You are on page 1of 1

Calumpang River Rehabilitation, isinusulong sa Sangguniang Panlalawigan

Isang public hearing ang isinagawa noong ika-14 ng Oktubre 2019 bilang tugon sa ipinapanukalang rehabilitasyon ng
Calumpang River sa lungsod ng Batangas, na pinangunahan ni 5 th District BM Arthur Blanco at dinaluhan ng
stakeholders ng Calumpang at Local Government Units (LGUs) na kalakip sa Calumpang River Basin.

Ang nasabing hearing, na siyang aksyon ng legislative department ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas sa
naging privilege speech ni BM Blanco patungkol sa Calumpang River Management noong September 30, ay nakatuon
sa pagpapabuti sa water quality at flood control sa nakapalibot sa Calumpang area.

Kaugnay nito, inilatag sa publiko ang masterplan ng Calumpang River para sa flood control, kung saan nakalakip rin
tourism component na inaasahang magiging kapaki-pakinabang; Dahil dito, sa tulong ng Pamahalaang Panlalawigan,
ay hinihikayat ang LGUs na kalakip sa Calumpang River Basin, lalo’t higit ang mga may babuyan at manukan na
pinagmmulan umano ng waste water na dumadaloy papunta sa ilog.

Ayon kay BM Blanco, na matatandaang 2018 pa lamang ay tinutuligsa na ang diumano’y pagkasira ng kalikasan,
partikular na ang Calumpang River, lubos na ikinababahala ang patuloy na pagpapadaloy ng dumi ng piggeries and
poultry farms na hindi lamang nakakaapekto sa Batangas City, kundi pati na rin sa mga karatig bayan ng San Jose,
Ibaan at Rosario, at sinasabi pa raw na may mga nakakaabot pang dumi sa Calumpang na nagmula pa sa Quezon
Province.

Samantala, hinimok rin ng Bokal na magkaroon ng sariling deposito ng dumi ang mga may ari ng piggeries at poultry
farms na kalakip ng Calumpang basin. Aniya, ang mga hindi susunod dito ay agarang aaksyunan at bibigyan ng
karampatang parusa ng kapulisan. Hinihiling rin niya na maging responsable ang mga ito sa paghahanapbuhay,
sapagkat nakasalalay dito ang susunod na henerasyon na makikinabang sa Calumpang River.

Dagdag pa nito, lubos na nakakalungkot ang pagkasira ng Calumpang River, na noon ay isa sa ipinagmamalaki ng
Batangas City sa dati nitong taglay na kalinisan at kagandahan, at inaasahang mapapanumbalik ito sa pamamagitan ng
mahigpit na pagsasakatuparan ng mga hakbanging nakalaan sa rehabilitasyon nito, at pakikipag-ugnayan ng LGUs,
stakeholders at iba’t ibang ahensya sa Provincial Government. –Marinela Jade Maneja, Batangas PIO Capitol

You might also like