You are on page 1of 2

BRGY News

Constituents ng Brgy. Taloy nakiisa sa Simultaneous Clean-Up Drive

Naglinis ng mga kalsada at mga estiro ang mga constituents ng Brgy. Taloy bilang pakikiisa sa
Simultaneous Clean-Up Drive noong Enero 6, 2024.

Sinusuportahan ng barangay ang panukala ni Pres. Marcos na ukol sa National Community


Development Day alinsunod sa Kalinisan sa Bagong Pilipinas program. Layunin ng programang ito
paigtingin na “itaas ang kamalayan at hikayatin ang partisipasyon ng mga mamamayang Pilipino na
maging responsable sa kapaligiran sa pamamagitan ng tamang solid waste management.

Hinihikayat din ng programa ang mga yunit ng lokal na pamahalaan na mamuhunan sa mga
programa, proyekto, at aktibidad sa pamamahala ng solid waste at ecological practices. Hinihimok sila
nito na lumikha ng sistema ng pagkilala para sa pinakamalinis na local government units.

Tumulong ang BFP Municipal Fire Marshal ng Malasiqui na pinamumunuan ni FSINSP Sheiba
Dianne C. De Vera sa naturang aktibidad ng Brgy. Taloy. Namutol ng mga sanga at nag-alis ng mga
damo ang mga ito. Matagumpay na naisakatuparan ang oplan linis sa barangay.

BRGY. TALOY CLEAN UP DRIVE. Bayanihan sa paglilinis ng mga kalsada at estiro,


naisagawa sa Brgy. Taloy.

You might also like