You are on page 1of 30

Nasasagot ang mga tanong

tungkol sa tekstong pang-


impormasyon
Tuklasin Mo

• Suriin ang pagkakaiba ng mga larawan.


Alamin Mo
• Basahin upang masagot ang ibinigay
na mga tanong.
Ang Ilog Pasig noon ay isang mahalagang
rutang pantransportasyon na may habang 25
kilometro, malinis ang tubig na dumadaloy sa
ilog. Tunay na kabiha-bighani sa kagandahan ang
ilog na ito. Kasingganda raw ito dati ng Grand
Canal sa Venice. Ito ay na napalilibutan ng mga
berde at malalagong puno at halaman. Sagana
ito sa iba’t ibang uri ng ng isda at buhay-dagat.
Ito rin ang nag-uugnay sa Look ng Maynila sa
Look ng Laguna. Ito rin ang nagsasala ng mga
sobrang tubig mula sa Look ng Laguna at sa iba
pang labintatlong ilog at estero sa Manila.
Nilason din ang ilog ko.
Heto ngayon ang Ilog Pasig. Animo’y lupa ang
inyong nakikita sa larawan. Ngunit tunay na hindi
maikubli ang katotohanan. Ito ay pawang mga
naipong basura, napakarumi, nakadidiring tingnan at
nakasusulasok ang amoy na mula sa ilog. Halos wala
ka nang makikitang buhay na isda sa ilog na ito.
Nagsimulang dumumi ang katubigan sa ilog nang
mag-umpisang tirahan at tayuan ng kung ano-anong
estruktura ang gilid ng ilog. Naging tapunan ito ng
mga basura ng mga nakatira na malapit dito. Dahil
dito, unti-unting umalis ang mga hayop na
naninirahan sa ilog na, ang iba pa nga, sa kasamaang
palad, ay namatay.
Sa ngayon, gumagawa ng hakbang
ang gobyerno natin at ang iba’t ibang
ahensiya na buhayin muli ang Ilog
Pasig.
• 1. Gaano kahaba ang Ilog Pasig?
• 2. Paano inilalarawan ng may-akda ang tubig na
dumadaloy sa Ilog Pasig noon?
• 3. Sa anong ilog inihahalintulad ang kagandahan ng
Ilog Pasig noon?
• 4. Bakit sinasabing mahalaga ang papel na
ginagampanan ng Ilog Pasig sa ating pang-araw-
araw na pamumuhay?
• 5. Paano naging nakasusulasok ang amoy ng Ilog
Pasig ngayon?
• 6. Sa iyong palagay, sapat ba ang ginagawa ng
pamahalaan upang ibalik ang ganda ng Ilog Pasig?
Pangatwiranan.
Gawin Ninyo
Tunghayan ang mga detalye. Sumulat ng
mga argumento o isyung tinatalakay
upang mabuo ang graphic organizer na
ito. Maaari ring manaliksik at mangalap
ng datos.
• Ilog Pasig Noon
• ______________________
• Ilog Pasig Ngayon
• _______________________
• Paano nagbago ang Ilog Pasig ?
• Bakit nagbago ang Ilog Pasig?
• _________________________
Gawin Mo
• Ipaliwanag ang sagot sa bawat tanong.
• 1. Sino sa inyong palagay ninyo ang sumisira sa
ating anyong tubig katulad ng Ilog Pasig?
• 2. Ano ang kasalukuyang nadarama ng mga tao
kapag nakikita ang kaanyuan ng Ilog Pasig ngayon?
• 3. Sa palagay mo, ano ang mangyayari sa mga
anyong tubig kung patuloy na nilalapastangan ito
ng ating mga mamamayan?
• 4. Masosolusyonan pa kaya ang lumalalang
kalagayan ng Ilog Pasig ngayon?
Isaisip Mo
• Ano kaya ang mangyayari sa Ilog
Pasig sampung (10) taon mula
ngayon?
Isulat Mo
• Isa kang mamamahayag at
magpapasa ka ng iyong ulat hinggil
sa dahilan ng unti unting pagkasira
ng likas na yaman. Nakatira ka
malapit sa Ilog Pasig kaya ito ang
napili mong gawan ng ulat.

You might also like