You are on page 1of 2

Mga Nakalap na Datos Ukol sa mga Pabrikang Sinasabing Nagtatapon ng Basura sa Pasig River:

 Pinasok ng Manila SWAT at demolition team ng Pasig River Rehabilitation Commission


(PRRC) ang isang residential area sa Baseco Compound sa Tondo, Maynila. Una na raw
kasing inireklamo ng ilang residente roon ang lugar dahil sa masangsang na amoy ng mga
babuyan. Pagpasok ng demolition team, tumambad sa kanila ang mga dumi ng baboy na
itinatapon deretso sa ilog Pasig na mahigpit namang ipinagbabawal sa batas o sa Solid Waste
Management Act. Ang mga namamahala sa bahay-kulungan ang itinuturong responsable sa
pagtatapon ng mga dumi ng baboy sa Pasig River sa bahagi ng Maynila. Dahil dito, tuluyan
nang giniba ang mga piggery sa tabi ng ilog Pasig. Bukod kasi sa paglabag sa pagtapon sa
dumi't basura Pasig River, nasa batas din na dapat ay sampung metro ang layo ng anumang
estruktura mula sa ilog. Matapos naman ang demolisyon, pansamantalang nakilagay muna ang
mga may-ari ng kanilang baboy sa mga kapitbahay hanggang sa maibenta nila ito.

 Maraming lumalason sa Pasig River. Kabilang sa mga nagpaparumi ang malalaking


pabrika at establisimento na nasa pampang ng ilog. Wala silang pakundangan kung isuka ang
kanilang basura sa ilog. Pinarurumi rin ng squatters ang ilog sapagkat sa mismong mga kanal
na sila nagtatapon ng basura. Dito na rin sila dumudumi. Ang mga dumi nila ay iluluwa ng
estero sa Pasig River at dagdag sa lason doon. Kawawang ilog na masyado nang inabuso ng
mga tao. Hindi magtatagal at wala nang makikita sa ilog sa mga darating na panahon kundi
maitim na putik. Sa dami ng mga itinatapon dito, mapupuno na ang ilog at wala nang aagos na
tubig. Pawang basura at mabahong putik na lamang ang makikita sa ilog. Nadagdag sa mga
nagpaparumi sa Pasig River ang mga illegal na nag-aalaga ng baboy sa pampang. Matindi ito
sapagkat lahat ng tae at ihi ng baboy ay deretso sa kawawang ilog. Umaalingasaw sa baho ang
mga dumi na lalo pang nagdagdag sa pollution sa ilog. Mismong ginawa ang pigpens sa tapat
mismo ng ilog para madali ang paglilinis sa mga dumi ng baboy. Pagbayarin ang mga
nagpaparumi sa Ilog Pasig.

Analisasyon Ukol sa mga Nasaliksik na Artikulo:


Ang mga nabanggit na artikulo sa itaas ay parehong nagpapahayag na may mga
babuyan sa Maynila na sinadyang itayo malapit sa Ilog Pasig na mahigpit naming
ipinagbabawal ng batas. Ang mga babuyan na ito ay direktang nagtatapon ng kanilang
basura sa ilog, na magdudulot ng pagbara at polusyon sa ating Ilog Pasig. Bukod sa mga
basurang itinatapon ay sa ilog din idinederetso ng mga may-ari ng babuyan ang dumi at
ihi ng kanilang mga alagang baboy. Ito ay hindi lang nakasasama sa ilog dahil sa
polusyon, nakasasama din ito dahil ito umano ang dahilan ng masangsang na amoy sa
mga karatig bahay ng babuyan. Sa madaling salita ay nakakaperwisyo at nakadudulot ng
masamang epekto sa lugar at ilog ang illegal na gawain ng mga babuyan sa nasabing
lugar.

Mga Sanggunian:

Zyann Ambrosio. (2017, December 5). Mga Babuyang Nagtatapon ng Dumi sa Ilog Pasig,
Binuwag. https://news.abs-cbn.com/news/12/05/17/mga-babuyang-nagtatapon-ng-dumi-sa-ilog-
pasig-binuwag

Philippine Star NGAYON. (2017, December 15). Mga Bumababoy sa Pasig River, Parusahan.
https://www.philstar.com/pilipino-star-ngayon/opinyon/2017/12/15/1768844/editoryal-mga-
bumababoy-sa-pasig-river-parusahan

You might also like