iba pa syang kasabwat.

Jan Andrei Icaro, ABS-CBN NEWS.

Elijah: Mas dumarami na umano ang mga mangingisdang Pinoy na pumapalaot sa Bajo de Masinloc o
sa scarborough shoal west philippine sea, dahil sa pagbabantay ng Philippine Coast Guard (PCG)
sa kabila ng patuloy na presensya ng mga Chinese maritime forces. Nagpapatrol, Lindseycoleen
Lipa.

Coleen: Nagpalipad ng eroplano ang Philippine Coast Gaurd para tignan ang kalagayan ng mga
mangingisdang Pilipino sa Bajo de Masinloc o scarborough shoal -- ang lugar sa loob ng exclusive
economic zone ng Pilipinas na inaangkin ng China. Hindi bababa sa anim na barko ng China Coast
Guard ang nakita, kabilang ang nakabantay sa mismong entrada na pinakakritikal na bahagi para
makapasok sa bahura.

*show quick clip of boats* nakakapangisda naman ang mga Pilipino. Sila ang mga bangka na nakadikit
sa malalaking barko ng Philippine Coast Guard na nagpapatrolya doon. Kapansin-pansin ang mas
malaking bilang ngayon ng mangingisdang Pinoy. Tinatayang nasa 20 ang nakitang bangka nila.
Nakadistansiya naman ang mga barko ng China, hindi tulad dati na kadalasan ay nagkakagirian.

Nangako naman si Coast Guard spokesman Commodore Armand Balilo na patuloy na magtatalaga ng
kanilang mga asset at tauhan sa lugar na sakop ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Hinikayat rin niya ang ibang mga mangingisdang Pilipino na mangisda na sa Bajo de Masinloc o
tinatawag rin na Scarborough Shoal.

Karaniwan na sa mga piloto ng Philippine Coast Guard na makatanggap ng mensahe sa radyo na


pinapaalis sila ng China, pero tahimik ang lipad nila ngayon. *insert clip* Hangga’t kaya, gagawin
daw ng Philippine Coast Guard ang lahat para bantayan ang Bajo de Masinloc at iba pang
pinag-aagawang bahagi ng West Philippine Sea.

Lindseycoleen Lipa, ABS-CBN NEWS.

Ivan: Ay magandang araw ho mga kaibigan sa panahon ngayon ay nauuso namaman ang bagyo. Sa
bicol daw ay mayroong waterproof na bahay. Ay paano kaya ginawa are ay tara't ating alamin

Ay napakadalas naman daanan ng bagyo nareng bicol ay tunay na nakakaawa naman ang mga tao
dine. Tulad na laang ng super typhoon Rolly na huling nanalasa sa Bicol, at siya namang nagtulak
sa industrial designer at taga bicol na si Gil Bien na itayo sa albay areng mga prototype na bahay na
kung tawagen ay cuboid house. Ang disenyo ng bahay na are ay walang mga kanto, matitibay ang
mga ginamit dine tulad na lamang ng fiber glass, wala naring guther ang mga bubong ng bahay na
are. Ang pagkakaroong ng mga kurbada ay nakakatulong upang mabawasan ang stress. Mas mahal
man ito sa ordinayong bahay naten ay mas makakatipid naman tayo pag tagal dahil mababa ang
maintenance nare.

Ako ho si Justin Ivan Cabrera, naguulat para sa ABS-CBN NEWS.

*insert weather patrol intro*


MC: Ngayon ay alamin naman po natin ang magiging lagay ng panahon. Elijah, nasaan na nga ba si
bagyong neneng?

Elijah: Nakalabas na sa area of responsibility ang typhoon neneng. Huli itong namataan sa gitna ng ng
west Philippine sea sa halos 500 kilometro ng kanluran ng Ilocos norte lumakas ito ng bahagya at sa
mga susunod na araw ay kikilos ito patungo sa Southern China. Naging maulan naman sa bahagi
southern luzon, visayas at mindanao dahil sa hinihilang southwesterlies nitong bagyong neneng.
Samantala ay may cloud cluster o kaulapan sa luzon na posible ito maging sama ng panahon. Sa
wind forecast ng kumpanya bukas ay iiral pa ang southwesterlies dito sa MIMAROPA at Western
Visayas, posible maging low pressure area ang cloud cluster at maging bagyo sa miyerkules at ito
ay tatama sa northern luzon sa araw ng biyernes at tatawid ng kalupaan patungo sa West Philippine
sea Biyernes ng gabi. Sa rainfall forecast para bukas ay may mahinang ulan sa umaga sa Northern
Caraga at zamboanga Peninsula pagsapit naman ng tanghali ay maulan halos sa buong mindanao
at sa hapon naman ay malalakas na ulan sa may Agusan Del sur, Bukidnon, Misamis oriental at
occidental at Zamboanga Del Sur. At sa gabi naman ay maulan sa Caraga, Northern Mindanao, at
Davao region. Sa visayas naman ay maulan rin sa umaga sa Leyte provinces, Siquijor,at sa
southern Negros Oriental, halos buong visayas ang uulanin mula tanghali hanggang sa pagsapit ng
hapon at sa gabi sa Eastern Visayas, Bohol at Northern Cebu ay makakaranas ng pagulan. Sa
Palawan liban man sa hindi matatagal na pagulan bandang hapon mababa ang tyansa ng pagulan
sa ilang bahagi ng probinsya. At sa luzon bukas ng tanghali ay asahan ang pagulannsa Cagayan
Valley, maging sa Central Luzon at southern quezon at sa Mindoro. sa hapon inaasahang uulan sa
Cordillera at iba pang bahagi ng Ilocos Region at sa gabi ay malalakas na pagulan sa Babuyan
Islands at malaking bahagi ng Cordillera. Sa metro manila posibleng umulan sa umaga at sisilip ang
araw early afternoon at sa hapon ay tuloy tuloy ang pagulan hanggang gabi mataas ang banta ng
thunderstorm.

Talagang ramdam na ang panahon ng tag-ulan kung kaya’t mag-ingat tayo mga kababayan!

Andrei: Holabels, may chika akiskis. So eto na nga mga mare, alam niyo ba na unang sinama ang
boxing sa Asian Olympics noong 688 BC o dalawang libo’t pitong daang taon ang nakakalipas,
grabe sizt ang tagal 'no?! Dati wala pang boxing gloves kundi strips ng leather ang binabalot sa
kamay at may nananalo lang kapag may sumuko o nawalan ng malay. Na-chismis din sa'kin na mga
vebs na sa Modern Olympics naman, nagkaroon ng rules ang boxing kabilang ng pagsuot ng boxing
gloves.

Unang sinama ang Men’s Boxing sa Modern Olympics noong 1904. Mula noon, higit isang siglo pa ang
lumipas bago naging official sport ang Women’s Boxing sa Olympics noong 2012. Dati ay Amateur
Boxers lang ang pwedeng lumahok sa Olympics pero noong 2016 ay pinayagan ang mga
professional boxers. Espesyal ang boxing sa Pilipinas dahil dito tayo may pinakamaraming Olympic
Medals, Oh, 'Di ba, Lavarn kung lavarn! Labing tatlo na ang olympic medals ng Pilipinas at higit
kalahati ay sa boxing. Ay! Knows niyo rin ba na ngayong taon ang unang beses na may Pinay na
boxingero na nakakuha ng Olympic Medal, Grabe siya do'n sizt, ang husay! Ito rin ang taon na may
pinakamaraming medals ang Pilipinas sa boxing matapos manalo ng Bronze Medal si Eumir Marcial
at Silver Medal naman ang naipanalo nina Nesthy Petecio at Carlo Paalam. Oh ayan ah, ito chismis
ko for today's video mga mare. Adios!
MC: Sa pagbabalik ng TV Patrol! North Korea, nagpaputok ng short missles bilang tugon sa ginawang
military drills ng US at South Korea. Michael Pacquiao, panalo sa kanyang kauna-unahang amateur
boxing fight. Sandara Park at Manny Pacquiao, inaasahang bisita sa isang korean variety show.

Elijah: Tuloy-tuloy pa rin ang ating pagbabalita sa pagbabalik ng TV Patrol!

*COMMERCIAL*

MC: To Infinity And Beyond !! Para sa ating Pandaigdigang news, Rangers, Dalawang short-range
balilistic missiles ang pinabomb ng North Korea nung Huwebes, Ika-6 ng Oktubre. "This is an
intergalactic emergency ". Ayon sa North Korea , counter action measures lamang ito sa ginawang
US and South Korean military drills, Rangers. Noon lamang Tuesday, Ika 4th ng Oktubre, they made
paputok ang Pyeongyang ng missile sa airspace na sakop ng Japan, Rangers. dahilan upang
mag-call ang Estados Unidos ng emergency with the UN Security Council meeting. Sa pagpupulong,
na-accused ng US ang Russia at China ng pagbibigay ng protection sa North Korea mula sa
matinding sanctions, Rangers. Then giit ng Chinese and Russian representatives na it is mainam
naman na diyalogo ang gawin kaysa punishment. "To Infinity and Beyond!"

*insert clip* Sa mga nakalipas na 2 weeks, Rangers, nagsasagawa ng combined exercises ang US ,
SOUTH KOREA AT JAPAN upang magsanay kung paano tutugunan ang isang North Korean attack
-- bagay na kinaka-angry naman ni North Korean leader Kim Jong-un at lalo pang nagpalala sa
kanilang forda tension. And for now, that's all ranger! To Infinity And Beyond! " (woosh sound effect
na maangas mala buzz )" .

Elijah: Anak ni Manny Pacquiao wagi sa kanyang kauna-unahang amateur fight. Tunghayan natin ito,
nagpapatrol, Jan Andrei Icaro.

Andrei: Na-see ng madlang people ang fierceness ni diva Michael Pacquiao, junakis ng Winnie the
Pooh times 8 sa whole entire universe, Manny Pacquiao nang jinombag niya ang kanyang kalaban
na si Nathaniel Ruiz sa Parañaque noong Linggo, ika-11 ng Oktubre

Sa unang round, najombag nang todo ang nosechi ni Michael pero hindi siya papayag na maLuz
Valdez. Sa next rounds, naimbyerna si ante mo Michael at tinodo niya na to at nagshow na siya ng
tapang at tibay ng loob like a filipina winna. Super strongchi ng mga jombags and juntok na ibinigay
ni Michael left and right. Nawinnie the pooh siya bia unanimous decishun.

*Star Patrol intro*

Coleen: OMG kayo guys, i need time, space, water and air kasi alam nyo baaaa? Nakatakdang
mag-reunite si Sandara Park at ang ating Filipino boxing legend na si *nagboxing* Manny Pacquiao!
Mga guest daw sila sa isang South Korean variety show na “Knowing Bros.” and dont me ha, i have
proof watch this preview!

*insert preview of ep*

Ayan na ngaaa sa kanyang Instagram post, ipinakitang ni Sandara ang stitched photo ng kanyang sarili
at ni Pacquiao. To the max max max ang excitement ng ating K-pop star, na kilala sa Pilipinas bilang
ang “Pambansang Krung-krung,” sa kanyang upcoming appearance kasama ang “Pambansang
Kamao” para sa isang episode ng show. Makakasama rin nila ang Korean singer na si Kim Yohan,
mga *giggle* poging aktor na sina Yoon Hyungbin at Lee Hoo na bahagi rin ng panauhin ng naturang
episode. Hayyyy Samantala, si Pacquiao naman ay nakatakdang ma-meet ang kilalang South
Korea’s wrestling champion na si Kang Ho Dong! Kaya naman kinasasabikan na nga ito ng mga
ferson Korean, like??? Manunuod kayo ha
, Let’s go go go !!!

*insert tv patrol intro*

Elijah: At iyan po ang mga balitang binantayan namin para sa inyo, ako po si Elijah Karl Fernandez…

MC: Anumang hamon, anumang panahon, tapat kaming maglilingkod, Ako po si Rashed MC Navela at
maraming salamat po.

You might also like